Chapter SAVING GRACE: Chapter 19

ISANG linggo pagkatapos aminin sa akin ni Martin ang tungkol kay Joy, nagawa na rin niyang sabihin sa akin ang nangyari pagkatapos mawala na parang bula ang babae. Actually, hindi ko na binuksan ang topic na ‘yon kasi alam kong big deal ‘yon para sa kaniya. Alam ko ang pakiramdam na may kinikimkim na alaala at experience na ang hirap sabihin sa iba. Kaya akala ko hindi na uli namin mapag-uusapan ang nakaraan niya. Pero may nangyaring hindi inaasahan na naging dahilan kaya napunta uli roon ang usapan namin.

Nag-di-dinner kami sa isang fine dining restaurant sa bandang Ayala. Iyon ang unang beses na lumayo kami sa Katipunan para lang kumain. Nagulat pa nga ako nang ayain ako ni Martin. According to him, we have been seeing each other for more than two weeks and we deserve a real date. Apparently, wine and dine ang totoong date para sa kaniya. Hindi naman ako nagreklamo kasi na-mi-miss ko na rin ang ganitong klase ng dinner.

Hindi ko pa sinasabi kay Martin pero sa totoo lang, mula nang magkasundo kaming exclusively dating kami, opisyal na akong nagpaalam sa agency. I quit being a prostitute. Lahat din ng messages at tawag sa akin para bigyan ako ng raket o kaya indecent proposal tinatanggihan ko. I no longer have the desire to sleep with different strangers every night. I am quite content in fucking one man. Besides, he’s way better than all the men I’ve been with combined.

Nang sabihin ko sa bestfriend kong si Angel ang desisyong ginawa ko, nagtaka siya kung bakit hindi ko pa raw sinasabi kay Martin. Hindi ko rin alam kung bakit. At least, not until she said, “Sigurado akong may mababago sa relasyon ninyo ngayon kapag nalaman niyang nag-quit ka na sa trabaho mo.”

Narealize ko na ‘yon mismo ang dahilan kaya ayokong sabihin kay Martin ang tungkol doon. Okay ako sa set up namin ngayon. Ayokong mabago ‘yon. Ayokong maging komplikado. Ayokong mawala na naman ang isang layer ng depensa ko kapag nalaman niyang may ginawa akong malaking desisyon sa buhay ko dahil nakilala ko siya. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung ano ang susunod na hakbang na gagawin ko sa buhay ko. Malaki-laki naman ang ipon ko kaya puwede pa akong mag-isip ng matagal-tagal. Pero wala akong balak sabihin kay Martin. Not yet.

“Masyado ka yatang tahimik. Anong iniisip mo?”

Kumurap ako at bumalik sa kasalukuyan ang atensiyon ko. Oo nga pala. Nag-di-dinner kami. Nakaangat ang mga kilay ni Martin at nakatitig sa akin habang umiinom ng red wine. Ngumiti ako at uminom rin ng wine bago nagsalita. “Wala akong iniisip. I’m just enjoying this moment.”

Naningkit ang mga mata niya, hindi naniniwala pero hindi rin naman pinilit ang isyu. Saka dumating na rin ang main course namin kaya na-focus na sa pagkain ang atensiyon naming dalawa. Kaswal na kaming nag-uusap habang kumakain nang biglang lumampas ang tingin ni Martin at parang may nakita sa likuran ko. Nakatalikod kasi ako sa pinto ng restaurant. Kumunot ang noo ko kasi halatang nagulat siya at namutla pa nga ang mukha. Naramdaman ko rin na bigla siyang na-tense. Kaya lumingon ako para tingnan kung anong nakita niya.

May isang pareha ang pumasok sa restaurant. They are a beautiful couple. The woman is pretty, fashionable, tall and model thin. The guy is gorgeous in a rugged way even though he’s wearing a suit. Naglalakad ang pareha nang biglang mapalingon sa lamesa namin ang lalaki. Huminto siya at bumakas ang rekognisyon sa mukha niya. Narealize ko na magkakilala sila ni Martin. Friend? Relative? Biglang napunta sa akin ang tingin ng lalaki. Tumiim ang mga labi niya at naningkit ang mga mata. Pagkatapos sandali niyang kinausap ang babaeng kasama at saka mabilis na naglakad palapit sa amin.

Narinig kong mahinang nagmura si Martin kaya ibinalik ko sa ka-date ko ang atensiyon ko. Apologetic na tiningnan niya ako. “Grace –”

Bago pa niya matapos ang sasabihin huminto na sa tabi ng lamesa namin ang lalaki. “How surprising to see you here, Martin.”

“James. May trabaho ka ngayon ‘di ba?”

“I am working.” Hindi lumilingon na itinuro ni James ang babaeng kasama niya. “That’s the daughter of the designer I’m working with. Pero ikaw…” Ngayon lang ako sinulyapan ng lalaki. Tumingala ako at nagtama ang mga paningin namin. In fairness, he looks so much better and sexier up close. But I have a strong feeling that he’s a very dangerous man. “I didn’t know you’re seeing someone,” sabi pa niya na sa akin pa rin nakatingin.

Tumikhim si Martin, tensiyonado pa rin. “Grace, this is James, my brother.” Tumaas ang mga kilay ko at napatingala na naman sa lalaki.

Nakangiti na siya sa akin at inilahad ang kamay. “Hi, Grace.” Nagtama ang mga paningin namin at ngayon nasiguro ko na mapanganib na lalaki talaga si James. Flirty ang tono niya at maganda ang ngiti. Pero wala ni katiting na sinseridad sa mga mata niya. Malamig, mapaghinala at halos bayolente ang paraan ng titig niya sa akin kahit na nakangiti siya.

Itinaas ko ang noo ko at gumanti ng charming at peke ring ngiti. Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya at sinalubong ang tingin niya kasi gusto kong ipakita sa kaniya na hindi ako nai-intimidate. “Hi James.”

Ilang segundong nagtagis lang ang tingin naming dalawa bago namin dahan-dahang binawi ang mga kamay namin. Bumaling si James kay Martin at tinapik siya sa balikat. “Well, go and continue your dinner. I have to go. Let’s talk later.”

Tumango si Martin, pilit hinuhuli ang tingin ng kapatid. Tense pa rin siya at parang worried na hindi ko maintindihan kahit nang tumalikod na si James at naglakad na palayo sa lamesa namin. Sinusundan niya ng tingin ang kapatid habang ako naman sa mukha niya nakatitig. Nang bumalik sa akin ang atensiyon niya at mahuli niya akong mataman na nakamasid tumikhim siya at ngumiti. “Lumamig na ang pagkain namin.”

Hindi ko sinakyan ang pag-iiba niya sa usapan. Sumandal ako sa silya at humalukipkip. “Siya ang mas matanda sa inyong dalawa ‘no?”

Kumurap si Martin, halatang nagulat. “Paano mo nalaman?”

“Kasi obvious na overprotective siya sa’yo. He was practically intimidating me with his eyes.”

Ngumiwi siya. “Sorry sa inasal niya. May dahilan kung bakit siya ganoon.”

“At sigurado rin ako na may dahilan kung bakit na-tense ka nang makita mo siya. Sa tingin ko naman close kayong magkapatid kaya naku-curious ako kung bakit ganiyan ang reaksiyon mo, Martin.”

Napatitig siya sa akin at napansin kong nag-iba ang facial expression niya. Parang bigla siyang na mesmerized. “You know, noon ko pa ‘to napapansin pero magaling ka bumasa at mag-analisa ng tao, Grace.”

Ngumiti ako. “Hindi ko pa nga pala nasasabi sa’yo ‘no? Hanggang third year college lang ako pero Psychology ang course ko. Kahit papaano nagagamit ko sa tunay na buhay ang mga napag-aralan ko.”

“And you’re really smart. Bakit hindi mo tinuloy?”

Nagkibit balikat ako. “Iniiba mo ang usapan, Martin.”

Bumuntong hininga siya at napahawak sa batok. Halatang nag-iisip nang mabuti at nang makapagdesisyon sinalubong niya ng tingin ang mga mata ko. “I’ll tell you later. I promise.”

FOR THE PAST weeks, we began to have a habit of chatting after sex. Tungkol lang sa kung anu-anong bagay. Pero ngayong gabi, kahit na pareho kaming automatic na naghubad, alam ko na mauuna ang pag-uusap bago ang sex. Umupo siya pasandal sa headboard ng kama, nakatakip ang kumot sa kandungan. Ibinuka niya ang mga braso at may munting ngiti sa mga labi. “Come here, Grace. I want to feel your naked body against mine.”

Sumikdo ang puso ko at kumalat ang init sa buong katawan ko. Kasi ‘yon din ang gusto ko. I missed the feel of his naked body against mine even though it was just two nights ago since we fucked. Sumampa na rin ako sa kama at padapang gumapang palapit sa kaniya. Then I settled myself inside his warm and strong arms. Pareho kaming kuntentong bumuntong hininga nang magkadikit ang mga katawan namin. Matagal na marahan ko lang hinahaplos ang dibdib niya habang ang kamay naman niya ang braso ko ang hinihimas.

“Tinanong mo ako dati kung anong nangyari pagkatapos mawala sa buhay ko si Joy. Natatandaan mo ba?” mahinang basag ni Martin sa katahimikan.

“Oo. Natatandaan ko.”

Huminga siya ng malalim. “It was hell for me. Marami na akong nakarelasyon bago ko siya nakilala pero narealize ko ‘non na si Joy ang unang babaeng minahal ko talaga ng todo. Bilang doktor niya, masaya akong natulungan ko siya makakawala sa depression at trauma. Na nagdesisyon siyang umusad sa buhay niya. Bilang doktor sa tingin ko tama siya ng desisyon na lumayo. But as a man who was in love with her, I didn’t take her decision well. Oo at hinayaan ko siyang umalis pero bawat araw na lumilipas, pabigat ng pabigat ang pakiramdam ko. Regrets, longing and loneliness filled my whole being. Pagkatapos nang puntahan ko ang apartment building kung saan siya nakatira dati, may nalaman akong hindi magandang balita. And everything that has happened since she went away finally broke me.”

Gumaralgal ang boses ni Martin at wala sa loob na niyakap ko siya ng mahigpit. Pumikit ako kasi kailangan ko kalmahin ang puso kong parang nilalamutak. I used to enjoy a man’s weakness. I used to savor a man’s vulnerability. Pero hindi ang lalaking ito. His pain makes me ache. His vulnerability makes me weak too. And that realization scares the shit out of me. Kasi ayokong makaramdam ng ganito para sa kahit na sino. Kaya imbes na mag-focus sa feelings ko, itinuon ko na lang ang atensiyon ko sa kuwento niya.

Nagulat ako nang aminin niyang nagkaroon siya ng mental breakdown. Na kinailangan talaga niya ma-confine sa ospital at matagal bago siya unti-unting bumalik sa normal kahit papaano. Na noong mga unang linggo para raw siyang palutang lutang lang sa kawalan, naghihintay mamatay. I know that feeling very well. I’ve been there. Though hindi katulad niya, hindi ko kinailangan ng professional help at mas lalong hindi ako naospital. I did my best to get out of that void alone, using my own will power.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.