Chapter SAVING GRACE: Chapter 33

HINDI AKO makahinga. Sa gitna kasi nang pagkukuwento ko bigla akong hinila ni Martin at niyakap ng mahigpit. Hindi ako kumalas sa yakap niya kasi kailangang kailangan ko ‘yon. Hanggang matapos ang kuwento ko, nakapaikot ang mga braso niya sa akin at nanginginig ang buong katawan niya. Maraming beses ko rin naramdaman ang paghalik niya sa buhok ko, sa tainga ko at sa batok ko. Ang palad niya humahaplos sa likod ko. “Grace, oh Grace, love, I’m sorry,” garalgal na bulong niya, paulit-ulit.

Love. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko sa endearment na ginamit niya para sa akin. Gumanti ako ng yakap, pumikit at isinubsob ang pisngi sa dibdib niya. “Ikaw pa lang ang pangalawang tao na sinabihan ko ng nangyari noon,” bulong ko. “They did a lot of dirty things to my mouth, you know. Kaya ayokong hinahalikan sa lips kasi naalala ko ang mga ginawa nila. Pero sa tuwing hinahalikan mo ako nawawala sa isip ko ang pangit na alaala. Malaki ang naging epekto ng pagdating mo sa buhay ko, Martin.”

Humigpit ang yakap niya sa akin at naramdaman ko ang pag-alog ng mga balikat niya. “I wish I was there,” paos na bulong niya. Namasa ang mga mata ko at sumikip ang dibdib ko kasi may palagay akong umiiyak siya. “I wish I was able to protect you, Grace. I wish I was able to stop them from doing that to you. I wish… God, I want to kill them, love.”

Huminga ako ng malalim at inangat ang ulo ko mula sa pagkakasubsob sa dibdib niya. Parang nilamutak ang sikmura ko nang makita ang emosyon sa mga mata niya at ang pamamasa ng mga pisngi niya. Ikinulong ko ang mukha niya sa magkabilang palad ko at masuyo siyang hinalikan sa mga labi. “I feel so much better now that I told you,” bulong ko.

“Please sabihin mo sa akin na naparusahan sila. Na nagdusa sila dahil sa ginawa nila sa’yo, Grace.”

Mapait akong ngumiti at bumalik ang sama ng loob ko sa parents ko. “Hindi nagsampa ng kaso ang mga magulang ko. In fact, binayaran nila ang doktor na tumingin sa akin para hindi makalabas na nagahasa ako. Nagalit ang housekeeper namin sa parents ko at tinanggal siya sa trabaho pagkatapos bantaan na kapag nakarating sa iba ang nangyari ay hindi matatahimik ang pamilya niya. Ganoon din ang naging panakot ng parents ko sa lahat ng kasambahay namin. Binibgyan sila ng pera para bilhin ang loyalty at pananahimik nila. Hindi naparusahan ang dalawang kaibigan ng kapatid ko.”

“Bakit?” magkahalong galit at pagkamanghang tanong ni Martin.

Uminit ang mga mata ko at parang nilalamutak ang puso ko. “Kasi nahihiya silang malaman ng mga tao ang nangyari. Nahihiya silang malaman ng lahat na naroon ang kuya ko pero hindi niya ako tinulungan. Na kaya hindi niya ako natulungan kasi lulong siya sa droga. Nadala sila ng iyak, guilt at pagmamakaawa ng kapatid ko. Pinili nilang ilihim ang nangyari sa akin, ang kalimutan ang lahat para huwag masira ang buhay ng kuya ko at hindi maging kahiya-hiya ang pamilya namin sa harap ng ibang tao. Masyado silang naka-focus sa public image nila at masyado nilang mahal ang kuya ko para ipagkanulo siya.”

“So, ano? Isinakripisyo ka nila? Hinayaan nilang malaya at hindi naparusahan ang mga taong sumira sa buhay mo? Hindi katanggap-tanggap ang mga rason nila, Grace!” galit na sabi ni Martin.

Mapait akong ngumiti at inilapat ang noo sa noo niya. “I think so too. Pero anong gagawin ko ‘non Martin? Fourteen years old lang ako. Pinilit kong umakto na parang walang nangyari pero bawat araw na lumilipas, nasasakal na ako sa loob ng bahay namin. Sa tuwing wala akong choice kung hindi harapin ang parents ko, kailangan ko kagatin ang loob ng pisngi ko hanggang malasahan ko ang dugo kasi kung hindi siguradong may sasabihin akong hindi maganda. At ang kuya ko… alam mo ba na madalas na siyang umuuwi sa bahay at palaging humihingi ng tawad sa akin. Pero kapag ayoko siya kausapin siya pa ang magagalit at magsusumbong sa parents ko.

“The months after that terrible incident were a living hell for me. Pinilit ko lang maka-graduate ng high school at pagkatapos ‘non naglayas ako. Lumuwas ako ng maynila, sa address na ibinigay sa akin ng housekeeper namin na tinanggal ng parents ko. Tinanggap ako ni Nanay Tere, pinatira, tinulungan makahanap ng trabaho sa isang burger joint at sinoportahan para makapasok ako sa college na malapit sa bahay nila. Hindi pa ako bumalik uli sa amin. Wala pa rin akong balak bumalik.”

“So, kanina sa ospital, ‘yon ang unang beses na nakita mo ang parents mo pagkatapos mong lumayas?”

Umiling ako at mapait na ngumiti. “Nagpakita sila sa akin nang isang beses noong first year college ako. Akala ko mag-so-sorry na sila sa akin, na kakamustahin nila ako. Pero alam mo ba kung anong una nilang sinabi sa akin? Sabi nila patawarin ko na raw ang kapatid ko. Na wala siyang kasalanan. Na biktima lang din daw siya ng droga at ng mga kaibigan niyang traydor. They said blood is thicker than water. But I cannot forgive him, Martin. Most of all I cannot forgive my parents for not protecting me, for not fighting for me and for not taking my side.”

“Then don’t forgive them,” pinal at seryosong sagot ni Martin. Niyakap niya ako uli at nasubsob ang mukha ko sa leeg niya. “Don’t forgive them.”

Humikbi ako pero gusto ko rin matawa sa relief. “You know, isa sa dahilan kung bakit natakot akong sabihin sa’yo ang tungkol dito ay dahil naisip ko na kung papayuhan mo ako na patawarin sila at kalimutan na rin ang lahat para sa peace of mind ko at kung anu-ano pang sinasabi ng isang psychiatrist, baka makipag-break na ako sa’yo.”

Niluwagan niya ang yakap sa akin at ikinulong ang mukha ko sa mga palad niya. Nagtama ang mga paningin namin at nakita ko ang sinseridad sa mga mata niya. “When I’m with you, I’m not a psychiatrist, Grace. I am a man who likes you. Tao lang tayo at may karapatan tayong huwag magpatawad lalo na kung walang kapatawaran ang ginawa sa atin. And what they did to you… that was unforgivable, Grace. Kaya kung hindi mo sila kayang patawarin, huwag mo pilitin ang sarili mo. Move on with your life and be happy but don’t forgive them.”

Napangiti na ako. May init na humaplos sa puso ko. “Masaya akong ‘yan ang sinabi mo.

Because I don’t want to break up with you. Pero applicable ba sa atin ang term na break-up kung wala naman label ang relasyon natin?”

Naningkit ang mga mata ni Martin at hinawakan ako sa batok. “We are in a relationship Grace. Pero ayokong maging applicable sa atin ang term na ‘break-up’ kahit kailan. You are mine and I am yours and that’s it. Naiintindhan mo?”

Na-touch ako. Alam na niya ang lahat ng tungkol sa akin, kahit ang pinakapangit na bahagi ng buhay ko. Pero heto siya, inaangkin pa rin akong kanya sa kabila ng lahat. Hinalikan ko siya sa mga labi. Gumanti siya ng halik na mas mainit, malalim at mapusok.

He slid his tongue inside my mouth, tasting the inside of my cheeks before meeting my own tongue in a sensual dance. His hand touched the side of my body, from the side of my breasts and down to my thigh then up again. I moaned and hot electricity ran through my veins when he massaged one of my breasts. My nipples hardened and intense need pooled between my legs. I want him so much it hurts. I am desperate to get closer to him, to get connected to him in every sense of that word. I need to feel him inside me. “Martin,” daing ko sa mga labi niya.

“I know,” ganting bulong niya, mariin akong hinalikan bago bumaba sa leeg ko ang mga labi niya. Ang mga kamay niya ay hinawakan ang laylayan ng blouse ko. Isang hila lang natanggal na niya ‘yon mula sa katawan ko. Sumunod niyang nahubad ang bra ko. Bumalik sa mga labi ko ang halik niya. “Talking time is done for now.”

Umangat ang kamay ko sa ulo niya at sumabunot sa buhok niya nang bumaba ang mga labi niya sa collarbone ko. Pagkatapos maingat niya akong tinulak hanggang mapahiga na ako sa sofa. Pumatong siya sa akin. Ipinatong ko sa sandalan ng sofa ang isang binti ko at mabilis niyang pinagdikit ang ibabang katawan namin. Pinaikot ko ang isa kong binti sa balakang niya. We both groaned when our sex grind against each other. Even through the material of our jeans I can feel that he’s already hard and hot. He slowly thrust himself against me while his lips captured one of my nipples. I arched my back and moaned his name as he sucked and licked me. “Martin, I want you inside me. Now,” daing ko.

“Shh,” bulong niya bago inilipat ang atensiyon ng mga labi at dila niya sa kabilang tuktok ng dibdib ko. “This is what you need, Grace. This is what I need. Let’s take this slow, love.” Humaplos pababa sa sikmura ko ang palad niya, pababa pa hanggang walang kahirap-hirap niyang natanggal ang butones at nababa ang zipper ng skinny jeans na suot ko. Pumaloob sa panties ko ang kamay niya at malakas akong umungol nang maramdaman ko ang mga daliri niya sa pagkababae ko. He didn’t stop licking and sucking my nipples as his fingers played with my wet folds, making my whole body shiver with carnal pleasure. He slid two fingers on my entrance, slowly pumping them in and out of me. Then his thumb found my clit and my body jerked like I was struck with lightning. He rolled that bundle of nerves in his thumb then pressed hard. I cried out as orgasm took hold of me.

Umangat ang mukha niya at napatitig sa akin, mukhang namangha na ganoon lang kabilis niya akong nadala sa rurok. Nanginginig ang buo kong katawan nang magtama ang mga paningin namin. Then he smiled a sexy smile and kissed my lips. “I really love the way you look when you’re having an orgasm. You’re so beautiful when you come.”

May humaplos na init sa puso ko at may bumara sa lalamunan ko. Naooverwhelm ako sa emosyong nakikita ko sa mga mata niya. He’s so giving, so caring and so amazing that I had a strong urge to drive him crazy. Bigla ko siyang tinulak hanggang mapaupo na kami uli pareho. Nanlalambot pa ang mga tuhod ko pero tumayo ako sandali para tuluyang hubarin ang jeans at panties ko. Naging mainit ang titig sa akin ni Martin. He looks at my naked body with a hunger than excites me. Mapangakit akong ngumiti, lumapit sa kaniya at inilapat ang mga kamay ko sa magkabilang hita niya. Naningkit ang mga mata niya at kumislap ang mga ‘yon sa pagnanasa nang itulak ko pabuka ang mga binti niya at lumuhod ako sa harapan niya.

“Grace,” magkahalong banta at daing ang tono niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.