“SIGURADO kang kaya mo silang harapin na hindi ako kasama?” worried na tanong ni Martin sa akin. Humigpit pa ang hawak niya sa kamay ko.
Ngumiti ako at tumango. “Sigurado ako.” Katunayan ay kalmado ako. Tumingkayad ako at magaan siyang hinalikan sa mga labi. “Sandali lang ako. Hintayin mo na lang ako sa office mo.”
Tumango siya at halatang nag-aalangan pa rin nang pakawalan ang kamay ko. Saka ako lumapit sa isang VIP room ng ospital. Umatras ang dalawang bodyguard ng tatay ko para padaanin ako. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Nakaupo sa hospital bed ang tatay ko at nakasandal sa headboard. May mga nakakabit na dextrose sa kamay niya. Mukha siyang tumanda ng twenty years at sobrang payat din. Malayo sa dati niyang hitsura. Katatapos lang ng open heart surgery niya last week. Ang nanay ko naman ay nakaupo sa silya sa tabi ng kama.
Pareho silang nagulat na makita ako. Palibhasa ni hindi naman nila alam na alam kong nagpaopera ang tatay ko. Kay Martin ko nga lang nalaman at nalaman lang din niya sa lead surgeon na nagkataong isa sa kakaunting malapit na kaibigan niya. “I heard successful daw ang operasyon mo at next week puwede ka na lumabas. That’s good,” basag ko sa katahimikan.
Ang nanay ko ang unang nakabawi sa pagkagulat. Tumayo siya, lumambot ang ekspresyon at ngumiti. “I miss you, Grace. You’re father misses you too. Masaya akong nakipagkita ka sa amin.”
“Stop, mama,” pigil ko nang humakbang siya at parang gusto akong lapitan at yakapin. Napahinto siya, namutla at nalaglag ang mga balikat. Bumuntong hininga ako. “Kaya ko na kayong makita ngayon pero hindi ko pa kayang mahawakan at mayakap niyo. I still can’t forgive and forget. At hindi ko alam kung kailan ‘yon mangyayari o kung mangyayari pa ba ‘yon.”
“Then why are you here?” tanong ng tatay ko. Sa unang pagkakataon, hindi siya galit. Mukha siyang pagod ngayon. Mukhang talunan. “Alam ko na walang kapatawaran ang mga naging desisyon namin noon kaya hindi ako humihingi ng sorry sa’yo. In my mind I don’t want you to forgive us.”
“Kaya ka nagagalit palagi sa tuwing nagkakausap tayo at kaya lagi mo akong iniinsulto?” tanong ko. Hindi ko napigilan maging sarcastic.
Yumuko siya, pumikit at nakita ko ang matinding guilt at paghihirap sa facial expression ng tatay ko. “Hindi ako nagagalit sa’yo dahil hindi mo kami mapatawad. Nagagalit ako na sinisira mo ang buhay mo dahil sa nangyari noon. I was angry because I feel like a failure as a father. Dalawa lang ang anak ko pero parehong hindi naging maganda ang buhay nila. Huli na nang marealize ko na mahina pala ang loob ng panganay kong anak at sa sobrang responsibilidad na naiatang sa kaniya, droga at maling barkada ang naging takbuhan niya. Ang prinsesa ko… hindi namin naprotektahan at piniling ibenta ang katawan sa kung sino-sinong lalaki. I am so ashamed of myself for not being a good parent to my children.”
May bumara sa lalamunan ko. “Kung pinili niyo ako noon at hindi si kuya, kung hindi niyo pinakawalan ang mga bumaboy sa akin, naging iba sana ang takbo ng buhay ko.”
“If we did that, it will break your brother, Grace,” naiiyak nang sabi ng Mama ko. “He was so mentally weak. Hindi niya makakayang harapin ang kahihiyan. Hindi namin sinabi sa’yo, pero pagkatapos ng nangyari ay ilang beses niyang sinubukan magpakamatay. He had a nervous breakdown because he cannot take the guilt of what happened to you. Lumipas ang mga taon pero hindi niya makalimutan ang nangyari. Dinadalaw siya hanggang sa pagtulog at lalong nalulong sa droga dahil ‘yon lang ang nakapagpalimot sa kaniya. Though, hindi pa rin namin siya nailigtas at namatay din dahil sa bisyo niya.
“Pero ikaw… matapang ka, Grace. Malakas ang loob at matibay ang isip. You were broken but you held your head high. Narealize namin na kakayanin mo ang lahat. Na kahit hindi mo kami mapapatawad, at least alam naming hindi mo iisiping magpakamatay na katulad ng kuya mo. You are strong and we are proud of you. We love you.”
Inalis ko ang tingin sa mga magulang ko kasi namamasa na ang mga mata ko. Maybe I am really the tough one. Maybe I am really mentally strong. Nasabi na rin ‘yon sa akin ni Martin kailan lang. Na kung iba raw ang dumaan sa napagdaanan ko noon, baka hindi raw kinaya. Ako nga raw ni hindi kinailangan ng psychiatrist. I am strong. At dahil mas malakas ako, ako na ang dapat unang mag reach out sa parents ko. Huminga ako ng malalim at nang makalma ko ang sarili ko ay hinarap ko uli sila. “Naiintindihan ko na. Pero hindi pa rin magiging madali sa akin ang maging malapit uli sa inyo. But… I will try, okay?”
Halatang nakahinga ng maluwag ang parents ko. Ngumiti sila at sunod-sunod na tumango. Unti-unti nabawasan ang feeling na may humahalukay sa sikmura ko. Tumango rin ako at tumikhim. “Well, aalis na ako. Gusto ko lang makitang okay ka na talaga, Papa.”
“Are you still seeing that doctor?” biglang tanong ng tatay ko.
Nagulat ako. “Yes. Bakit niyo natanong?”
“He is a good man, isn’t he? Nakausap namin siya isang araw bago ang operasyon ko. Hindi siya nagdalawang isip na sabihin sa amin ang opinyon niya tungkol sa nagawa namin sa’yo noon. I think he really cares for you.”
“And he loves you,” sabi naman ng Mama ko.
Ngumiti ako. “Alam ko. At mahal ko rin siya. He’s it for me.”
Nakakaunawang tumango ang mga magulang ko. Tumikhim ako uli at nagpaalam. Saka ako lumabas ng hospital room at walang lingon likod na naglakad palayo.
Dumeretso ako sa opisina ni Martin. Nang buksan ko ang pinto, nakita kong nakahilig siya sa lamesa paharap sa akin na para bang hinihintay niya talaga ako. Nagtama ang mga paningin namin. “How was it?” nag-aalalang tanong niya.
Nagkibit balikat ako at tipid na ngumiti. “Better than I expected.”
Gumanti siya ng ngiti. Pagkatapos ibinuka niya ang mga braso at walang pagdadalawang isip na lumapit ako sa kaniya. I stepped between his thighs and sighed when he wrapped an arm around my waist to pull me closer to his body. Ang isang kamay niya ay napunta sa batok ko, marahang minasahe ng mga daliri ang anit ko. Bumuntong hininga ako at sandaling humilig sa balikat niya. “That feels nice,” ungol ko.
Huminga ng malalim si Martin at naramdaman kong nag-react ang katawan niya sa ungol ko. I can feel him getting hard against my belly. Napangisi ako at tiningala siya. “You know, we haven’t had sex in your office yet. Gusto mo binyagan natin?”
Natawa siya. Bumaba ang kamay niyang nasa baywang ko at pinisil ang pang-upo ko. Napatili ako. “Bakit ba? Ayaw mo?”
Hinalikan niya ang leeg ko. “Of course I want to. Sex with you is heaven.” Napunta sa tainga ko ang mga labi niya. I moaned when he licked my earlobe. “If it was your fantasy to do it in my office, I will gladly oblige. We can even leave the door open.”
Oh God, uminit ang pakiramdam ko at nanginig ako sa pagnanasa. “I think I like that idea,” bulong ko.
Ngumiti si Martin at inangat ang ulo para magkatinginan kami. “What other fantasies do you have?”
Sandali akong nag-isip, ang mga kamay ko ay humahaplos na sa dibdib niya, pababa sa tiyan niya at pababa pa sa waistband ng slacks niya. He’s fully hard now and I had a strong urge to get on my knees and kiss him there.
“Naghihintay ako, Grace.” Hinawakan niya ang baba ko at masuyo akong tiningala hanggang bumalik sa mukha niya ang tingin ko.
“I want to be tied down.”
Ngumiti siya at kumislap ang mga mata niya. “Really?”
Bumilis ang tibok ng puso ko kasi may pakiramdam akong iba ang nasa isip ni Martin. Lumunok ako at tumango.
“Then give me your hands and close your eyes.”
Hindi na ako masyadong makahinga. Titig na titig ako sa mukha niya. “Martin?”
“Come on, love.”
Inangat ko sa harapan namin ang mga kamay ko at nang tingnan ko ang mga ‘yon narealize kong nanginginig ako. Dahan-dahan akong pumikit. Naramdaman kong gumalaw si Martin, parang may inaabot mula sa kabilang side ng lamesa niya. Pagkatapos hinawakan niya ang mga kamay ko. Does he have a rope inside his office? Are we really going to have kinky sex here? Pero walang taling pumaikot sa mga kamay ko. Napadilat ako nang maramdaman kong may inilagay siya sa daliri ng kaliwang kamay ko. Yumuko ako at nahigit ko ang hininga ko nang makita ang isang simple pero magandang diamond ring. Napanganga ako at uminit ang mga mata ko. Lalo na nang tingalain ko si Martin na titig na titig sa mukha ko.
“M-martin…”
Ngumiti siya, hinawi ng mga daliri ang hibla ng buhok kong tumabing sa pisngi ko at inipit ‘yon sa tainga ko. “I want to tie you down, Grace. Will you marry me?”
Namasa ang mga mata ko at uminit ang pakiramdam ko.
“Hindi ko sinasabing gawin natin agad at alam ko rin na marami ka pang planong gawin sa buhay mo. Alam ko na babalik ka pa sa school at bubuo ng sarili mong career. But I still want to marry you. We can postpone having kids and focus on fulfilling your dreams first. But let me be your husband, Grace. Hayaan mo akong alagaan at suportahan ka. Hayaan mo akong makasama ka sa iisang bahay. Hayaan mo akong gumising sa umaga na ikaw ang una kong nakikita at matulog sa gabi na ikaw ang kayakap ko. Let me love you for the rest of our lives, Grace.”
Naooverwhelm ako at tumulo ang mga luha ko. Gosh, hindi ko inakala na iiyak ako kapag may nag propose sa akin. Actually, hindi ko inakala na magmamahal ako ng ganito at na gugustuhin akong pakasalan ng lalaking mahal ko. Pinalupot ko ang mga braso ko sa leeg niya at mariin siyang hinalikan. Pagkatapos emosyonal akong nagsalita, “Yes, Martin. I will marry you. As soon as possible.”
Natawa siya at mahigpit akong niyakap. Hinalikan niya ang pisngi ko. “I’m glad you said yes.”
“I’m glad you asked.” Nagkatitigan kami at nagkangitian. “So,” naging pilya ang tono ko, “Binyagan na natin ang opisina mo.”
Malakas siyang tumawa, inilapit ang mukha sa akin at bumulong, “Let’s do it.” Pagkatapos hinalikan niya ako. Bigla ko narealize na sa halik niya talaga nagsimula ang lahat. His kiss was my salvation.
~WAKAS~
note: ang kuwento po ni James Salgado ay may pamagat na Redeeming James :)