Chapter 13

“Can you explain why we’re having this trip again?” tanong ko kay Alyanna habang naghahanda ng mga dadalhin para sa naisipan niyang quick getaway kasama ang mga kaibigan namin. Inaya na lang niya ako kaninang umaga para maggrocery dahil mamayang gabi ay aalis daw kami kaya tumutulong na lang din ako sa mga kasambahay namin sa pagluluto at paghahanda ng dadalhin namin.

Holiday sa Lunes kaya naman naisipan ni Alyanna at Lean na mag-set ng bakasyon. Hindi naman na kami lalayo dahil sa may Rizal na lang kami pupunta na muna ngayon. As much as they want to go somewhere near the beach, hindi sumang-ayon si Enzo dahil wala raw silang balak magdrive. Hindi naman na rin nakaka-kontra si Theon sa lalaki.

Kumuha siya ng isang strawberry at kumain habang nakaupo. She shrugged. “Para lang makapagbonding tayo. Si Mommy naman na ang bahala kay Nikolai kaya wala ka namang dapat na problemahin,” she smiled at me.

I rolled my eyes. Alam naman niya ang tungkol sa bagay na iyon dahil bukod sa unang apo nila Mommy si Nikolai, ito ang pinakakinagigiliwan nila ngayon. I am actually happy that they accepted Nikolai. Kahit na noon ay hindi matanggap ni Mommy ang nagawa ko.

I smile a little when a thought goes inside my mind.

“Jahann!” malakas na tawag ni Alyanna sa lalaki nang makita nito ito. Agad namang lumingon si Jahann sa amin at agad na tumingin sa akin. Kunot na naman ang noo nito at naglakad papunta sa akin.

“What car are you gonna use later?” Alyanna asked him.

“I have my own car, what do you expect me to use?” he asked her back. Napangiti na lang ako. Nasabihan naman na si Jahann tungkol sa plano at hindi naman na rin siya nagreklamo nang malaman niyang sasama ako.

“You might want to use our family car kasi para sabay na lang lahat,” Alyanna rolled her eyes and walked towards me. Napalingon naman ako sa kanya nang yakapin niya ako. “Diba, Twin? Mas better kung ‘yung malaking sasakyan dadalhin ni Jahann para sa ating lahat?”

“Uhh…” napalingon ako kay Jahann at napasimangot naman siya. Alam niyang possibleng kampihan ko si Alyanna. “Maybe Jahann wants to use his car. Sabihan na lang natin sina Lean para si Enzo ang magdrive?” suggestion ko kay Alyanna.

Napanguso naman ito pero tumango rin pagtapos. “Yeah, I’ll call Lean to arrange things with them.”

“I invited Airi,” ani Jahann. Natigilan naman ako sa ginagawa ko at napalingon sa kanya.

Lumaki ang ngiti ni Alyanna sa lalaki. “I knew it! Kaya hindi ko na rin muna siya sinabihan para ikaw ang mag-initiate and I am really glad you’re doing it na!” Tinapik pa nito ang braso ni Jahann bago masayang naglakad palabas ng kusina.

“Bakit ganyan itsura mo?” tanong ni Jahann sa akin. Hindi na lang ako kumibo at ipinagpatuloy ang pagluluto ko ng kakainin namin mamayang gabi.

Alyanna requested paella so I am making one.

Sila Manang naman na ang nag-ayos ng mga iihawin. More like we're in charge of food. Si Theon at Keij na ang nag-usap tungkol sa mga dadalhin nilang alak.

“Hey, are you mad?” Jahann leaned on the counter and cocked his head on the side.

“No,” I replied. Hindi pa rin ako lumilingon sa kanya.

I heard him chuckle and I turned my head on him when I felt his hand on my cheek.

“You’re jealous. Again.” Visible sa mukha nito na gusto nitong ngumiti pero pinipigilan lang ang sarili. Hindi ko na malaman tuloy kung nantitrip lang ba si Jahann na kasama si Airi o hindi.

I rolled my eyes at him. Hindi na lang ako sumagot sa kanya tungkol sa bagay na iyon. Sa halip, iniba ko na lang ang usapan.

“How’s Lola?” I asked him instead. Si Jahann lang ang madalas na nakakausap nito dahil may mga pinapaasikaso pa rito na mga business ang parents ni Daddy. Hindi naman kami maalam ni Alyanna sa negosyo kaya wala namang kaso sa amin ang bagay na iyon.

“She’s excited to see Nikolai,” he said and shrugged. “I told her he looked like me.”

“Jahann!” pinanlakihan ko ito ng mata. Napalingon din ako sa paligid kung may nakarinig ba sa sinabi niya.

Hindi ko pa naman sinasabi sa kanya ang totoo. All he has are assumptions. Hindi naman din niya ako tinatanong, ipinagdadamot niya lang si Nikolai kay Ian dahil sinasabi niya na siya ang mas may karapatan sa bata.

He sighed and nodded a little. “They’re doing good. They’re planning to visit soon, but I don't know when. Don’t tell Alyanna. She’ll plan something again,” he frowned.

Napangiti naman ako. Alyanna can be annoying sometimes but that’s who she is. Isa pa, gusto niya lang talaga na magkakasama kaming lahat.

“She’ll know it eventually,” I shrugged and went back to what I was doing. Hininaan ko na rin ang apoy at kinuha na ang iba pang kailangan na hiwain. Nanatili naman si Jahann sa pwesto nito at nakatingin pa rin sa akin.

Nagsimula na akong maghiwa nang dumulas ang hawak ko kaya naman nahiwa ang daliri ko.

“Shit,” usal ko bago nagpunta sa lababo para hugasan ang kamay ko.

“What happened?” Jahann asked me and before I could respond, he was already behind me. “What happened? You cut yourself?” he asked again. Hinawakan niya ang kamay ko para tignan.

Natawa naman ako ng mahina. “It’s not that deep. Dumulas kasi ‘yung hawak ko kaya nahiwa ako,” sagot ko sa kanya. Hindi naman na bago ang mahiwa o mapaso sa akin dahil madalas akong nagluluto.

“Aray!” tinignan ko siya ng masama nang pinisil niya ang daliri ko para lumabas ang dugo at ganoon na lang ang pag-iinit ng pisngi ko nang dalhin ni Jahann ang daliri ko sa bibig niya para sipsipin ang dugo.

“Jahann…” I bit my lip and flushed.

“You’re being clumsy, Creep.”

“I am not. You know it’s normal to have cuts and burns when you’re cooking!” I frowned. Muli nitong tinignan ang daliri ko.

“Wait here, I will get the kit,” ani Jahann bago nagpunta sa gilid para kunin ang medical kit. Napasandal naman ako habang nakatingin sa kanya.

Napangiti ako ng maliit.

Naglakad ako papalapit sa kanya at niyakap siya mula sa likod niya at isinandal ang pisngi sa likod niya.

“Thank you…” I softly said.

I could feel him breathing heavily. I smiled.

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa bibig niya para halikan. “Hmm?” aniya na tila nagtatanong kung bakit ako nagpasalamat sa kanya.

“For...coming back… taking care of me?” I replied. Habang hawak niya ang kamay ko ay humarap siya sa akin at ngumiti.

“You really thought I would just give you up, huh?” He moved his head and gave my lips a peck.

“Jahann!” Pinanlakihan ko ito ng mata at humakbang paatras.

Yes, things are slowly going back to the way it used to be, but I can’t take the risk of us being seen like that.

“Takot,” napailing na lang siya bago nilagyan ng band aid ang daliri ko. “Do you need help here?” he asked but before I could mutter a word, he started to continue what I was doing earlier.

Napangiti na lang ako at hinayaan na lang siya.

After a few hours, we’re all set. Naka-ayos na rin ang gamit at damit na dadalhin namin. 3 nights kami roon kaya naman dinamihan ko na lang din ang dala ko dahil plano rin nilang lumabas kapag umaga.

Si Kol na ang naghanap ng resort na marerentahan namin.

“Bye, baby! See you on Monday…” nilalaro-laro ko ang kamay ni Nikolai habang panay naman ang tawa nito. “Mamimiss mo si Mommy?” tanong ko sa bata na siyang sumasagot sa akin ng tawa.

“Why didn't you invite Ian, Cherinna?” tanong ni mommy sa akin.

Tumingin ako sa kanya. “Mommy, inaya lang ako, eh…” sagot ko naman sa kanya.

“Let them, Ai. It’s their bonding,” sagot naman ni Daddy habang nakatayo sa gilid. Nilingon ko ito at nginitian.

“Let’s go na! Daanan pa natin sina Lean,” ani Alyanna. Lumapit pa ito muna kay Mommy at nagpaalam bago kinagat ang braso ni Nikolai.

“Aly!” pinalo ko naman ang braso nito. “Ikaw talaga, pinaiyak mo na naman ‘yung bata,” napailing na lang ako. Sinermunan din ni Mommy si Alyanna habang tawa naman ng tawa ito.

Matapos akong makapagbilin kina Ate Mildred ay sumakay na rin ako sa sasakyan ni Jahann. Sa likod ako dapat uupo pero sa harap na niya ako pinaupo dahil dadaanan pa ang iba. Malaking sasakyan na ang dinala ni Jahann para hindi na raw magdalawang sasakyan pa.

Dadaanan na lang namin sina Keij, Kol, Theon, Enzo, Lean at Airi.

“Who’s gonna drive later?” Alyanna asked Jahann. He ignored her. Pinagsabihan ni Jahann si Alyanna kanina nang malaman nito na kinagat ni Alyanna si Nikolai.

“Jahann, ayaw pa rin mamansin? Hindi naman diin kagat ko roon, eh. Tsaka ang cute niya kasi!” ani Alyanna na hindi pa rin pinansin ni Jahann.

Hindi na lang din ako kumibo habang nasa daan kami. Nakatingin lang ako sa labas.

Una naming nadaanan si Airi. Sa tabi na ito ni Alyanna umupo. Nagkukuwentuhan ang dalawa at paminsan ay sumasali ako kapag tinatanong ako ni Alyanna.

Nang makarating kami sa bahay nila Lean ay bumaba na muna sina Alyanna at Airi para magbanyo.

“Sa likod na ako uupo,” paalam ko kay Jahann. Hinawakan nito ang kamay ko. “Just stay here,” pigil niya sa akin. Ngumiti naman ako ng tipid sa kanya ay tumango.

Hindi na ako bumaba ng sasakyan. Sina Keij na ang nag-ayos ng mga gamit namin at kanya-kanya na silang sakay sa sasakyan pagtapos. Nasa likod namin si Alyanna, Airi at Lean. Nasa likod naman nila si Keij at Theon at nasa pinaka dulo si Kol at Enzo. They offered to drive but Jahann refused the offer. Malapit lang naman daw ang pupuntahan kaya hindi na kailangan.

“Cherinna, ba’t andyan ka? Dapat dito ka sa likod, eh. Para mukhang driver si Jahann,” natatawang pang-aasar ni Keij kay Jahann.

“I can stop the car and you can start walking, dela Cruz,” ani Jahann sa lalaki.

“Gago, tatlo kaming dela Cruz dito,” natatawang sabi ni Theon.

“Sumama ka maglakad,” balik naman ni Jahann na sagot. Napailing na lang ako habang nakatingin sa daan.

Panay na rin naman ang kulitan nila Keij at Theon sa likod, kinakausap nila sila Alyanna kaya maingay na sa loob ng sasakyan.

Bago mag-gabi ay nakarating na kami sa resort na nirentahan ni Kol at Enzo. Nalaman na lang namin na dalawa silang nagbayad.

Nauna na silang bumaba ng sasakyan, pagbukas ko ng pinto ay naroon si Jahann, hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan akong makababa.

“Hindi ba ikaw ang dapat alalayan kasi nagdrive ka?” natatawang sabi ko sa kanya. He just smiled at me.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at naupo na muna kami habang sila Theon ang nagpapasok ng gamit namin, as always.

“You want water? Juice?” Jahann asked me.

“Just water…” sagot ko naman sa kanya bago nilingon sina Alyanna. “How ‘bout you, Alyanna? Water or juice?” tanong ko na lang din sa kanila. Nakita ko ang pagsimangot ni Jahann.

“Water din. Thanks, snob!” ani Alyanna kay Jahann. Napailing na lang ito at pumasok na sa kusina at kumuha ng tubig.

“May sumpong na naman ba si Jahann?” tanong ni Lean sa amin. Napakunot ang noo ko. “Mabait, eh,” natatawang sabi nito.

“He’s really mabait naman, ah?” sagot naman ni Airi.

I just smiled a little.

“Che, may pagkain tayo?” tanong ni Keij nang maupo ito sa tabi ko at akbayan ako. “Gutom na ako, eh,” sabi pa nito sa akin habang nagpapacute. I moved my shoulders to shrug him off.

“Yes, we cooked,” sabi ko sa kanya. Ngumisi naman si Keij sa akin.

“Keij, Kol is calling you,” ani Jahann na hinila ang damit ng lalaki.

Kumunot ang noo ni Keij. “He’s with Enzo, ayoko magpunta ‘dun, baka i-recruit pa ako sa samahan nila,” tanggi ng lalaki. “Dito na lang ako kina Cherinna,” dagdag pa nito.

Jahann sighed and gave us the bottled water. Naupo na rin muna ito sa pang-isahan na upuan at sumandal at ipinikit ang mga mata.

“I will just prepare the dinner,” paalam ko sa kanila bago tumayo at nagpunta sa kusina para ayusin ang pagkain namin. Kumpleto naman sa mga appliances ang nakuha nilang bahay kaya naman hindi problema ang mga gamit doon.

“Do you need help?”

Napalingon ako nang may magsalita. Nakita ko si Airi na naroon at nakangiti sa akin. Lumapit siya at siya na ang kumuha ng mga plato at naglagay sa lamesa.

“Thank you…” tipid kong sabi sa kanya. Kung tutuusin ay mabait naman talaga si Airi. Maybe I just don’t feel good because… I am jealous of her?

“Ikaw ang favorite ni Jahann, no?” tanong niya sa akin at ngumiti. Napalingon ako sa kanyang muli at kumunot ang noo. “No, hindi niya ako favorite…” tanggi ko.

May sasabihin pa sana si Airi pero nagpasukan na rin sa kusina ang mga kasama namin kaya naman nginitian niya na lang ako.

She’s actually nice. Hindi naman din ito kakaibiganin ni Jahann kung sakaling hindi ito mabait. Maybe there’s something about her that he likes…

Napalingon ako nang may humawak sa kamay ko. “Let’s eat?” aya ni Jahann sa akin. Napatingin ako sa kamay naming dalawa.

He sighed, he’s about to let my hand go when I squeezed his hand gently.

I saw him smile.

Naupo na kaming lahat at tumabi si Jahann sa akin. Doon sana uupo si Keij pero tinawag ito ni Kol kaya sa ibang upuan na ito napaupo.

Natawa ako nang siya ang maglagay ng pagkain sa plato ko kahit na pinipigilan ko siya. “Ako na nga, kaya ko na ‘yan,” sabi ko pa sa kanya.

“Ako na nga,” sagot naman nito sa akin. Inabot niya na lang kina Alyanna ang lalagyan ng pagkain para makakuha rin ang mga ito.

“Paano ka magkakagirlfriend niyan kung puro sina Cherinna ang iintindihin mo?” natatawang tanong ni Theon habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Lean.

“I’m not looking for one,” ani Jahann na nagkibit-balikat.

“Or you found the one already?” tanong naman ni Kol sa lalaki. Gusto kong panlakihan ng mata si Kol sa sinasabi nito. I am assuming he’s talking about us because he knows everything!

Kumunot ang noo ni Alyanna habang nakatingin kay Jahann.

“May girlfriend ka na ba, snob?” hindi na nakatiis na tanong ni Alyanna sa lalaki.

“If she says yes to me, then yes. But, I’m still trying to win her back, so… wish me luck,” he says before looking at me.

“Diba, Creep?” he said, teasing.

I just looked down to hide my face.

Hay nako, Jahann!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.