Hindi talaga pumayag si Jahann na sumakay kami ng cab kaya naman talagang naglakad lang siya pabalik sa bahay na tinutuluyan namin habang pasan ako. He’s talking to me while walking, maybe entertaining me so I won’t get bored.
Pero hindi naman ako mabobored kapag kasama ko siya.
“We’re here!” I smiled at him. Hanggang sa loob ay pasan niya ako, ibinaba niya lang ako sa couch para iupo. Hinawakan niya ang baba ko at iginiya upang magtaas ng tingin sa kanya.
“Are you okay?” he asked me.
I smiled a little and nodded. Napalingon ako sa binti ko na may gasgas at namumula pa rin. Hindi ko mapigilang matawa habang nakatingin dito. “I can’t remember the last time I had wounds like this,” sabi ko kay Jahann nang lingunin ko ito pero seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin.
“Nothing’s funny, Creep,” he scoffed. Naupo siya sa tabi ko at inalalayan akong mailagay ang binti ko sa lap niya.
“Wait, careful…” sabi ko sa kanya bago hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa binti ko. Tumango naman siya sa akin ng marahan. “Just stay here and wait for me, I guess they have medicine kit here,” ani Jahann bago tumayo ng marahan at naghanap ng medicine kit.
Sumandal na lang ako at huminga ng malalim habang hinihintay siya.
He’s very open now…
Hindi ko rin alam kung bakit malakas ang loob ni Jahann ngayon na sabihin na mahal niya ako, na gusto niyang makasama ako. I never got the chance to ask him why.
Unlike Jahann, I’m still full of fear.
Hindi ko alam kung kaya ko bang maging kasing tapang ni Jahann. Kung kaya ko ba na magkaroon ng lakas ng loob na gawin ang mga bagay na ginagawa niya.
Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata. I know I can’t keep the truth from Jahann. Alam ko na hindi magtatagal, kailangan ko na rin sabihin sa kanya ang tungkol kay Nikolai.
May mga sinasabi siya na tila pahiwatig na alam niya ang totoo pero hindi naman din niya directly sinasabi na anak niya si Nikolai.
I just hope he’ll understand and he’ll forgive me.
“Hey…” masuyong sabi ni Jahann bago inilapag ang dala sa lamesa at naupo sa tabi ko. Muli nitong ipinatong ang binti ko sa lap niya at kinuha ang bimpo na nasa may tubig na maligamgam at pinunasan ang mga galos ko.
“Does it hurt?” he asked while cleaning it. Marahan lang ang pagdampi niya ng bimpo sa binti ko na tila ingat na ingat para hindi ako masaktan. Hindi ko mapigilang mapangiti.
I moved my hand and gently caressed his hair. He looked at me and smiled a little. Hinawakan niya rin ang kamay ko at hinalikan iyon.
“Baliw ka talaga,” natatawang sabi ko sa kanya. He just chuckled and continued cleaning my wounds. Mahigpit ang hawak ko sa braso niya nang lagyan niya iyon ng alcohol at ointment.
“It’ll have bruises but I don’t think it will leave a scar on your leg,” ani Jahann bago hinalikan ang noo ko. Iniligpit na muna nito ang ginamit bago bumalik sa tabi ko.
“Why don’t you rest in your room? I’m fine here…” sabi ko sa kanya pero umiling naman siya at hinawakan ang kamay ko.
“It’s just the two of us here and you want me to leave and rest alone? Nah. Thanks, but no thanks, Creep. I’ll stay here… with you.”
He squeezed my hand and played with my fingers.
“Can we just stay here?” ani Jahann maya-maya bago tumingin sa akin. “Let’s just stay here… away from everyone. Kapag tayo lang, hindi ka natatakot. Napapakita mo na mahal mo ako…”
I heaved a sigh and squeezed your hand. “I’m sorry…”
Umiling siya sa akin at muling hinalikan ang kamay ko. “It’s okay, Creep. I understand, and it was my fault, too. I left…” he looked at me and smiled a little. “And now that I am back, I don’t have any plans on leaving you again. You and Nikolai.”
I stared at his face, whenever he’s mentioning Nikolai’s name, there’s a softness in his voice. It was like he’s saying his favorite word.
“We can’t stay here, you know? Nikolai will look for me,” nakangiting sabi ko sa kanya. Kahit na mahirap, pinipilit ko pa rin na makapaglaan ng maraming oras kay Nikolai dahil ayoko naman na lumaki ang anak ko na hindi ako kasama o hindi ko alam ang mga memorable moments niya.
“Who told you we’ll leave Nikolai?” kunot ang noo niyang tanong sa akin. “Creep, you and Nikolai, you’re both mine. Sasama kayo sa akin, siyempre,” ani Jahann.
Hindi ko na lang siya kinontra dahil iyon naman din talaga ang totoo.
Nikolai is his son.
We stayed in the living room while waiting for them. Nanuod na lang kaming dalawa ng movie habang minamasahe ni Jahann ang isang binti ko dahil nabanggit ko sa kanya na masakit ito dahil sa haba ng paglalakad namin.
Sabay kaming napalingon ni Jahann nang bumukas ang pinto at naunang pumasok si Alyanna.
“Twin!”
Naupo si Alyanna sa tabi ko at sumandal sa akin. “Are you okay? My God! Naglakad pa rin kami pabalik, bwisit na Keij ito!” Sumimangot ito at tumingin kay Jahann. “Snob, juice, please?” paglalambing nito.
Jahann raised his eyebrow on Alyanna but nodded after. Marahan nitong ibinaba ang paa ko at tumayo papunta sa kusina. Nakita kong sumunod si Airi kay Jahann.
“Are you okay now?” tanong ni Alyanna sa akin. Nilingon ko naman ito at tinanguan. “Yes, okay naman na ako,” tipid ang ngiti na sagot ko sa kanya.
Nagpaalam naman si Lean at Theon na aayusin ang pagkain na binili nila para sa hapunan. Si Kol naman ay naupo at nakinuod na rin habang si Keij ay nasa labas pa raw ng bahay.
Jahann came back holding two glasses of juice. Ibinigay niya ang isa kay Alyanna at inabot ang isa sa akin.
“Thanks, Jahann!” nakangising sabi ni Alyanna sa lalaki. Tumango lang ito sa kanya at naupo na muling sa tabi ko.
Napalingon ako sa phone ko na nasa lamesa nang magring ito at lumabas sa screen ang pangalan ni Ian. Napalingon ako kay Jahann na nakatingin din sa telepono ko.
I reached my phone and excused myself.
“Hello, wait, hold on…” sagot ko sa tawag ni Ian bago marahang tumayo. Inalalayan naman ako ni Alyanna hanggang sa makarating ako sa may gilid. Ramdam kong nakasunod si Jahann ng tingin sa akin pero hindi naman siguro tama kung doon ko sagutin ang tawag ni Ian.
Hindi rin naman tama kung babaan ko siya.
“Hello, Ian. Napatawag ka.”
“Hi, sunshine. How are you?” tanong niya sa akin. Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang tawa ni Nikolai sa background ni Ian. “Nasa bahay ka ba?” tanong ko sa kanya.
Hindi naman namin pinagbabawalan si Ian na magpunta sa bahay dahil ang alam nga ng lahat maliban kay Kol, si Ian ang tatay ni Nikolai.
“Yeah, free time ko, eh. Wala pala kayo rito,” naramdaman ko ang dismaya sa boses ni Ian pero wala naman akong balak na aluhin siya dahil ayokong paasahin siya na pwedeng may chance pa sa aming dalawa.
Nilinaw ko naman sa kanya na hanggang pagkakaibigan na lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. I am thankful for what he did before, nagpapasalamat siya na tinulungan siya ni Ian noon hanggang ngayon pero hindi naman niya kayang suklian ang nararamdaman nito para sa kanya.
“Niko, Mommy’s away, kay Daddy ka muna ha?” narinig kong sabi ni Ian. Napailing na lang ako.
“Hey, it’s Daddy Ian, okay?” natatawang sabi ko sa kanya. It’s not a big deal but I don’t want Nikolai to grow up and call him Daddy. I always tell him to indicate his name.
That Daddy is reserved for Nikolai’s real father…
Napalingon ako sa pwesto ni Jahann ngunit napakunot ang noo ko nang makita kong wala na siya roon. Sina Alyanna na ang nakaupo at nanunuod ng movie. I sighed heavily.
“Anyway, how’s Nikolai?” tanong ko kay Ian. Sinabi naman nito kung ano ang ginagawa ng anak ko. Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing naririnig ko ang pagtawa nito.
Mabuti pa si Nikolai, bungisngis. Samantalang si Jahann, napakasungit.
“When are you coming back, sunshine?” Ian asked me. Ilang beses ko naman na siyang sinabihan na huwag na akong tawaging sunshine dahil hindi naman niya ako sunshine. I’m actually a dark cloud in his life. I didn’t give him hope, I didn’t give him a glimpse of happiness. Puro naman sakit lang mabibigay ko kay Ian.
“We’ll be back tomorrow evening,” sagot ko sa lalaki.
Napalingon ako nang tawagin na ako nila Keij para kumain kaya naman nagpaalam na rin ako kay Ian maging kay Nikolai. He asked if he could stay with Nikolai tonight and I said yes. Wala naman akong nakikitang problema roon.
Inalalayan ako ni Enzo na maglakad. I was about to walk towards the dining area but Enzo pulled me to go out. Sinabi niya sa akin na nasa labas na raw ang mga kasama namin.
“They’re planning to drink again,” he muttered.
By they he meant Theon and Keij, for sure. Napailing na lang ako at sumama kay Enzo papalabas. Kumunot ang noo ko nang makita ko si Jahann na may hawak na lata ng beer at umiinom.
Naupo ako sa tabi ni Alyanna habang nakatingin kay Jahann na kausap si Kol sa kabilang side. They’re both drinking.
“Problema nila?” tanong ko kay Alyanna. Kumuha ito ng pizza at nilagyan ang plato ko. She shrugged and rolled her eyes. “I don’t know. Si Jahann nga nag-aya na uminom sila, eh,” sagot ni Alyanna sa akin.
I looked at Jahann again and saw him drink his beer. Napailing na lang ako at nagsimula ng kumain. They bought pizza, pasta and chicken. Hindi naman uminom ang mga kasama kong babae at hinayaan na lang ang mga lalaki na uminom.
Si Keij at si Theon naman ang in-charge sa mga alak nila dahil sila Enzo ang bumili ng pagkain nila.
“Anong sabi ni Ian sa’yo?” tanong ni Alyanna sa akin. I smiled a little. “He’s at the house, he just asked me if he can stay with Nikolai tonight and I said yes,” I replied before biting on the pizza I am holding.
“You know, twin, I don’t really like Ian for you but I can see he really loves Nikolai, and that’s a good thing, ha. Kasi kung hindi, nako!” napailing na lang si Alyanna. I rested my head on her shoulder. Alam ko naman na hindi okay si Ian dito, o kahit na kanino sa kanila, but they respected my decision, and also, they’re patient with him because as far as they know, he’s Nikolai’s father.
“How about you, Jahann? What’s your verdict on Ian?” Enzo asked Jahann. I saw him smile a little.
Napalingon naman ako kay Jahann na nag-angat ng tingin kay Enzo. He also smirked before drinking his beer.
“I don’t really give a damn about Montenegro,” he said initially. “I just hope he knows his place.”
“Saan ba lugar ni Ian?” natatawang sabi ni Keij habang nakatingin kay Jahann. “Malaki na ‘yun tsaka si Cherinna. Nakagawa na nga ng bata, eh,” he said before looking at me.
“Siraulo ka talaga!” binato ito ni Alyanna ng tissue na nasa lamesa. Napasimangot naman si Keij bago lumingon kay Jahann. “Totoo naman, eh. Natanggap naman na nila Tito at Tita ‘yung nangyari, ikaw na lang hindi nakakatanggap, Jahann.”
“I don’t have to accept anything, Keij.”
“No, you have to accept the fact that things are different since you left. Hindi mo naman pwedeng pagbawalan na lang bigla si Cherinna matapos kang--
“Stop it,” awat ni Kol sa kanilang dalawa. Tinapik nito si Keij para sawayin. Keij just shrugged and drank his beer.
Napailing na lang ako at tumingin kay Jahann.
“Mag-aaway pa, eh. Kaya nga tayo nandito para magbonding,” Lean rolled her eyes. Hindi na lang na ako kumibo.
Maya-maya lang ay nangungulit na ulit si Keij sa mga kasama namin. It was as if hindi sila nagkainisan ni Jahann. Well, Keij is always like that, hindi naman kasi siya ‘yung taong nagtatanim ng inis.
He once said, “Bakit ako magtatanim ng sama ng loob, hindi naman ako magsasaka?”
Nakikisali ako sa usapan nila pero pinagmamasdan ko si Jahann na tahimik lang na umiinom sa tabi ni Kol. Hindi siya masyadong sumasali sa usapan dahil tila siya may malalim na iniisip.
It was almost 11 pm when Alyanna told us she’s going to bed early. Ganoon din naman sina Lean at Airi dahil napagod daw talaga sila sa paglalakad kanina. Nagpaalam naman na rin ako sa mga kasama namin para makaakyat ako. Bukas ko na lang siguro liligpitin ang mga kalat doon dahil sigurado naman akong aakyat na lang din mamaya ang mga kasama namin.
Hindi ko naman din maintindihan kung ano ba ang biglang naging problema ni Jahann. Is he mad because of Ian? Because he called?
Napailing na lang ako bago nahiga sa kama matapos akong makapaglinis ng katawan. Nakakapaglakad naman ako kahit na masakit ang paa ko, dahan-dahan lang talaga ang ginagawa ko para hindi sumakit ng sobra.
I hugged my pillow while thinking about Jahann. Okay naman kami kanina pero bigla na namang hindi. I sighed heavily and turned around.
I am tired but I can’t sleep. Napailing na lang ako at bumangon. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kwarto at pababa para uminom ng gatas.
Binuksan ko ang mga ilaw at kumuha ng baso para makainom.
Habang nagsasalin ako ng gatas sa baso ay kamuntik na akong mapasigaw nang biglang may yumakap sa akin mula sa likuran.
Agad kong nilingon kung sino ito at nakita ko ang mukha ni Jahann.
“Jahann…? What are you doing…?” I asked him.
I could feel his chest on my back. Mahigpit ang yakap niya sa akin habang ang baba ay nasa balikat ko.
“I’m sorry…” he whispered. Kumunot naman ang noo ko sa kanya.
“Are you drunk?” I frowned when I faced him. Namumula ang mukha niya kaya halatang mas marami kaysa sa normal ang nainom ng lalaki. “What’s wrong? Bakit ka uminom?” tanong ko sa kanya.
He moved and hugged me. He nuzzled on my neck and hugged me tight.
“Jahann…”
“I was pissed at Montenegro…” he confessed.
So, I was right. He’s mad at Ian because he called. Pero hindi naman niya kailangan na mainis dahil wala namang namamagitan sa amin ni Ian.
“Why? He just called because he went to our house,” I explained to him. “Ian and I, we’re just friends, really…” I hugged him back.
“He loves you…” he muttered again.
I smiled a little. He sounds so jealous.
“He’s just a friend, Jahann.”
Hindi naman na ito nagsalita at niyakap lang ako ng mahigpit. I looked around. Wala naman ng kahit na sino ang naroon sa ibaba. Marahil ang lahat ay nasa kwarto na nila.
“Don’t be jealous, okay?” I moved away a little and looked at him.
He smiled a little and I couldn’t stop myself from letting out a soft chuckle. I moved and pecked on his lips. “Don’t be jealous.”
He cupped my face and pressed his forehead on mine. He closed his eyes and heaved a deep breath.
“I hate it when he’s saying he’s Nikolai’s dad… we know the truth…”
Napatingin ako kay Jahann. Mabilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi niya.
Is it possible? Na talagang alam niya ang totoo?
He opened his eyes and looked at me.
“Jahann…” I bit my lower lip. I could feel my eyes heating up, too. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya o kung ano ba ang gagawin ko. Nakatingin lang ako sa kanya.
“Yeah, I know he’s mine. I know he’s our son…” he smiled a little and I could see his eyes clouding up with tears.
He knows…
“I love you… and I’ll have you and our son back… I promise…”
He hugged me tight and claimed my lips again.