Chapter Twenty Eight

“TWIN, samahan mo na kasi ako sa Ai’s…” nakahiga sa kama ko si Aly habang pinipilit ako na samahan siya sa Ai’s. Nakapag-enroll na kami at sa Lunes na rin ang balik ng klase at wala akong kaplano-planong umalis ng bahay dahil mas gusto kong manahimik ang buhay ko at magpahinga na lang.

“Malaki ka na, kaya mo naman na ‘yun,” sagot ko sa kanya habang nanunuod. Nasa may couch ako dahil sinakop ni Aly ang kama ko kakausog kanina sa akin para pumayag ako. Mula nang matapos kaming mag-almusal kanina ay sinundan na niya ako nang sinundan.

“Come on, sumama ka na kasi. Maaga naman matatapos shoot ko. Bibili tayo ng ice cream pagkatapos. Game ka na?” umupo ito at niyakap ang isang unan ko.

Napabuga ako ng hangin bago umiling. “Tinatamad akong umalis…” sagot ko sa kanya. Hindi ko man lang maenjoy si Harley Quinn dahil sa kadaldalan ni Alyanna.

“Twin, ililigtas ni Joker si Harley Quinn sa dulo niyan kaya samahan mo na ako…” binato sa akin ni Aly ang unan na yakap nito. Sapo ang ulo ko na nilingon ko ang kakambal ko.

“Tinatamad nga ako,” nakasimangot na sabi ko. “At masakit, ah?” inirapan ko ito bago kinuha ang unan na nalaglag sa sahig at inilagay sa may paanan ko.

“Bakit ba kasi ayaw mo akong samahan? Dati okay lang naman sa’yo lagi. Wala naman kayong lakad ni Ian ngayon, diba?” tanong ni Aly sa akin.

Wala naman kaming usapan ni Ian na magkikita ngayon. Alam din naman ni Mommy at Daddy na nagpupunta si Ian sa bahay namin, pero hanggang living room lang allowed si Ian, iyon ang rule ni Daddy. Hindi niya pwedeng ihakbang alinman sa mga paa niya sa hagdan ng bahay namin.

“Tinatamad nga ako. Ilang beses ko bang sasabihin ‘yan sa’yo? Ayokong lumabas. Gets mo naman ‘yun, diba?” tanong ko sa kanya. Itinuon ko na lamang muli ang paningin ko sa pinanunuod ko. Kahit alukin ako ni Aly ng kahit na ano, wala akong balak sumama sa kanya papunta sa Ai’s. Kung sa ibang lugar, baka pa. Pero sa Ai’s? Ayoko.

What happened before was enough.

He’s obviously avoiding me.

At kahit na ako naman ang nagtaboy, hindi ko mapigilang masaktan. Kahit pa ilang beses kong sabihin na wala akong karapatang masaktan dahil ako ang nanakit sa kanya, hindi ko pa rin magawang hindi masaktan.

Nasasaktan ako na parang balewala na ako kay Jahann.

Pero ano bang magagawa ko? Just accept it.

I don’t even know if he ate those cupcakes. Hindi ko alam kung pinansin man lang ba niya o ano. Hindi ako nagtanong kay Aly. Iniwasan ko na lang din magtanong sa kanya. Sabi nga niya, he’s full. Iris’ cupcakes made him full.

“Twin, hindi ka ba talaga naaawa sa akin? Hindi ka ba naaawa sa maganda mong kakambal na nagpapasama sa’yo papunta sa Ai’s?” lumapit si Aly at naupo sa may gilid ko kaya naman napasiksik pa ako sa may couch.

“Hindi,” sagot ko sa kanya. Sinimangutan naman ako ni Aly. “Pumunta ka na nga sa Ai’s. Kaya mo na ‘yon. Malaki ka na nga,” sagot ko bago ko siya tinulak. Napaupo naman si Aly sa sahig at tinitigan ako. “Para kang si Jahann. Inaaya kong umuwi para magdinner kasama natin pero tumatanggi rin. Ayaw niya rin. Ikaw naman, ayaw mong sumama sa akin sa Ai’s. Iniiwasan niyo ba akong dalawa?” tanong niya sa akin.

Nilingon ko si Aly. Inaaya niya si Jahann pero tumatanggi? That’s another point. Mas lalong ayokong sumama papunta sa Ai’s.

“Iniiwasan niyo ba ako?” tanong ulit ni Aly nang hindi ako sumagot.

“We don’t. Tinatamad lang talaga akong umalis, Twin…” ngumiti ako sa kanya bago umayos ng higa. “Bawi na lang ako sa’yo kapag masipag na ako…” dagdag ko pa.

“Cherinna naman…” napalabi ito bago umayos ng upo sa sahig. “Ayaw mo talaga?” tinignan niya ako.

Umiling naman ako at ngumiti ng tipid sa kanya. “Ipagluluto na lang kita mamaya kapag uwi mo…” panunuhol na sabi ko sa kanya.

She rolled her eyes and sighed. “Ano pa bang magagawa ko? Ayaw mo talaga. Maaga naman ang shoot ko, by 3 pm tapos na ‘yun. Siguraduhin mo ‘yang promise mo, ah? Anyway, may ipapabili ka ba?” tanong sa akin ni Aly. Umiling naman ako kaagad. “Ako na lang ang lalabas mamaya kung may gusto akong bilhin,” sabi ko bago itinuon ang paningin sa screen at muling nanunod.

“Okay. Sige, maliligo na ako para magpunta sa Ai’s,” paalam niya sa akin bago hinila ang inuunanan kong unan at ibinato sa akin.

“Siraulo ka talaga,” anas ko sa kakambal ko bago siya natatawang lumabas ng kwarto ko.

Inabala ko na lamang angs sarili ko sa panunuod. Kanina ay inaya ako ni Mommy kung gusto ko bang tumambay sa Blooms at samahan siya. Pero tumanggi rin ako dahil wala naman akong alam sa mga bulaklak.

Wala naman akong mahihilang kasamang gumala sa kung saan dahil wala naman akong ibang kaibigan maliban sa mga pinsan ko at kina Lean, Enzo, Kuya Kiro, Ate Caryl at Kuya Cloud.

Ang lungkot pala ng buhay ko.

Nang makatapos ako ng isang palabas ay bumaba na lamang ako para maghanap ng makakain. Wala naman akong ibang kasama sa bahay namin kung hindi ang mga kasambahay namin na hindi ko rin naman matagpuan kung saan naglalagi.

Napagdesisyunan ko na lamang na gumawa ng sandwich. Dalawa.

Hindi na rin ako umakyat sa kwarto ko at doon na lang kumain.

Maya-maya ay may lumapit sa akin na isang kasambahay namin na may dalang bulaklak. “Ma’am, galing kay Sir Ian…” ani ng kasambahay sa akin bago inilapag ang bouquet sa mesa. Tipid akong ngumiti at nagpasalamat.

Kinuha ko ang card na naroon at binasa iyon.

“You’re way more beautiful than these flowers. I love you, Sunshine…”

Napailing na lang ako bago kinuha ang phone ko at tinawagan si Ian. Nakallimang ring na nang sagutin niya ako.

“Hi, Sunshine…” bati niya sa akin.

“We owned a flower shop, Ian. Do you really have to send me flowers almost everyday? Sa Blooms ka lang din naman bumibili…” hindi ko mapigilang matawa. I remember one time, sa ibang flower shop si Ian bumili at si Mommy ang nagreceive noon. Pinagalitan niya ako at pinatawagan si Ian sa akin. Sinabihan niya si Ian na sa Blooms na ang bumili ng bulaklak na ipapadala sa akin.

“Hindi mo ba nagustuhan?” tanong niya kaagad sa akin. “Ano bang bulaklak ang gusto mo? Just tell me and—“

“Ian,” putol ko sa kanya. “I like it, thank you. Pero hindi mo ako kailangan padalahan ng bulaklak araw-araw. Baka maging garden na ‘yung kwarto ko niyan…” sabi ko pa rito. “Kung pagkain pinadadala mo, natuwa pa ako lalo…” natatawang dugtong ko.

“What do you want? Sige, magpapadala ako…” maagap na tugon naman ni Ian.

Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya o ano. “Baliw. Nagbibiro lang naman ako. Anyway, you’re with Kevyn?” tanong ko. Lagi na lang din kasing sinasama ni Kevyn si Ian kaya naman madalas din na nagtatanong si Lean sa akin kapag may lakad kami ni Ian at kung kasama ba namin si Kevyn.

“Yep. Pero aalis naman ako kaagad dito. May pupuntahan pa ako, eh,” sagot naman niya.

“Ah. Sige. Just take care, okay?” paalala ko. Hindi ko na itinanong kung saan pa siya pupunta dahil iniisip kong baka personal na lakad iyon ni Ian.

“I will. Papakasalan pa kita, eh…” sinundan iyon ni Ian ng pagtawa. “I love you, Sunshine…” malambing na sabi ni Ian.

Humigpit ang hawak ko sa phone ko.

Napayuko ako at napapikit.

“Just take care, okay?” mahinang sabi ko bago tinapos ang tawag.

I know I am being unfair to Ian, but I’ll be more unfair if I say those words to him.

Tinitigan ko ang mga pulang rosas na maganda ang pagkakaayos.

Love is like a rose with thorns. It looks beautiful, but it can hurt you. It can make you bleed.

Napailing na lang ako. Pati nananahimik na mga rosas, mapagtitripan ko pa. Nagpakuha na lang ako ng vase na mapaglalagyan ng mga bulaklak na iyon. Pinalagay ko iyon sa living room at umakyat na sa kwarto ko para muling manuod. Tutal naman ay busog na ako.

Nagpaabiso na rin ako sa kasambahay namin na huwag akong puntahan para mananghalian. Ako na lang ang bababa, wala naman akong kasabay kaya walang kaso kung lumagpas ako sa oras ng tanghalian.

Nalibang ako sa panunuod at nakaramdam ng gutom ng bandang alas-dos. Basta ko na lang muling ipinusod ang buhok ko at bumaba na para kumain.

I was humming my favourite song when I heard a voice from the kitchen.

“Aly?”

Tapos na ang shoot niya?

Naglakad na lang ako papunta sa kusina nang matigilan ako nang may marinig akong isa pang boses. A familiar voice actually.

Inihakbang kong muli ang mga paa para puntahan ang mga ito at natigilan ako nang makita ko si Aly na nasa kusina, kasama si Iris.

“Aly…” untag ko sa kakambal ko.

Sabay namang napalingon sa akin ang dalawang babae. Kumunot ang noo ko nang mapagmasdan ko si Iris. She’s wearing my apron. Iba-iba kami ng apron dito sa bahay dahil kapag bigla na lang namin naiisipan magluto o kaya’y magtulungan sa kusina para magluto.

Kay Daddy ang superman, kay Mommy ay strawberry. Kay Jahann naman ay may design na cameras. Kay Aly ay make-up at sa akin ay ice cream.

“Why are you wearing my—“

“We’re baking, Twin!” nakangiting sabi ni Aly sa akin.

Napatingin ako sa nasa mesa. Mukha ngang magbebake ang mga ito. Pero bakit gamit ni Iris ang gamit ko? “Iris borrowed your apron since wala siyang magamit na iba,” sagot ni Aly na tila nabasa ang nasa isip ko.

Marahan akong napatango. Nasa may pinto pa rin ako ng kusina at nakatingin sa kanila.

“Sinabi kasi ni Tito Dale na bukas na lang ang shoot kaya naman naisip ni Iris na magpaturo na lang gumawa ng muffins,” sabi pa ni Aly.

Kumunot ang noo ko sa kakambal ko.

“Magpapaturo siya, tapos ikaw ang kasama?” tanong ko sa kanya. Napasimangot naman si Aly sa akin. “Of course not. Ano bang alam ko sa pagbebake, Twin?” tanong niya sa akin.

“Then who—“ agad din akong natigilan

“You’re blocking the way…” said a very familiar voice.

Agad akong napatingin sa likod ko. Nakatayo si Jahann at nakatingin sa akin.

“Jahann…”

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siya.

“Iris asked Jahann to teache her how to make muffins. Jahann said yes,” narinig kong sabi ni Aly. Nilingon ko ang kakambal ko pero agad ko ring ibinalik kay Jahann ang mga mata ko.

“Sabi kasi ni Jahann, hindi pa kumpleto ang gamit sa bahay niya kaya naman dito kami nagpunta, Cherinna…” ani naman ni Iris.

“Hindi na ba uso suklay sa’yo?” nilingon ako ni Jahann bago nagtuloy sa pagpasok sa kusina at lumapit sa mga ito.

Hindi uso ang suklay?

Napakunot ang noo ko.

Anong ibig niyang—shit! Agad kong inayos ang pagkakapusod ng buhok ko.

“Twin, maybe you can help us? Mas may alam ka sa pagbebake kesa sa akin eh. Tsaka—“

“Kaya ko na ‘to, Aly,” pinutol ni Jahann ang sinasabi ni Aly. Napanguso si Aly. “Oo na. Alam ko namang kaya mo,” sabi niya rito.

“Buti na lang talaga pumayag ka, Jahann. Gusto ko kasing matuto gumawa ng muffins para gagawan kita sa susunod…” nakangiting sabi ni Iris.

Hindi naman nagsalita si Jahann.

Naglakad na lang ako papunta sa ref para kumuha ng juice.

Bakit ba ako bumaba? Kung nanahimik na lang ba kasi ako sa kwarto ko, eh.

Napabuga na lang ako ng hangin bago kumuha ng baso at nagsalin ng juice.

“Pawis ka na, Jahann. Sandali, kukunin ko ‘yung panyo ko sa bag…” ani Iris.

I mentally rolled my eyes. Mabilis na inubos ko ang laman ng baso ko at hinugasan iyon at ibinalik sa lalagyanan.

“Twin, aakyat ka na?” pigil ni Aly sa akin nang maglakad na ako papalabas sa kusina. Nilingon ko ito bago tumango. “Yeah. Puntahan mo na lang ako sa kwarto ko…” sabi ko sa kanya.

Pumasok naman si Iris dala ang panyo nito. “Saan ka pupunta, Cherinna?” tanong niya sa akin. Nilingon ko si Jahann na hindi man lang nag-aangat ng tingin sa akin.

“Sa kwarto ko. Sige, enjoy kayo sa pagbebake…” sabi ko bago muling naglakad.

“Tikman mo mamaya ‘yung matatapos naming, ha?” pahabol na sabi ni Iris sa akin. Hindi naman na ako sumagot at naglakad na lang papunta sa kwarto ko.

Nawala ‘yung gutom ko.

Napahawak ako sa dibdib ko. I filled my lungs with air.

Naalala ko ‘yung pagtitig ni Jahann sa akin.

Damn it.

Iniling-iling ko ang ulo ko para iwaksi ang larawang iyon sa isipan ko.

Your heart is yours, Cherinna. You should control it. You should stop it.

Wala pa akong tatlumpung minutong nasa kwarto ko nang kumatok si Aly.

“Baba ka na kasi, Twin. Please?” pakiusap niya sa akin habang nakaupo sa kama ko. Tinignan ko si Aly. Kanina, pinapasama ako sa Ai’s. Ngayon, pinapababa naman ako.

“Inaantok ako, Twin. Gusto ko talaga matulog, eh…” I even faked a yawn. Sinimangutan ako ni Aly. “Swimming tayo!” aya niya sa akin. Kumunot naman ang noo ko.

“Ayokong lumangoy,” sagot ko naman sa kanya.

“Dali na. Nag-oo na si Iris. Si Jahann na lang ang gagawa ng muffins kaya sige na. Samahan mo na kami ni Iris…” she smiled at me. Like it was if I agreed already.

“I love you, Twin! Bihis ka na!” sabi nito bago ako niyakap at lumabas ng kwarto ko.

Hindi ba talaga pwedeng nandito lang ako sa loob ng kwarto ko habang nandyan si Jahann at Iris?

Ibinagsak ko ang katawan sa kama at tinignan ang mga stars na nakadikit sa kisame ng kwarto ko.

Nasaan na ba si Kol?

I need someone to talk to, really.

Nakasimangot na bumangon ako at nagpalit ng two piece. Suot ang bathrobe ko ay bumaba na ako.

“Grabe, Jahann. Tapos nakakatawa pa ‘yung kanina. Di makahinga si Dean kasi sakal-sakal ni Aly, eh…” tumatawang sabi ni Iris. Nakaupo sila sa may living room. Katabi ni Jahann si Iris at si Iris, nakasuot ng two piece na itim. Lutang na lutang ang kaputian nito pati ang pagiging makinis. Napahinto ako sa paglalakad.

“They’re always like that. Kahit naman noon pa kapag dumadalaw si Dean dito sa bahay at nakikipaglaro sa amin…” ani Jahann nang nakangiti.

He’s having fun talking to her.

Napayuko at napangiti.

Tiis lang, Cherinna. Tiis lang. At least, he’s having fun.

“Aray!”

Napaangat ang tingin ko sa kanila.

“I think something’s on my eye…” ani Iris kay Jahann. Lumapit naman si Jahann kay Iris. “What is it?” tanong niya sa babae.

“I don’t know. Pakiihipan naman…” sabing muli ni Iris.

Inilapit ni Jahann ang labi sa bandang mata ni Iris. Iniiwas ko naman ang tingin sa kanila at huminga na lamang ulit ng malalim.

“Okay na ata. Thank you,” sabi ni Iris kay Jahann. Napatingin siya sa gawi ko kaya naman tinawag niya ako. Tumayo rin siya kaya naman nakita ko lalo ang katawan ni Iris.

“Cherinna, buti naman pumayag kang samahan kami ni Aly…” lumapit pa siya sa akin.

“Swimming pool naman namin ‘yun, eh. So okay lang…” ngumiti ako ng tipid sa kanya. Nakapusod pa ri ang buhok ko pero mas maayos na kaysa kanina at nagsuklay ako.

Bumaba na rin si Aly na nakablue na two piece.

Parang ayoko na tanggalin ang suot kong bathrobe.

“Let’s go, Twin!” hinila na ako ni Aly papalabas para magpunta sa pool ng bahay namin. Nauna naman silang dalawa ni Iris na nagpunta sa pool.

There’s no doubt why those two girls became a model. Ang ganda ng katawan, eh.

Pero maputi naman ako.

Kailan ba naging issue sa akin ang pagiging maliit ng dibdib ko?

Mahina akong napaungol bago tinanggal ang bathrobe ko at inilagay iyon sa isang upuan. Naupo ako sa gilid ng pool habang nakatingin kay Aly at Iris. Tinanggal ko na rin ang pagkakapusod ng buhok ko. Matakpan man lang ng buhok ko ang dibdib ko.

“Twin, halika na!” lumangoy papalapit sa akin si Aly at hinila ako kaya naman nalaglag ako sa tubig. Natatawang sinasabuyan ako ni Aly ng tubig.

“Aly!” iniiwas ko ang mukha ko sa tubig. Tumigil naman na ito at lumapit sa akin. Maging si Iris ay lumapit sa akin.

“May sasabihin pala si Iris, Twin,” ani Aly sa akin. Napatingin naman ako kay Iris. “What is it?” tanong ko sa kanya.

Ngumiti si Iris sa akin.

“Sabihin mo na. Pasuspense ka pa sa kakambal ko,” natatawang sabi ni Aly na sinabuyan ng tubig si Iris. Natawa naman ito.

“Sandali kasi!” humahagikgik na sabi ni Iris. “It’s actually about Jahann…” panimula niya.

Nakatingin lang ako sa kanya pero tila may naghahabulan sa dibdib ko.

Sila na ba?

“What… what about him?” tanong ko. I was anticipating her reply.

“Uhm...” kinagat ni Iris ang labi.

“K-kayo na ba?” halos hindi ako humihinga sa paghihintay ng sagot ni Iris.

Ngumiti si Iris sa akin.

“Pumayag na si Jahann na magdate sila, Twin…” si Al yang sumagot sa akin. Napatingin ako sa kanya. “What?” tumingin ako kay Iris.

“We’re dating na. Ako at si Jahann…” malaki ang pagkakangiti ni Iris nang sabihin niya iyon sa akin.

“Mukhang magkakagirlfriend na si Jahann, Twin…” narinig kong sabi ni Aly. “And I’m happy, Iris. Alam ko naman na matagal mo ng gusto ‘yung kapatid ko…” ngumiti siya kay Iris.

“Cherinna, aren’t you happy for Jahann? At least, dating na sila…” untag ni Aly sa akin. Napatingin ako sa kanya, sunod kay Iris na bakas ang saya.

“Congrats…” mahinang sabi ko. “Langoy lang ako…” paalam ko sa kanila bago lumayo sa kanila at lumangoy.

Damn it.

Akala ko masakit na ‘yung hindi ako pansinin ni Jahann.

Mas masakit pa palang malaman na nagkakamabutihan na sila ni Iris.

But if that will make him happy, I should be happy, too.

I closed my eyes.

Pag-ahon ng ulo ko ay nakita ko si Jahann na naroon. Iniwas ko ang tingin sa kanya.

“Your boyfriend’s inside…”

Natigilan ako sa sinabi niya.

“What?” tanong ko.

“Uulitin ko pa?” kunot noong sabi naman niya sa akin. Nasa kabilang dulo ng pool si Aly at Iris at nag-uusap. Huminga ako ng malalim bago umahon sa pool para puntahan si Ian.

Naglalakad na ako nang pigilan naman ako ni Jahann.

Napatingin ako sa kamay niyang nasa braso ko, pagkatapos ay sa mukha niya.

“Wear this,” inabot niya ang bathrobe ko sa akin.

Pagkabigay niya sa akin ay tumalikod na siya at pumasok sa bahay.

Alam ko namang wala akong karapatang magpakita ng katawan. Nakasimangot na isinuot ko na lamang ang bathrobe at pumasok na rin.

Napakunot ang noo ko nang may mahawakan ako sa bulsa ng bathrobe ko.

May necklace na naroon, may pendant din iyon na camera.

What’s this?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.