Chapter Thirty

NAKAYUKO lamang ako habang nasa harapan ng hapag-kainan. Sumasakit pa rin ang ulo ko dahil na rin sa dami ng alak na nainom ko kagabi. Bagama’t maaga akong umuwi kaysa sa iba, ako yata ang pinaka nalasing.

“How’s your head, Cherinna?” tanong sa akin ni Daddy. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Uhm, medyo okay na po. Masakit lang at—“

“I told you not to drink too much. What happened?” putol niya sa sinasabi ko. Kinabahan naman ako sa naging tono ng pananalita ni Daddy. We always say he’s really snob, because he is. Pero alam namin na ganoon lang talaga si Daddy. He’s the calmest person I know, too. Hindi naman siya strict sa amin, pero lagi niya lang din kaming pinapaalalahanan.

“Love,” hinawakan ni Mommy ang braso ni Daddy na tila pinapakalma ito. Nilingon ni Daddy si Mommy. “Nagtatanong lang ako, Ai.”

“Sorry po, Daddy. It won’t happen again,” napayuko akong muli. Wala akong ganang kumain sa totoo lang. Pero alam ko na mas magagalit si Daddy kung hindi ako sasama sa almusal kaya pinilit ko na lamang na bumangon.

“Ang buong akala ko, si Aly ang uuwi na naman na maraming nainom,” komento naman ni Mommy.

“Mom, normal pa akong nakauwi kagabi,” ani Alyn a nakangisi. “Hindi naman marami ang ininom ko, eh. Hindi ko lang napansin na naparami ang inom ni Twin at—“

“You’re grounded, Cherinna.”

Muli akong napatingin kay Daddy. Seryosong nakatingin siya sa akin.

“Love, it’s the first time that Cherinna got drunk. Just let it pass and—“

“I said she’s grounded, Ai,” malamig na sabi ni Daddy dito. Tumingin naman sa akin si Mommy. Alam ko na hangga’t maaari, ayaw ni Mommy na nagagrounded sino man sa aming tatlong magkakapatid. Pero kahit naman laging pinagbibigyan ni Daddy si Mommy, kapag seryoso na si Daddy, wala namang magagawa si Mommy. He’s still the head of the family.

“You’re not allowed to go out for a month, nagkakaintindihan tayo? No Sweet Desire, no Ai’s, no Blue’s Haven. You’ll go to school and you’ll go straight here,” bumaling muli sa akin si Daddy. Tumango naman ako sa kanya. “I understand, Dad…” muli akong yumuko sa pagkain ko. Wala namang kaso sa akin ang parusa na iyon. Hindi naman ako palaging umaalis. Kung nagpupunta man ako sa mga lugar na binanggit ni Daddy, laging kasama ko sina Aly.

“Dad, kahit sa Ai’s?” tanong ni Aly kay Daddy.

“Do I have to repeat myself, Alyanna?” Daddy asked my Twin. She shook her head and frowned. Hinawakan ko naman ang kamay niya na nasa ilalim ng mesa. Alam ko na sinusubukan niya na makagawa ng paraan na lumabas ako pero kung ako ang papipiliin, ayoko na rin muna.

Nagpatuloy na lamang kami sa pagkain kahit na tila mas gusto ko na lamang humiga sa kama ko at ipikit ang mga mata ko.

“Si Jahann ang naghatid sa’yo kagabi, Cherinna?”

Nabitin sa ere ang hawak kong kubyertos nang magtanong si Mommy. Umangat ang tingin ko sa kanya.

“Ye-yes, Mom. Uhm, I was really dizzy last night and…” napalunok ako. “And Jahann saw me and brought me here…” kinagat ko ang labi ko.

Damn those memories. Hindi ako tinitigilan.

Mula nang magising ako ay iyon na ang alalalang bumubungad sa isip ko sa tuwing babalikan ko ang nangyari kagabi sa Blue’s Haven.

“Good thing was Jahann’s there. At least, naiuwi ka ng safe ng kapatid mo,” malumanay namang sabi sa akin ni Mommy.

“Opo,” napayuko akong muli.

“Ayoko ng maulit ang nangyari kagabi, Cherinna,” seryoso pa rin ang tinig ni Daddy. Tumango na lamang ako at hindi umimik. Tahimik ko lang din na pinilit ang sarili ko na kumain na.

Matapos mag-almusal ay umalis na si Daddy dahil may meeting pa ito ng before lunch. Hindi rin naman siya nagpapa-set ng breakfast meeting sa kahit na sino dahil gusto nito na si Mom ang kasamang nag-aalmusal.

Nakahiga lang ako sa kama habang nakayakap sa unan na naroon.

Wala akong ganang lumabas.

At hindi naman ako pwedeng lumabas. Nakatingin lang ako sa kawalan habang hindi ko naman mapigilan ang malalalim na buntong-hininga ko.

Ngayon na medyo nakapahinga na ako, mas lumilinaw ang nangyari kagabi.

He kissed me.

“Ugh!” Ibinaon ko sa unan ang ulo ko. I’m so stupid! Dapat ay hindi ko hinayaan ang bagay na iyon. Dapat ay mas tinatagan ko ang loob ko. Dapat ay mas tinapangan ko pa ang sarili ko.

“Now, what?” umayos ako ng higa at ginulo ang buhok ko.

Matapos niya akong halikan kagabi, wala na kaming naging imikan ni Jahann. Malamang ay nabigla rin siya sa ginawa niya… at ako… I was drunk. Not with the alcohol, but with the feelings that I felt last night.

Napapitlag ako nang biglang nagring ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakita ko na si Ian ang tumatawag.

Damn.

Kanina pa tumatawag si Jahann sa akin at hindi ko iyon sinasagot. Kaya naman ganoon na lamang ang kaba ko sa tuwing nagriring ang phone ko.

Isa pa ito sa problema ko. Kung noon ay nagi-guilty na ako kay Ian, higit na lalo ngayon. I should talk to him. Hindi ko na kayang lokohin si Ian.

I should face my problem, sana ay hindi ko na lamang dinawit si Ian.

“Ah, bahala na!”

I answered his call. I heard his worried voice.

“Okay ka lang? Hindi na ako nakapunta kagabi dahil may ginawa ako. I was calling you, but your phone’s dead…” ani Ian sa kabilang linya.

Sumandal ako sa headboard ng kama ko.

“I am fine. Naparami lang yata talaga ang inom ko kagabi. Pero okay naman na ako…” mahinang sabi ko sa kanya.

“Are you sure? Pupuntahan kita…” sagot naman ni Ian sa akin. Alam ko na nag-aalala talaga siya sa akin. Alam din naman ni Ian na hindi ako umiinom kaya ang kaalamang nalasing ako ay bago sa kanya… sa kanilang lahat.

“Yeah, sure. I have something to tell, too…” mas humina yata ang boses ko nang sabihin ko iyon sa kanya. Pero alam ko na kailangan ko munang ayusin ang problemang idinulot ko kay Ian. It’s the least that I can do for him.

“Do you want anything? Para mabili ko na bago ako magpunta diyan, Sunshine. O ako lang, sapat na sa’yo?” sinundan niya iyon ng pagtawa. Sa ibang pagkakataon, matatawa ako sa biro niya o di kaya ay babarahin ko siya sa pagiging conceited na naman niya. Pero hindi ngayon… hindi sa nangyayari ngayon.

“Wala naman. Just take care, okay?” sagot ko na lamang sa kanya.

“Gabi pa ako makakapunta, Sunshine. May aasikasuhin pa kasi ako, eh. Okay lang ba?” tanong niya sa akin. Tumango ako kahit na hindi naman niya ako nakikita. “Yeah, sure. I’ll see you later, then.”

“See you. I love you, Cherinna…” narinig kong sabi niya bago ko pinatay ang tawag.

I should break up with him.

Kung magagalit man si Ian sa akin, matatanggap ko. It’s my fault. Hindi ko siya dinamay sa gulo ng buhay ko. He’s one of the nicest person in the world. Hindi na kaya ng konsensya ko na ganito ang ginagawa ko.

I liked him back then, but it wasn’t enough to like him again now.

It wasn’t enough to forget him.

Maghapon lamang akong nagkulong sa kwarto ko. Nagpapasalamat na rin ako naa umalis si Aly at walang nang-iistorbo sa akin sa loob ng kwarto ko.

Mas nakakapag-isip ako.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Kol. Wala naman akong ibang makakausap tungkol sa nangyayari kung hindi si Kol.

Nakakailang tawag na ako pero cannot be reached si Kol. Tinawagan ko si Keij pero matapos nitong sagutin ang tawag ko, puro mahihinang hilik na lamang nito ang narinig ko. Malamang ay napuyat ng husto iyon kagabi.

Bandang alas-tres ng hapon nang may kumatok sa kwarto ko. Bago pa man ako makasagot ay bumukas na iyon at pumasok si Aly.

“Twin, okay ka na?” tanong niya sa akin habang naglalakad papalapit sa kama ko. Umayos ako ng upo bago tumango. “Okay naman na. Bakit?” kinuha ko ang isang stuffed toy at sinandalan ko.

Nagkibit-balikat si Aly. “Baka kasi masakit pa ang ulo mo o kaya ang sikmura mo, eh…” bakas ang pag-aalala sa mukha ni Aly. Napangiti naman ako. “Okay na ako. Nakainom na ako ng gamot,” pagpapagaan ko naman sa loob niya.

“Nabigla kaya kami nang bigla kang tumakbo pagkatapos niyong kumanta. But Kol explained what happened. Dapat ay susunod ako sa’yo pero sinabi ni Jahann na siya na daw. Nagpaalam din si Jahann sa amin na ihahatid ka na kaya pumayag na lang kami,” hinawakan ni Aly ang kamay ko.

“Ugh, can we just forget that? Nakakahiya…” napasimangot ako. I caused a scene last night. Kaya ayoko rin lumabas ay dahil doon.

“Makakalimutan naman talaga ng lahat ‘yung pagwalk-out mo bigla,” ngumiti si Aly. “Lalo pa’t naghubad si Theon kagabi, malamang ay iyon ang mas tumatak sa isip ng mga nandoon,” hindi napigilan ni Aly na matawa. Kumunot naman ang noo ko. “Naghubad si Theon kagabi?” tanong ko sa kanya. Natatawang tumango si Aly. “Yeah. Pumuwesto pa nga sa stage, hindi na nahiya…”

Natawa na rin ako ng mahina. Malamang ay nagpustahan na naman si Keij at Theon kagabi kaya humantong sa pagpapakita ni Theon ng katawan.

“Anyway, bumaba ka raw sabi ni Mommy. Okay ka naman na, eh…” tumayo na si Aly at hinila ang kamay ko. Nagtataka naman akong hinila ang kamay ko mula sa kanya. “Ni Mommy? Bakit daw?” tanong ko sa kanya. Muling kinuha ni Aly ang kamay ko at hinila ako. “Basta, let’s go!” tinulak ako ni Aly para lumabas ng kwarto ko.

“Sandali nga. Bakit ka pala andito? May shoot ka, diba? Umalis ka kanina,” sabi ko kay Aly habang nililingon ito dahil nasa likod ko siya at tinutulak ako. “Aly, I can walk on my own, ano ka ba?” pinilit kong huminto. Huminto rin naman si Aly at tumabi sa akin.

“Mom called Tito Dale. Pinacancel niya ‘yung shoot ko for today,” ngumisi siya sa akin at saka ikinawit ang braso sa braso ko. Let’s go?” aya niyang muli sa akin bago ako inakay para bumaba. Nagtataka man ay sumunod na lamang ako kay Aly. Minsan nakakaduda si Aly kapag ganito ang ngiti niya.

Dumiretso kaming dalawa sa kusina kung saan naabutan ko si Mommy na nakasuot ng apron niya.

“Mom?” tawag ko rito. Nilingon ko naman si Aly na umalis sa tabi ko at kinuha ang apron niya at apron ko. Kunot noong isinuot ko ang sa akin. “Anong meron?” tanong ko sa kanilang dalawa. Naroon ang dalawang kasambahay namin na naglalabas ng mga pinamili mula sa mga plastic bags na naroon.

“Mom and I decided to cook…” lumapit si Aly kay Mommy. Ngumiti silang dalawa sa akin.

“What?” hindi ko napigilan ang bahagyang panlalaki ng mga mata ko. Aly rolled her eyes. “Ang obvious mo namang wala kang tiwala sa amin, Twin,” sumimangot si Aly sa akin.

“Nabigla lang naman ako,” lumapit na rin ako sa kanila at kinuha ang mga gulay na naroon. “Ano ba ang lulutuin?” tanong ko sa kanilang dalawa.

“I told you, Mom. Tutulong si Cherinna!” natatawang sabi ni Aly. Napailing naman ako. Mas lamang naman na silang dalawa ang tutulong sa akin. Though my mom can cook decent food, si Aly ay walang pag-asa.

Matapos kong hugasan ang mga gulay ay naupo na ako para magsimulang hiwain ang mga ito.

“Ano bang meron ngayon, Mom? Naisipan mong maghanda ng special…” tanong ko sa kanya habang nagsisimula na ako sa ginagawa ko.

“Well, naisip ko lang na linggo na rin ang nakalipas mula ng makumpleto tayo,” pagsisimula nito. Nakikinig lang ako sa kanya.

“I have decided to make a special dinner, with your help of course, because Jahann will be here later.”

Natigilan ako sa sinabi ni Mommy.

Napaangat ang tingin ko sa kanya.

“Pu-pupunta si Jahann d-dito?” biglang tila may kung anong naghabulan sa dibdib ko dahil sa sinabi ni Mommy.

“Yes. I called him and he said yes, kumpleto tayo mamayang gabi,” ngumiti sa akin si Mommy.

Napaiwas naman ako ng tingin at hindi ko nakontrol kaagad ang kutsilyo. “Aray!”

Sabay na napalingon sa akin si Mommy at si Aly.

“Are you okay?” agad na lumapit sa akin si Mommy. “What happened?” tinignan nito ang kamay ko at nakita nito na nagdurugo ang hinalalaki ko. “Bakit hindi ka nag-iingat?” tanong niya sa akin bago ako inakay sa may lababo at hinugasan ang kamay ko.

“I’m fine, Mom. Mababaw lang din naman…” bahagya kong hinila ang kamay ko. “Dumulas lang but I’m fine,” ngumiti ako sa kanya. “Be careful, alright?” hinawakan niya ang pisngi ko. “Aly, kunin mo muna ‘yung first aid kit para malagyan ng band-aid ang sugat ng kakambal mo,” utos nito kay Aly. Agad namang tumalima si Aly.

Tahimik lamang ako habang pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Kinakabahan ako sa pagpunta ni Jahann dito sa bahay ngayong araw. Hindi ko pa rin alam kung paano ko siya haharapin matapos nang nangyari sa amin kagabi.

I was busy cooking when someone covered my eyes.

Natigilan ako sa ginagawa ko. Pinanlamigan ang katawan ko.

“Ja-Jahann…” halos pabulong na sambit ko sa pangalan niya.

Tinanggal niya naman ang mga kamay sa mga mata ko. “Hi, Creep.”

Humarap ako sa kanya at halos pigilan ko naman ang hininga ko nang makita ko na napakalapit ng mukha niya sa mukha ko. “You’re ignoring my calls,” he cocked his head on the side and raised a brow on me. Hindi ako sumagot. Sa halip ay iniwas ko ang tingin sa kanya. “Akala ko mamayang gabi ka pa pupunta,” sagot ko sa kanya.

“I’m here now,” ngumiti siya sa akin. “How are you?” tanong ni Jahann sa akin. “I’m good,” umalis ako sa harap niya at nagpunta sa may ref at binuksan iyon. Naghanap ako ng pwedeng kuhanin sa loob.

“I heard you’re grounded. I can talk to Dad and—“

“I’m fine, Jahann…” maagap kong putol sa sinasabi niya. “You don’t have to. I’m fine.”

Naupo si Jahann sa silyang naroon at pinagmasdan ako.

Hindi ko naman napigilang makaramdam ng ilang sa ginagawa niyang pagtingin sa akin. Bumalik na lang ako sa pagluluto at dama ko pa rin ang pagsunod ng tingin ni Jahann sa akin.

“N-nasa labas sila Mommy. Puntahan mo na muna sila…” mahinang sabi ko.

“I saw them already,” pabalewala namang sagot ni Jahann sa akin. Hindi naman na ako nagsalita. Hindi rin naman kumikibo si Jahann habang nakatingin lang sa akin. Mas naconcious naman ako sa bawat galaw ko dahil sa kaalaman na bawat galaw ko ay nakasunod siya.

“There you are, Jahann!” pumasok si Aly sa kusina.

“Why?” tanong ni Jahann dito. Nakatalikod ako sa kanila kaya naman hindi ko alam kung inalis na ba ni Jahann ang tingin sa akin.

“Wala naman. Bigla ka kasing nawala,” natatawang sabi ni Aly bago lumapit sa akin at tinikman ang niluluto ko. “Twin, ang sarap! Pwede ka na mag-asawa!” eksaheradang sambit ni Aly.

“Baliw ka talaga,” iiling-iling na pinatay ko na ang stove at naghugas ng kamay. “Aakyat lang muna ako sa kwarto ko. Okay naman na ang lahat, eh…” paalam ko sa kanila. Bago pa man makasagot si Jahann o si Aly ay naglakad na ako papalabas ng kusina at mabilis na nagtungo sa kwarto ko.

Mabilis ang tibok ng puso na umupo ako sa kama ko.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko at paulit-ulit na huminga ng malalim. Napalingon ako sa phone ko nang magring muli ang cellphone ko. It was Ian who’s calling.

Laglag ang balikat na inabot ko ang telepono ko sa may lamesa sa gilid ng lamesa ko at sinagot iyon.

“Ian,” bati ko sa lalaki.

“Sunshine, would it be okay to bring something for your mom later? What do you think?” tanong ni Ian sa akin.

Napapikit ako bago huminga ng malalim at tumayo. Naglakad ako papunta sa bintana ng kwarto ko at sumandal doon.

“Wag ka na munang pumunta ngayong gabi, Ian…” mahinang sabi ko sa kanya. “May family dinner kasi kami ngayon, eh…” pagpapaliwanag ko sa kanya.

“Is that so?” nabakasan ko ang lungkot sa boses niya.

“Yeah. I’m sorry…” for everything, Ian.

He laughed softly. “It’s okay. I’ll be there tomorrow instead,” pinasigla nito ang boses niya. “Would that be okay?”

“Yeah…”

“Anyway, you have something to tell me, right? What is it?” tanong ni Ian.

Napangiti ako ng malungkot. “Uhm… bukas ko na lang sasabihin, Ian…”

“Alright, Sunshine. I miss you,” narinig kong sabi ni Ian. Minabuti ko na lamang na hindi sumagot.

Napalingon ako nang narinig ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto ko. I saw Jahann. I sighed heavily. “I have to go, Ian. I’ll just call you later,” paalam ko sa binata bago ibinaba ang tawag.

“What are you doing here?” tanong ko kay Jahann nang humarap ako sa kanya.

“Break up with him,” seryosong sabi ni Jahann habang diretsong nakatingin sa akin. Para akong nalulunod sa paraan ng pagtitig ni Jahann sa akin. Tila ba inaalam niya ang iniisip ko… ang nararamdaman ko.

“Excuse me?”

“Break up with Montenegro, Creep.”

“Jahann…”

“You told me you love me last night. Creep, you don’t expect me to just sit here and do nothing and—“

“Jahann…” putol ko sa sinasabi niya. Lumapit si Jahann sa akin. Hindi naman ako nakagalaw sa kinatatayuan ako.

“Break up with him, Creep. Alam mong nagiging unfair ka sa kanya. Ako ‘yung mahal mo…” hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

“Jahann…”

Inilapit niya ang mukha sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko.

“Damn.”

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papalabas ng kwarto ko.

“Jahann!” nanlaki ang mga mata ko nang akayin niya ako pababa. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Dire-diretso kami sa sasakyan ni Jahann at pinasakay ako.

“Where are we going?” tanong ko sa kanya nang makasakay na rin siya. Hindi niya ako sinagot. Pinaandar niya ang sasakyan at nagmaneho lamang.

“Jahann, saan ba tayo pupunta?” tanong ko sa kanya pero hindi pa rin niya ako kinikibo. Humalukipkip na lamang ako sa gilid at tumingin sa labas.

May mahigit kalahating oras na sigurong nagmamaneho si Jahann nang ihinto niya ang sasakyan niya. Nilingon ko siya at seryoso pa rin ang mukha niya habang hawak ang manibela.

“Where are we, Jahann?” tanong ko sa kanya. Ibinaling naman niya ang mukha sa akin.

“Gago ba ako kung sasabihin kong hindi ako pinatulog ng halik na ‘yon, Cherinna?” his jaw tightened. Humigpit din ang kapit ni Jahann sa manibela.

“Jahann…”

“I needed to get you out of that house so I can kiss you again, Creep…”

Napatuwid ang likod ko sa sinabi niya.

Tumatahip ang dibdib ko nang bigla niya akong kabigin papalapit sa kanya. “Break up with him, Creep,” mahinang sabi ni Jahann. Nararamdaman ko ang init ng hininga ni Jahann sa pisngi ko.

“You’re my most favourite person…” he smiled at me softly.

He closed my eyes and I felt his lips on my lips again…

“I love you,” he breathed between his kisses.

After a few seconds, he smiled.

“You don’t know how to kiss?” pinagdikit niya ang noo naming dalawa. He smiled and kissed my forehead after. “You’re not allowed to kiss anyone except me, Creep. Ako lang, Creep. Ako lang dapat…” muli niyang idinampi ang labi sa mga labi ko.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.