Chapter Thirty Three

NAKAUPO lang ako sa sasakyan habang nagmamaneho si Jahann. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Ramdam ko pa rin ang inis o baka galit na nararamdaman ni Jahann base na rin sa higpit ng pagkakahawak niya sa manibela. Iyon ang unang pagkakataon na may nanakit sa akin… at nakita pa ni Jahann iyon.

“Ibalik mo na lang ako sa school. Magpapasundo na lang ako at—“ natigilan ako nang lingunin ako ni Jahann. Seryoso ang mga mata nito na tila sinasabi na malaking kalokohan ang sinasabi ko. Sa paraan ng pagtingin niya, para na rin nitong sinasasabi na hindi ako maaaring tumutol sa desisyon niya ngayon.

Nanlalagkit ako dahil na rin sa natapon na frappe sa akin. Mabuti pa sa mga napapanuod kong palabas sa TV, tubig lang ang ibinubuhos, eh. Hindi ko naman lubos akalain na ipapaligo ni Anika sa akin ang inumin na iyon. Maging ang hapdi ng pisngi ko at ng braso ko ay nararamdaman ko rin. Pinipilit ko lang indahin dahil ayokong dagdagan pa ang inis ni Jahann.

Pero kailangan ko pa rin na bumalik sa school. Naiisip ko pa rin ang parusa ni Daddy. Kailangan na sa school ako sunduin ng driver namin. “Jahann—“

“Creep, just stay still, okay? Let me take care of you. Pwede ba ‘yon?” walang ngiting sabi niya sa akin. He’s really pissed, I know. Hindi si Jahann ang tipo ng lalaking magbabanta sa isang babae. Kahit siguro inis na inis na si Jahann kay Iris, hindi nito magagawang pagbantaan ang babae pero nagawa nito iyon kay Anika kanina. Maging si Ian ay pinagbantaan ni Jahann. Alam ko na gusto ni Ian na kausapin ako dahil sa nangyari. Natitiyak ko rin na hihingi siya ng tawad sa akin. It wasn’t his fault, though. Hindi naman siya ang nanakit sa akin.

“I’m fine…” pilit akong ngumiti sa kanya.

Nilingon niya ako. “Yeah, you look really fine,” he said sarcastically. Sinamahan pa nito iyon ng sarkastikong ngiti.

Hindi na lang ako kumibo sa kanya. Tumingin na lang ako sa labas at nakita ko ang pamilyar na daan na tinatahak namin. Nilingon ko si Jahann. His eyes were on the road. “Sa bahay ko tayo pupunta,” mahinang sabi niya na tila nabasa niya ang tanong na nasa isipan ko.

“Jahann—“

“Cherinna,” ibinaling niya sa akin ang ulo at itinaas ang isang kilay. I sighed in defeat. Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya. Sumandal na lang ako at naghintay hanggang sa makapag-park siya ng sasakyan niya sa parking lot ng building na tinitirahan niya.

Naunang lumabas si Jahann sa akin. Paglabas ko ay kaagad naman siyang lumapit siya sa akin at ibinigay ang jacket niya. Hindi niya tinitignan ang braso ko kanina pa nang nasa sasakyan kami. Mahahaba ang kalmot ni Anika sa akin at namumula ang braso ko. May ilan pang may bahid ng dugo ko. Walang-imik na tinanggap ko na lang iyon at sumakay na kami sa elevator. Ang kamay niya naman ay nasa bewang ko na tila nag-aalala pa rin siya na may mangyayari sa akin na hindi maganda.

Sa kabila ng hapdi na nararamdaman ng katawan ko, hindi ko napigilang mapangiti ng tipid. Jahann will always be Jahann. My protector.

Nang makarating kami sa unit niya ay nauna na siyang pumasok habang ang kamay na nasa bewang ko kanina ay hawak na ang kamay ko.

“Take a shower first. Maghahanda ako ng gamot at pagkain mo…” mahinang sabi ni Jahann sa akin bago ako iginiya sa isang kwarto na naroon. “I’ll bring you some clothes, too. May towel sa bathroom, malinis iyon, you can use that, too…” dagdag pa nito.

Nilingon ko si Jahann nang hindi pa niya binibitawan ang kamay ko.

Nakatingin siya sa akin at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Inabot niya ang pisngi ko kung saan may kalmot ni Anika. “Damn it,” mahinang sabi ni Jahann habang tinitignan iyon.

“I’m fine…” hinawakan ko ang kamay niya at pilit na ngumiti. Huminga ng malalim si Jahann bago pilit na tumango sa akin. “Just make yourself feel comfortable. Nasa labas lang ako…” lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

Hindi na ako sumagot sa kanya at tinignan ko na lang siyia hanggang sa makalabas siya ng kwarto. Dumiretso na ako sa banyo at hindi ko mapigilang mapamura sa isipan ko nang nakita ko ang itsura ko. My hair’s a mess! Lagkit na lagkit ako at sigurado akong nagdikit-dikit na ang buhok ko. Sinipat ko rin maging ang mukha ko. May mga kalmot ako sa kaliwang pisngi. Hindi naman malalalim ang mga iyon ngunit halos umabot iyon sa may panga ko.

Never in my entire life na nagkasugat ako ng ganito. Nag-aaway kami ni Aly pero hindi kami humahantong sa nagkakaroon kami ng sugat na dalawa. Liban na lamang noong bata kami kapag nadadapa kami na normal lang naman sa isang bata.

“Geez, hindi na ako oorder ng frappe!” iling-iling na sabi ko bago nagsimulang maghubad. Nananakit maging ang balikat ko dahil sa paghila ni Anika. Maingat akong tumapat sa shower at pumikit habang nararamdaman ko ang malamig na tubig. Hindi na ako nag-abalang timplahin pa iyon dahil mas gusto kong maramdaman ang lamig ng tubig upang mabawasan ang hapdi ng sugat ko.

Kumpleto naman sa gamit ang banyo ni Jahann. Iyon nga lang ay panlalaking gamit ang mga naroon kagaya ng shampoo at laking pasasalamat ko na lang din na gumagamit si Jahann ng conditioner. Siniguro ko rin na malinis na ang buhok ko.

Nang makapaligo na ako, mas nakita ko ang mga kalmot ni Anika sa akin. Namumula ang mga iyon at nananatiling mahapdi.

Kailangan kong makaisip ng isang magandang dahilan kay Mommy at Daddy kung bakit ako mistulang napaglaruan ng pusa.

Paglabas ko ng banyo ay may nakita akong puting t-shirt at pyjama na naroon. May isang paper bag rin na nakalagay sa may kama.

Agad akong pinamulahan ng pisngi nang maisip ko kung ano ang laman ng paper bag na iyon. Maingat akong nagbihis at ibinalik ang mga ginamit kong tuwalya sa banyo ni Jahann nang mapunasan ko ang buhok ko. Hinayaan ko na muna iyong nakalugay para matuyo. Lumabas na rin ako ng kwarto pagkatapos.

Luminga-linga ako sa loob ng kabahayan niya pero wala akong makita ni anino ni Jahann. Iyon ang pangalawang beses na nakapunta ako sa bahay ni Jahann. Katulad noong una, maayos at organized ang gamit niya. Nakalagay sa tamang lagayan ang lahat ng gamit niya. Malamang, kung kami ni Aly ang bubukod, may posibilidad na makita ko ang sapatos ni Aly sa kusina.

Napangiti ako. But of course, malabong mangyaring bumukod kami ni Aly. Imposibleng papayagan kami ng mga magulang namin at wala rin naman akong planong umalis.

Lumapit ako sa isang rack na naroon. Puro pictures ang naroon. Katulad ng nasa kwarto ko. Maliban sa isang picture na solo ko. Kinuha ko iyon at tinignan. Hindi ako nakatingin sa larawang iyon.

“Are you hungry?”

Napalingon ako nang marinig kong magsalita si Jahann. Napatingin siya sa frame na hawak ko. Lumapit siya sa akin at ngumiti bago kinuha iyon at ibinalik sa kinalalagyan nito.

“Hindi ko alam na may ganoong picture ako,” ani ko bago muling pinagmasdan ang larawan. Wala talagang duda sa talent ni Jahann pagdating sa photography.

“Kung alam mo ‘yan, nakalingon ka sana, diba?” tipid siyang ngumiti sa akin. Napasimangot naman ako. Hindi naman naalis ang ngiti sa labi niya bago hinawakan ang kamay ko. “I bet you’re hungry… well, you’re always hungry, Creep…” tudyo nito sa akin.

“Ang kapal mo, ha?” inirapan ko ito bago kinuha ang kamay ko sa kanya. Sa totoo lang ay nagugutom na rin ako. Hindi ko alam na nakakagutom palang masabunutan at halos matanggalan ng anit. Naglalakad na ako papuntang kusina nang huminto ako at humarap sa kanya. Nasa likod ko lang naman si Jahann kaya napaatras ako.

“What is it?” kumunot ang noo niya at hinawakan ang kamay ko. “Masakit?” puno ng pag-aalala niyang tanong. Hindi naman ako halos makatingin ng diretso sa kanya. “Uhm…” pilit kong inaalis ang nakabara sa lalamunan ko. “Uhm, itatanong ko lang kung may alcohol ka at bulak…” napayuko ako. Naisip kong gamutin na muna ang sugat ko bago kumain.

He sighed. “Nakaready na lahat. Iniisip ko lang nab aka gutom ka kaya iyon ang una kong inalok sa’yo,” pinisil niya ang kamay kong hawak niya. Tila ba sinasabi niya na hindi niya ako papabayaan.

“Mas gusto ko na munang gamutin ‘yung mga sugat ko, Jahann…” sabi ko naman sa kanya bago marahang binawi ang kamay ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin bago iginiya ako papunta sa living room. Gaya nga ng sabi niya, nakahanda na ang lahat. Nasa may lamesang naroon ang first aid kit niya.

“Ako na kasi,” pilit kong kinukuha sa kanya ang bulak na hawak pero panay ang saway sa akin ni Jahann. “Hindi ka ba talaga marunong makinig?” kunot-noong tanong niya sa akin.

“May dalawang kamay naman kasi ako. Kaya ko namang gamutin ang sugat ko,” pagrereklamo ko rin sa kanya.

“But I want to do this, so please, just behave and let me take care of you. Okay?” he sighed exasperatedly. Napalabi na lang ako bago sumandal sa couch na naroon. Tumabi si Jahann sa akin at kinuha ang isang kamay ko.

Hindi siya nagsasalita. Hindi rin niya idinidikit ang bulak na hawak sa sugat ko. Nakatingin lamang siya roon.

“Jahann…”

“Damn it,” halos pabulong na sabi niya ngunit malinaw ang naging pasok ng sinabi nito sa akin.

“Sabi ko na kasing ako na, eh. Maiinis ka lang kasi lalo,” binawi ko ang kamay ko sa kanya pero hinawakan niya naman ako ng mahigpit. Nag-angat siya ng tingin at kita ko sa mga mata niya ang iritasyon at galit.

“Why on earth did you let her do this?” kunot-noong tanong niya sa akin. “I know you’re not a violent person, Creep. But, a slap will do. Bakit hinayaan mong—“

“She’s pregnant,” putol ko sa sinasabi ni Jahann. “Hindi ko magagawang saktan siya dahil nagdadalang-tao siya.”

“What?” kung posibleng may kumunot ang noo ni Jahann ay malamang na nangyari iyon. “I’m trying to understand what happened. Isa lang ang tumatakbo sa isip ko. ‘Yung Montenegro na iyon ang tatay ng pinagbubuntis ng psychotic na babaeng ‘yon…”

Hindi naman ako nagsalita. Wala pang nakakaalam ng nangyari. Kung tutuusin ay kanina ko lang din naman nalaman ang tungkol sa bagay na iyon.

“Alright, kung ayaw mong pag-usapan, hindi ako magtatanong…” ani Jahann bago ipinagpatuloy ang paggamot sa sugat ko. Napatingin ako sa kanya nang yumuko na ito at inabala ang sarili sa ginagawa. Tinitiis ko ang hapdi at pinipilit kong huwag magmura dahil sa sakit.

Nang sa pisngi ko na ang gagamutin ni Jahann, tinitigan niya ako sa mga mata. Napailing ito na tila may iniisip.

“Wala na kami ni Ian…” mahinang sabi ko sa kanya. Tinignan naman niya ako na tila naghihintay pa ng sunod na sasahihin ko. “And you were right, si Ian ang tatay ng anak ni Anika. May ibang girlfriend si Ian…” napayuko ako.

Halos mapangiwi ako nang narinig kong nagmura si Jahann.

“Jahann…” hinawakan ko ang kamay niya. Muli siyang humarap sa akin. “It’s okay…” pilit akong ngumiti. Hindi ko makuhang magalit kay Ian. Marahil ay nagkamali siya nang niligawan niya ako gayung may ibang babae pa palang involved sa buhay niya. Pero nagkamali rin ako sa kanya. Nagkamali akong sinagot ko siya gayung may ibang lalaki rin namang involved sa buhay ko.

“It’s okay…” muling sabi ko sa kanya. He’s never the violent person, too. Kung sapakan lang din ang usapan, mas forte ni Theon ang bagay na iyon. Si Theon ang pinaka-athletic sa mga lalaki.

“It’s not okay, Creep. Look at yourself!” he sneered. Pilit akong ngumiti sa kanya. “Jahann, I’m fine. And besides, may kasalanan din ako kay Ian. So, I have no right to be mad at him.”

“Pagtanggol mo pa…” asik niya sa akin.

Tila gusto kong matawa dahil sa inakto nito. Hinawakan ko ang pisngi ni Jahann at pinaharap sa akin. “I’m not defending him. Pinapaliwanag ko lang sa’yo na may kasalanan din ako kay Ian dahil sinagot ko siya kahit na may iba naman akong gusto at—“ natigilan ako nang mapansin kong ang lapit ng mukha naming dalawa sa isa’t isa.

He smiled at me. “At?”

Umayos ako ng upo at tumingin sa mga gamot na nasa may lamesa. “Nagugutom na ako…” pagbabago ko ng topic.

“Why don’t you continue what you were saying?” pang-aasar ni Jahann sa akin. Tinignan ko naman siya ng masama bago ako tumayo. “Nagugutom ako, bahala ka diyan,” dumiretso na lamang ako sa kusina at naupo sa silyang naroon. Sumunod naman si Jahann sa akin na nakangiti na.

“Stop staring at me,” asik ko sa kanya habang kumakain kami. Pakiramdam ko rin ay nag-akyatan na sa pisngi ko ang dugo ko dahil sa pagtitig niya sa akin. “Bilisan mo na lang kumain para maihatid mo ako pabalik sa school,” sabi ko sa kanya habang nakayuko ako.

“Sa bahay kita ihahatid,” sagot niya sa akin. Napaangat ako ng tingin. “Hindi pwede. Grounded ako, Jahann. Kailangan ‘yung driver ang susundo sa akin,” pangangatwiran ko sa kanya.

“Sa bahay kita ihahatid. I’ll explain to Dad what happened and—“

“No!” mabilis kong pigil sa kanya.

Kumunot ang noo ni Jahann habang nakatingin sa akin. “What do you mean no?”

“Hindi mo pwedeng sabihin kay Daddy at Mommy ang nangyari,” muli akong napayuko. I’m sure, magagalit ng husto si Mommy. Besides, wala naman ng problema. Kalmot at galos lang ang nangyari sa akin. In no time, magaling na rin ang mga ito.

Hindi pa rin kumbinsido si Jahann.

“Please? Hayaan mo na lang na ako ang magsabi kung sakali. Pero subukan muna natin na huwag ipaalam sa kanila…”

“Sooner or later, malalaman din ng lahat.”

Napatingin ako sa kanya. Bakit pa pakiramdam ko ay may ibang tinutukoy pa si Jahann sa sinabi nito? Hindi na lang ako kumibo sa kanya at nagpatuloy sa pagkain.

Gaya ng sinabi ni Jahann, siya na ang maghahatid sa akin mamaya sa bahay. Nakaramdam din ako ng antok kaya naman nagpaalam ako sa kanya na kung maari akong matulog na muna. Gabi pa naman niya ako ihahatid. Mabuti na lamang din at may dinner date si Mommy at Daddy kaya naman wala sila sa bahay.

Mahigit tatlong oras din akong nakatulog. Naalimpungatan lang ako nang makaramdam ng kirot sa bandang pisngi ko. Matapos kong ipusod ang buhok ay lumabas na ako ng kwartong inookupa ko. Suot ko pa rin ang t-shirt at pyjama ni Jahann.

Naabutan ko si Jahann na nakaupo sa may couch, nakatalikod din siya sa akin kaya hindi ko mawari kung natutulog ba ito o hindi.

“Bakit naman diyan ‘yan matutulog?” maingat akong lumapit sa kanya at sinilip kung natutulog nga ba ito o nagpapahinga lang. ang kwarto ni Jahann ay malapit lang naman sa living room. Kailangan ko ng umuwi sa bahay. Ang alam ko’y nasa sasakyan niya ang bag ko at hindi ko naman alam kung nasaan ang susi ng sasakyan ni Jahann.

Napakunot ang noo ko nang makita ang payapang mukha ni Jahann habang natutulog. Hindi ko mapigilang mapangiti rito. Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa pagdating niya kanina. Hindi ko alam kung paanong naroon si Jahann pero nagpapasalamat ako na dumating siya. Tumingin ako sa orasan na naroon. Lagpas alas-singko pa lang naman. Maaga pa kung tutuusin. Marahil ay puyat at pagod din si Jahann kaya nakatulog na ito doon.

Bumalik ako sa kwarto na inokupa ko at kinuha ang unan at kumot na naroon bago binalikan si Jahann. Doble ang pag-iingat ko na mailagay ng maayos ang unan sa may ulo niya upang huwag itong magising.

Maingat ko ring inilagay sa kanya ang kumot.

“Thank you,” halos pabulong na sabi ko sa kanya. “Thank you for everything,” ngumiti ako bago tumayo.

Wala naman akong ibang gagawin sa bahay ni Jahann kaya naisipan ko na lang magpunta sa kusina at tumingin kung may makakain ba roon o wala. Sabi ni Jahann ay wala itong panahon na magluto, malamang ay wala namang stock sa ref nito.

Hindi rin ako makakabili ng pagkain sa ibaba dahil wala naman akong pera.

Binuksan ko ang ref ni Jahann at ganoon na lamang ang gulat ko nang makitang puno naman iyon ng laman. Napatingin ako kay Jahann na tanaw ko mula sa kusina. Nagkibit-balikat na lamang ako bago nagsimulang maglabas ng kung ano-ano mula roon. Hindi naman siguro magagalit si Jahann kung papakialaman ko ang mga naroon.

Halos patapos na akong magluto nang balikan ko si Jahann na natutulog pa rin.

It’s almost six. Kailangan na niyang gumising.

“Jahann…” tinapik-tapik ko ito.

“Jahann…” muling tawag ko sa kanya. Mahinang ungol lamang ang isinukli niya sa akin.

“Hey, wake up!” pinisil ko ang ilong nito at iminulat naman niya ang mga mata. “What the—“ tumaas ang isang kilay ko sa kanya. “What time is it?” tanong niya sa akin na umayos ng upo. “Almost six na. Nakialam na ako sa kusina mo. I hope you don’t mind…”

“Gutom ka na naman?” tanong niya sa akin, namumungay pa ang mga mata.

“Kung ayaw mong kumain, huwag mo…” inirapan koi to bago muling nagtungo sa kusina. Sumunod naman siya sa akin at tinignan ang inihanda ko. “Ang dami naman niyan,” komento niya. Nilingon ko siya bago nagsalita. “You told me you have no time to cook. So pwede mo pang ilagay sa ref ‘yan at initin na lang instead of ordering. Mas makakatipid ka pa,” litanya ko sa kanya bago tuluyang naghain ng pagkain.

“Why are you smiling?” iniiwas ko ang tingin sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman kong kung ano sa may sikmura ko.

“Nothing,” he shook his head and smiled again.

“Kumain na nga tayo. Ihahatid mo pa ako pauwi,” sabi ko na lamang sa kanya bago nagsimulang kumain. Hindi naman na tumutol si Jahann nang mag-aya akong umuwi. Hindi na rin ako nagpalit ng damit. Hiniram ko na lang ang isang jacket niya upang matakpan ang braso ko at nakalugay naman ang buhok ko para na rin matakpan ang pisngi ko.

Walang kumikibo sa amin habang nagmamaneho si Jahann. Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa loob ng sasakyan niya.

“Are you still mad?” nilingon ko siya. Saglit naman siyang lumingon sa akin at muling ibinaling sa kalsada ang tingin. “To be honest? Yeah,” mahinang sagot niya sa akin. I expected that. Mas nakakatakot si Jahann kapag mas tahimik ito kaysa sa normal na pagiging tahimik nito.

“I already told you, I’m fine…” giit ko sa kanya.

“Creep, hindi okay sa akin na nasaktan ka.”

“I know that,” napayuko ako sa kamay ko. “But I want you to know that I am so thankful that you came…” nag-angat ako ng tingin muli sa kanya. Ngumiti ako nang humarap siya sa akin. “I’m thankful that you’re there…”

Inabot ni Jahann ang kamay ko at dinala iyon sa mga labi niya. “No one’s going to hurt you again. I promise you, that…”

Tinitigan ko si Jahann. Walang kasiguraduhan ang pangako niyang iyon. I know, he will do everything he can to protect me. Para siguraduhin na hindi ako masasaktan… but at the end of the day, isang bagay lang ang masakit tanggapin. Iyong realidad.

Nang makarating kami sa bahay ay nagpaalam na ako sa kanya at dumiretso sa kwarto ko. Ibinagsak ko ang sarili sa kama at tinignan ang kisame ng kwarto ko. Iniisip ko ang nangyari sa buong maghapon ko.

Napalingon ako sa cellphone ko nang bigla iyong magring. Si Ian ang tumatawag sa akin. May halos dalawampung tawag na akong natatanggap sa kanya. Tinitigan ko lamang ang screen ng phone ko hanggang sa maputol ang tawag.

I know, he’s probably blaming himself. Pero wala akong gustong kausapin. Gusto ko lamang magpahinga.

May mahigit sampung minuto na akong nakahiga nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Maari akong magpanggap na natutulog na lamang. Plano ko rin na maagang umalis kinabukasan para maiwasan si Mommy at Daddy.

“Creep…”

Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni Jahann. Hindi pa siya umaalis?

Bumangon ako at naglakad papunta sa pinto. Binuksan ko iyon at nakita ko si Jahann na nakatayo sa may labas ng pinto. “May I come in?” tanong niya sa akin. Nilakihan ko ang bukas ng pinto para makapasok siya.

“Akala ko umuwi ka na,” anang ko bago naglakad pabalik sa may kama pero napigilan ako ni Jahann nang hawakan niya ang kamay ko. Nilingon ko siya.

“Take the risk,” mahina ngunit malinaw na sabi niya sa akin. Tumuwid ang likod ko habang nakatingin sa kanya. “What?”

“Damn, I should’ve said that earlier. Not here…” huminga ng malalim si Jahann bago muling tumingin sa akin.

“Take the risk, Creep…” ulit niya sa sinabi niya kanina sa akin.

“Jahann…”

I’m still trying to be reasonable that’s why I’m stopping myself.

Yes, I couldn’t deny the fact that I feel something towards Jahann, towards my brother, but that’s not right.

But why the hell it feels so damn right to be with him? Bakit sa tuwing hawak ako ni Jahann, pakiramdam ko ay ligtas ako. Bakit sa tuwing kasama ko si Jahann ay kuntento ako?

“Be mine, Cherinna.”

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nababasa ko sa mga mata niya na nahihirapan na siya. Nababasa ko sa mga mata niya ang sinseridad sa bawat salitang sinasabi niya.

Should I take the risk?

I closed my eyes and opened them again after a few seconds.

Muli akong nag-angat ng tingin at sinalubong ang mga mata ni Jahann.

“I’m yours,” I whispered.

“I’m yours…” I smiled.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.