Chapter 37 "HEAVEN BY YOUR SIDE"

SUMAPIT ang araw na pinakahihintay ng lahat. Lalo na ni Aria, ang araw ng pag-iisang dibdib nila ni James.

Isa iyong private garden wedding sa Tagaytay na dinaluhan ng malalapit na kapamilya, kaibigan at kamag-anak nila.

Magandang-maganda si Aria sa suot niyang wedding gown. At dahil hindi pa naman umbok ang tiyan niya ay nagkaroon ng emphasis ang maliit niyang baywang.

"Ate ang ganda-ganda mo" si Anya na suot na ang kulay pula nitong silk dress na pang-abay.

Nginitian niya ang kapatid mula sa sarili niyang repleksyon sa malaking salamin." Salamat" aniya rito.

Ilang sandali pa ay nakarinig na sila ng magkakasunod na katok sa pinto. Si Anya ang nagbukas niyon. Agad na napatayo si Aria nang makilala kung sino ang bagong dating. Walang iba kundi ang kuya niyang si Albert.

"Congratulations, hindi ko naisip minsan man na mas mauuna ka pala saking mag-asawa" ang bungad nitong biro sa kanya saka siya niyakap pagkatapos.

Nangingilid ang mga luhang nakangiting sumagot si Aria. "Hindi ko rin inasahan ito kuya. Mangyayari nalang siguro talaga" aniya.

"Ano ready kana anak? Baka nasa venue na si James?" ang nanay niyang kaagapay na pumasok ng ama niyang na ngayon ay nakakalakad na gamit ang tungkod.

Pagkakita sa mga magulang ay hindi na nakapagpigil ng emosyon niya ang dalaga. Nilapitan niya ang mga ito at niyakap. 

"Maraming salamat po sa lahat" aniyang nagpahid ng mga luha pagkatapos.

Kagaya niya parehong umiiyak ang nanay at tatay niya. "Maraming salamat rin anak sa lahat ng sakripisyo mo para sa pamilyang ito. Magiging masaya ka kay James, mabuting tao siya at mahal na mahal ka" ang tatay niya saka bahagyang tinapik ang kanyang pisngi.

Ilang sandali ang nakalipas, sa bridal car na maghahatid sa kanya sa venue ay kasama niya ang mga magulang niya. Habang ang kuya naman niya ay sa kotse nila kasama ang dalawa pa niyang kapatid.

Mabilis at agad na kumabog ang dibdib ng dalaga nang nasa malawak na driveway na ng venue ang bridal car. Hindi man siya makapaniwala pero iyon ang totoo. Mamaya asawa na siya ni James. Mamaya, magiging isa na silang dalawa. At hindi pa man, parang nakikita na niya ang isang maliwanag na bukas kasama ito at ang magiging anak nila.

Kombinasyon ng pula at puti ang kulay ng wedding venue. Pero dahil nga red ang motif ay mas dominant ang nasabing kulay. 

Puno ang location ng magaganda at mapupulang rosas. Iyon ang pinili niyang gawa ng ganoon ang ibinigay sa kaniya noon ni James. Napangiti sa alaala si Aria saka hinaplos ng tingin ang wedding bouquet na hawak niya. Katulad ng mga bulaklak roon mapupula at magaganda. Ang kaibahan nga lang, napapalamutian iyon ng mamahaling crystals at puting perlas.

"Anak" bahagya pang nagulat si Aria nang marinig ang boses na iyon ng nanay niyang hinawakan pa ang braso niya.

"H-Halika na?" ang tatay niyang bahagya pang nabasag ang tinig. Tiningala niya ito at noon nakita ng dalaga ang pagkislap ng luha sa mga mata ng kanyang ama.

Mahigpit siyang kumapit sa braso nito nang magsimula silang maglakad. Maraming nakangiting mukha ang bumati sa kanya nang mabungaran ang mga taong magiging saksi sa pag-iisang dibdib nila ni James. Pero ang lahat ng iyon ay parang agad na naglaho nang mamataan niya ang lalaking pinakamamahal niya.Napakagwapo sa kulay puting tuxedo na suot nito.

Heaven By Your Side na pinasikat ng boyband na A1 ang narinig niyang kinakanta ng choire.

Hindi na namalayan ni Aria na hilam na ng luha ang mga mata niya. Katulad ni James na nakita niyang nagpahid ba gamit ang panyo na ibinalik rin nito sa bulsa ng suot nitong pantalon.

Mahigpit muna siyang niyakap ng nanay at tatay niya. Lalo na ang huli na sa kalaunan ay luhaan pa ang mga matang iniabot kay James ang kamay niya. 

"Alagaan mo ang anak ko, hijo" ang narinig pa niyang sinabi nito kay James.

Ngumiti si James saka niyakap ang tatay niya. "Makakaasa kayo, tay" anitong gumanti ng mas mahigpit na yakap. 

"Hey," makahulugang winika nito na nakuha naman niya ang ibig sabihin. Saka siya nito kinindatan. Ang magandang pagkakangiti sa kanya ng binata ang lalong nagpabilis ng tahip ng kanyang dibdib.

Sa ganitong mga pagkakataon normal nalang siguro na maalala nila kung paano sila nagkakilala. At iyon ang unang pumasok sa isipan niya. Ang salitang hey na iyon ang mas pinili niyang itawag sa kaniya ni James sa kagustuhan lang niyang huwag ipaalam rito ang pangalan niya. 

"Sir James" ang ganting tukso naman niya sa binata na lalong nagpalapad ng ngiti nito.

"Pwede ko bang hawakan ang kamay mo?" simple pero humaplos ng husto sa puso niya ang tanong na iyon ng binata.

Natawa ng mahina si Aria sa kabila ng nagbabadyang mga luha na nagawa rin naman niyang kontrolin. Walang anumang salita niyang iniabot ang kamay kay James. 

"I always thought that love would be the strangest thing to me" nakatayo na sila noon sa harapan may altar, sa harapan ng pari na magkakasal sa kanila nang marinig niyang mahinang sinasabayan ni James ang kanta. "but when we touch I realize that I found my place in heaven by your side" anito pang ngumiti sa kanya pagkatapos.

GABI na nang matapos ang party sa reception. At para sa unang bahagi ng kanilang honeymoon ay sa Palawan ang unang destinasyon nila ni James. 

"Seryoso?" amuse niyang nilinga ang kabiyak na mukhang may last song syndrome na sa kantang Heaven By Your Side.

Narinig niya ang mahinang tawang pinakawalan nito saka siya mahigpit na niyakap pagkatapos. "I guess we have our new theme song" anito pa.

Napangiti doon si Aria saka muling nilingon ang asawa. "Maganda naman talaga, bagay sa kwento nating dalawa" komento pa niya.

"I love you, hindi ko lang masabi kung gaano pero mahal na mahal kita" ang madamdaming hayag ni James na hinalikan pa ang kamay niya.

Mabilis na napaiyak si Aria sa sinabing iyon ni James. "I love you too. Siguro kung nagkataon na hindi ka na-in love sa akin, mamahalin parin kita. Kahit sabihin pang anak lang ang habol mo" aniyang nagpahid ng mga luha pagkatapos.

Kinabig siya ni James saka mahigpit na niyakap. "Hindi lang siguro ako aware noon sa pakiramdam ng in love. Pero ngayon sigurado na akong hindi lang simpleng attraction o pagnanasa ang naramdaman ko nung gabing nakita kitang umiinom sa bar."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.