ALAM ni Sasha Dela Torre na si James Salgado ang huling lalaking dapat niyang pagkatiwalaan. Na kahit explosive pa ang bawat sandaling nagtatalik sila at hindi na ito kasing cruel at lamig na katulad dati, mali pa rin na ibaba niya ang depensa niya pagdating dito. Pero hindi pa rin niya mapigilan ang sariling tawagan ito kanina nang malaman niyang wala siyang schedule hanggang bukas ng tanghali. Ayaw kasi niya mag stay lang sa condo niya. Kapag kasi mag-isa lang siya maraming isiping nagpupumilit gumulo sa utak niya.
Pero kung magiging honest talaga si Sasha sa kanyang sarili, gusto lang talaga niya makasama uli si James. Kahit gaano siya kaabala sa nakaraang mga araw bigla niya pa rin ito naaalala. Siguro dahil hindi lang basta sex ang ginawa nila sa condo niya few days ago? Siguro dahil nakapag-usap sila ng maayos nang gabing iyon at kahit papaano naipakita nila sa isa’t isa ang bahagi ng mga pagkatao nilang hindi nila basta pinapakita sa iba? Kaya kahit ayaw niya aminin sa sarili nagsisimula na siya ma-attach kay James.
Calling him and inviting him to eat awhile ago was actually a test. Naisip niya kanina na kapag tinawagan niya ito at ini-snub siya nito o may marinig siyang makakagalit sa kaniya, sign iyon para ipaalala sa sarili niyang hanggang sex lang talaga sila. Na hindi siya dapat mag expect nang higit pa sa tawag ng laman pagdating kay James Salgado.
Kaya hindi niya alam kung matutuwa siya o malilito nang pumayag ang binata sa pag-aaya niya. Ang bilis pa nitong sumulpot sa labas ng condominium building niya at ngayon kaagapay pa niyang naglalakad palapit sa isawan sa loob ng UP campus. Ni hindi ito nagreklamo kahit nang makita nilang maraming taong nagkukumpulan sa tindahan at mukhang aabutin pa sila ng ilang oras bago sila makaorder at makakain.
Matagal na pareho lang silang tahimik habang magkatabing nakatayo. Nakakagulat na walang pagkailang o tensiyon na nararamdaman si Sasha. Para bang katulad niya hindi rin naiinip si James na hintaying maubos ang mga taong nakapila para kumain ng isaw. Na para bang sapat na ritong magkasama sila ng ganoon. O baka delusional lang siya.
“Nakalimutan kong itanong pero kumakain ka ba ng isaw? Baka mamaya hindi pala pero hindi ka nagsasabi sa akin,” sabi ni Sasha nang malapit na ang turn nila para umorder.
Niyuko siya ni James, tumaas ang mga kilay at tipid na ngumiti. “Laki ako sa hirap, Sasha. Wala akong hindi kayang kainin. Kahit pagpag noon pinapatulan ko para lang magkalaman ang tiyan ko. Ikaw ang hindi ko inaasahang kumakain ng isaw. I bet your parents didn’t even allow you to eat food that were not cooked by the best chefs out there.”
Uminit ang mukha ni Sasha at parang nilamutak ang puso niya sa labis na pagkapahiya. Since two years ago she has always been ashamed when someone mentions her upbringing. Huminga siya ng malalim at sinalubong ng tingin ang mga mata ni James. “I know I was born in a priviledged family. At kahit palagi sinasabi sa akin ni papa noon na dapat hindi ako maging maluho kasi hindi magandang tingnan bilang anak ng isang politiko, totoo rin na palaging masarap ang mga kinakain ko at maganda ang tirahan ko at nakapag-aral ako sa mamahaling mga school at mamahalin ang mga gamit ko. Back then I thought that was the normal kind of life.”
Hindi sumagot si James pero naging matiim ang titig sa mukha niya na para bang nakikinig talaga ito sa bawat salitang binibitiwan niya. Tipid siyang ngumiti. “Akala ko noon dahil palagi ako nagpupunta sa mga charity event na alam ko na talaga ang tunay na mukha ng kahirapan. Akala ko sapat na ang tulong na binibigay ng mga donor ng foundations ni papa para mabago ang buhay ng iba. Pero mula nang pumasok ako sa party list at talagang ma expose sa marginalized communities, narealize ko na pampataba lang ng ego ng mga mayayaman ang charity events namin dati. Para lang mapanatag sila na nakakatulong sila kahit halos wala naman talaga nadudulot na pagbabago sa buhay ng iba ang perang binibigay nila.”
Ilang segundong tahimik lang sila nagtitigan, nawalan ng pakielam sa mga taong nasa paligid nila. Mayamaya si James ang unang nagsalita, “And so?”
Umangat ang gilid ng mga labi ni Sasha sa kaswal na tono nito. Na para bang hindi niya binuksan ang puso niya para rito sa nakaraang ilang minuto. She was relieved though. Ayaw niya maging masyadong seryoso ang moment na iyon. Kaya kumapit na lang siya sa braso nito at hinila ito kasi umusad na ang pila at malapit nang maging turn nila para umorder. “And so, marami akong natutunan mula nang maging bahagi ako ng party list namin. I hate politics but I am glad I will be able to reach out to people who needs help. Saka marami akong nararanasang hindi ko na experience dati. Katulad nang pagkain ng streetfood na dati pinagbabawal sa akin ni papa.”
Later nang naka order na sila ng pagkain at drinks ay sumakay uli sila ng kotse ni James at nagpunta sa sunken garden. Alas otso na ng gabi at bukod sa mga lamp posts na nakahilera sa kalsada ay sobrang dilim na roon. Halos wala ring tao at tahimik ang grass field, wala sigurong ganap sa university. Pakiramdam tuloy ni Sasha silang dalawa lang ang tao roon.
“Dito ka ba nag-aral?” tanong ni James nang magkatabi na silang nakaupo sa damuhan paharap sa field at nilalantakan ang isaw na binili nila.
“Oo. Noong buhay pa si papa pina-enroll niya ako sa graduate school. I got my masters in public administration before he died. Hindi ko alam dati kung anong purpose ‘non. Basta sinunod ko lang siya kasi wala naman akong ibang naiisip gawin kaya nag-aral na lang ako. Two years ago ko lang nalaman na planado pala talaga niya ang magiging takbo ng buhay ko,” paliwanag ni Sasha habang binubuksan ang bote ng mineral water at uminom doon.
“Bakit sinusunod mo ang mga plano niya para sa buhay mo? Wala ka bang ibang plano para sa sarili mo?” biglang tanong ni James.
Natigilan si Sasha at napatitig sa mukha nito. Malungkot siyang ngumiti. “Hindi ako pinalaki para magkaroon ng sarili kong plano. They groomed me to become an obedient daughter.”
“Pero patay na ang tatay mo. Hindi mo na kailangan sundin ang plano niya para sa ‘yo. Puwede ka na mag-isip ng talagang gusto mong gawin sa buhay.”
“Alam ko. Gagawin ko ‘yan pagkatapos namin manalo sa darating na eleksyon at makapaglingkod ako ng isang termino.”
Kumunot ang noo ni James at halatang marami pa gusto itanong. Naging pilya ang ngiti niya at siniko ang tagiliran nito. “Interesado ka sa akin ha? I’m flattered.”
Napakurap ang binata at halatang na-caught off guard. Sumikdo ang puso ni Sasha nang makita niya sa mukha nito na nabigla talaga ito. Na para bang hindi nito napansin na tanong ito ng tanong. Bago pa niya napigilan ang sarili ay matamis na siyang napangiti. Gusto lang niya ang ideya na hindi lang katawan niya ang nakakakuha sa interes ni James. At dahil alam niyang hindi na ito magbubukas ng topic kaya siya na lang ang nagbato ng tanong, “Ikaw ano ang course na kinuha mo dati at saan ka nag-aral?”
Kumurap si James at napaderetso ng upo. “Hindi ako nag kolehiyo.”
Nawala ang ngiti ni Sasha at parang nilamutak ang sikmura niya. “I’m sorry. That was insensitive of me.”
Umismid ang binata, umangat ang isang kamay at pinahid ng hinlalaki ang gilid ng kanyang mga labi. Ni hindi niya namalayang may naiwan palang sauce doon. “Hindi ako masasaktan sa ganiyan kasimpleng bagay. I’ve been through too much shits in my life to get affected by my lack of higher education. Besides what I lack in academics I made up in experience.”