Chapter 47

NAGTAGAL si James Salgado sa loob ng banyo kahit pa mabilis lang naman mag dispatya ng condom at maglinis ng sarili. Habang nagbabasa at nagpipiga kasi siya ng towel na balak niya gamitin para ipanlinis naman kay Sasha ay napatingin siya sa salamin at nabigla na masyado yata siyang nagiging… maalaga. Biglang bumalik sa isip niya ang mga nangyari mula pa kaninang sinundo niya si Sasha hanggang ngayon. Hindi siya aware sa mga ginagawa niya kanina pero ngayon naaalala na niya. Lalo na ang mga halik na iginawad niya sa dalaga, magagaan at masusuyong halik na kahit isang beses lang hindi niya ginawa sa kahit na sino.

Masyado siyang nasorpresa na napatunganga lang siya sa loob ng banyo. By the time na bumalik siya sa kuwarto nakita niyang nakadapa na sa kama si Sasha at lower body lang ang may nakatakip na kumot. Nang makalapit siya at umupo sa gilid ng kama narealize ni James na natutulog ito. Magaan na inilapat niya ang palad sa likod nito at marahang humaplos. Umungol si Sasha, marahang gumalaw patagilid at paharap sa kaniya pero hindi dumilat. Sa halip umangat ang kamay nito pahawak sa lower arm niya. “I’m hungry,” bulong nito.

Bago pa marealize ni James kung ano ang gingawa niya ay mahina na siyang natawa at tinapik ang likod nito. “Fine. Clean up first while I call food delivery.”

Humigpit ang hawak nito sa braso niya, tumingala at dahan-dahang dumilat hanggang magtagpo ang mga paningin nila. Sandaling nagkatitigan lang sila bago napunta ang atensiyon nito sa basang towel na hawak niya. Tumayo na siya at binalewala ang longing na nakapa niya sa dibdib nang mabitawan nito ang kanyang braso.

“Here.” Inabot niya rito ang towel sabay talikod. Naramdaman niyang bumangon na paupo sa kama si Sasha pero imbes na lumingon ay lumapit siya sa cabinet, humila ng sweatpants at isinuot iyon.

“Gusto ko heavy meal,” basag ng dalaga sa katahimikan. “Kanin saka ulam.”

Lumingon si James sa kama at magkokomento sana pero natigilan siya nang makitang inalis na nito ang kumot mula sa kandungan nito at abala na sa pagpupunas sa pagitan ng mga hita nito. She was fully naked, her long messy hair brushing against the upper swell of her breasts as she move. She was so beautiful that even though they just fucked he was getting painfully hard again. Pero hindi iyon ang nakabahala sa kaniya kung hindi ang kasabay niyong pakiramdam na parang may kamay na lumalamutak sa dibdib niya. It was a feeling so strange to him he doesn’t know what to call it.

Nakatitig pa rin si James nang biglang mag-angat ng tingin si Sasha. Tumaas ang mga kilay nito at kumislap ang pagtataka sa mga mata. “Bakit? Ayaw mo umorder ng heavy meal?”

Ipinilig niya ang ulo at marahang umiling. “It’s fine. Gutom na rin naman ako.” Akmang lalayo na siya sa cabinet nang may maisip. Kumuha siya ng t-shirt at boxer shorts, lumapit sa kama at inilapag ang mga iyon sa tabi ng dalaga. “Wear these.” Sandaling natigilan ito at napatitig sa mga damit bago tumingala at mahinang nagpasalamat. Tumango lang si James bago tumalikod at tuluyang lumabas ng kuwarto.

TEN MINUTES na mula nang tumawag si James ng food delivery pero hindi pa rin lumalabas sa living room si Sasha. Akala niya nakatulog na naman ito kaya bumalik siya sa kuwarto pero natigilan siya nang makitang nakabihis na ito at nakatayo paharap sa bed side table. Nakayuko ito at may matiim na tinitingnan.

Ilang segundo bago niya narealize kung ano ang nakakuha sa atensiyon nito. Ang nag-iisang picture frame sa buong bahay niya at nakapatong sa lamesa kasama ng digital clock at night lamp.

“Kapatid mo?” tanong ni Sasha na nakatitig pa rin sa larawang naka frame.

Napalunok si James. “Yeah.”

Saka lang siya nilingon ng dalaga at ngumiti. “Magkahawig kayo.”

Umangat ang gilid ng mga labi ni James at naglakad palapit dito. Kinuha niya ang frame at pinagmasdan ang larawan nila ni Martin. Kuha iyon pagkatapos ng graduation ceremony nito sa medical school. Magkaakbay sila at parehong maganda ang ngiti. Hindi mahilig magpakuha ng larawan si James sa normal na pagkakataon, siguro dahil palagi na nakatutok sa kaniya ang mga camera kapag nagtatrabaho. Pero espesyal para sa kanilang dalawa ni Martin ang graduation nito at nahawa siya sa saya at excitement nito. Higit sa lahat, proud na proud siya sa kapatid nang sandaling inabot nito ang diploma kaya walang pagdadalawang isip na pumayag siya magpakuha ng larawan nang ayain siya nito.

“Ikaw ang unang nagsabi na magkahawig kami. Lahat ng taong nakikilala namin, hindi nalalaman na magkapatid kami maliban na lang kapag sinabi namin.”

“Baka hindi nila kayo nakikita ngumiti kaya hindi nila makita ang pagkakahawig. Tingnan mo nga, pareho kayong mas nakaangat ng konti ang isang side ng lips kapag nakangiti,” sabi ni Sasha na inilapit pa ang hintuturo sa larawan at hinaplos ang gilid ng mga labi niya roon.

Napalingon si James kay Sasha nang dumikit na ang katawan nito sa tagiliran niya. Nakatutok pa rin ang tingin nito sa picture frame na hawak niya at nakangiti na para bang aliw na aliw ito sa nakikita.

“Sa tingin mo talaga magkahawig kami?”

Tumango ang dalaga at tiningala siya. “Oo nga. Saka obvious sa picture na sobrang mahal ninyo ang isa’t isa. Both of your eyes look so happy and proud.”

Hindi nakapagsalita agad si James kasi parang may bumara sa lalamunan niya sa obserbasyon na iyon ni Sasha. Sandaling inalis niya ang tingin sa maganda nitong mukha at maingat na ibinalik sa bedside table ang hawak na picture frame.

“It’s because we only have each other since we were young,” kaswal na sagot niya. Naramdaman niyang natigilan ang dalaga. Kahit siya medyo na caught off guard na ang dali lang para sa kaniyang i-open ang tungkol sa personal niyang buhay kay Sasha. Samantalang kinailangan ni Dr. Silva ng apat na session bago siya naging komportable magsabi rito.

“How young?” mahinang tanong nito.

Pumihit siya paharap sa dalaga at sinalubong ng tingin ang mga mata nito. “Simula nang ipanganak siya. Sa kasamaang palad, nanggaling kami sa mga walang kuwentang magulang. Ang unang alaala na mayroon ako noong bata ako ay palagi akong gutom dahil ilang araw ako nakakalimutan pakainin ng mga magulang ko. Masyado kasi silang busy sa mga bisyo nila. Kaya nang ipanganak si Martin nangako akong po-protektahan ko siya sa abot ng makakaya ko. Noong kinse anyos ako at dose siya, naglayas kami.”

Umawang ang mga labi ni Sasha. For a moment nataranta si James na baka may makita siyang awa sa mga mata nito. He will hate that. Ayaw niyang kinakaawaan siya. Pero hindi nagbago ang facial expression ng dalaga at marahang tumango. “Mas nakabuti bang lumayas kayo?”

Mapait na ngumiti si James. “Iyan din ang palagi ko tinatanong sa sarili ko sa loob ng maraming taon. I wonder if it was worth it to get out of hell only to plunge into another version of it. Kung wala si Martin, baka teenager pa lang ako sinukuan ko na ang buhay.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.