Chapter 55

HINDI ALAM ni Sasha kung paano niya nagawang makauwi sa condo unit niya nang gabing iyon. Isang linggo siyang pagod at halos walang tulog dahil sa pangangampanya at pakikipagkita sa mga politiko at iba pang mga organisasyon na makakatulong para manalo ang party list nila sa eleksyon. By the time na sumakay sila ng eroplano pabalik ng Maynila pakiramdam niya naka auto-pilot na lang ang katawan niya at nang nakasakay na siya ng taxi feeling niya bibigay na talaga ang katawan niya.

Pagpasok ni Sasha sa condo niya, halos gumapang na siya para makahiga sa mahabang sofa. “God, I’m so tired,” ungol niya at pumikit. Her body is aching everywhere.

Narealize lang niya na nakatulog siya sa sofa nang maalipungatan sa pagtunog ng cellphone niya. Umungol siya at ni hindi maidilat ng maayos ang mga mata habang kinakapa ang gadget sa loob ng shoulder bag na basta lang niya hinagis sa sahig kanina.

“Hello?” inaantok na sagot niya sa kung sinong tumatawag. Ilang segundong hininga lang ang naririnig niya sa kabilang linya kaya makakatulog na sana siya uli.

“Are you okay?”

Sumikdo ang puso ni Sasha at dumilat nang marinig ang boses ni James. “Hey.” I miss you. “Kababalik ko lang sa condo ko at nakatulog ako. I’m fine. Just tired.”

“Do you need something? Food? Kumain ka na ba?”

Kung hindi lang siya pagod na pagod magtataka siya sa sunod-sunod na tanong ni James at mapapansin niya sana na may nagbago sa tono nito. Sa halip pumikit si Sasha, bumuntong hininga at wala sa loob na sinabi ang unang sumagi sa isip niya. “I need to soak in warm water but I’m too tired to fill my bathtub. Kailangan ko rin ng full body massage dahil masakit ang buong katawan ko. I’m so tired pakiramdam ko mamamatay na ako.”

Ilang segundong natahimik si James sa kabilang linya. “Okay. I’ll be there in twenty minutes.”

Nawala ang antok ni Sasha. “What?”

“Gusto kitang makita Sasha. It’s been one week and I am about to go crazy if I don’t see you tonight,” sabi ni James, halata ang frustration sa boses. Saka tama ba na may narinig din siyang longing? Naging honest din tuloy siya.

“I want to see you too.”

“Okay. I’ll be there soon.”

May init na humaplos sa puso ni Sasha at napangiti. “Hihintayin kita.”

DUMATING si James sa condo ni Sasha na may bitbit na dalawang malaking plastic bag ng take-out food. Hindi niya naramdaman na gutom siya kanina pero nang makita at maamoy niya ang mga iyon kumalam ang sikmura niya. Pero sandali lang niya tiningnan ang mga pagkain kasi natutok na ang buong atensiyon niya sa mukha ni James na isang linggo niyang hindi nakita.

Uminit ang buong pakiramdam niya dahil sa relief at kasiyahan kaya bago pa niya napigilan ang sarili humakbang na siya pasalubong sa binata at mahigpit na niyakap ang katawan nito. Isinubsob niya pa ang mukha sa dibdib nito at malalim na bumuntong hininga. “I’m so happy to see you,” ungol ni Sasha at humigpit pang lalo ang yakap.

Ilang segundong hindi nakakilos si James at muntik na niyang isipin na hindi nito gusto ang naging reaksyon niya. Pero biglang umangat ang mga braso nito at kahit may hawak ang mga kamay ay gumanti pa rin ng yakap. Sumikdo ang puso niya at medyo uminit pa ang gilid ng kanyang mga mata. Oh no, bakit siya nagiging emotional? Sobrang pagod na talaga siya.

“Come on, let’s have dinner,” bulong ng binata sa tuktok ng ulo niya.

Tumango siya bago alanganing lumayo rito. Pagkatapos magkaagapay na nagpunta sila sa kusina. Nakaisang subo pa lang si Sasha ng kanin at ulam nang mapansing hindi pa umuupo si James at mukhang balak pa umalis. Maagap na hinawakan niya ang braso nito. “Saan ka pupunta?”

“Sabi mo gusto mo magbabad sa bathtub pero masyado kang pagod para iprepare hindi ba? I’ll do it for you.”

Umawang ang bibig ni Sasha at napatitig sa guwapong mukha ni James. “Really?”

Tumaas ang mga kilay nito at umangat ang gilid ng mga labi. “Sinabi ko na kanina hindi ba? Bubuksan ko lang ang gripo. I’ll be back to eat with you.”

“Thank you,” ussal niya sabay pisil sa braso nito bago tuluyang bumitaw. Tinitigan nito ang mukha niya ng ilang segundo bago umalis ng kusina para magpunta sa banyo. Sandali pa narinig na niya ang tunog ng umaagos na tubig sa bathtub. Lumingon siya sa bukana nang kusina nang marinig ang mga yabag ni James. Habang naglalakad ito palapit sa kaniya saka lang napansin ni Sasha na black shoes, slacks at polo na tinupi ang mahabang manggas hanggang siko ang suot nito.

“Saan ka galing bago ka pumunta rito?” tanong ni Sasha nang umupo na sa tabi niya ang binata at nagsimula na rin sumandok ng sariling pagkain.

“Meeting,” sabi nito at sinimulan ikuwento ang tungkol sa fashion show na tinatrabaho raw nito ngayon. Habang kumakain nag enjoy siya makinig sa mga kuwento nito. Walang alam si Sasha sa mga fashion show at modeling kaya natutuwa siyang malaman ang mga insider information ng binata. Ganado ito magsalita kaya sinarili na lang niya ang realization na ang open nito sa kaniya ngayong gabi. Malayo sa James Salgado na una niyang nakilala. It warms her heart to see him this animated and talkative. Nakikita niya kung gaano nito ka gusto ang career nito. Nakikita niya ang passion at excitement sa mga mata nito, patunay na gusto talaga nito ang kasalukuyang career. Pero feeling niya hindi lang iyon ang dahilan kaya defenseless si James ngayon. May nangyari sa nakaraang mga araw na hindi sila nagkita na bumago sa binata.

Pagkatapos kumain inudyukan na siya ni James na magpunta sa banyo at maglublob sa bathtub. Hinawakan pa nito ang mga braso niya at hinila siya patayo. Nagkalapit ang mga mukha nila at napansin na naman niya ang makapal na tubo ng stubbles sa mukha nito at nanlalalim na mga mata. Umangat ang mga kamay niya at hinaplos ang magkabilang side ng mukha nito. Halatang nagulat ang binata pero hindi naman tinangkang lumayo.

“You look tired. Natutulog ka pa ba?”

Tipid itong ngumiti. “The first stage of preparation is always one of the busiest for us but I always make sure my team and I have enough time to sleep. Hindi lang talaga ako makatulog ng maayos.”

“Pero bakit?” kunot noong tanong ni Sasha.

“I keep thinking about you.”

Nahigit niya ang hininga at may init na kumalat sa buong katawan niya dahil sa straightforward na pagamin nito. Aware kaya si James na habang tumatagal nagiging… romantic ito? May palagay siyang hindi.

Masuyong ngumiti si Sasha. “Hindi lang pala ako ang may kailangan magbabad sa bathtub. Join me?”

Tumaas ang mga kilay ni James. “I won’t say no to that.”

Natawa si Sasha. “Alam ko.” Pagkatapos binitawan na niya ang mukha nito at nauna na naglakad papunta sa banyo.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.