Kabanata 29: Kisses and a Hug
Isang buwan na ang nakalilipas simula noong insidente na akala namin ay nawawala si Elliot. Malapit na rin ang kanyang birthday at sobrang excited na ang bata.
"Papa, this will be my first birthday that we'll celebrate with Daddy Mick. I can't wait for it." ani Elliot habang kumakain ng kanyang cereals sa umaga. Nasisiguro kong ilang minuto na lamang ay darating na si Mick dito upang kunin siya dahil araw ng Lunes ngayon.
I somehow feel bad about his reaction. Dahil kahit paano, naguguilty ako. He could have spent his past birthdays with his father if I did not hide him. But I had my reasons, at sana maintindihan iyon ni Elliot pagdating ng panahon.
For his birthday this year, since wala rito ang iilang kaibigan at kakilala sa France, Elliot wants to have a beach party. Outing kumbaga. Hindi ko pa iyon nasasabi kay Mick but I'm pretty sure he'll agree to it.
Sa mga nagdaang araw, araw araw nagpapadala si Mick dito ng bouquet ng sunflowers. Ayaw kong isipin na ipinapadala niya iyon para sa akin. Iniisip ko nalanv na para iyon sa amin ni Elliot. Wala rin naman kasing mensahe ang bouquet kaya siguro ay hindi nga para sa akin. Ayaw kong mag-assume.
Sa una ay lagi iyong itinatapon dahil sa kagustuhan ni Gabo. Ngunit nang isang linggo na at nagpapadala pa rin si Mick ay nasayangan ako kaya't nagtalo kami dahil kahit paano ay gusto kong idisplay iyon sa sala.
"Why do you want to keep them? I'll buy them myself. We don't need to keep them and put them on display." galit na saad ni Gabo.
"They're just flowers, Gabo. They're harmless." depensa ko.
"I know they're harmless. But they are from Mick! Wala akong problema sa mga bulaklak. May problema ako kay Mick!"
"Like I said, they're just flowers, Gabo! They don't mean anything! Don't overreact!"
"I am not overreacting! I can see that you're slowly turning soft, Kuya! At hinahayaan mo ang sarili mo!" tumaas ang kanyang boses.
"I know myself. Huwag mo akong husgahan!"
"Hindi kita hinuhusgahan! Sinasabi ko lang ang totoo!"
"This is my penthouse. Masusunod pa rin kung ano ang gusto ko! So if I want to display the flowers, I will display them!"
"Then so be it! I am leaving! You can display your stupid flowers but I'll be leaving!"
Dumiretso siya sa kanyang kwarto kaya hinabol ko siya.
"What are you doing?" sigaw ko nang mapansin na kumuha siya ng luggage at marahas na kinuha ang kanyang mga damit sa kanyang aparador.
"I am leaving this penthouse! This is yours, like you said. And if I don't have a say about things here, then I should just leave!" aniya habang inilalagay ang kanyang mga gamit sa bagahe.
"Tumigil ka, Gabo!" banta ko. "Hindi ka aalis sa puder ko!"
"Watch me, Kuya. Watch me!"
Hindi maayos ang kanyang pagkakatupi sa kanyang mga damit ngunit nang matapos ay isinara niya ang bag at handa na sanang umalis.
"I hope you enjoy your flowers!" sarkastiko niyang saad bago nilampasan ako. Hinabol ko siya sa sala.
"Saan ka naman titira? Sa kalsada?" tumaas ang aking boses.
"Anywhere not here!"
I am so frustrated right now. Bakit niya binibig-deal ang mga bulaklak? It's not like I will get back with Mick just because of those stupid flowers!
Ngunit kahit paano ay nag-aalala ako para kay Gabo. I'm pretty sure he has nowhere to go. Maybe he can live with Pietro? But they're still young to live together!
"Fine! We'll throw them out." pagsuko ko. "Sasabihin ko kay Mick na tumigil na siya sa pagpapadala ng bouquet!"
Hindi ko matitiis si Gabo. I can't believe that we had this argument for those stupid flowers.
"What's wrong, Tito Gabo?"
Sabay kaming napalingon kay Elliot na kakalabas lamang sa kwarto namin.
I glanced at my brother. Masama ang tingin niya sa akin bago ibinaling ang atensyon kay Elliot.
"Nothing, baby Elliot. Do you want to watch a movie with me?" tanong ni Gabo sa kanyang pamangkin. Umamo ang kanyang mukha, taliwas kanina na galit siya at gustong sumabog.
"Yes, Tito. But maybe we should watch Barney."
"How about Avengers?"
Sumimangot si Elliot. "But I want to watch Barney."
"Fine. We'll watch Barney. At least you don't want those sunflowers." muli ay binigyan niya ako ng masamang tingin. "I'll just get my things to my room." Nilapitan niya ang bata at ginulo ang buhok nito.
"Yeyyyy!" Elliot celebrated.
Bago magtungo sa kanyang kwarto ay muli akong sinamaan ng tingin ni Gabo. Ganoon din ang ginawa ko.
He's so childish! Bakit niya ginawang big deal iyong mga bulaklak? I am so frustrated! I understand where he's coming from. Dahil kahit paano, alam kong sinisi niya ang sarili niya sa aking mga pinagdaanan. At ayaw niyang maranasan ko ulit iyon. But like I said, I am not getting back with Mick just because of those stupid flowers!
Gayunpaman, sa takot kong iwanan niya kami ay hindi na ako nakipagtalo ulit sa mga bulaklak.
Agad kong sinabi kay Mick na tumigil na siya sa pagpapadala ng mga bulaklak dahil nasasayang lang. At hindi ko naman gusto ang mga iyon. Mabuti at naintindihan niya naman dahil kinabukasan ay wala ng idiniliver sa aming unit.
Sa nakaraang buwan, napakarami na rin ng nangyari.
Nakalabas na si Dean ng ospital at diretso siya sa kulungan. Pero dahil may pera siya, agad ding nakalabas dahil nakapagpyansa. Hindi lang siya nawalan ng trabaho dahil sinibak sa pwesto, kundi tinanggalan din siya ng lisensya sa pagiging practicing accountant. Serves him well. Dahil kung tutuusin, kulang pa iyon sa ginawa niya sa akin.
As for Pete and Kao, Techno is already plotting on how we will take them down. Si Techno lang talaga ang gumagawa ng paraan at sinasabi niya lang sa akin ang plano niya.
I sometimes go out on dates with Apo and Bright. Pareho silang pursigido at determinado. But it's still early to pick one. At isa pa, hindi ako sigurado kung handa na ba ulit akong pumasok sa isang relasyon. Hinahayaan ko lang sila sa gusto nilang gawin dahil alam kong alam ni Mick ang lahat ng ginagawa ko kaya gusto ko siyang masaktan. Kung talagang may nararamdaman pa siya sa akin, sigurado akong nagseselos siya sa tuwing lumalabas ako kasama si Apo o si Bright.
I met with Thomas once and we went out for dinner. But it was more of a parting dinner than a date. He was offered to study a PhD degree in MIT and left the country last week. We promised each other to remain friends and talk from time to time.
As for Mick, hindi nakatulong ang mga ginagawa niya sa mga nagdaang araw. Bukod kasi sa mga bulaklak ay lagi siyang nagpapakain sa set ng mga projects ko. Photoshoot man o videoshoot, laging may pa-buffet para sa mga staff dahil nagpapadala siya. Hindi ba siya nauubusan ng pera? Tsk.
Hindi ko siya sinabihan na itigil niya iyon dahil kita ko namang natutuwa ang mga tao sa set. He just wants to share his blessing. Napakasama ko naman kung ipatitigil ko iyon. Pero hindi ako tanga para isiping hindi niya ginagawa iyon para sa akin. Of course, he's doing it to please me. But I'm sorry Mick, hindi tatalab yan sa akin yang galawan mo!
Tumunog ang doorbell. Sa sobrang excited ni Elliot makita ang kanyang ama ay tumakbo siya patungo sa pinto at inunahan ako.
I opened the door. Nakatayo sa labas si Mick suot ang kanyang business attire. Alam kong pupunta siya rito kaya maaga akong naligo. Nakakahiya kasi kung haharap ako sa kanya na nakapambahay. He is still handsome as ever. Kahit ilang taon na ang lumipas, tila hindi siya tumanda kahit konti. Inatake ng kanyang panlalaking pabango ang aking ilong. His hands were inside his pockets. Seryoso ang kanyang mukha nang tingnan ako ngunit ngumiti rin nang ibaling ang atensyon kay Elliot.
"Good morning, Daddy!" magiliw ang boses ng bata.
Mick went down on one knee and placed his left hand on top of Elliot's head. "Good morning bud. How was your sleep?"
"It was okay, Daddy. I still sleep with Papa Goob. I hope you'll sleep next to us sometimes."
Napalunok ako dahil sa narinig mula kay Elliot. Nagkatinginan kami ni Mick na ngayon ay seryoso na naman ang mukha, hula ko ay sinusubukang basahin ang aking reaksyon.
"You ready to go to school bud?" tanong niya kay Elliot.
"Let's go! I'll just get my bag!" tumakbo si Elliot palayo sa amin. Umagang-umaga ay napakahyper na niya.
Kaya naman ay naiwan kaming dalawa ni Mick. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod. Nanatili kami sa may pintuan.
"Good morning." bati niya.
"Morning."
"Can I ask you something?"
"You're already asking." mataray kong sagot at tinaasan siya ng kilay.
Nanatili lamang siyang seryoso. "Will it be okay if I tell everyone that I have a son already? Okay lang ba sa'yo kung ipakilala ko siya sa mundo?" napalunok siya sa tanong niya, halatang nagdadalawang-isip.
Napaisip ako kahit paano.
Why did I hide Elliot anyway? I only had one reason. That is to keep him a secret from Mick. Ayaw kong malaman ni Mick na may anak kami dahil baka guluhin niya lamang ang buhay namin. But now that he already knows, wala ng saysay pa ang itago si Elliot. So I guess there's no reason to keep him a secret anymore.
"I don't see any problem with that." sagot ko.
He gave me a nod. "Can I also tell that you're his other dad?" muli siyang napalunok.
I don't care about other people knowing that I already have a son. Hindi rin ako nag-aalala sa aking career. Wala akong pakialam kung mabash man ako o mawalan ng projects. Like I said, I only kept Elliot a secret to keep Mick away from us. Kung maging negatibo man ang pagtanggap ng mga tao, wala akong pakialam.
Because I will always be proud that I am Elliot's dad. And I will always be proud that he is my son.
"Yes, you can. I don't mind."
Tumango siya.
"Elliot's birthday is next week. And he wants a beach party." pag-iiba ko sa usapan.
"Yeah. I remember. He's also told me that he wants that. If you also don't mind, may beach house ako sa Leyte. Maybe we can spend his birthday there? You can invite anyone you want to enjoy."
"That's cool with me. I'll invite Techno."
"But please don't invite Bright or Apo. I won't allow them messing with my property." umigting ang kanyang panga. Sinabi niya iyon na tila may ibang kahulugan.
Sinamaan ko siya ng tingin. I was planning to invite them dahil kilala rin naman sila ni Elliot ngunit ngayong nabanggit niya na hindi niya sila hahayaan sa kanyang teritoryo ay hindi na lang. Besides, they might be busy at sigurado akong kapag inimbita ko ay magleleave sa trabaho o di kaya ay aabsent. Ayaw kong makaabala kaya hindi na lang.
"I won't. You don't have to worry about it. I'll book our flights. Just tell me the address."
"No need to book flights. We'll use a helicopter. If that's okay with you."
Ay wow. Nakalimutan kong mayaman pala itong tatay ni Elliot. I have a problem with it. Riding on a helicopter means we'll be in a close space for a long time. Idagdag mo pa na makakasama namin si Gabo at Techno. At sa oras na magkasagutan silang tatlo, baka hindi na makarating sa beach house ang aming sinasakyan.
But before I could react to his offer, dinugtungan niya iyon. "Elliot wants to experience riding a helicopter. Bit if it isn't okay with you, then we can just book flights. I want you to be the one to decide."
Kanina ko pa napapansin na palagi niya akong hinahayaan na magdesisyon sa mga bagay. Na ako lagi ang masusunod. Hindi ko alam kung isa ito sa mga tactic niya upang balikan ko siya. Ulol!
Ayaw ko namang ipagkait kay Elliot ang experience na makasakay ng helicopter kaya naman pumayag na lamang ako. Hindi lang ako siguro kung sasakay rin si Gabo at Techno.
"Yeah. We can just fly using a choper." sagot ko.
Tumango-tango siya.
"Let's go Daddy Mick!" deklara ni Elliot na ngayon ay suot-suot na ang kanyang backpack. Lumuhod ako sa kanyang harapan upang halikan ang kanyang pisngi at ganoon din ang ginawa niya sa akin. Niyakap ko siya nang mahigpit. Tumayo ako pagkatapos.
"Papa Goob, you should also give Daddy Mick a kiss."
Muli ay nagkatinginan kami ni Mick. Ngayon ay napansin ko ang multo ng ngiti sa kanyang mga labi. Napalunok ako.
"No need Elliot." angal ko. "Take care at school baby."
"We won't leave unless you give Daddy Mick a kiss." He crossed his arms.
Sa puntong iyon, gusto ko na lamang kurutin ang aking anak ng very light. Bakit kailangan ko pang halikan din si Mick?
Nagdadalawang-isip pa ako kung gagawin ko ba iyon. Ngunit nang makita na walang planong umalis si Elliot ay wala akong nagawa.
Labag man sa aking kalooban ay ginawa ko ang gusto ng bata. Lumapit ako kay Mick at mabilis na hinalikan ang kanyang pisngi. Kita ko ang agaran niyang pamumula.
"Will you go to school now?" tanong ko kay Elliot na ngayon ay malapad ang ngiti.
"The other cheek too, Papa. Just like what you did to me." suhestyon niya. Napabuntong-hininga na lamang ako at ginawa iyon. Gaya ng nauna ay mabilis din ang pagdampi ng aking labi sa pisngi ni Mick na ngayon ay namumula pa rin.
"Is that okay now?" tinaasan ko siya ng kilay.
"No. It's Daddy Mick's turn to kiss your cheek. Now do it, Daddy Mick. Kiss Papa Goob's cheeks. Left and right."
Ngayon ay ako naman ang pinamulahanan ng mukha. Walanghiya talaga itong si Elliot! Pasalamat siya at hindi ako nangungurot dahil baka kanina pa ito umiiyak. Kung hindi ko lang talaga siya mahal.
"Can I?" tanong ni Mick sa akin.
His question somehow amazed me. He just asked for my permission. Now that's another level. Kahit paano ay may pakialam siya kung magiging komportable ba ako kung halikan niya ako.
Tumango na lamang ako para matapos na ang lahat at makaalis na sila.
Marahan ang pagdampi ng kanyang mga labi sa aking pisngi. Naramdaman ko na lamang na mas lalong nag-init ang aking mukha at sigurado akong pulang-pula na ito ngayon.
"There. Are you happy now? Will you leave for school now?" tanong ko sa bata.
Umiling-iling siya at mas lalo lamang ngumit.
Now what else does he want? Kumunot ang noo ko.
"You gave me a hug. You must also hug Daddy Mick."
Gusto ko na lamang ihilamos ang aking mga palad sa aking mukha ngunit hindi ko iyon ginawa dahil syempre nasa harap pa rin namin si Elliot. Ayaw ko ng pahabain pa ang usapan kaya niyakap ko si Mick. I felt him hug me back, gently carressing me.
Naging mabilis ang aming pagyayakapan dahil humiwalay ako kaagad.
Hinarap ko si Elliot na halos mapunit na ang mukha dahil sa kakangiti. "Okay na?"
"Yeah. We'll go now, Papa Goob. Thanks for cooperating. I love you." ani Elliot habang nakangiti pa rin.
Kung hindi lang talaga siya cute at kung hindi ko lang siya anak! Hmp! Ewan ko nalang!
"I love you too, baby. Now go to school or you'll be late."
"Wait, now that you said 'I love you' to me, you also have to say it to Daddy Mick." Ngayon ay nakapamewang na siya.
Huminga ako nang malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili. Seriously, Elliot?
"Looks like Papa Goob is shy to say it first, Daddy Mick." ngayon ay kay Mick na siya nakatingin. I saw Elliot wink at him. "Maybe you should say it first instead."
Nakagat ko na lamang ang aking labi dahil sa pagkindat ni Elliot. Is he doing this on purpose? Oh my god! He's only six!
"I love you, Goob," Mick said in his deep and sexy voice. Hindi ko alam ngunit naramdaman ko na lamang ang paglakas ng kabog ng puso ko at ang lalong pamumula ng mukha ko.
I'm supposed to be so pissed right now! Dapat ay nagagalit ako at naiinis! But why am I reacting like I'm some high school kid feeling butterflies in his stomach! This is bad!
"Very good, Daddy Mick. Now it's your turn, Papa Goob. Tell Daddy Mick that you love him."
Narinig ko ang pagbukas ng isa sa mga pintuan. Nilingon ko iyon at nakita ang pagdating ni Gabo sa sala.
"If you don't leave now Elliot, we won't be watching Barney ever again and you can never enter my room again." mahinahon ngunit may diin ang pagkakasabi ni Gabo.
Napasimangot na lamang si Elliot dahil sa sinabi ng tiyuhin. "Let's go, Daddy." aniya bago hinila si Mick palayo.
Isinarado ko ang pintuan nang tuluyan na silang makaalis. Nang harapin ko si Gabo ay masama ang tingin niya sa akin.