Kabanata 31: Room
Goob's Point of View
Alas siete ng gabi nang matapos ang dinner namin ni Apo sa isang mamahaling restaurant. Balita ko ay mahirap makakuha ng reservation sa restaurant na iyon ngunit dahil naging kliyente niya raw ang may-ari ay hindi siya nahirapan kahit last-minute na ang pagtawag niya at nagawan agad ng paraan.
I actually had a great time. Masayang kasama si Apo. Lalo na at panay biro pa at bola.
"You're so beautiful, Goob." aniya nang magkatitigan kami habang magkaharap sa mesa. "Has anyone ever told you that already?" Kalalapag ko lang sa aking kutsara at tinidor at pinangalahatian ang tubig ko. Medyo nabilaukan ako sa kaniyang sinabi kaya may ilang tubig ang lumabas sa aking bibig.
Shet. Nakakahiya. Nakakadiri. Ngunit tumawa lamang siya.
Somehow, I felt my heart flutter at his simple compliment. Sanay akong mabigyan ng papuri. But there's just something in the way how Apo does it. Iyong tipong kikiligin ka talaga dahil sa mga titig niya at sinseridad ng boses niya.
Nag-init ang aking mukha. "I've been told that many times."
"Well, I don't blame them. Goob Edvin Mansell is a sight to behold." He smiled, exposing his perfect set of pearly white teeth.
Mas lalong uminit ang aking mukha. Apo knows his way to flatter someone. And I tell you, he does it so well.
"Bola pa." nahihiya kong sagot habang hindi makatingin sa kanya.
"Alam mo, ang ganda ng pangalan mo. Good Edvin Mansell. Kaso parang may kulang." He placed his finger under his chin, kunwari nag-iisip.
Kumunot ang noo ko at napaisip rin. "Ano naman amg kulang?"
"Apelyido ko." He raised an eyebrow as his lips curved into a smile. Halos mawala ang kanyang mga mata dahil sa pagngiti. "Goob Edvin Mansell-Herran."
Ngayon ay pakiramdam ko kasing pula na ng hinog na kamatis ang mukha ko.
"Ewan ko sa'yo, Apo Luis Herran. Hindi pa nga kita sinasagot, gusto mo na agad magpakasal."
"Joke lang. Hindi naman ako nagmamadali."
"Buti naman."
"Is Bright still courting you?" tanong niya.
"Yeah."
"Sino mas malaki ang chance sa amin?" he formed his lips into a thin line.
"I don't know. I haven't thought about that yet."
Inabot niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa at hinawakan iyon. Hinayaan ko lamang siya habang marahan niyang hinahaplos iyon. Napatitig ako sa kamay niyang nakapatong sa kamay ko. "It's okay. Don't feel pressured. I know you're very keen and hesitant in having a boyfriend especially with what you've been through. I just want you to know that I am willing to wait. If you want to know me more before you give me an answer, then let's do it. Walang rason para magmadali tayo. At kung hindi man ako ang piliin mo, which I hope would not happen, tatanggapin ko. You letting me court you is already an honor for me. Masaya na ako na hinayaan mo akong ligawan ka at binigyan ng pagkakataon na makilala mo ako." puno ng sinseridad ang kanyang pagkakabigkas ng bawat salita.
Pagkatapos maghapunan ay inihatid na ako ni Apo sa building ng aking condo. I made sure that we were there by 7:30 dahil kadalasang alas otso dumarating si Mick upang ihatid si Elliot.
"Thank you for today, Goob." saad ni Apo pagkatapos kong tanggalin ang aking seatbelt.
"Thank you rin." sagot ko bago buksan ang pinto at lumabas ng sasakyan.
"Wala ba akong kiss? Kahit sa pisngi lang?" biro niya habang itinuturo ang kanyang pisngi. Ang isang kamay ay nakahawak pa rin sa manibela.
"Baliw! Umalis ka na!" natatawa kong saad. Sumimangot siya bago tumawa na rin. "Ingat sa byahe."
"Sure ka talaga wala akong kiss?" He pouted his lips.
"Tumigil ka, Apo. Hindi ka na bata."
"Damot mo naman. Pag ako talaga sinagot mo, nako, good luck nalang sa labi mo." itinaas-baba niya ang kanyang dalawang kilay.
"Baliw ka talaga!"
"Bye, Goob. HAHAHAH. Good night."
"Bye!" I waved at his car. Ilang segundo ay pinaandar niya na iyon palayo sa parking lot ng building.
Tinungo ko ang elevator upang makaakyat sa aming unit. Naabutan ko si Pietro at Gabo na nakahiga sa sofa sa sala. Hindi lang sila basta nakahiga. Nakayakap si Gabo kay Pietro habang nanonood sila sa TV.
Nang mapansin ako ni Pietro ay umupo siya at binati ako. "Good evening, Kuya Goob." Samantala ay umayos din sa pagkakaupo si Gabo na mistulang galit pa rin dahil sa mga nangyari kanina.
"Good evening." binigyan ko ng ngiti si Pietro. "Kumain na kayo ng dinner?"
"Yes po, Kuya. Nag-order kami ng pizza tsaka isang bucket ng chicken." si Pietro.
"I see." tumango-tango ako.
"Ikaw Kuya? Kumain ka na?" tanong ni Gabo na hindi nakatiis sa akin. Ngunit hindi nakatakas sa kanyang boses ang medyo pagkainis. Nakita kong marahan siyang siniko ni Pietro.
"Tapos na rin. Wala pa ba si Elliot?"
"Wala pa." si Gabo.
I gave him a nod before proceeding to my room. Nagbihis ako at naghintay na mag alas otso. Ngunit labinlimang minuto na ang nakalilipas nang mag alas otso ngunit wala pa si Mick upang ihatid si Elliot. I began to feel worried. Inisip ko nalang na baka natraffic at hinayaang lumipas ang ilang minuto pa.
Ayaw ko namang isiping may masamang nangyari sa kanila habang papunta sila rito. Huwag naman sana.
Ngunit mag-aalas nuebe na at wala pa rin sila. Mag-isa ako ngayon sa sala dahil nasa kwarto na niya sina Gabo at Pietro. I could hear their moans so I decided to turn on the TV.
Inilabas ko ang aking cellphone upang itext sana si Mick ngunit may incoming call sa screen ko mula sa kanya. Mabilis ko iyong sinagot.
"Hello?"
"Hey. I'm sorry if Elliot isn't there yet. Papunta na kami riyan. I will explain to you later." si Mick na nasa kabilang linya.
Gustuhin ko mang magalit dahil papunta pa lang sila rito ngunit naalala ko na araw ngayon ni Mick kay Elliot kaya wala akong karapatang magalit. Kung tutuusin ay sa kanya nga dapat matutulog ang bata.
"Just please drive safe." sagot ko.
"Will do. Bye."
Agad kong pinatay ang tawag dahil ayaw kong hindi nakafocus sa pagmamaneho si Mick. Ayaw kong may mangyaring masama sa kanila.
After 20 minutes, tumunog ang doorbell kaya mabilis kong tinungo ang pinto. Karga-karga ni Mick si Elliot na ngayon ay nakapatong ang ulo sa kanyang balikat at mahimbing na natutulog.
Kukunin ko na sana ang bata mula sa kanya ngunit nagsalita siya. "Let me take him to your room."
Hindi na ako nakipagtalo pa sa takot na magising ang bata. I guided him to our room so that he can carefully lay our son in bed. Inayos ko muna ang comforter bago niya inilipag ang bata.
Maingat ang kanyang pagkakalapag. Pagkatapos gawin iyon ay agad naman siyang lumabas kaya't sinundan ko siya sa sala. Hinarap niya naman ako.
Agad kong napansin ang bahid ng pag-aalala sa kaniyang mukha. Kita ko ang pag-aalinlangan niya na sabihin ang anumang gustong sabihin. "Hindi ko agad nahatid si Elliot dito dahil ayaw niyang umuwi." Napalunok siya.
Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Ano daw? Ayaw umuwi ni Elliot?
"Why? Why would he not want to come home?" kumunot ang aking noo.
"It's best if you talk to him about it. Ang tanging nabanggit niya lang sa akin ay mas inuuna mo na raw ang iba kaysa sa kaniya. He did not want to go home but I convinced him to come dahil gusto kong sabihin niya sa'yo ang nararamdaman niya para maayos niyo. Halos isang oras ko siyang kinumbinsi at napapayag ko naman. Kaya kami natagalan dahil ayaw ko naman siyang pwersahin na umuwi. So I waited for him to say yes. Sadly, he's already asleep so maybe you should talk tomorrow."
Bumigat ang aking pakiramdam dahil sa narinig. Iyon ang nararamdaman ni Elliot?
"S-sige. Salamat sa paghatid sa kanya." Hindi ko siya matingnan sa kaniyang mata dahil nahihiya ako.
Tama nga naman ang bata. Kanina noong pumunta si Apo ay agad kong ipinaubaya si Elliot kay Mick. Naunahan ako ng kagustuhan na pagselosin si Mick kaya hindi ko na naisip na baka magselos si Elliot. Ngayon ko lang iyon narealize. Idagdag mo pa na kailanman ay hindi ko pa siya dinadala sa aking trabaho.
Napayuko na lamang ako dahil sa iniisip.
Mick held my chin and lifted it up.
"Hey. Look at me." marahang sambit niya dahil hindi pa rin ako makatingin sa kanya. "Don't overthink, okay? Elliot might just be sad about it. Siguro ay kailangan lamang ng lambing. Baka bukas makalimutan niya na iyon. So don't worry too much, okay?" His eyes looked tired, but it was full of concern.
A nod was all I could afford to give him. Malungkot ang aking puso.
"Elliot loves you so much. So don't stress yourself by overthinking. Got it baby?"
Muli akong tumango. Nagkatitigan kami ni Mick. Unconcsciously, I found myself reaching for his face and touched his cheek gently. Kita ko ang pinaghalong gulat at pagkamangha sa kanyang mukha dahil sa ginawa ko. Samantala, masyado akong nadala sa pagkakataon kaya hindi ko na namalayan ang aking ginagawa.
Ang kaninang kamay ni Mick na nasa aking baba ay dahan-dahang hinanap ang aking mga labi. His thumb traced my lips. Nakatitig siya roon. Samantala ay sa kanyang malalalim na mga mata naman ako nakatingin.
"I miss you, Goob."
In that moment, I was so fascinated by his words. Ang kanyang mga salita ay tila kinakausap ang aking kaluluwa. Slowly, I found our faces approaching each other. Our eyes locked.
Sa oras na iyon, walang ibang pumasok sa isipan ko kundi ang mahalikan ang kanyang mga labi. It was like I never cared about anything else in the world. I was so lost in the moment.
I felt my heart beating faster with every passing second.
Unti-unti kong isinara ang aking mga mata ngunit bago pa man magdikit ang aming mga labi ay narinig ko ang pagbukas ng isang pinto. Mabilis kong itinulak si Mick. Napalunok siya. Ngayon ay pareho kaming hindi makatingin sa isa't isa.
I reached for the doorknob and opened the door. "Bye. Drive safe." saad ko habang nakatingin sa sahig.
Hindi na ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya at nakita ko nalang na lumabas na siya. Saka lamang ako nag-angat ng tingin at nakita si Pietro na patungo sa kusina.
Buti na lamang hindi si Gabo.
Dumiretso ako sa kwarto at tinabihan si Elliot na mahimbing ang tulog.
What the hell just happened? Was I gonna allow myself to kiss Mick?
This is so bad! Ano ang nangyayari sa akin? Bakit ko hinayaang mangyari iyon? Ano ngayon ang iisipin ni Mick?
Tama nga siguro si Gabo. I am slowly becoming soft with Mick. Hindi ko namamalayan na lumalambot na ang aking puso.
Sa gabing iyon ay nahirapan akong matulog dahil sa rami ng iniisip. Bukod kasi sa muntikang halikan namin ni Mick ay inisip ko pa ang nararamdaman ni Elliot na siguro ay nagtatampo sa akin.
Hinarap ko si Elliot at inayos ay buhok na nasa kanyang mukha.
Elliot is a very handsome child. Hindi maikakaila na anak namin siya ni Mick. Ang kanyang mahabang pilikmata ay nadedepina ng ilaw mula sa lampshade. Matangos ang kanyang ilong na halatang namana sa kanyang daddy. Pati na ang makapal na kilay.
Marahan ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib.
"I love you, baby. I'm sorry if you felt sad with what happened earlier." I used my point-finger to trace the bridge of his nose. "I know that you want your Daddy Mick and I to get back together. How I wish that the situation is that simple, baby. But it's not. It's so complicated. So I hope you understand." paliwanag ko kahit alam kong hindi niya ako naririnig. "I don't think I'm ready to accept him again, baby. I just wish that you're not having a hard time with your situation right now. I'm sure your Daddy Mick loves you as much as I do."
Hinalikan ko ang kanyang noo at umayos na sa paghiga.
I received a text message from Kuya Dominic.
Kuya Dominic: Stay out of social media for now. Some people are posting negative comments about you dahil kumalat na ang balita tungkol kay Elliot. May shoot tayo tomorrow so don't stress yourself.
Sinunod ko ang bilin ni Kuya Dominic dahil wala naman talaga akong pakialam tungkol sa sasabihin mg iba. As long as they don't say it to my son directly.
Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog sa gabing iyon. Siguro ay madaling araw na. Nagising na lamang ako nang maramdaman na may umaalog sa katawan ko.
I scratched my eyes and saw Elliot in front of me. Tahimik siya at mistulang nagtatampo. I switched to a sitting position and stretched my arms. Natigil ako nang mapansin na may ibang tao sa loob ng kwarto.
It was Mick who was seriously watching me. Taliwas sa akin na nakapambahay lamang, tapos na siyang maligo at naka business attire na. Ganoon din si Elliot na nakabihis na.
Bigla naman akong naconscious sa hitsura ko kaya ginamit ko ang aking kamay upang suklayin ang aking buhok at tanggalin ang mga muta sa mata kung mayroon man.
"Good morning." Mew greeted with his baritone voice.
"Morning." sagot ko. "Good morning, baby." I kissed Elliot's cheeks. Samantala ay nanatili lamang na tahimik ang bata.
"How did you get in here?" tanong ko kay Mick. Nagtataka lang ako dahil nandito siya sa loob ng aming kwarto. Knowing Gabo, sigurado akong hindi siya papayag.
"Elliot and Gabo argued about it but Elliot seems to have won. I kept telling Elliot na hindi naman kailangang sumama pa ako rito dahil inirerespeto ko ang kagustuhan ni Gabo. But Elliot insisted that I come along with him. Tinanong ko siya kung nag-usap na ba kayo tungkol kahapon at ang sabi niya ay hindi pa raw kaya sinabi ko na hindi kami aalis kung hindi pa kayo nag-uusap." paliwanag ni Mick.
"Who helped you get changed, baby?" tanong ko kay Elliot.
"Tito Gabo." tipid na sagot niya at hindi manlang ako tiningnan.
I once again glanced at the clock on my bedside table and noticed that it was already 8:35 in the morning. His class will start at 9 AM at ayaw kong mahuli siya.
"We'll talk later baby, okay? You're already running late for school. I'll visit you at lunch." saad ko. He still would not meet my gaze.
Tumango lamang siya at mabilis na lumabas ng kwarto.
"I think you should talk to him first. Nagtatampo pa rin ang bata." Mick's voice was filled with concern.
Bumangon ako sa higaan at nilapitan siya. Hindi nga lang masyadong malapit dahil nahihiya ako at baka maamoy niya pa ang hininga ko. Ngunit malayo pa man siya sa akin ay naamoy ko na agad ang kanyang panlalaking pabango.
"I'll talk to him later during his lunch. You should head to school now dahil malelate na kayo."
He gave me a nod. "But shouldn't he at least kiss you before leaving? Kagaya kahapon?"
Bago ko pa man masagot ang tanong ay pumasok na si Gabo sa kwarto na tumakbo pa yata. Magkatagpo ang kanyang dalawang kilay.
"What?" kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Ang usapan namin ni Elliot ay papayag lang ako na pumasok dito si Mick kapag kasama siya. Hindi ko sinabing pwede niya kayong iwanan na kayong dalawa lang. I'm just checking. Mahirap na. Ayaw kong masundan pa ang pamangkin ko." galit niyang saad. "Kaya labas." itinuro ni Gabo ang pinto kay Mick. Sa kanyang mukha ay isang mapanghamong tingin.
Agad naman siyang sinunod ni Mick kaya naiwan kami ng aking kapatid na ngayon ay masama ang tingin sa akin.
"Para-paraan talaga ang lalaking iyon." kumento niya sa isang galit na tono. "At ikaw naman Kuya, hinahayaan mo lang. Bakit hindi mo agad pinalabas?"
"You're overreacting again, Gabo. Walang mangyayari sa amin ni Mick, okay? Stop worrying!" Tinalikuran ko siya at at kinuha ang aking cellphone sa may bedside table.
When I opened my browser for news, laking gulat ko nang mabasa ang mga headline ng balita.
"Former CPA Dean Angeles Dead After Car Falls off a Cliff"
"Patay ang isang dating CPA pagkatapos mahulog sa bangin ang minamanehong sasakyan"
"Kasalukuyang nasusunog ang labing-isang mall at walong restaurant sa iba't ibang bahagi ng bansa"
"Restaurants and shopping malls on fire."
"What the fuck?" nagising ang buo kong diwa at napamura na lamang nang malutong.