CHAPTER THIRTEEN

CHAPTER THIRTEEN

Hindi maipaliwanag ni Cleo ang kaba habang pabalik-balik sa gitna ng court. Inip na inip na siya. Ang alam niya ay dapat nakarating na ang mga kausap niya. Ang instruction sa kanya ni Basty ay dumating siya doon ng alas siyete ng gabi. Ngunit mag-aalas nieve na ay wala pa rin ito. Nagmadali pa naman siyang mag-ayos ng sarili.

Napalingon siya bigla saka napahinga nang malalim nang makita si Basty na palapit sa kanya. Ngunit napakunot naman ang noo niya nang makitang may mga kasama ito at akay-akay ang isang lalaki na may saklob na itim na tela sa ulo nito.

Nakarating sa harap niya ang mga ito. Saka walang salita at ingay na binitiwan ng dalawang lalaki ang akay ng mga ito. She had a hint immediately. Lalo siyang nakaramdam ng kaba.

Ngumiti lang si Basty nang iabot sa kanya ang isang susi bago sumunod sa mga nauna na at alanganin naman siyang tumugon nang ngiti.

Naiwan siya sa harap ni Gavin. Nagbuga siya ng hangin saka tiningnan ang susi.

Lumipad ang mga mata sa nakaposas nitong mga kamay.

“Damn it.” Narinig niyang bulong nito saka biglang umangat ang kamay nito at inabot ang tela sa ulo nito.

Napapikit siya habang dumiin ang hawak niya sa susi.

“Ikaw.” Seryoso at tila hindi nagulat na sambit nito nang makita siya sa harap nito.

Cleo gaped at him. Kahit na kinakabahan ay hindi pa rin niya napigilan ang sariling mamangha nang makita ang mukha nito. Kaagad na nagbago ang tibok ng puso niya. Gusto niyang takbuhin ito at salubungin ng yakap ngunit napipigilan siya ng kaseryosohan nito.

Saan na napuntahan ang pinag-praktisan niya?

“H-Hi…” halos hindi iyon lumabas sa labi niya. Napakalakas ng kabog ng dibdib niya. She really misses him. Kahit na madalas niya nakikita ito dahil sa ‘panliligaw’ niya ay panay din naman ang iwas nito.

“Ikaw ba ang may pakana nito?” sinundan nito ng tanong ang bati niya. Titig na titig ito sa kanya.

She smiled nicely. “K-kailangan na eh. Hindi mo kasi ako pinapansin.”

“Matutulungan mo ‘ko tungkol dito?” hindi nito pinansin ang sinabi niya bagkus iniangat ang mga kamay.

“Oh.” Napakurap siya at halos mataranta na iniabot ang susi dito. Ngunit hindi ito kumilos.

“Baka pwedeng ikaw na.” saad nito at ito pa ang lumapit sa kanya. “You have the key to

free.”

Alam niyang nanginginig ang kamay ngunit alam din niyang iyon ang paraan upang kausapin siya nito. Kailangan niyang sundin ang gusto nito.

He was so close. Nakatungo siya sa posas na ina-unlock niya ngunit alam niyang nakatingin sa kanya ang binata. She can felt his breathing. Gumagapang iyon pakalat sa kanyang mukha. Tila boltahe ang naramdaman niyang sensasyon.

“Hindi ka pwedeng pulis. Posas lang ‘yan.” Saad pa nito nang mapansing nahihirapan siyang tanggalin ang lock.

Well why? It was her first time. Ni hindi nga niya alam kung paano magkabit noon ang magtanggal pa kaya?

“Come on. You have to fee me.” Tila nang-iinip pa nitong sabi. “Heto na nga di’ba?” agap niya.

Nakaramdam siya ng inis. Kung alam lamang nitong ang pagkakalapit nila ang dahilan kung bakit hindi niya magawang mag-focus. Marahil pinagtawanan siya nito.

“Okay na.” aniya nang matanggal ang lock. Saka niya kinuha ang posas.

“Salamat.” Sabi nito at bago pa siya makasagot ay tumalikod na ito at akmang iiwan siya.

Nagulat siya habang nakatingin dito. Namuo ang inis na nauwi sag alit. Tila binabalewala lamang siya nito.

“Gavin, sandali!” sigaw niya at tumigil naman ito. Humarap ito sa kanya. Lumkad siya palapit dito. “Hanggang kailan mo ‘ko iiwasan?”

“Hangga’t lumalapit ka.” Sagot at muling tumalikod. Ngunit bago pa man ito makalayo ay pinigil niya nag braso nito at muling iniharap sa kanya.

“At sa tingin mo titigilan kita?” she asked almost hissing.

“Bakit mo ba ginagawa ‘to?” agap na tanong nito. His brows were arched.

Bumuka ang labi niya upang sumagot ngunit tila may kung anong pumigil sa kanya.

Naunahan siya ng hiya at takot. Dahil kapag sinabi niya ay tatanggihan lamang siya nito. “Bakit nga?” ulit nito.

“Dahil mahal kita.” Lakas-loob niyang tugon. Bahala na. “Nagbihis pa naman ako. Nag- ayos para sa’yo. Gumawa ako ng paraan para makausap ka. Pinakidnap na nga kita eh. Gano’n ba kahirap para sa’yo para kausapin ako?”

Nagbuntong-hininga siya. Her emotions were spreading out. Nahihirapan na siya dahil pinahihirapan siya nito.

“Gavin, mahirap ba?” tanong niya at nagsimula nang mamuo ang luha niya. “Mahirap ba ‘yong hayaan mo ‘ko ipakita sa’yo ang nararamdaman ko? Mahirap ba ‘yong harapin mo naman ang nararamdaman mo?”

“Anong alam mo sa nararamdaman ko?” agap muli nito. “Alam ko-”

“Alam mong ano?”

Napangiwi siya. “Sinabi ko nang mahal kita. A-Alam kong gano’n ka rin.”

“May sinabi ba ‘ko? Sinabi ko ba sa’yo na pareho tayo ng nararamdaman? Wala di’ba?” tila hindi siya naiintindihan nitong tanong sa kanya.

“Anong ibig sabihin ng mga ipinakita mo?” Aniya at humakbang palapit dito. “Sinabi na sa’kin lahat ni Basty. Sinadya mong subaybayan ako. Hindi lang ‘to dahil kay Eeli. Na-“

“Naniwala ka naman.”

“Oo. Dahil kaibigan mo s’ya.” Mabilis niyang tugon.

Mariin itong pumikit. Saka tumalikod sa kanya at sinuklay ng mga darili ang sariling buhok. She knew he was pissed off. Ngunit anong magagawa niya? Mahal niya ito at hindi siya handang sukuan ito.

“Gavin-”

“Cleo, wag na.” putol nito sa kanya. Saka humarap sa kanya. Wala na ang galit sa mga mata nito. Napalitan iyon ng tila lungkot at paghihirap.

“Hindi ka ba nag-iisip? Kung ako ang mamahalin mo. Anong magiging buhay mo? Parang akong kahong walang laman. Lumilipad ako kung saan-saan pero wala naman ‘yong pinupuntahan. Walang direksyon. Lumaki akong gano’n. Lumaki ako, tumanda nang ganito. Kinukupkop ako ng pamilya ni Basty dahil wala akong pamilya. Hindi ko kilala no’n ang tatay ko. Wala na rin akong babalikan kung saan man ako nanggaling.

“Maraming kulang sa buhay ko. At hanggang ngayon pakiramdam ko kulang pa rin ‘yon. Pero sabi ko nga, okay na ‘ko. Nasanay na ‘ko nang ganito. Kaya lang ako nagsikap mag-

aral dahil sa laki ng utang na loob ko sa pamilya ni Basty. Ayokong masayang ang tulong nila. Oo, itinuring nila akong pamilya pero hanggang do’n lang ‘yon. Kakailanganin ko pa rin hanapin kung saan ako dapat.”

“Narito naman ako.” Lumuluha na niyang saad. Umiling ito. “Hindi mo ‘ko naiintindihan.”

“Ipaliwanag mo.” Aniya. “No’ng nagkasama tayo hindi mo ‘ko iniwan. Hindi mo ‘ko pinabayaan. Ipinaramdam mo sa’kin na kaya mo. Kaya mong magpahalaga. Kaya mong magmahal.”

He smiled bitterly. “Masasaktan ka lang. Hindi ko alam kung paano pakikitunguhan ‘yang sinasabi mo. Kahit kailan hindi ako nagseryoso sa relasyon. Wala akong pinahalagahan kahit na sinong babae. Dahil ayoko sa conflict. What can a woman like you expect from me? I’m a trash. At ang gaya ko hindi marunong magmahal. Hindi ko lumaki sa gano’n.”

“Gavin-”

“Wag mo na ‘ko lituhin pa, Cleo.” Tila hirap na hirap nitong pigil sa kanya. “Tama na. ‘Wag mo nang iparamdam sa’kin ‘yan. I don’t know how to deal with it. How to deal with you. Dito sa nararamdaman ko. Wala akong kinatatakutan. Lahat hinaharap ko. Pero pagdating sa’yo at sa nararamdaman ko para sa’yo lalo akong nagagago.”

“Sabihin mo sa’kin ang nararamdaman mo.” sabi niya.

“Damn it! Cleo. Tama na sabi eh.” Sita nito sa kanya. “Hindi mo ‘ko narinig? Wala ngang mangyayari.”

“I love you, Gavin.”

“Oh, Geez!” tila biglang napaso ito. Muli itong tumalikod sa kanya. “I can make you love me.”

“Nagawa mo na!” agap nito nang humarap sa kanya. “Andito ka na, oh!” Natigilan siya nang itituro nito ang parteng dibdib nito.

“Masaya ka na? Alam mo na ngayon. I fell in love you the moment I saw you with your sister in that precinct. No’ng una kong marinig ang boses mo. No’ng dumaan ka sa harap pero hindi mo ‘ko napansin. No’ng una mo ‘kong tingnan. No’ng una mo ‘kong sungitan.

“Tinangka kong lumapit at kausapin ka. Pero wrong timing. Galit ka no’n. At nang umalis ka no’ng araw na ‘yon. Ang sabi ko sa sarili ko ayoko nang makita ka. Dahil natakot ako. Natakot ako sa bigla kong naramdaman. Sa unang pagkakataon sa buhay kong gago, natuliro ako.

“Ayokong mahalin ka. Dahil kaya kong pumatay at mamatay para sa’yo. Kaya kong mas sirain pa ang buhay ko para sa’yo. Kaya kong masaktan ‘wag lang ikaw. Dahil gusto kong makita kang masaya.”

Walang tigil ang pagtulo ng luha ni Cleo. Gavin was declaring his love. Tama ang lahat ng sinabi ni Basty. He was scared. Pero naroon na ang pagmamahal. Kailangan na lang niyang tanggapin at ipaglaban pa ito.

“Mahal kita. Mahal na mahal.” Buong pagtatapat nitong sambit. “Pero hindi tama. Hindi mo ‘ko lubos na kilala.”

“Kilala kita.” Aniya sa gitna ng pag-iyak. “Kilalang-kilala ka ng puso ko. At ikaw lang ang kikilalanin nito.”

“Cleo, wala akong kayang ipangako sa’yo.” Panay ang iling nito.

She smiled. Saka lubusan lumapit dito. “Sa dami ng sinabi mo. Hindi ko na kailangan ng pangako.”

“Hindi ko alam kung paano ka mamahalin.” Sabi nito at hindi ito umiwas nang hawakan niya ang dibdib nito.

“Madalas hindi naman itinuturo ‘yon. Kapag naramdaman mo, alam mo na.” tugon niya. “Mahirap akong mahalin.” Hindi na yata titigil sa pagdadahilan ito.

“Pero nagawa ko.” Sabi niya.

Ngumiti ito at ipinaloob siya sa mga bisig nito. His hands caressed her face. Tiningnan siya nito nang buong puso. Napuno ng pag-asa ang puso niya. Gavin was willing to accept her.

“Unti-unti. Okay lang?” sabi nito at bumaba sa pisngi niya ang labi nito. Napapikit si

Cleo.

“Basta’t hayaan mong mahalin kita. We have forever to do it naman.” Sagot niya habang ninamnam ang halik na iyon. She felt magnificent in his arms.

“Salamat.”

Tiningnan niya ito. Saka ngumiti. “Para sa’n? Sa pangungulit ko?”

Mahina itong tumawa. Nakapulupot sa baywang niya ang braso nito habang ang isa ay humahaplos sa leeg niya.

“For setting me free. You really save me. You made me complete. Kahit alam nating parehong maraming pagkukulanag sa buhay ko. Hindi mo alam kung gaano ako sa kasaya kahit na nahihirapan akong iwasan sa tuwing nakikita kita. Thank you because I am not perfect but you showed that I can be the perfect man for you. Hindi ka sumuko. Ipinaramdam mo sa’kin na kaya akong palayain ng pagmamahal ko sa’yo.” Sabi nito.

“Pinasaya mo rin naman ako. At hinding-hindi ako susuko sa’yo at sa’tin.” Punung-puno ng emosyon niyang tugon.

“Alam ko. Kinidnap mo pa ‘ko para lang mapalaya ako.” Pagbibiro nito.

It was her turn to laugh. “Kailangan maximum effort na. Kaya kinailangan ko na ang Malacañang.”

“Ano?” Takang tanong nito saka gulat na napatitig sa kanya. “Don’t tell me…

“Yes. Kinausap ko ang daddy mo para ma-kidnap kita.” Pag-amin niya. “Mahirap na.

Baka ipakulong ako kasi hi-nold ko ang anak n’ya.”

Malakas ang naging tawa nito. Then he kissed her so passionately. Na tinugon naman niya ng mas masidhing halik.

“I love you so much, Gabriel.” Bulong niya dito. “I love you more, Cristina.”

***Wakas***

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.