Pagbukas ng pinto ay parang gustong bumalik ni Jared. He saw the hospital bed where the senator was half lying. Nakaupo sa gilid ng kama sa tabi nito ang kanyang ina.
Nakita siya ng lolo niya at mabilis na ngumiti. Alanganin naman siyang tumugon ng ngiti. Kinailangang bumalik ng lolo niya sa hospital dahil bigla itong nagkaroon ng mild stroke. Marahil sa stress na pinagdadaanan nito kaya hindi nito magawang tuluyang magpagaling. At ngayon ay dalawang linggo na ito sa hospital at hindi pa alam kung pwede nang umuwi.
“I’ll leave you two to talk.” masuyong sabi ng kanyang ina at hinawakan ang kanyang balikat bago tuluyang lumabas. He simply moved his head to acknowledge her.
Lumakad siya papalapit sa paanan ng kama dahil kailangan niya ng makakapitan.
“Everything is under control. Hindi magtatagal malilinis na rin ang pangalan n’yo.” Sabi niya.
“I’m sorry. Alam kong hindi madaling-”
“It’s okay.” agap niya. Nagbuntung-hininga at nagpatuloy. “Ginagawa ko naman ‘to para sa pamilya natin.”
“Are you mad at me?” mahinang agap nito sa kanya.
“Siguro.” Walang gatol niyang sagot. “I’m angry with you and to our entire relationship. Na lagi tayong nagtatalo tungkol sa gusto ko laban sa gusto n’yo. Palagi n’yong sinasabi na dapat ganito ang gawin dahil iyon ako, ganito tayo. I almost forgot about me, being me.”
“It’s my fault.” He sounded guilt in his voice. “Hindi ako dapat naging marahas sa’yo. Siguro nga ay tama ang Mommy mo na nakikita ko sa’yo ang sarili ko kaya naging over protective ako. Marami kang isinakripisyo para sa sumunod sa pamilyang ‘to, sa akin. It was never been easy for you. Sa’yo ko ibinuhos ang frustration ko sa daddy mo. Hindi ko mapilit na pumasok sa pulitika dahil mas gusto niyang magluto.”
Hindi siya tumugon at nag-iwas ng tingin. Tiningnan niya ang aparatung nakakabit dito. He imagined how hard it is to be bedded for weeks. Kilala niya ang lolo niya. Alam niyang aburido na rin ito.
“I’m really thankful to your parents.” Anito kaya napalingon siya. “They raised you into a great child. An ideal one to be exact. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong natuwa at nagmalaki dahil sa’yo. I love Joseph being my son. Wala rin naman akong masasabi sa kanya bilang anak. Just...I’m proud. But you, my only grandson, made me feel like steel with valor. Ikaw ang nagpakita sa’kin na hindi pa matatapos ang mga naumpisahan ko. Na itutuloy mo ‘yon. Na patuloy mong iwawagayway ang karangalan ng pagiging isang de Veyra. Na pangangalagaan mo ang mabuting reputasyong iningatan ko. Na ipagpapatuloy mo ang pagtulong sa kapwa gamit ang kapangyarihang mayroon tayo.
“Alam ko, mahirap. Madalas naiisip ko noon na sumuko na lang. Tumalikod at lumayo. Naalala ko pa no’ng sabihin sa’kin na lola mo na tumigil na ipagluluto na lang n’ya ako ng pinakamasarap na pagkain. Napagod na nga s’ya ng pangungulit kaya, hayun, nauna na. Pero hindi ko kaya, apo. Hindi ko kayang maupo na lang at panoorin ang ilang nanamantala. My service to the people is my food to my soul. I complete me in some way. Parang ito ang dahilan kung bakit ako nilalang sa mundo. To serve. To lead.”
“I love you, Lolo.” Taos puso niyang sabi dito. Tumingin ito at ngumiti.
“Parang kailan lang, eh, gusto mo akong sakalin dahil sa pinapagawa ko sa’yo. Now, you’re telling me that.”
Nahawa siya sa ngiti nito. “Totoo ‘yon, ‘Lo.”
“Well, I love you, too.” Anito.
“Damn, ang cheesy natin, ‘Lo.” Natatawa niyang sabi at kahit hirap ay napatawa din ito.
Bahagya itong kumilos. “What happened to you? Care to tell me? Walang itinatago sa’kin si Juliet. Ano pa’t ako ang nag-hire sa kanya para sa’yo. Bakit hindi yata ako dinadalaw ng girlfriend mo?”
“I fall in love and it hit me.” aniya sa nasasaktang paraan.
Ilang araw na silang hindi nagkikita ni Kathryn at parang sa bawat araw ay unti-unti siyang nauubusan ng lakas.
“Na-inlove ka na dati. Kay Marigold.” Anito at hindi siya tumugon.
Tinimbang niya ang sinabi nito. Nasaktan din siya noon kay Marigold ngunit madali niyang nalampasan iyon. Ni hindi niya kailangan ng bagong relasyon upang makalimutan ito. He only focused on what was important. His career.
Ngunit iba ang nangyayari sa kanya dahil kay Kathryn. Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay ay desidido siyang ipaglaban ang pagmamahal para dito. Na kaya niyang gawin ang lahat upang mahalin ito at mahalin nito. Walang araw na hindi niya ito naiisip at nais puntahan. He wanted to be with her arms at kiss her lips. She was the inspiration that his life waited. Na ito ang magiging lakas niya sa lahat ng gagawin niya. She was the air of his breath. Ang ngiti sa kanyang labi at tibok na bumubuhay sa kanyang dibdib, sa kanyang puso.
“I want to meet her.” Sabi nito.
Umiling siya. “I’m sorry to disappoint you. Wala na kami.”
Tiim itong tumingin sa kanya. Halatang nagulat. “But why? Your mother said you finally find the right one. Ang sabi niya’y noon lang daw niya nakita ang ganoong intense sa ‘yong mga mata mo.”
Nagsalubong ang kanyang kilay sa sinabi nito. “Ano?”
Muli itong nagbuntong-hininga. “Akala ko ay ako lang ang nakapuna. Napansin ko na ‘yon noong nag-dinner tayo after I was hospitalized. You were happy. To think, that you were not with her that moment. I love the way how you describe her. Napangiti ako no’ng sinabi mong ‘I’m just simply been moved. By her. I think she’s everything.’”
He laughed bitterly. “It took me awhile to think that she’s not. Akala ko lang.”
“Hindi ako naniniwala. Kapag in-love ka, this talk.” Sabi nito na itinuro ang parteng dibdib nito. “At ‘yon ang naramdaman namin noong pinag-uusapan natin si Kathryn.”
“Buong akala ko kokontrahin n’yo ang tungkol sa’min ni Kathryn.” Komento niya.
“Not this one.” Anito.
“Sayang.”
Hindi na nakapagkomento ito dahil bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang mga magulang. Nakita niya ang tila pag-aalala sa kanyang ina. Tiningnan niya ang kanyang ama na kasunod nito. Nakatingin ito sa kanya at tila nag-usap ang kanilang mga mata. Alam niyang sinabi na nito sa kanyang ina ang plano niya.
“Hindi ka seryoso, Jared.” Sabi ng Mommy niya nang makalapit sa kanya.
“Alaina, bakit?” anang kanyang lolo.
“Mommy.”
“Hindi kita mapapayagan.” Agap nito hindi pinansin ang lolo niya.
“It’s final.” Aniya.
“Hindi n’yo ba sasabihin ang nangyayari?” tila may inip na sabad ng lolo niya.
He sighed. “I’m leaving.”
“To where?”
“US. Gusto kong mag-aral.” Sagot niya.
“Mag-aral ng ano?” takang tanong ng senador.
“I wanna learn more. Para din ‘to sa senatorial candidacy ko. I’m young, too young. Baka lamunin ako sa sessions kung sakali.” Paliwanag niya.
“Sa’n nanggagaling ang insecurity mo, hijo?” tila naguguluhang tanong ng lolo niya.
Umiling siya. “I don’t know. Sa tingin ko lang marami pa ‘kong kailangang matutunan.”
“This is so untimely.” Ang kanyang ina.
“Mom, don’t worry. Hindi naman ako aalis agad-agad. Hindi ‘ko iiwang naka-hang ang kaso ni Lolo. That is kung may kaso nga. Pero kailangan lang namang patunayang clean si Lolo. It’s not impossible because it’s the truth. Then I leave.” Paliwanag niya.
“No. Kalahati na ang naubos sa taong ‘to. Stay. Pwede ka dito mag-aral.” Pagkontra ng kanyang ina.
“Alaina, honey.” Ang kanyang ama. Hinawakan nito ang balikat ng asawa. “Don’t argue in front of Papa. Nagsabi na si Jared sa’kin. I just told it to you.”
“Outside.” Ma-awtoridad na sabi ng kanyang ina at nauna nang lumabas ng kwarto. Lumalabas ang tapang nito kapag nagagalit. Her demeanor lawyer voice lights up in times of confrontation.
“Go.” Anang kanyang ama at tumalima siya.
Sa hallway ay naroon ang kanyang ina na inip na naghihintay sa kanya. Lumapit siya dito.
“Si Kathryn ba?”
Ngumiwi siya saka nagbuga ng hangin. “Mommy naman, don’t tell me magtatalo tayo tungkol sa pag-alis ko.”
“So, s’ya nga ang dahilan mo.” sabi nito.
“No.”
“Yes.” Agap nito saka nagbuntong-hininga ito.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Mom. Wala na kami at wala s'yang kinalaman sa desisyon ko. I want to leave. That's it." Pag-iwas niya.
“Heto ka na naman, Jared. Hindi ka na naman nagsasabi ng totoo.” Anito.
He snorted out of frustration. Malapit na siyang mapikon sa kanyang ina. “Fine, I’m sorry kung hindi ko kaagad sinabi at biglaan. But I think this is the right thing to do. I need a real preparation if I want the position. Hindi ako pwedeng kumandidato next year. I hope you understand that, Mom.”
“We are talking about a four or five year course. Sinabi sa’kin ng Daddy mo na kukuha ka ng master degree do’n. Nasa last term na ang lolo mo at may sakit pa. Your decision will cut everything. Pa’no ang nasimulan ng lolo mo sa senado?”
“I-”
“Alam kong alam mo ang sinasabi ko. You are leaving everything behind because of her.” Agap nito.
“Wala na kami, Mom!” halos galit na niyang sagot dito.
“Exactly! You are leaving everything because you are hurt by her. Kahit wala kang sinasabi alam ko, Jared. Even when you and Marigold separated. I know what you felt. You are good in everything that you do but you were never good in hiding yourself from me. Anak kita. At nasasaktan ako dahil kapag ito na...” anito at dinutdot ng hintuturo nito ang dibdib niya. “Ang pinag-uusapan ay tumatalikod ka na!”
He saw the forming tears from her eyes. Tila tumigil ng ilan ang tibok ng puso niya. Iyon ang unang pagkakataong kinausap siya ng kanyang ina tungkol sa pakikipagrelasyon niya.
“From Michelle, your high school sweatheart to Jenna, to Marigold! Alam ko ang tungkol sa kanila! Hindi ko na papangalanan ang iba. Pero lahat ‘yon sinubaybayan ko mula sa malayo. Wala kang sinasabi sa’min ng Daddy mo tungkol sa kanila. Pero hinayaan ka namin. Maybe you chose to private them. Pero kapag dumadating ang panahon na nasasaktan ka dahil sa kanila nasasaktan din ako. It only show that you are not happy. You never were. Is it because akala mo kinukontrol ka ng pamilyang ‘to?”
“Ginagawa ko lang ang tama, Mom.” Tangi niyang nasagot.
“Of course. You always do the right thing.” Sabi nito at humakbang ng ilan. Humawak ito sa bakal ng railings sa hallway at tumanaw. She sighed heavily.
“Wala kaming pinangarap ng Daddy mo kundi ang ibigay ang lahat-lahat sa’yo. Noong sinabi mo na gusto mong pumasok sa politics we never argue. Dahil nakita namin na ‘yon ang gusto mo. We always support you in every decision that you make. We taught you every right thing in this world. And we succeeded. We only fail in one thing. Hindi ka namin naturuang magmahal. Ang ipaglaban ang pagmamahal na ‘yon. Ang sundin ang puso mo, ang maging totoo sa sarili mo. It is okay not to be good or not be okay at some point, sometimes. Sana’y hindi pa huli ang lahat. Because you misinterpreted our love for you to a controlling family. Marahil kaya hindi mo na rin ipinakilala sa’min sa Kathryn dahil inisip mong pipigilan kita. That I will give you no choice.”
“Mommy…”
Muli itong tumingin sa kanya. “We love you, anak. We are always behind you. ‘Wag mo sanang kakalimutan ‘yan.”
“Gusto kong umalis. Just this one, Mom, I need to leave.” May pagsusumamo niyang sabi dito.
Lumapit ito sa kanya. “Maaaring si Kathryn na ang nakalaan para sa’yo. I told you I’ve watched you like mushy movies. Iba si Kathryn sa’yo. S’ya ang dahilan mo kung bakit ka aalis ngayon. Na hindi ko akalaing gagawin mo. Leaving everything behind just to be away from her? Just to be away from the hurt? That’s immature. Why not try to fight for her?”
“I did.” Halos basag ang tinig niyang tugon. “Pero s’ya ang sumuko. Sabi n’ya hindi n’ya kaya. That she cannot be on the middle just waiting for me. Ayaw n’ya ng hassle sa buhay ko. Yes, Mom, I’m hurt. I really am. I want to fight for us. Pero hindi ko kaya kung ang tanging lakas ko ay sinukuan ako. She’s my strength. But she refused to fight for me, for us.”
“Tinanong mo ba kung bakit? Did you listen to her story? Do you know her that well?” panay na tanong nito.
“Hindi masyado. Ang sabi n’ya ay may pinagdadaanan din s’ya. Na ako ang kailangan n’ya at hindi ang serbisyo ko.” Tugon niya.
“Totoo ‘yon. Love is not serving. It’s giving.”
“But not giving up.” Agap niya.
“Nasasaktan ka lang.” Anito. Hinawakan nito ang magkabilang braso niya saka nagbuntong-hininga.
“Do you really want to leave?” tanong nito.
“Yes.”
Umangat ang kilay nito. “Do you really want to leave her?”
Hindi siya nakatugon. Hinawakan nito ang pisngi niya saka ngumiti.
“You have until tonight to decide. At kung desidido ka na umalis ka na kaagad.”
“Pero-”
“Huwag mong idahilan na gusto mo munang ayusin lahat bago umalis. Gusto mong magmukmok dahil nasasaktan ka, sige. Stop being nice, Jared. Because you’re not. Hindi ako magagalit kung sa unang pagkakataon ay bibigyan mo kami ng problema. Stop fixing this family’s dirt. Kayang kaya namin ‘to ng Daddy mo. Just fix you broken heart.”
Hinalikan nito ang pisngi niya sabay yakap sa kanya. Her mother must be really concern. At ikinatuwa niya iyon. Tinugon niya ang yakap nito.
Kumunot ang noo ni Kathryn nang makita ang kanyang ama. Hindi niya alam na darating ito sa opisina ng Link at kasama pa si Lourd.
“Hi, anak.” Masayang bati nito. Lumipad ang tingin niya kay Lourd. Mukhang may hinala na siya kung bakit ito naroroon. It was to make peace or to make her feel good.
Hindi pa rin niya kinakausap ang kanyang magulang pagkatapos ng nangyari. Umuwi na muna sa Laguna ang kanyang ina ngunit halos araw-araw itong tumatawag sa kanyang ama at sa kanya. But she barely talked. Naiintindihan naman na niya ang nangyari subali’t hindi ganoon kadali para sa kanyang ang palampasin iyon. Wala naman na siyang magagawa kung muling bumalik ang pagmamahalan ng mga ito sa isa’t-isa.
“Anong ginagawa n’yo dito?” walang gana niyang tanong at kunwa’y abala sa pagpindot sa console sa tabi ni Epi.
“Lourd said you need help. Hindi ka raw maka-decide kung anong kanta ang ilalagay sa album mo.” sagot nito. Umangat ang mata niya patungo sa tahimik na si Lourd at tiningnan ito nang masama.
“May list na ‘ko. Natapos ko na kani-kanina lang. Bago kayo dumating.” Aniya.
Her father never answered. Tumayo siya at akmang papasok sa booth nang pigilan siya nito.
“I’m sorry. Nag-usap na kami ni Sasha. Sinampal n’ya ‘ko pero okay na kami. We’re through.”
“Okay.” Aniya at akmang lalayo nang muli siyang pigilan nito.
“Gamitin mo ang puso mo sa lahat ng oras, anak. ‘Wag kang matakot masaktan.” Sabi nito.
Nakaramdam na tila hapdi ang puso niya kasunod ng mabilis na pamumuo ng luha. Hindi siya kumilos ngunit iniharap siya ng kanyan ama dito.
“Crying is not a crime. Kung gusto mo sasabayan pa kita.” Sabi nito doon na bumuhos ang damdamin niya. She cried and he hugged her. She had suppressed her feelings for weeks. At nahihirapan na siya sa desisyon niyang talikuran ang pag-ibig niya.