CHAPTER FOURTEEN

“Daddy!” she shouted with fear. “Nasasaktan ako, ahg!”

Pinilit ni Cassandra na bawiin ang brasong hawak-hawak nito ngunit tila lalong bumabaon ang mga daliri nito. Hinila siya nito palabas ng kwarto.

Halos magkulay talong na ang kanyang dalawang braso mula sa balikat pababa sa kanyang pulsuhan dahil sa namuong dugo. Maga ang kanyang kaliwang mata dahil sa bugbog.

“Danny, tama na!” sigaw ng kanyang ina. Tumakbo ito at pinigilan ang asawa sa paghila sa kanya. Kahit ito ay bugbog na rin ang katawan. Dumudugo pa ang labi nito dahil kakasuntok lang dito.

“Get off my way!” sigaw ng lalaki sabay sipa dito. Sumadsad ang kanyang ina at nauntog sa balustre ng hagdanan.

“Mommy!” tawag niya sa ina.

“C-Cassandra…” nanghihinang tawag nito sa kanya. Pagapang itong kumilos at pilit na tumayo ngunit muling nabuway.

“Mommy!” muling tawag niya dito.

“Tumahimik ka!” saway ng Daddy niya at lumapat ang palad nito sa kaliwa niyang pisngi. Kung hindi lang siya hawak nito at naagapan ay baka nahulog na siya sa hagdan dahil sa lakas ng sampal nito.

Patuloy silang bumaba ng hagdanan. Nilingon ni Cassandra ang ina, napilipit pa ang kanyang leeg dahil sabunot nito ang buhok niya. Nakita niyang pilit itong tumatayo upang humabol sa kanila.

Pigil ni Cassandra ang humiyaw dahil sa sakit na nararamdaman at sa takot na baka muli na naman siyang saktan ng ama.

Narating nila ang basement. Ito ang nagsisilbing stock room ng bahay. Dito itinatago ang mga hindi na ginagamit na kasangkapan at ang mga gamit nila sa hardin. May kaliitan ito kaya patung-patong at sala-salabat ang mga gamit doon.

Lumapit ang kanyang papa sa switch ng ilaw na hila-hila pa rin siya. Pagbukas ng maliit na ilaw ay paluhod na hinarap siya ng ama. Namumula ang mga mata nito. Puno ng pawis at nangangatal ang buong katawan. Sa edad na labing-isa ay alam na at naiintindihan na niya kung bakit ganoon ang hitsura at asal ng ama. Lulong ito sa masamang bisyo.

“I hate those eyes.” Matalim na sabi nito habang nakatitig sa kanya. Nanlilisik ang mga mata at humihingal. Sa tingin ni Cassandra ay hindi ang kanyang papa ang kaharap niya.

Nangangatal na umiyak si Cassandra dala ng sakit ng buong katawan. Napalitan ng galit ang mukha nito dahil sa pananahimik niya.

“Bakit ka umiiyak?!” sigaw nito. Tumalsik pa ang laway nito sa mukha niya sabay yugyog sa ulo niya. Lalong napaiyak ang batang si Cassandra at alanganing umiling. Unti-unting ngumiti hanggang maging halakhak ang ginawa ng kanyang ama.

“Danny! Ilabas mo si Cassandra. Pakawalan mo ang anak ko!” mula sa labas ay narinig ni Cassandra ang boses ng ina. Binabayo nito ang nakasarang pinto ng stock room.

“Get lost you sloth!” ganting sigaw ng kanyang papa. Maya-maya’y hinila siya nito at pinaupo sa isang lumang wooden comfort chair.

“Daddy, please let me go!” umiiyak na pakiusap niya sa ama. Ngunit tila bingi ito sa anumang naririnig. Parang baliw na nagpaikot-ikot sa loob ng stock room na pawang may hinahanap.

“Danny ano ba? Pakawalan mo ang anak ko!” patuloy pa rin ang sigaw ng kanyang mama.

“Mommy!” tawag niya sa ina. Tumayo siya upang takbuhin ang pinto nang muli nitong hablutin ang kanyang buhok.

“Saan ka pupunta ha?” gigil na tanong nito sa kanya. “Umupo ka!” sabay balya sa kanya sa upuan. Tumama ang kanyang tagiliran sa armrest nang upuan dahilan upang mahirapan siyang huminga. Walang nagawa si Cassandra kundi ang maupo dahil nanghihina na siya.

Muli ay nagpaikot-ikot ang kanyang papa sa loob at ang kanyang ina ay patuloy ang pagbayo sa pinto. Wala silang duplicate key para sa stock room dahil hindi naman iyon nagagamit at madalang buksan.

Nakita ng kanyang Daddy ang tool box at binuksan iyon. Hinalo at maya-maya’y may hawak na isang concrete nail. Biglang nataranta si Cassandra nang makitang papalapit ito sa kanya. Nakangising tinungo siya nito.

Nilingon niya ang pinto sa pag-asang naroon pa rin sa labas ang kanyang ina ngunit wala na ito dahil tahimik na ang parteng iyon. Nanlalaki ang mga matang sinalubong niya ang namumulang mga mata ng kayang ama.

“Huwag po, Daddy…” pabulong na pakiusap niya sa ama.

“Blood, blood!” tila baliw na sabi nito sa kanya.

Itinulak siya nito pasandal sa upuan at kinuha ang lubid na straw na tali ng mga kahon na pinaglalagyan ng mga bulaklak. Itinali nito ang mga braso niya sa magkabilang armrest pahiga ang kanyang mga kamay. Lalong nangitim ang kanyang braso at napatili siya nang higpitan nito ang pagtatali. Hindi na niya maigalaw ang kahit na anong parte ng katawan niya. She rests her head on the wooden chair. Pinulot nito ang nahulog na malaking pako.

“Ahhhgggg!” biglang sigaw ni Cassandra ng maramdaman ang walang kapantay na sakit sa kanyang palad. Nakita niyang inihihiwa nito ang pako sa palad niya. Kitang-kita ni Cassandra ang pagsirit ng kanyang dugo mula sa kanyang palad. Pakiramdam ng batang katawan niya ay para siyang isang hayop na kinakatay.

“T-tama na po.” hindi na niya alam kung paano pa niya nagagawang tumugon at manatiling buhay.

‘Papa Jesus please heal my pain.’ piping dasal ni Cassandra at tuluyang nang nawalan ng malay…

“Huwag!” nagulat si Lourd nang biglang sumigaw sa gitna ng pagtulog si Cassie. Nakapikit ito ngunit umiiyak.

“No.” banggit nito sa gitnang pagtangis.

“Cassie.” Paggising niya dito. Noon niya inihimpil ang sasakyan. Malapit na sila sa ranch house at marahil sa pagod ay nakatulog ito habang nasa byahe sila. At habang tulog ito ay may pagkakataong umuungol ito. Hindi na lang muna niya ginising ito dahil manaka-naka naman iyong nawawala.

“Please…” humahagulgol ito.

“Cassie, wake up.” Niyugyog na niya ito. “Wake up.”

Noon ito napamulat. Hingal na hingal ito. Puno ng luha ang mukha nito. She really looked scared.

“Okay ka lang?” nag-aalala niyang tanong habang hinahaplos ang buhok nito. Kinuha niya ang panyo sa bulsa ng pantalon niya at ipinunas dito. Hindi pa rin ito kumikilos.

“Hey.” Buong suyo niyang pukaw sa atensyon nito. Inabot niya ang baba nito at iniharap sa kanya. Parang madudurog ang puso niya nang makita ang mga mata nito.

Inabot niya ang bottled water sa dash board at ibinigay dito.

“S-salamat.” Sa wakas ay nagsalita na rin ito saka uminom. He felt relief in a way. Akala niya ay hindi na ito gagalwa.

“Bad dreams?” tanong niya. Tumango ito.

“Madalas ka bang ganyan?” muli niyang tanong.

Nagbuntong-hininga ito. “H-hindi naman. Siguro kasi pagod ako kaya…ok lang ako.”

“Sigurado ka ba? Gusto mong dumaan tayo sa clinic or…” paniniguro niya. Kung siya ang tatanungin ay tila hindi pa ito maayos.

“Yeah.” Tumatango nitong tugon.

“Cassie-”

“I’m okay.” Agap nito pigil ang kanyang labi ng hintuturo nito. “Huwag kang mag-alala. Panaginip lang naman ‘yon.”

Wala na siyang sinabi. Inabot niya ang kamay nito at hinalikan iyon. He was really worried about her.

Ngumiti ito. At kahit paano ay nabawasan ang pag-aalala niya.

“Let’s go.” Pag-aaya nito. Nakatingin pa rin dito niyang binuhay ang makina. At inabot pa nito ang pisngi niya bago sila umusad.

Bumilang na ang lima pang minuto at naroon pa si Lourd at nakatitig lamang sa nakatalikod na si Cassie. Nasa lower veranda ito at pinagsasawa ang mga mata sa lake view. Kararating lang nila sa ranch house at doon ito dumeretso. Tahimik ito bumaba ng sasakyan at kaagad na napansin ang tanawin. Saka walang salitang tumungo doon.

It was a bluff when he accepted Cassie’s break up piece. Sinakyan lamang niya iyon upang iligtas ang pride niya. Ngunit tensyonado ang buong pagkatao niya dahil kapangahasan nito na paglaruan silang mag-ama.

Dinala niya si Cassie sa ranch house nila dahil sa dalawang dahilan. Una ay dahil nais niyang ilayo ito sa kanyang ama dahil gaganapin na ang anniversary party ng kanyang mga magulang. Ayaw niyang manggulo si Cassie dahil malakas ang pakiramdam niyang alam nito ang tungkol doon. Hindi ba’t lahat ng kerida ay alam ang bawat galaw ng kinakama ng mga ito? Hindi siya makakapayag na guluhin nito ang masayang event sa pamilya niya. Hindi niya papayag na manghimasok ito sa buhay ng kanyang mga magulang. Lalo na ng kanyang ama.

Pangalawa ay upang isalba ito sa kahibangan nito. Gusto niyang patunayan dito na walang patutunguhan ang kung anumang nais nitong pahalagahan sa pagitan nito at ng kanyang ama. Na sinasayang lamang nito ang buhay nito kung magiging pangalawa ito sa isang lalaki. It was a waste of life falling in love to a married man. Hindi siya papayag na maging ganoon ang buhay nito. Hindi pa nga niya masigurado kung alam ng pamilya nito ang ginagawa nito. Marahil hindi. Dahil alam niyang hindi ganoon ang pamilyang kinabibilangan ni Cassie.

Naroon siya upang samahan ito. Na handa niya itong mahalin. He shook his head on the thought. Para na rin niyang inamin sa sariling may pagtingin pa rin siya dito. Ngunit hindi pwede. Ayaw na niya.

Nasaisip niya ang panaginip nito. It must be serious. Hindi ordinaryong panaginip ang nangyari dito kanina habang patungo sa ranch house. Pakiramdam niya ay parang totoong pangyayari ang napanaginipan. Tila parte iyon ng buhay nito o ng nakaraan nito. Kaya lubha siyang kinakain ng pag-aalala. He really felt that Cassie must be needing help.

Napailing siyang muli sa naiisip saka napapikit. Kasunod ang isang pagkalalim na buntong-hininga. Ngayon lamang siya nagulo nang dahil sa isang babae. He may loved before but never done such foolish things like being vicious. Women come and go in his life. Kahit kailan ay hindi siya nahirapang humanap ng karelasyon. Ngunit iba si Cassandra.

Biglang lumingon si Cassie sa gawi niya. Inasahan niya na galit ang masasalamin niya mula dito ngunit nagulat siya nang ngumiti ito.

“Pwede ka namang lumapit.” Saad nito. He blew a breath. Saka siya lumapit sa dalaga.

“I’m sorry.” Kaagad niyang sabi dito. She smiled but never laughed.

“Para ba ‘yan sa pagdadala mo sa’kin dito?” sagot nito. Naroong maayos na ito ngunit tila pagod na pagod ito. He reached her hands.

“No. Para sa hindi ko magawang pagaanin ang loob mo. Kung anuman ‘yang bumabagabag sa’yo.” Sabi niya. Umiling ito.

“Bakit? Alam mo ba kung anong nasa loob ko?” tanong nito.

Nag-iwas ito ng tingin. Nagawi sa balikat nito ang tingin niya dahil nakasuot ito ng razor back. Off-shoulder naman ang nakapaibabaw doon. Nakakita siya ng pilat sa babang parte ng balikat nito. Kumunot pa ang noo niya upang pagmasdan iyon dahil tila balat iyon. Ngunit base sa kutis nito ay parang hindi naman discoloration ng balat iyon. Bakit ito may pilat doon? Naaksidente ba ito noon?

“Cassie.” tawag niya at tahimik itong lumingon sa kanya. “Gusto kong malaman ang ibang bagay tungkol sa’yo. Care to tell me?”

Muli itong nag-iwas ng tingin. Nakaramdam siya ng panlulumo. Ngunit bigla itong nagsalita.

“My mother is dead. Nakakulong ang tatay ko.” Saad nito. Bahagya siyang natigilan.

“I’m sorry.” Saad niya.

Wala itong tugon. Hindi niya magawang ituloy ang ibang sasabihin. He was a bit scared to go deeper. Pakiramdam niya ay napakabigat para dito ng gusto niyang malaman.

“Hindi naging masaya si Mommy kay Daddy. Even me. Iyon siguro ang pagkakaiba nating dalawa. Buo ang pamilya mo samantalang ako walang kasama ni isa sa kanila. Well…” sabi nito saka nagbuga ng hangin. “Lahat naman nangyayari ng may dahilan.”

“I’m sorry about that.” Tanging namutawi mula sa bibig niya. Ngumiti ito ngunit tila may hatid na lungkot iyon.

“Anong nakita mo sa kanya?” hindi niya natiis na itanong. Salubong ang kilay siyang nilingon nito saka umismid.

“I see. Kaya siguro mo ako itinago dito. Iniisip mo na nakakagulo ako sa parents mo.” saad nito.

“Bakit? Hindi ba?” napalitan ng tinig galit ang tono niya.

Hilaw ang naging tawa nito. “I don’t intend that.”

Tumalikod ito sa kahoy na railings at akmang iiwan siya.

“Anong meron s’ya na wala ako?” mariin niyang tanong habang pigil-pigil ito sa braso nito.

“Lourd, please.” Umiiwas na naman ito.

“Tell it, damn it, Cassandra!” gigil na niyang pilit dito.

Marahas nitong binawi ang braso at akala pa niya ang sisigaw ito. Ngunit tila pinigil nito ang sarili.

“You know only half of one eight of my life while he knows everything about me. Gano’n n’ya ako kakilala tulad ng kung gaano ko ipinagkakatiwala ang sarili ko sa kanya.” Sagot nito kasunod ng pagtingin nito sa kanya. She looked gleam.

“Really? Sinasabi mo bang matagal n’yo nang niloloko ang mama ko? Gano’n ba? How dare you to ruin my family? Sino ka para gawin ‘to sa’min, sa’kin!” pagbulusok ng kanyang damdamin.

“Wala akong ginagawang masama.” May diin ngunit mahinahon pa rin nitong agap.

“Did you plan this?”

Umiling ito. “No.”

“But you plan to continue your game?” muling niya tanong. Unti-unti na siyang nakakaramdam ng sakit si Lourd.

“D-depende ‘yon sa Papa mo.” tugon nito.

Napaismid siya. “You really love that man, don’t you? Pero ito ang ipapaalala ko sa’yo. You’re mine, Cassandra. Seryoso pa rin ako sa bagay na ‘yan. Kung kinakailangang itali kita sa isang kwarto dito ay gagawin ko-”

“Hindi mo pwedeng gawin ‘yan!” biglang sigaw nito na biglang ring bumigay ang emosyon nito. Tila nakakatakot ang mga sinabi niya.

“Bakit hindi?”

“Tama na!” muli nitong sigaw na tinakpan pa ang dalawang tainga nito. Noon siya natigilan. Her reaction was beyond anger. Tila natatakot ito.

“Cassie.” Aniya ngunit hindi siya nito pinansin at mabilis na humakbang palayo sa kanya. Tinawag niya ito ngunit tuluy-tuloy lang ito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.