CHAPTER SEVENTEEN

“A-anong ginagawa mo dito?” naguguluhan tanong ni Cassie. Abut-abot ang pagtahip ng kanyang dibdib.

“You left the door open.” Maarte nitong tugon at walang pasabing naupo sa one-seater. Dumi-quatro ito. Nakapatong ang mga siko sa gilid ng sofa.

“Anong kailangan mo? Hindi ba’t magkasama kayo ni Lourd? ” she asked. Pinahid niya ang luha sa kanyang mukha. Hindi dapat nito mahalata ang nangyayari sa kanya. Pagtatawanan siya nito.

“Si Lourd? Ewan ko. Baka hinahanap ka.” Walang gatol nitong tugon.

“Break na kayo di’ba? Anong…” she asked. Tumawa ito. Nainis siya.

“Hindi para sa’kin. Ako ang magsasabi kung kailan kami matatapos.” Sagot nito. Inis na nag-iwas siya ng tingin. Pagod na siya kaya wala na siyang panahon para sa panggugulo nito.

“Pwede umalis ka na.” Malamig niyang saad. Amanda smirked. Galit siyang lumingon dito.

“Nakita mo kami.” Sabi nito kasabay ng palatak. “Poor bitch. Hindi ka niya gusto. Sinabi ko na sa’yo, hindi ba? Naniwala ka naman agad sa kanya na wala na kami.”

“Ano bang sinasabi mo?”

Umikot ang mga mata nito saka nagbuntong-hininga. “Stop it. Don’t play as if you are the victim. Ikaw ‘tong patay na patay sa kanya. At no’ng nalaman mo na nagkakalabuan kami eh umeksena ka naman.”

“Huwag mo ‘kong pagbibintangan. Hindi ako katulad mo.” napatayo niyang saad. She was really surprised on that matter.

“Oh, come on. Huwag ka nang magmalinis. Player ka rin naman hindi ba? Hindi ka rin nawawalan ng karelasyon. Kaya huwag ka nang umarte na parang si Lourd ang unang lalaki sa buhay mo.” Mayabang nitong tugon.

She breathed out. “Ang kapal ng mukha mo.”

“Bitch.” Anito.

Marahas siyang lumapit dito. Ngunit mabilis naman itong tumayo at lumayo sa kanya. Umangat ang kamay nito.

“Huwag kang lalapit sa’kin. Hindi mo ako masasaktan. Tanggapin mo sa, Cassie. Alam natin pareho na hindi ka siseryosohin ni Lourd. Kaya sa’kin siya. At saka alam naman natin pareho kung sino ang talagang mahal n’ya kaya huwag kang aasa. At ako tanggap ko ‘yon as long as akin s’ya.” Saad nito.

Natigilan siya. Kunwa’y lumabi ito nang makita ang pagkagulat niya.

“Kawawa ka naman. You thought you can win him.”

“Tumigil ka na, pwede!” Sansala niya dito. Nagsimulang manginig ang kanyang katawan. Kung sa galit o pagkalito ay hindi niya alam. Naikuyom niya ang mga kamay sa pagpigil na saktan ito.

“Cheap bitch.” Nag-aakusa ang salita nito.

“Umalis ka na!” galit niyang hiyaw at akmang lalapit dito ngunit umatras ito. Namagitan sa kanila ang malaking sofa.

“Ano bang gusto mo, Amanda? Bakit hindi mo matanggap na hindi ka mahal ni Lourd?” gagad niya.

Humagipgip ito. “Let me tell you a story. There was a father and child. Me and my Dad. Isang financial analyst ang Daddy ko. And he went into business. Parangap ng Daddy ko na magkaroon ng sariling insurance company. He planned everything. And it went very well. Marami kaming naging kliyente. My father wanted to be the best. Pero sa isang iglap, niloko siya ng isang babae at kinamkam niya ang lahat ng pera ng kumpanya. That left us to burden. Nalubog sa utang ang Daddy ko. Wala kaming pambayad sa lahat ng investors, sa mga members.”

Nagsimulang mangilid ang luhat nito ngunit mabilis din nabawi iyon ng galit sa mukha ni Amanda. She was frightened. Mukhang siya masasaktan nito kaysa siya ang makapanakit dito.

“Kinasuhan nila ang Daddy ko. Staffa. Pero wala namang kasalanan ang Daddy ko eh. Niloko lang siya ng babaiung ‘yon. Nakiusap siya kay Judge Fortes na tulungan siya. Pero tinanggihan niya ang Daddy ko. Guilty ang hatol niya. That left me with nothing but shit!”

Napakurap sa gulat si Cassie. Hindi niya gusto ang nakikitang panlilisik ng mga mata nito.

“He was guilty.” Saad niya.

“Hindi. He was a heartless judge. Kaya hindi ko hahayaang maging masaya si Lourd sa piling ng iba. Sa akin siya at ako ang magpapahirap sa kanya. Magiging mesirable ang buhay ni Lourd at makikita ni Judge Fortes ang paghihiganti ko. At ikaw ang hadlang sa plano ko, Cassie. Nakikita ko sa mga mata niya na pinahahalagahan ka niya. Everything happened the way I never expected, never in my plan. So you better die.” Puno ng pagbabanta ang tinig nito.

Hanggang nanlaki na ang mga mata niya nang mabilis nitong abutin ang vase na hugis bote sa tabi ng sofa at basagin iyon. Natira ang basag na bahagi na hawak nito at sinugod siya.

Mabilis siyang kumilos upang lumayo dito. Tinakbo niya ang pinto palabas ngunit nagulat niya dahil niya mabuksan iyon. Paano nito nagawang maisara iyon nang hindi niya namalayan kanina? Pinlano ba nito ang lahat?

Sumandal siya sa pinto at nakitang papalapit si Amanda sa kanya. Tumakbo siya patungo sa main sala. Hinabol siya nito. Nakita niya ang daan patungo sa lower deck at tumakbo patungo doon ngunit nagulat siya nang nahila ni Amanda ang buhok niya. Noon ay hawak na niya ang hamba ng hagdan.

“Saan ka pupunta?” anito at bigla siyang iniuntog nito sa kahoy na hamba. Kaagad niyang naramdaman ang sakit sa ulo niya.

Maybe it was adrenaline. Nagawa niyang humarap dito at nasipa niya ito. Gumapang siya palayo dito.

Nakita niyang papalapit ito muli sa kanya. Her head was really aching. Nahihilo na rin siya ngunit determinnado siyang pigilan ito. Nasaan na ba si Lourd?

Pinilit niyang tumayo ngunit pasugod na ito. Hindi niya alam ang gagawin. Hanggang makalapit ito sa kanya. Inuunday nito ang kamay pasugod sa kanya ngunit mabilis niya iyong pinigilan. Nagbuno sila. Noon na rin siya napaiyak. She was horrified. Takot na takot siya. Parang nauulit ang lahat. Ang karahasan. Malakas ito marahil dahil sa galit nararamdaman. Kitang-kita niya iyon sa mga mata nito.

“Die, Cassie. Die.” Gigil na gigil nitong saad. Parang gustong gumuho ng mundo niya nang mga oras na iyon. Patuloy siya ng pag-iyak habang buong lakas na pinipigilan ang kamay nito. Hanggang itulak siya nito. Napahiga siya sa sahig.

“Huwag!” Sigaw niya habang pigil muli ang kamay nito. Hinigpitan niya ang hawak niya sa pulsuhan nito. She had to fight. Her nightmares are over. Tama na. Inipon niya ang lahat ng lakas na mayroon siya upang pigilan ito. She had to fight for her life. Taon ang binuno niya upang mabuhay. Kaya hindi siya papayag na ulitin iyon lahat ni Amanda.

Ngunit palibhasa’y nasa ibabaw niya ito kaya nahirapan siya. Nagiging mas malakas si Amanda sa kanya. Dahil marahil sa pagod at sa hilong nararamdaman niya. Idagdag pa na parang umiinit ang ulo niya. Parang namamanhind rin iyon. Unti-unti na nitong naibaba ang bubog patungo sa kanya. Lalo siyang nataranta. Naipanalangin niya na sana ay may dumating na tulong. Na sana ay dumating na si Lourd.

Parang panghihinaan na ng loob si Cassie nang dumaiti na sa pagitan ng leeg at balikat niya ang bubog.

“Ahgg.” Daing niya nang maramdaman ang pagbaon noon. Hawak pa rin niya ang kamay ni Amanda. “Please, huwag…”

“Huwag!” anang isang tinig at kasunod noon ay may humila kay Amanda papalayo sa kanya. Si Lourd!

Hirap siyang gumapang at sumandal sa pader. Hinawakan niya ang leeg niya. It was bleeding. She almost fainted when she saw the blood. Nahihirapan na siyang huminga.

‘No! Not again!’

Nakita niya ang pag-aaway nina Amanda at Lourd. He was trying to stop her. She even heard Lourd shouted but she cannot watch all of it. Masakit na masakit ang ulo niya. Unti-unti nang nanlabo ang paningin niya at bumalot na ang dilim.

Blanko ang utak ni Lourd habang naghihintay sa hallway ng hospital. May bahid ng dugo ang kanyang suot at nagbabadyang pumatak ang luha. He was really rattled. Wala pang dumadating sa lahat ng tinawagan niya. Hindi pa rin lumalabas ang doktor na tumitingin kay Cassie.

Nagulantang siya nang madatnan si Amanda na nasa ibabaw ni Cassie habang may nakabaon sa may leeg ng huli. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at sinugod si Amanda dahil tila papanawan ng malay si Cassie. Kinain siya ng galit kaya hindi niya napigilang saktan si Amanda. Nasampal niya ito. Mabuti na lang at narinig ng caretaker ng bahay ang sigawan nila kundi ay marahil napatay na niya si Amanda. Ito na rin ang humingi ng tulong. Mabilis na nakarating ang barangay pulis na nagdala naman kay Amanda sa presinto. Iniwan niya ito na tulala habang tumutulo ang luha.

Isinugod niya sa ospital si Cassie. Duguan na ito at wala nang malay. He was scared as hell. Kung kinakailangang makipagkarera siya kay kamatayan makarating lamang sa ospital ay ginawa na niya. Noon lamang siya nakaramdam ng ganoong pag-aalala at takot sa buong buhay niya.

Masaya silang pumunta sa foundation ni father Ruel. And Cassie was happy. Hanggang sa magpaalam ito upang maglibot. Pagkatapos nilang mag-usap ni Father ay nagpaalam siya upang puntahan ang dalaga. He cannot wait another minute not seeing her. Parang naiinis na siya kapag matagal na hindi ito nakikita. Ngunit palabas pa lang siya ng lobby nang biglang sumulpot si Amanda. Nagtaka siya at nainis.

Wala siyang nagawa kundi kausapin ito. Umiiyak ito. She said sorry. Nagsisisi daw ito sa mga nasabi nito. He said it was alright. Ngunit muling bumalik ang inis niya nang sabihin nito na mahal pa rin siya nito at handa itong gawin ang lahat upang balikan niya ito. That she would change. Maayos niyang ipinaliwanag dito na hindi na sila maaring magbalikan. He was not in love with her. Ayaw niyang saktang ito kaya mas mabuti pang maghiwalay na lang sila. But she insisted. Kaya nagtalo na sila. Hanggang magulat na lang siya nang halikan siya nito. And they continue fighting.

Masama ang loob na umalis si Amanda ng foundation. Mabilis naman niyang hinanap si Cassie ngunit nagulat siya nang malamang wala na ito. May nakapagsabi pa sa kanya na umalis ito at umiiyak. Kaagad siyang nag-alala. Kaya hinanap niya ito. Hanggang sa pagbalik niya sa ranch house ay naroon na si Amanda at sinasaktan si Cassie.

“Lourd.” May tumawag sa kanya. Si Amber at Cleo ang papalapit. “Kumusta siya?”

“Nasa operating room pa.” sagot niya.

“Oh God.” Puno ng pag-aalalang sambit ni Amber. Niyakap ito ni Cleo. Noon naman dumating ang lolo’t lola ni Cassie. Umiiyak ang lola ng dalaga.

Nahugot niya ang hininga nang makalapit ang mga ito. Hindi maikakaila ang galit sa mga mata sa lolo ni Cassie nang tingnan siya nito. He looked at him apologetic.

“Sabihin mong maayos ang apo ko.” Anito.

“Yes. Makakaligtas siya.” Buong pag-asa niyang tugon. Nagbuntong-hininga ito.

“I know this would happen.” Mariin nitong sabi. Nanlumo si Lourd. Alam niyang nasasaktan niya ang mga ito. Ganoon din naman siya. Sana lamang ay makaamot siya kahit kaunting pag-intindi mula sa mga ito.

“Papunta na sina Geri.” Sabi ni Amber sa mga matatanda.

“Ano bang nangyari?” umiiyak na tanong sa kanya ng lolo ni Cassie. He faced her.

“It was my ex-girlfriend. Sinugod niya sa ranch house si Cassandra. I was a bit late. I’m so sorry.” Tugon niya.

“Your ex-girlfriend? Anong ginagawa ng ex-girlfriend mo do’n at kasama n’yo?” may galit na tanong ng lolo ni Cassie.

“Honestly, hindi ko alam. Bigla na lang s’yang sumusulpot. She’s keeping on just coming. I never expect this to happen.” Tugon niya.

“Ito na nga ang sinasabi ko. Wala kang magandang magagawa sa apo ko. You almost killed her!” hindi na naitago ang galit nitong sabi sa kanya at dinuro pa ang parteng dibdib niya.

“H-Hindi ko po sinasadya…”

“Anong gusto mong isipin ko? Damn it! Lourd! Wala kang ideya kung anong pinagdaanan ng apo ko! Wala kang alam! Wala!” galit nitong agap at akmang susugurin siya.

“Alfon.” Maagap namang saway ng asawa nito.

“I’m really sorry.” Hindi na maintindihan ni Lourd kung paano pa sasabihin ang katagang iyon.

“Umalis ka. At huwag kang magpapakita sa’kin. Magsama kayo ng tatay mo. Pareho kayong gulo sa buhay ng apo ko.” May diin ang bawat salita. Taas-baba ang dibdib nito sa sobrang emosyon.

“Walang may gusto ng nangyari.” Saad ng lola ni Cassie. Napatitig siya sa matanda. “Iyon lang ang maari nating isipin sa ngayon at ang kaligtasan ng apo namin.”

Noon niya nakitang paparating ang kanyang ina. Nag-iisa ito. Humahangos itong lumapit sa kanila.

“Ma-” Salubong niya ngunit biglang dumapo ang kamay nito sa pisngi. Hindi kaagad siya nakakilos sa ginawa nito.

“How dare you, Kristof? Paano mong nagawa ito sa Papa mo at pati buhay ni Cassie ay nameligro?” galit nitong bungad. Tiningnan niya ito.

“Napakadali mong naniwala kay Amanda. Paano mong naisip na may relasyon sila? How could you accused your father like that?!” patuloy nito. Lumapit na rin ang matatanda sa kanila. Pati sina Amber. Pulos nagtataka ang mga ito.

“Ma, I-I saw them.” Tangi niyang naisagot ngunit hindi na niya kayang panindigan ang bagay na iyon.

“Where?” She hissed.

“Sa Shang. I was with Amanda that time.” Pagtatapat niya. Nagbaba siya ng tingin. Unti-unti na niyang napapatunayan na mali ang kanyang akala. He was fooled. At ngayon ay nanganganib pa ang buhay ng dalaga.

“Dapat ay kasama ako sa dinner na ‘yon. Pero nagkaroon ng emergency kaya hindi ako nakarating. It wasn’t an intimate date.” Paliwanag nito. Napapikit siya sa narinig.

He sighed very hard. “Akala ko-”

“Binulag ka ng kasinungalingan ni Amanda. Hindi mo siya kilala. Galing ako sa presinto at iniwan ko do’n ang papa mo. Nalaman namin na anak siya ng dating presidente ng Security Life, si Luisito Marquez. Gamit ni Amanda ang apelyido ng nanay n’ya na Mejes kaya hindi nalaman sa firm ng papa mo ang relasyon n’ya kay Marquez noong nag-aplay s’ya. Hindi na rin siguro na-verify ng HR department ‘yon. Kinasuhan dati si Luisito.”

Nanlulumong napaatras si Lourd at sumandal sa pader. “Anong kaso?”

“Syndicated Staffa. Her father is in jail now. Inamin na rin ni Amanda ang lahat ng tungkol sa naging plano n’ya. She planned to work on your father’s firm para maghiganti. At gagamitin ka n’ya.” Tugon nito. Tahimik na muling lumayo ang lolo’t lola ni Cassie. Nakita naman niya ang masamang tingin na ipinukol ni Amber sa kanya. He only looked away.

Naputol ang pag-uusap nila dahil lumapit ang doktor na umasikaso kay Cassie. Sabay-sabay silang lumapit dito.

“Ang apo ko?” nanginginig na tanong ng lola ng dalaga.

“She’s stable. Kailangan lang namin tahiin ang sugat sa leeg niya dahil medyo malalim. But she’s alright. We saw head injury. And there’s a severity on it. Lalo na ang sa kaliwang bahagi ng ulo niya.”

“So you did the necessary tests?” anang kanyang ina palibhasa’y doktor.

“Yes. We did the CT scan and MRI. And…” Halos tila lahat sila ay pigil ang hiningang hinintay ang sasabihin ng doktor. Lalo na siya.

“The scan shows brain trauma.” Sagot nito.

“Oh my God.” Biglang anas ng kanyang ina. Naalarma sila.

“A-Anong ibig sabihin no’n?” tarantang tanong ng lola ni Cassie. Palipat-lipat ito ng tingin sa doktor at sa kanyang ina.

“There’s intracranial hemorrhage. May swelling sa loob ng utak n’ya. And since the patient’s brain is traumatic, kailangang bigyan ng sariling healing time ang utak n’ya habang nagsa-subside ang pagdurugo. Kailangan ‘yon para makalma ang sistema n’ya.”

Nakita niya ang paglayo ng kanyang ina na pinagtakhan niya dahil tila hindi maganda ang ibig sabihin noon.

“Ano ba talaga ang lagay ng apo ko?” tila inip at may inis na ring tanong ng lolo ni Cassie.

Huminga muna nang tila kay lalim ang doktor. “Cassie is in comatose state.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.