Chapter 31

EVERYTHING about Ricardo Aguas was impressive. Ang mamahalin nitong suit, ang nanunuot nitong pabango, ang mukhang bagung-bagong sportscar. At ang pinuntahan nila ay isang exclusive restaurant sa isang luxurious hotel. Everything was new to her. The scene, the food, the music. Sahara was enjoying all of it. Hindi man masyadong pormal ang lugar, hindi pa rin maikakaila na puntahan iyon ng mga mayayaman. Naka-long sleeves at itim na vest ang mga waiters, makikintab ang lahat ng mga kubyertos, baso, salamin, sariwa ang mga bulaklak sa ibabaw ng mesa.

Sa buong dinner ay sa kanya lamang nakatuon ang atensiyon ni Aguas. At sa tuwing tititigan nito ang mga mata niya, pakiramdam niya ay nababasa nito kung ano man ang nasa isip niya.

“Sahara, can I ask you another question?”

Tumango siya.

“Is it possible for you to fall for someone older?”

Ah, ito na ‘yon. Ito na nga ang kinatatakutan niyang tanong. Yes, she had actually fallen for someone older, not just once, but twice, which she’s still regretting until now.

“Ah, forget it,” umiiling-iling at nakangiti nitong sabi. “How about that song you promised me?”

Tapos na silang kumain noon, at kapwa na umiinom ng red wine. Sanay siyang uminom lalo na noong nasa The Lounge pa siya pero nahinto iyon nang magsimula siyang magtrabaho. Matagal na ring hindi nasasayaran ng alak ang kanyang sikmura kaya naman ngayon ay parang naninibago ang panlasa niya. And she never liked red wine because she’s into hard drinks ever since.

“Come on.” Tumayo na si Aguas at hinawakan siya sa kamay.

“Pero sir, nakakahiya po.”

“Okay lang ‘yan. Regular customer ako rito, they will let me do whatever I want here,” nakangiti nitong sabi. Kinuha pa nito ang iniinom na wine bago sila tumuloy doon sa dulo ng restaurant kung saan naroon ang grand piano. “Come on, you sing, I’ll play.”

“Tumutugtog kayo?”

“Yeah, since childhood. Kailangan, eh.”

Oo nga pala, may nabanggit ito tungkol sa pagiging musically inclined ng buong pamilya nito. His mother used to be a renowned classical pianist, who toured the world during her younger years and since his father was her mom’s number one fan, Aguas was required to learn the piano, and be very good at it.

Hindi maikakailang humanga si Sahara sa natuklasan tungkol kay Aguas. Men who know how to play the piano are her weakness – men like Aguas. Naupo na ito at inilapag ang red wine sa ibabaw ng grand piano. Samantalang siya ay tumayo sa tabi nito, sa likod ng mic stand. Sa simula ay nag-alangan siya sa simula dahil naisip niya na baka hindi alam ni Aguas ang kantang iyon pero nang ibulong niya rito ang unang kantang ngumiti lang ito sa kanya.

Hindi sila pansin ng mga tao roon na abala sa kani-kanilang pagkain. It wasn’t definitely her first to sing in front of a crowd, but it was her first time to sing with Aguas on the piano. She looked around and when he started playing, all eyes were on them.

Habang tumutugtog si Aguas ay nakatingin lamang ito sa kanya, na para bang ninanamnam ang bawat letrang nanggagaling sa kanyang bibig. It was difficult for her to focus with his eyes on her, but she had to. Alam niyang hindi lamang ito ang nakikinig, kundi ang lahat ng tao sa loob ng restawran. Mayroon pa ngang iba na lumapit pa nang maigi sa kanila para makinig nang mabuti.

Pakiramdam ni Sahara ay naroon siya sa The Lounge, na ang mga tao roon ay ang mga customers nila sa bar na pumupunta lamang roon para marinig siyang kumanta. Malakas ang palakpakan ng lahat. Masarap ang lahat nang iyon sa pakiramdam – lalo na nang tumayo si Aguas at pumalakpak rin.

Hindi na mabilang ni Sahara kung ilang beses siyang pinuri ni Aguas matapos niyang kumanta. Mula sa restaurant, hanggang sa pagsakay nila sa kotse nito, hanggang sa paghatid nito sa kanya sa townhouse, iyon pa rin ang bukambibig ni Aguas.

“Wow, just wow.” Nakahinto na ang kotse ni Aguas sa harap ng malaking gate ng townhouse. “Number one fan mo na ako simula ngayon.”

“Naku, sir, ako nga po ang number one fan ninyo ngayon. Talented po pala kayo sa pagpi-piano.”

“Hindi ‘yon talent, Sahara. Skill ang tawag do’n.”

“Ha? May pagkakaiba po ba ‘yon?”

“Meron,” tatangu-tango nitong sabi. “’Yung galing mo sa pagkanta, talent. Kahit wala kang personal training, magaling ka talagang kumanta. Samantalang ‘yung pagpi-piano ko, mahabang pag-aaral ang kinailangan ko bago ako natuto. You love singing, right? Well, I hate playing the piano. I really just had to do it then.”

“Pero magaling pa rin kayo, sir.”

“Thank you, I think.”

Alam niyang dapat na siyang magpaalam pero nanatili lang siyang nakaupo sa passenger seat. “Sige po, thank you uli. Sa dinner at lalo na gift n’yo,” nahihiya niyang sabi.

“You’re always welcome, Sahara. Happy birthday uli. I had fun. And it’s a pleasure to hear you sing.”

“It’s a pleasure to hear you play the piano, sir.”

“Hay, Sahara, Sahara…” Ngumiti ito at tumingin lang sa kanya. Whatever it is that he’s thinking, she wouldn’t know.

When he leaned forward, she knew that he’s going to kiss her kaya pumikit na lang siya at hinintay na halikan siya nito. But it didn’t happen. Tinanggal lang pala nito ang seatbelt niya.

~~

“SARAH! Wow, I thought I won’t be able to see you again.”

Ace was all smiles when Sahara turned around. He was there, dashing with his formal suit, standing, with a glass of scotch in one hand. Inilapag nito ang baso sa bar counter at tumabi sa kanya.

“It’s me, Ace,” nakangiti nitong sabi sabay turo sa sarili dahil hindi man lamang siya ngumiti pagkakita niya rito. “Don’t tell me hindi mo na ‘ko naaalala?”

How could she forget a guy like him? Oh well, she has almost forgotten about him because of her out-of-this world schedule. Bukod kasi sa trabaho sa opisina ay nagpa-part time rin siya sa pagiging ramp model, at kapag may pagkakataon ay dumadaan siya sa The Lounge para kumustahin ang mga dating kaibigan doon.

“Hey, it’s me, the guy who came from a family of businessmen, remember?”

Sa wakas, napangiti siya. Ibinaba niya ang hawak na bote ng beer doon sa counter at itinuon ang tingin sa binata.

“Aha, I made you smile! Siguro naman hindi ka na tatanggi sa isang Margarita?”

“Hindi ba ang sabi ko, hindi ako tumatanggap ng drinks sa mga tao’ng hindi ko kilala?”

“Pero magkakilala na tayo, hindi ba? Nagkakuwentuhan pa nga tayo over coffee. What else do you want to know about me?”

“Fine, fine.” Napailing siya.

Napa-yes si Ace at pagkatapos ay in-order siya ng isang Orange Salted Caramel Margarita. Napatingin siya rito nang iabot nito iyon sa kanya.

“Are you stalking me?” kunut-noo niyang tanong.

“What are you talking about?” natatawa naman nitong sagot. “Hey, Sarah, I admit that I like you a lot pero hindi ako stalker.”

“Bakit ito ang in-order mo para sa akin?” Because surprisingly, it was her favorite Margarita.

Si Ace naman ang kumunot ang noo. “Ayaw mo ba? Papalitan natin.”

“No. It’s just that…this is my favorite.”

“Wow. We’ve got something in common…and that’s fate, don’t you think?”

“That’s just Margarita, Ace.” Umiling si Sahara at uminom na sa baso.

He looked at her and smiled. Hindi maintindihan ni Sahara kung bakit parang may mga paru-paro sa kanyang tiyan sa tuwing tinitingnan siya ng ganoon ng binata. Siguro dahil sa guwapo ito at magaan kasama. Ganoon lang.

“So, Sarah, what are you doing here at this time?”

“Dito ako dating nagta-trabaho,” seryoso niyang tugon.

“Trabaho? Ano’ng klaseng trabaho?” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. She’s wearing her peach summer dress, and she actually looked like a high school student than an adult working in a bar.

“Singer,” simple niyang sagot.

He should have known about her being a singer because he had seen her perform once pero halata pa rin sa mga mata nito ang paghanga na para bang noon lamang nito nalaman ang tungkol doon. “And you wear that kind of stuff when you sing?” natatawa nitong tanong.

“Yeah, when I feel like it.”

“So, what else do you do besides singing?” Ininom ni Ace ang scotch nang nakatingin sa kanya.

“I’m a copywriter,” sabi niya habang umiiling-iling. Her job isn’t something she’d want to brag about. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Ace. “Oh, bakit ganyan ang reaction mo? Hindi ka naniniwala?”

“No, no…it’s just that…I was expecting something…different. You know, a model or an actress, something like that. You’re just too gorgeous to be just a copywriter.”

Ah, just like what she’s been told. Ngumiti siya. “Well, yeah, I’m a model. Freelance. Actually, I’ll be part of the annual fashion event of a lingerie brand next week.”

“Really? Wow, congratulations!” masaya nitong bati. Lalapit na sana ito sa kanya para yumakap pero umiwas siya rito. “Well, this calls for a celebration, don’t you think? Order anything you want, my treat.”

“No, no. Okay na ‘ko dito sa Margarita.”

“Come on, Sarah. Being a part of a fashion show is a big deal! When I had my first modeling stint, alam mo ba kung ano’ng ginawa naming magba-barkada? We flew to Boracay – for a one week celebration!”

Hindi naman siya kasing-yaman nito para mag-celebrate nang isang linggo sa Boracay. “Wait, you did modeling?” gulat niyang tanong. Well, wala namang kagulat-gulat doon dahil sobrang guwapo at ganda naman talaga ng katawan nito. But still…

“Yeah, during my college days,” he said while still looking at her. “Anyway, kung gusto mo, p’wede tayong mag-Boracay to celebrate. Even for just the weekend.”

“Seriously?” She looked at him quizzically.

“Gusto mo ba?”

She hasn’t been to Boracay and it was one of her ultimate dreams in life. Hindi pa siya nakakarating sa kahit na saang beach sa Pilipinas - oh well, aside from that Dumaguete escapade she had with Aguas, months ago. At ipinangako niya sa sarili na kahit ano ay gagawin niya para lamang makatuntong sa Boracay at makita nang personal ang kagandahan niyon, maranasang lumangoy sa malinaw na karagatan at tumapak sa puti at pino nitong buhangin.

And now, someone’s giving her that really tempting offer.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.