Chapter 35

“PARTY’S at the condo’s rooftop, 9 o’clock. Be there, Sahara, okay? Ang tagal na nating hindi nagkikita. We’ve got lots to talk about…and…I’m gonna introduce you to the hottie boyfie.”

And Karen hung up the phone. Ilang buwan na rin silang hindi nagkikita ni Karen at sa totoo lang ay miss na rin niya ang mga kuwento at kalokohan nito. Time flies. Noon, nakikitulog siya sa condo unit nito, nakikikain, umuutang siya rito sa tuwing kinukulang siya sa pera pero ngayon, malaki-laki na rin ang ipinagbago ng buhay niya. She no longer needed to ask for help especially when it comes to money matters. Oo nga’t townhouse ni Karen ang tinutuluyan niya hanggang sa ngayon pero at least, hindi na siya tulad ng dati na parating isang daang piso lamang ang laman ng wallet. She has a handsome paycheck, plus all those extra jobs that she has, masasabi niyang maayos na ang buhay niya. Ngayon, hindi na siya nangangamba na walang kakainin kinaumagahan, hindi na niya inaalala kung maayos ba ang kalagayan ng ina sa probinsiya dahil nailipat na niya ito sa maganda-gandang ospital.

Kaya naisip niya, sobrang laki ng utang na loob niya kay Karen dahil kung hindi dahil sa mga tulong nito, wala siguro siya sa kinalalagyan niya ngayon. Sahara is now living a dream. Well, not yet really but she knew that she’s getting there. Ang pagtatrabaho sa isang malaking kumpanya, ang pagmomodelo. Wala na siguro siyang mahihiling sa mga oras na iyon – maliban na lamang sa inaamag niyang buhay pag-ibig. Mabuti pa nga si Karen, mayroon nang hottie boyfie.

Eh siya? Ilang beses na niyang sinubukang kausapin si Baste at makipag-ayos dito pero wala talaga. Oo, sumasagot ito sa mga texts niya pero hanggang ‘oo’ at ‘hindi’ lang iyon. Napapailing siya habang naghahanda para sa party ni Karen. Katatapos lamang niyang mag-shower at ngayon ay naghahanap na siya ng maisusuot. Rooftop party. Siguradong puro mayayaman ang mga bisita nito. Kailangan niya ng damit na maaaring makipagsabayan sa mga iyon. Napabuntunghininga siya matapos alisin sa hanger ang napiling isusuot sa gabing iyon. Her ever reliable little black dress. She didn’t want to dress too much for that night. Afterall, it was Karen’s birthday and if there’s one person who should stand out, it’s Karen, not her.

~~

“HAPPY birthday,” bati ni Ace sa dalaga nang makita niya ito na masayang kausap ang mga kaibigan.

“Aww, thanks, honey! Akala ko hindi ka na darating!”

Nakangiting sinalubong ni Ace ang halik nito. Kaye was wearing an orange dress, which flatters her fair skin tone. “I’m so sorry, I wasn’t able to get you something. Hindi ako makawala sa office, eh.”

She hugged him. “No problem. I know naman na you’ll be mine later,” bulong nito sa kanyang tainga. “I’m just so glad you were able to come!”

Muntik na ngang hindi dumating si Ace sa birthday party na iyon ni Kaye pero it was something special for her and he didn’t want to disappoint her. Okay, that’s half the truth. He went to that rooftop party because he’s still wishing to see Sarah there. Dahil kaibigan ito ni Kaye at malaki ang posibilidad na imbitado rin ito sa kasiyahang iyon.

Wala na siyang ginawa simula nang dumating doon kundi ang luminga-linga, nagbabaka-sakaling mahagip ng paningin si Sarah. Marami nang tao sa rooftop – mga kaibigan ni Kaye na katulad nitong mayaman. He actually knew some of them.

“Come, I’d like you to meet my best friend. I actually consider her as my sister from another mother.”

Kinakabahan siyang sumunod rito, hanggang doon sa dulo ng rooftop. Maraming tao roon, at medyo nahirapan silang marating ang kinaroroonan ng sinasabing kaibigan nito. He’s still holding a glass of wine and because of the crowd, he had to raise his hand just to avoid the glass from tipping.

“Oh, there she is.”

Nilapitan nila ni Kaye ang isang babaeng mag-isang nakatayo, nakatalikod sa kanila. Tinatangay ng hangin ang mahaba at alun-alon nitong buhok. Kinalabit iyon ni Kaye at binulungan sa tainga bago ito humarap.

His heart jumped. Hindi niya napigilang mapangiti.

“This is Sahara, my bestest friend on earth,” pakilala ni Kaye sa kaibigan. “Sahara, this is the boyfriend that I kept telling you about…si Ace.”

Blangko ang mukha nito sa simula pero ngumiti rin ito, na lalo lamang nagpatalon sa kanyang puso. She reached out her hand.

“H-hi, at last, we meet.”

“Hi…Sahara,” simple niyang bati, sabay abot sa kamay nito. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nahawakan niya ang kamay nito pero hindi niya mawari kung bakit ganoon ang epekto noon sa kanya. Malambot iyon, makinis. Napakasarap sa pakiramdam. Pero bakit parang hindi siya nito kilala?

At Sahara pala ang tunay nitong pangalan.

~~

“WHAT do you think about him, huh? Ang hot, diba?” kinikilig na tanong ni Karen sa kanya nang saglit na nagpaalam si Ace at sila na lamang dalawa doon sa parte’ng iyon ng rooftop.

Yeah, no doubt, Ace is hot pero nagkibit-balikat siya. Hindi niya lubos-maisip na si Ace ang parating kinukuwento ni Karen sa kanya na sweet, gentleman and ‘expert in bed’. Ngayon, hindi na niya maiaalis sa kanyang isip ang larawang iyon tungkol kay Ace at sigurado siyang kapag nakita niya itong muli ay hindi niya maiiwasang maalala iyon. Awkward.

“Ipapakilala ko siya kay Papa one of these days.”

Ngumiti siya. Ngayon lang niya nakaringgan ng ganoon si Karen. She’s probably serious about the guy…and she should be happy about it.

“Anyways, nasaan ang boyfriend mo? Akala ko ba isasama mo siya rito?”

Hindi na niya pinag-aksayahan ng oras na itama ang sinabi ni Karen. “I have to leave by 12. Ayokong abutin ng madaling-araw, medyo madilim papuntang townhouse, eh.”

“Ano’ng uuwi? Dito ka matutulog. It’s a Sunday tomorrow naman. Bakante pa rin naman ‘yung kwarto mo dati,” sabi nito sabay akbay sa kanya. Alam ni Sahara na nakakarami na ng inom ang kaibigan dahil sa namumula na ang mukha nito. “But if you hear nay kind of kinky noises later, ignore it na lang ha, bestie,” nakangisi nitong sabi bago tuluyang magpaalam.

Alam niya ang ibig nitong sabihin. Parang gusto na lang tuloy niyang magpaalam na ngayon pa lang. She just couldn’t bear the thought of Ace doing it with another woman - much more if it’s Karen.

Umiling-iling siya. Bakit nga ba pati iyon ay pinag-aaksayahan niya ng oras isipin samantalang ang dami-dami niyang problemang dapat inaalala. Muli niyang tiningnan ang oras, sa pagkakatao’ng iyon ay sa kanyang cellphone. It’s quarter to twelve and she has to leave.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.