Chapter 37

“I STILL couldn’t believe this is really happening.”

Sahara just smiled at Ace. There they are, at his very own studio, with all those lights, cameras and other equipment needed for her photo shoot.

“Thank you for accepting the offer, Sahara.”

“Just keeping my promise.”

Pagkaraan ng isang linggo ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Ace tungkol sa modeling stint na iniaalok nito. He said that he has talked to Karen about it, and that she agreed. Magandang balita iyon para kay Sahara dahil ang ibig sabihin noon ay matutupad na rin sa wakas ang isa sa mga inaasam niya sa buhay – ang maging cover ng isang sikat na magazine. Kahit bago pa lamang ang The Gent’s ay nakikipagsabayan na ito sa iba pang sikat na men’s magazine sa Pilipinas. Kaya naman lahat siguro ng mga kilala at nagsisimulang modelo ay nais mapasama sa listahan ng mga naging covergirls nito. At isa siya sa mga mapapalad na napili ni Ace bilang modelo. A handsome paycheck and fame. Iyon ang kapalit ng pagpo-pose niya sa December issue ng The Gent’s. At sigurado siyang simula pa lamang iyon.

The December photo shoot is entitled, ‘Have a Sizzling Merry Christmas’. Matapos siyang kunan na suot ang sponsor na signature clothing ng magazine, ngayon ay nakapagbihis na siya ng one-piece halter swimsuit na kulay puti. Tinanggal niya ang bathrobe at nagsimula nang mag-pose sa harap ng camera.

“Wow.”

Sinabi iyon ni Ace na walang lumalabas na boses. Titig na titig ito sa kanya habang naroon siya sa harap at nakaupo sa kulay itim na leather sofa. She was a vision, with her white swimsuit complimenting her fair complexion, on that black sofa.

Hindi lamang si Ace ang nakatitig sa kanya nang mga oras na iyon. Ang staff ng magazine, mapa-babae o lalaki ay hindi maikakaila ang paghanga sa mga mata habang nanonood sa photoshoot na iyon. She could feel all eyes were on her, admiring every inch of her body.

“Are you comfortable?” tanong ni Ace sa kanya, dahil na rin sa mga tao na nasa loob ng studio. “We can ask them to leave if you want.”

“Okay lang.”

Tumangu-tango si Ace at sinenyasan na ang photographer na simulan ang pagkuha ng iba’t-ibang shots. Mayroong nakaupo, nakatayo, nakadapa, at iba pa. Sahara never felt awkward the whole time, because Ace made sure that she’d be comfortable all throughout the shoot.

Lumapit ito sa kanya at inutusan si Darling, ang make-up/wardrobe ‘queen’ ng The Gent’s para ayusin ang kanyang buhok. Maliit itong lalaki, maitim, mahaba ang kulot na buhok. Masayahin rin ito, at lalong gumaganda ang ngiti sa tuwing nasa tabi nito si Ace.

“Sweetie, kahit wala kang make-up, Diyosa ka pa rin!” may paghangang sabi ni Darling sa kanya habang nire-retouch ang kanyang make-up. “Grabe ang ganda-ganda mo gurl! Kaya pala pina-cancel ni Sir Ace ang go-see for the December issue, dahil ikaw na ikaw na ang hinahanap ng The Gent’s!”

Pinamulahan siya ng pisngi at nang tingnan niya si Ace ay medyo namumula rin ang mukha nito. Tinapik pa nito si Darling para pigilan sa kadaldalan.

“Uy, si Sir, nagba-blush!”

Nagngitian at naghiyawan ang iba pang staff na malapit sa kanila. Kahit ngayon lang nakatrabaho ni Sahara ang staff ng magazine, sigurado siyang maganda ang samahan ng mga iyon. She could sense that Ace was a really good boss, someone who’s not just a leader, but also a friend to his employees.

“I’m sorry about that, Sahara,” natatawang sabi ni Ace sa kanya nang samahan siya nito hanggang sa dressing room na inilaan sa kanya. “They love doing that to me. Parati nila akong inaasar sa opisina.”

“I think it’s cute,” nakangiti niyang sabi. Pinupunasan na niya ng wet wipes ang mukha para burahin ang makeup. Nakaharap siya sa malaking salamin, at mula roon ay kita niya si Ace na nakatayo sa kanyang likod. Nakangiti ito sa kanya habang nanonood sa kanyang ginagawa.

“You think so?”

“Yes. Ang cute ng samahan ninyo sa office.”

“Aw, akala ko pa naman, ako ang cute na sinasabi mo.”

“Well, p’wede na rin.”

“Ayan ha, inamin mo na rin na cute ako, wala nang bawian.” Lumaki ang pagkakangiti nito.

“Eh cute ka naman talaga, Ace. Wala naman akong sinabing hindi.” Humarap siya kay Ace, na halatang nagustuhan ang narinig.

“Well, since you think I'm cute, let me ask you to join us sa dinner celebration ng magazine. After all, hindi naman magiging successful ang photoshoot kung hindi dahil sa ‘yo. Darling, and the rest of the gang would be really glad kapag nakita ka nila roon. Please?”

“I don’t think it’s a good idea.”

“Why not? Model ka na ngayon ng The Gent’s. This is not like I’m inviting you to a date…though I’ve always wanted to do that, you know.”

Pinaliit niya ang mga mata at tiningnan ito nang diretso. “Fine. But this is strictly professional, okay?” Kahit pa dapat ay professional lamang ang turing nila sa isa’t-isa, hindi pa rin mawawala ang pagka-pilyo ni Ace.

“Of course!”

Sahara said yes to Ace’s dinner proposal. Though he clearly said that it’s just a company affair, deep inside, she felt like her ‘yes’ means more than that.

Nang matapos ang dinner celebration, kailangang aminin ni Sahara na sobra siyang nag-enjoy sa gabing iyon na kasama si Ace at ang staff nito sa magazine. The place was amazing, with its beach-inspired theme. Sa tagal ng panahon, ngayon na lang uli naranasan ni Sahara ang ganoong klaseng saya at hindi niya maikakailang na-miss niya ang sumayaw, makipagkuwentuhan, tawanan at inuman buong gabi. Pakiramdam niya ay para siyang nakawala sa koral, nagising sa matagal na pagkahimbing.

This was exactly her life in the past before she made a promise to be a better version of herself. In the past, she was fun. Free-spirited. But as she look at herself now, she nothing more but an ordinary career woman – no social life, nothing to look forward to, really.

“Hey Sahara, are you okay? You seem lost in your thoughts.”

Naroon pa rin sila sa dinner, pero kaunti na lamang ang tao. Ala-una na yata ng umaga at medyo ramdam na ni Sahara ang pinaghalong hilo dahil sa alak, at pagod dahil sa antok. Malapit nang pumikit ang kanyang mga mata, na kanina pa niya pinipigilang mangyari.

“Sahara, gusto mo na bang umuwi?”

Mula sa iniinom niyang alak ay tiningnan niya si Ace. He was intently looking at her, obviously worried about her. She smiled. He’s a very good looking guy, she thought. Gorgeous, charming, thoughtful, fun to be with, rich. What the hell is wrong with her? She should be flirting with him by now.

“Are you okay?”

Tumango siya. “You know, you should stop being so sweet to me…and…please stop looking at me that way.”

“That way how?” natatawang tanong ni Ace sa kanya.

“That – as if you wanted to…kiss me.”

Inilapit nito ang mukha sa kanya. “I think it’s the other way around, Sahara. You’re the one who’s been staring at me…as if you wanted to kiss me.” Napailing si Ace at tumayo na. Hinawakan siya nito sa braso upang alalayan. “Come on, I’ll take you home.”

“Saan?”

“Ikaw, saan mo ba gusto?” Tiningnan siya nito na para bang hindi makapaniwala.

“Ayan ka na naman sa mga titig mo, Ace. I’m tipsy and you don’t want to know what I want to do with you right now.”

“I want to know…what do you want to do with me, Sahara?” seryoso nitong tanong.

She just smiled and shook her head.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.