Chapter 40

“HELLO, sino ito?”

“It’s me, Ace.”

“Hi, bakit ka napatawag? May problema ba?” Napabangon nang di oras si Sahara mula sa pagkakahiga sa kama. Nagulat siya nang makita sa relo na mag-a-alas-dose na ng hatinggabi.

“I just wanted to make sure that you’re okay,” mahina nitong tugon. “Is everything okay?”

Napangiti siya. “I’m okay.” She heard him breathed a sigh of relief at the other end of the line. Something’s not right, she could sense it. “May problema ba?”

“Do you have a passport, Sahara?”

“Ha? Ano’ng ibig mong sabihin?” What kind of question was that? Why would he ask her about having a passport out of the blue? Kumunot ang noo niya. Naupo siya nang maayos sa kama at binuksan niya ang lampshade sa nightstand.

“Let’s go out of the country, Sahara. Just you and me. Let’s just be…crazy together.”

“Hey, hey, hey. Ano ba ‘yang sinasabi mo? Lasing ka ba?” natatawa niyang tanong.

“Kung yayayain kitang pumunta sa States, o sa Europe o kahit saan, sasama ka ba sa akin?”

Lalo lang naguluhan si Sahara sa tono ng pananalita ni Ace. They haven’t seen each other for weeks and now, this. “Ano bang problema, Ace? Bakit ganyan ang mga tanong mo sa akin?”

Matagal pa bago niya narinig ang tugon nito sa kabliang linya. “Nothing. I just…I just miss you already, Sahara. I’m sorry.”

“Ace…”

“Listen…whatever happens, kapag nagkaroon ng problema o kahit na ano, kahit masamang kutob lang, call me immediately, okay?”

“Okay…pero bakit?“

“Just do what I say. Promise me that you’re gonna call me if something comes up, ASAP.”

“Okay, promise.”

And then he hung up.

Naguguluhang tumayo si Sahara at nagsuot ng bathrobe. Isinilid niya sa kanyang bulsa ang cellphone bago lumabas ng kuwarto. Bakit ba tila may kakaiba sa tawag na iyon ni Ace? Should she worry? He sounded like an obsessed stalker, which kind of gives her the creeps. What if he turned out to be a good looking stalker-slash-killer?

Natawa si Sahara sa sarili. Ano ba itong iniisip niya? He’s just a good looking, nice man and it just so happens that he fancies her. A lot.

Mula sa kuwarto ay bumaba siya ng hagdan at dumiretso patungong kusina. Pero bago pa man siya makarating roon ay may nahagip ang kanyang mga mata sa may bintana. There was someone, standing still in front of the gate. Bahagya siyang lumapit sa bintana at hinawi nang kaunti ang kurtina para maaninag niya iyon nang mas maigi. May ilaw sa poste sa harap ng gate pero hindi sapat ang liwanag na nagmumula roon para makita kung sino ang nasa labas ng townhouse.

Bigla siyang kinabahan. Ito ba ang sinasabi ni Ace na masamang mangyayari? But how in the hell did he foresee it? Was it just a mere coincidence? Mabilis niyang ibinalik ang kurtina at pinindot ang switch ng ilaw para patayin ang sindi nito. Nanatili siyang nakatayo roon, paminsan-minsang sumisilip sa labas. The man was still there, still standing, still looking at the house. Panalangin niya ay panaginip lamang ang lahat dahil hindi niya alam ang gagawin sa oras na pumasok iyon sa loob ng bahay. O kaya ay hindi ang bahay niya ang puntriya ng tao’ng nasa labas, kundi isa sa kanyang mga kapit-bahay.

Bukas na bukas, bibili siya ng security cameras at alarms para ikabit sa lahat ng sulok ng property. Noon pa dapat niya ginawa iyon dahil mahirap para sa isang tulad niya ang mag-isang nakatira sa isang townhouse na katulad ng ganoon. She wanted to stay there at the window and observe the man in the dark. She wanted to know who he was and ask him what he wanted. But her gut feeling told her otherwise.

Kailangan na ba niyang tawagan si Ace? Napailing siyang muling tiningnan ang screen ng cellphone at nag-isip pa muna bago tawagan ang binata. At hindi pa natatapos ang unang ring ay narinig na niya ang boses nito.

~~

ILANG gabi nang hindi pinapatulog ng lalaking iyon si Sahara. Halos gabi-gabi ay nakikita niya ito doon sa tapat ng kanyang bahay, na tila nagbabantay. Minsan, gusto niyang lumabas at at kausapin iyon, tanungin kung ano ba ang problema nito at sabihin rito na kung wala itong magawa sa buhay ay huwag siya ang pagdiskitahan nito.

Kung ganoon lang sana kadali.

Nagulat na lamang si Sahara nang isang araw ay nakita niyang pumarada ang kotse ni Ace sa labas ng gate. May dala itong dalawang malalaking plastic bags. Mga security cameras, door locks, bulglar alarms, pepper sprays, stun guns. She literally laughed at him when she let him enter the house.

“Don’t laugh at me,” sabi nito, na natatawa rin. “Bigla kong naalala ‘yung stalker mo. Paano kung ‘yun pala ‘yung nakikita mong umaali-aligid dito?”

“Seryoso ka ba?” Pinanood ni Sahara si Ace habang inaayos ang mga iyon sa ibabaw ng dining table.

Pinanlakihan siya nito ng mata. “Yes. You are in danger. Kailangan mo ang lahat ng ito.”

It was a Sunday, late afternoon and Ace was supposed to be resting, or having a great time with friends, or girlfriends. But he’s here, now, helping her to keep her place safe. Pagkatapos magtimpla ng orange juice at mailapag iyon sa gilid ng mesa ay nilapitan niya ito.

“Hindi mo naman kailangang gawin ‘to, Ace.”

Umiling lang ito at ngumiti habang patuloy lang sa pag-aayos ng mga security cameras na ikakabit nito sa labas ng bahay. May namumuo nang mga butil ng pawis sa noo nito, at medyo basa na rin ang collar ng suot nitong polo shirt. Alam niyang mali ang mag-isip ng kung anu-ano tungkol kay Ace sa mga oras na iyon pero hindi niya iyon maiwasan. He’s just inches away from her – sweaty, serious, sexy. He sacrificed his day of fun with friends just to be here with her.

“Gusto mong dito na mag-dinner?” bigla niyang tanong. Nagulat rin siya sa kanyang sarili dahil sa totoo lang ay hindi niya inaasahang maisasatinig niya ang sinasabi ng kanyang utak. But it was too late to take back what she just said, especially when she saw him smile.

“Sure.”

“Pasta?”

“Marunong kang magluto?” parang hindi makapaniwala nitong tanong. Nakatayo na ito at handa nang ikabit ang security camera sa labas.

“Of course.”

“Wow.”

Thirty minutes later, he’s back in the kitchen. Hindi niya alam kung ano ang ginawa nito o kung paano at kung saan nito ikinabit ang camera, pero nang makabalik ito ay parang walang nangyari. Maliban sa pagtulo ng pawis sa noo nito at leeg, hindi ito kakikitaan na nahirapan sa ginawa. Hawak pa nito ang drill na ito rin ang may dala. Muli itong naupo at ang kanyang laptop naman ang inasikaso. She wanted to wipe the sweat off his face but she stopped herself from doing so.

“Done,” nakangiti nitong sabi. “Tuturuan kita mamaya kung paano gamitin ‘yung system. But now, let me help you with that.”

“Hindi na, patapos na rin naman.” Kasalukuyan siyang naghihiwa ng parsley para sa toppings ng spaghetti.

“I’ll do the dishes.” Ngumiti lamang ito pero nilapitan pa rin siya doon sa kitchen island.

“No, diyan ka lang, okay?” sabi niya. Hinarangan niya ang dadaanan ni Ace papunta sa lababo, dahilan para magkadikit ang kanilang mga katawan. Agad rin naman siyang lumayo, na para bang napaso siya rito. “I can manage. Tinulungan mo na nga ako sa mga camera na ‘yan, paghuhugasin pa ba kita ng pinggan?”

Natawa si Ace. “Hindi ko alam na marunong ka pala sa kusina.” Nanatili lamang ito sa kanyang tabi at pinanood siya sa ginagawa.

“Well, marami kang hindi alam tungkol sa akin,” nakangiti niyang sabi. Totoo naman iyon. At hangga’t maaari, ayaw niyang makilala ni Ace ang totoo’ng Sahara.

“Tulad ng?”

“Basta, marami.”

“Well, hindi ko naman kailangang malaman ang lahat tungkol sa ‘yo.” He leaned over to get the block of parmesan cheese, and the shredder. He started working on it even before she could protest. “You’re an amazing singer, a stunning model, and now, a cook…ah, and a great kisser, too. Ano pa ba ang kailangan kong malaman?”

Napatingin siya rito. They were not supposed to be talking about the way she kisses at this moment. And the manner of his stare, he’s just making it more difficult for her to focus on what she’s doing. Tinalikuran na lamang niya ito at itinuon ang atensiyon sa nilulutong spaghetti sauce. Kunwari ay hinalu-halo niya iyon, na hindi naman talaga kailangan. And the last thing she knew, he’s already behind her.

“Hmm…smells good already.”

Hindi siya sigurado kung ang niluluto niya ang tinutukoy nito o siya. Mainit ang usok na nanggagaling sa sauce pero pakiramdam niya ay mas mainit ang hininga nitong dumadampi sa kanyang batok. Hindi niya napigilang mapapikit.

And all of a sudden, she felt like being sent back in time, when Max taught her how to cook Bicol express. The memory was so vivid, as well as the smell, and the feeling it evoked in her. Unti-unti niyang nararamdaman ang pag-iinit ng buo niyang katawan dahil lamang sa alaalang iyon.

Ipinilig-pilig ni Sahara ang kanyang ulo upang pilitin ang sariling magising mula sa masamang panaginip na iyon. At dahil doon ay nahilo siya at biglang nawalan ng balanse. Mabuti na lamang at nasa likod niya si Ace at nasalo siya kaagad.

“Hey, are you okay? Maupo ka kaya muna sa sofa?”

Umiling siya at ngumiti. “I’m fine. Medyo mainit lang siguro kaya-“

“Gusto mong mag-shower muna?”

Napaangat siya ng tingin kay Ace. Was he suggesting something? No, because he’s serious when he said it. Muli siyang napailing. What’s happening to her?

“Ako na lang ang magtutuloy ng spaghetti. Hindi mo naitatanong, marunong rin akong magluto. I was raised an independent man.”

Natawa siya. “Okay, fine. I’ll set the table.”

~~

“HMM, red wine. Are you trying to seduce me, Miss Smith?”

“Ang kapal naman ng mukha mo.” Kinunutan niya iyon ng noo at pagkatapos ay ngumiti siya.

“Just kidding. Because really, hindi mo naman ako kailangang i-seduce. I’ve been into you a long time ago.” Kapwa na sila nakaupo, at nagsisimula nang kumain. Sinalinan ni Ace ng red wine ang dalawang baso para sa kanilang dalawa.

“This is a bad idea, isn’t it?” natatawa niyang tanong. “Ako ang nag-invite ng dinner…and now, here we are, having dinner, just the two of us. Spaghetti, red wine. Who am I kidding anyway? Kahit sino sigurong lalaki, iisipin na pinlano ko ‘tong lahat. Na pati ‘yung lalaking nakikita kong umaali-aligid sa bahay, gawa-gawa ko lang para mag-alala ka sa akin, at puntahan mo ‘ko dito. At ngayon, heto, I am successfully seducing you.”

“Are you really, seducing me?” Tahimik lang si Ace na nakikinig sa kanya.

“What do you think?”

Pagkatapos ubusin ang red wine sa baso ay sinalinan nito uli iyon. “What if it’s the other way around? I pretended that I was worried, and now I’m playing a ‘knight in shining armor’ thing. I took advantage of your weakness, your vulnerability. And now, I am the one seducing you.”

Umiling-iling siya. “That won’t work for me.”

“Oh yeah? What if gawa-gawa ko lang ‘yung ‘stalker’ issue para matakot ka, to eventually gain your trust?”

“Kaya mong gawin ‘yon?” Now he got her thinking.

Tumango ito. “I am obsessed with you, Sahara. I can do anything, everything to get you.”

“Now you’re creeping me out,” nakangiti niyang sabi. Because she knew that Ace’s character is far from that.

Ngumiti ito at hinawakan siya sa kamay, na hindi naman niya iniwasan. Pinisil-pisil pa nito ang kanyang kamay bago nagpatuloy. “Doesn’t matter who seduces who. Or if there’s even a seduction involved. Because truth is, we don’t need it. P’wede nating gawin ang gusto natin pero hindi natin ginagawa dahil mababait tayo,” sabi pa nito nang nakangiti. “We’re here, having pasta and red wine, that’s it. Let’s just enjoy the night, shall we?”

And so they did. With lots of stories, jokes and laughter. Good thing that Ace has the capability to control himself because she knew that she couldn’t trust herself. Dahil ang makasama si Ace sa isang dinner, sa kanyang bahay ay parang pagtawid sa napakanipis na pisi – na mawala lang ang balanse kahit na kaunti ay tiyak na pagkahulog ang kahahantungan niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.