FROM where she’s standing, Sahara could see the magnificent view of the beach front. Napapikit siya nang biglang lumakas ang ihip ng hangin na nagpatangay sa kanyang mahabang buhok. Ala una na ng hapon sila nakarating ni Armando sa pribadong isla na iyon at kinailangan pa nilang sumakay sa bangka nang halos isang oras para lamang marating roon. May higit sa sampu ang maliilit na kubo na nakapalibot sa tabing-dagat at doon sila sa pinakadulo at pinakamalaking kubo kung saan hindi na halos nadadaanan ng mga tao. Sa totoo lang, mangilan-ngilan lamang ang napansin niyang turistang tulad nila sa lugar dahil na rin siguro sa ekslusibo ang nasabing resort.
“Do you like it?” nakangiti nitong tanong sabay akbay sa kanyang balikat. Inabutan siya nito ng isang baso ng red wine bago maupo sa duyan na gawa sa rattan.
"I love it." Tumangu-tango siya at muling sinimsim ang sariwang hangin. With everything that has happened, this is what she needed – a break from it all. For the first time in many months, ngayon na lang uli siya nakahinga ng maluwag, na walang ibang iniisip kundi ang sarili. Halos isang taon na rin simula nang iligtas siya ni Armando sa marahas na kamay ni Ricardo at simula noon ay naging maayos na ang kanyang buhay.
Wala siyang mairereklamo kay Armando dahil ang totoo ay narito na ang lahat – ang kagandahang ugali, ang magandang disposisyon, ang seguridad. Maraming makapagsasabi na siya na siguro ang isa sa pinakamasuwerte’ng babae sa balat ng lupa dahil nasa kanya na ang lahat, na nakukuha niya lahat ng gusto niya at nagagawa niya ang kahit na ano – na totoo naman. Iyon ang pakiramdam niya lalo na sa mga oras na iyon. He even encouraged her to continue her singing and modeling, to reach her lifelong dream but she refused. She felt like she’s had enough of the limelight and now she just wanted to enjoy the good life he has given her. After all, that’s her only way to express her gratitude – to be a devoted lady to her man.
Armando was the man she has always dreamed of when she was still a child. Those dashing princes who came with their pretty horses or those knights in shining armor who were always ready to save their damsels in distress. Malungkot ang kabataan ni Sahara at habang lumalaki ay sa panaginip lamang siya nagkaroon ng pagkakataon na isipin ang tungkol sa mga ganoong bagay. At ni sa hinagap ay hindi niya inakala na may mga lalaki pa pala na tulad ni Armando na handang tumulong at magmahal sa isang tulad niya.
“Are you sure you'll be fine here?” pagkadaka’y tanong ni Armando. Pareho na silang nakatanaw sa mangilan-ngilang bata’ng bakasyunista na masayang naglalaro sa tabing-dagat. “Kung hindi lang talaga importante, hindi naman kita iiwan rito nang nag-iisa. Kailangan ko lang talagang bumalik sa Manila
“Don’t worry about me. I’m all grown up, I can manage,” biro niya. Tumabi siya rito doon sa duyan at inihilig ang ulo sa balikat nito. “Sabi mo, p’wede naman akong mamasyal, diba?”
“Yes. Explore the entire island.” Maliit lamang naman kasi ang isla kung ikukumpara sa mga sikat na destinasyon sa bansa. “We’ve got the city center over there,” sabi nito sabay turo sa kaliwang direksiyon. “May shops ro’n, restaurants, coffee shops, anything you’ll ever need is there. Just make sure to come back before dinner. Because I prepared something really special for you tonight.”
Napangiti siya dahil alam niyang kung ano man ang inihanda ni Armando ay sigurado siyang espesyal talaga iyon. Parati namang ganoon ang lalaki, parati nitong iniisip ang kapakanan niya at kung ano ang makapagpapasaya sa kanya. Tulad na lamang noong nakaraang gabi nang mabanggit niya na matagal na siyang hindi nakakapanood ng sine at wala pang isang linggo ang nakararaan mula noon ay niyaya siya nitong lumabas at manood ng sine. The best thing about it – he rented the entire cinema for just the two of them, with food and wine included.
Kailangan niyang aminin na hindi maganda ang unang impresyon niya kay Armando, dahil na rin sa mga naririnig niya noon tungkol dito lalo na ang reputasyon nito sa pagiging ilag sa mga babae. Naalala pa niya ang sinabi ni Ricky noon tungkol dito, na ‘Ice King’ ang bansag nila rito. He’s known for his cold temperament and if she hadn’t gotten the chance to get to know him, she’d think that he was indeed an Ice King. But the more she get to know him, the more she realized that he’s just the opposite. He’s warm and kind and truth is, he’s the best man she has ever known – except Ace, of course.
~~
ARMANDO told her to enjoy and so she did. Sahara opted something comfortable to wear – a fuchsia maxi dress with overlaying pleat bodice, halter neckline and a tangled wrap front that sways in the fresh breeze of the coast.
Takip-silim nang umalis siya at dumeretso na sa city center na sampung minuto lamang mula sa kubo. Matapos maglibot sa iba’t-ibang tindahan na nagpapakita ng mga natatanging produkto ng probinsiya ay naisipan niyang sumaglit sa nag-iisang disco bar sa buong isla.
Hindi pa man tuluyang lumulubog ang araw ay punung-puno na ang lugar. Kinailangan pang makipagsiksikan ni Sahara para lamang makapasok at makalapit sa bar.
“Margarita, please!” halos pasigaw niyang sabi sa maliit na bartender na abot-tainga ang ngiti. Pero dahil sa dami ng tao ay hindi siya nito narinig. Bukod kasi sa sampung nakaupo paikot sa bar ay marami-rami rin ang tulad niyang nakatayo roon na pilit kinukuha ang atensiyon ng bartender.
Hindi niya mapigilang mapangiti habang tinitingnan ang mga tao’ng nagsasayaw sa gitna. Karamihan sa mga iyon ay mga kabataan at hindi niya maiwasang makita ang sarili sa mga ito. Ganoon rin siya noon - magaslaw, walang pakialam sa sasabihin ng iba basta siya, magsasayaw hanggang sa magsawa. Kahit ano’ng tugtog, kahit anong kanta, sasayaw siya na para bang iyon lamang ang solusyon sa kanyang mga problema.
Pero iba na ngayon dahil ngayon, alam niya na hindi na niya madadaan ang lahat sa pagsasayaw at pagwawala. Aminin man niya o hindi, malaki na ang ipinagbago niya, lalo na magmula nang makilala niya si Armando.
“Care for a drink?” narinig niyang mula sa kanyang likuran. Malakas ang tugtog na sinabayan pa ng usapan at hiyawan ng mga tao sa paligid kaya naman hindi na siya nagtaka pa nang maramdaman niyang mas lumapit pa ito sa kanya at maramdaman ang hininga nito sa kanyang tainga.
“I’m sorry but I don’t take drinks from –“
Kasabay ng paglingon ni Sahara ay ang paghinto ng tibok ng kanyang puso. He was standing real close to her that she could actually feel his warm breath fan her forehead. He’s got this vacant expression as if he didn’t want her there, that he regretted the moment he saw her, face to face.
“Ace…” she whispered. Bigla, nanlambot ang mga tuhod niya at kinailangan pa niyang humawak sa bar counter bilang suporta. He was wearing a dark-colored Jersey sando shirt which displays his athletic build, distressed jeans and brown beach sandals. Overall, he hasn’t changed a bit – except for his growing stubble beard. Oh yeah, the way he stares at her has changed, too. His eyes were darker, his gaze colder.
“Alone?” seryoso nitong tanong nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Tumango siya, umiling at muling tumango. Nakatayo pa rin ito sa harap niya na tila walang pakialam sa lakas ng tugtog o sa dami at ingay ng tao o sa mga babae’ng tumatawag sa pangalan nito. Nasa kanya lang ang mga mata nito na para bang siya lang ang tao sa lugar na iyon.
“Scotch on the Rocks and one Orange Salted Caramel Margarita for the lady, please!” malakas nitong sabi, na agad ring sinunod ng bartender.
“Thanks.” She just had to glance at him because she didn’t expect him to remember her favorite drink.
“So, how are you?” tanong nito matapos dumating ang kanilang mga inumin. Hindi ito tumitingin sa kanya, sa halip ay doon lamang sa hawak na baso nakatuon ang atensiyon.
“Okay lang,” aniya, na pilit ring hindi tiningnan ang kausap. “Ikaw, kumusta ka?” Nakatayo pa rin sila sa gilid ng bar at halos isang pulgada lang ang layo nila sa isa’t-isa at paminsan-minsan niyang nararamdaman ang pagkakadikit ng kanilang mga katawan.
Instead of answering the question, Ace gently swirled his glass, brought it to his nose and inhaled deeply. He then took a tiny sip and shook his head.
So yeah, it’s confirmed, Ace still hates her for everything that she’s done and didn’t do.
At last, he finished his scotch and ordered another. “Are you still with him?” This time, Ace was now looking at her.
Is she still with Ricky, iyon ang gustong malaman ni Ace. Umiling siya at siya naman ang uminom sa kanyang baso.
“Are you with someone new?”
“Yeah,” aniya sabay tango. Kinailangan pa niya ng ilang sandali bago makasagot.
Gusto niyang tingnan ang binata pero alam niyang sa oras na gawin niya iyon ay tiyak na lalo lang niyang malalanghap ang pabango nito at mararamdaman niya ang init na nagmumula rito. There’s no space between them, literally. At sa tuwing may mga bagong dating, hindi maaaring hindi sila magkabanggaan ng katawan. They were still facing each other because really, they’ve got no choice but to stand right in front of one another.
“I-I have to go.” Ibinaba na niya ang baso sa bar kahit pa hindi pa niya iyon napangangalahati. Gustung-gusto na niyang lumayo sa binata pero kahit paghakbang ay hindi niya magawa. Kung bakit ba naman tila nanadya ang mga tao sa bar at lalo silang sinisiksik sa bahaging iyon ng lugar. Tumalikod na siya at akma nang aalis nang muli itong magsalita.
“Go ahead. That’s where you’re good at, isn’t it? Running away?” malakas nitong habol.
Napalingon siya rito at nagulat pa siya nang makitang matalim ang pagkakatitig nito sa kanya. He murmured something inaudible, shook his head and looked at her again. Sa gitna ng mga nagsasayawang tao ay naroon sila ni Ace, nagsisigawan. Wala mang pumapansin sa kanila, pakiramdam ni Sahara ay gusto na niyang kainin ng lupa dahil sa sobrang kahihiyan. Nahihiya siya sa binata dahil sa mga nagawa niya rito at nahihiya siya sa kanyang sarili.
Tatalikuran na sana niya itong muli nang bigla nitong hawakan ang kamay niya at hilahin iyon palabas ng maingay na disco bar. Doon siya dinala ni Ace sa veranda kung saan tanaw ang malawak na karagatan.
“So, who is he?” matigas nitong tanong na agad rin nitong binawi. “Oh, nevermind. I don’t want to know anything about the new man.”
“Bitiwan mo ‘ko, nasasaktan ako.”
“Do you love him?” hindi nito napigilang tanong. Sa halip na bitiwan ang kamay niya ay mas hinigpitan pa nito ang pagkakakapit doon, na nagpangiwi sa kanya.
“Ace-“
“Do you love him?” ulit nito at sa pagkakatao’ng iyon ay halos mahalikan na nito ang mga labi niya sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. “Do you love him now more than you loved me?”
Iyon na siguro ang pinakamahirap na tanong na narinig niya. Alam niya sa sarili niya ang sagot at kung sa kanya lang, kahit walang isip-isip ay masasabi niya na mas minahal niya ito kaysa sa pagmamahal niya ngayon kay Armando. Pero hindi niya iyon p’wedeng sabihin sa binata dahil alam niya ang kahahatungan noon kung sakali.
“There must be a reason why our paths crossed this time, Sahara,” mahinahon nitong sabi habang nakamasid sa mga naglalakad sa tabing-dagat.
At last, he let go of her hand. Napabuntung-hininga siya at napahawak sa parte’ng iyon ng kanyang kamay. Whatever the reason may be, she didn’t want to know anymore. Gusto niyang sumang-ayon sa binata, gusto niyang pakinggan ano man ang mga sasabihin nito sa kanya at maniwala na meron pa silang pagkakataon na ituloy ang naudlot nilang relasyon. Pero iba na ang sitwasyon nila ngayon.
“Why do you keep running away from me? Why do you keep hurting me?”
“Hindi ko sinasadya, Ace.”
“You need a lot of explaining to do, don’t you think?”
Yes, she does but she felt that it wasn’t the right time.
Paano ba niya ipapaliwanag kay Ace ang nangyari, na pinagbantaan siya ni Ricky noon, at maging ang buhay ni Ace ay nanganib nang dahil sa kanya? Telling him the truth simply means admitting the fact that she loved him still.
“I’m sorry,” aniya. Dahil iyon lang ang kaya niyang gawin nang mga oras na iyon – ang humingi ng tawad.
“I don’t need your damn apology.” Lumapit ito sa kinatatayuan niya at hinawakan ang magkabila niyang balikat. Pumikit ito at yumuko. “What I need is for you to tell me what the hell happened between us…”
And that just made her heart jump. She felt warm all over and the moment she looked at him, it’s as if what she saw was her own desire. She could no longer deny that he still affects every fiber of her being. He’s asking too much. Part of her wanted to be with him and talk to him but another part of her, the rational side of her, didn’t. Should she tell him the truth? No. But it was all too late to mull over the entire situation because she already felt his hot demanding lips over hers.