“HONEY…I know it’s you…” nangingiti niyang sabi habang kinakapa ang mga kamay na iyon na nasa ibabaw pa rin ng kanyang mga mata.
Walang tugon, sa halip ay dahan-dahan niyang naramdaman ang paglapit ng mga labi nito sa kanyang tainga.
“I love you,” nakangiting bulong ni Sahara rito.
“Hmm…I love you too, honey.”
Bigla siyang napabalikwas nang marinig pamilyar na tinig. Mabilis niyang tinanggal ang mga kamay na nakatakip sa kanyang mga mata at nilingon iyon. Napatayo siya nang di oras na muntik na niyang ikatumba.
“Ace! Ano’ng ginagawa mo rito? Paano mo nalaman na dito ako tumutuloy?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Sahara. Titig na titig siya sa binata dahil hindi siya makapaniwala na kaharap na naman niya ito ngayon.
“Destiny, Sahara.” Nagkibit-balikat lamang ito at ngumiti.
“Umalis ka na bago ka makita ni-“
“Ng bago mong boyfriend? I don’t care,” sabi pa nito, na lalo pang ngumiti nang pagkatamis-tamis.
“Ace, please…”
“Please what, Sahara? Take you away from here?” bulong na tanong ni Ace sabay hawak sa magkabila niyang braso.
“No…just…go away.”
Umiling-iling ito at ngumiti. “Is that what you really want? Dahil iba ang nakikita ko sa mga mata mo, Sahara. You want me as much as I want you.”
“No!”
“Yes, you do and I’m damn sure that you won’t stop me if I try to kiss you right now.”
Napalunok siya dahil alam niya sa sarili niya na totoo ang sinabi ni Ace. Na wala siyang kakayahang tanggihan ang mga halik nito, na gusto niyang sumama rito kahit saan pa, kahit pa sa mga oras na iyon. Nararamdaman niyang nanlalambot na ang tuhod niya dahil sa paraan ng pagtitig ng binata at alam niyang anumang oras ay handa na siyang tanggapin ang halik nito pero bigla ay binitiwan siya nito at bahagyang lumayo. At napahawak na lamang siya sa dibdib nang makita ang dahilan niyon – palapit sa kanila si Armando, hawak ang isang bote ng Chardonnay. Nagpapalit-palit kina Armando at Ace ang tingin ni Sahara. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin lalo pa’t nasa harap niya ngayon ang dalawang lalaking mahalaga sa kanyang buhay.
“Hey, what are you doing here?” kunut-noo’ng tanong ni Armando matapos mailapag ang bote ng wine sa mesa.
“I’m here because you asked me to.” Nagkibit-balikat si Ace, kumunot rin ang noo at pagkatapos ay ngumiti.
Doon na rin napangiti si Armando. “Akala ko, ang sabi mo, hindi ka pa makakauwi at marami ka pang aasikasuhin sa bago mong venture sa States?”
“Well, change of plans,” simple lang nitong sabi.
Sa paraan ng pag-uusap ng dalawa ay parang matagal na itong magkakilala. Is this another Ace-Ricky case? Na magkakilala pala ang dalawa? Inakbayan siya ni Armando nang maramdaman nito ang kanyang pagkalito.
“Might as well join us, Jace.”
Jace? Napatingin siya kay Ace na noon ay seryoso lang rin na nakatingin sa kanya.
“Oh, I’m sorry, how rude of me. Hindi ko pa pala kayo naipapakilala sa isa’t-isa…Jace, this is Sahara. Sahara, honey, this is Jace.”
Abot-tainga ang ngiti ni Ace nang ilahad nito ang kanang kamay. “At last, we meet. Dad has told me a lot about you, Sahara.”
Dad? Nanlaki ang mga mata ni Sahara at literal na hindi siya nakagalaw. Parang bigla siyang lumutang at hindi niya alam kung makakayanan pa niyang muling makaapak sa lupa.
“Oh, wait… do you prefer me calling you Tita? Or…Mom?”
Shit, this isn’t happening. This is not true. Sigurado siyang masamang panaginip lang ang lahat at gustong sampalin ni Sahara ang sarili para magising sa bangungot na iyon.
Hindi na alam ni Sahara kung ano ang nangyari sa buong dinner at kung anu-ano ang napag-usapan nila. Maliit ang pabilog na mesang kahoy at masikip iyon para sa kanilang tatlo. Nakaupo sa kaliwa niya si Ace, at si Armando sa kanan at sa tuwing matatahimik si Ace ay hindi maaaring hindi siya nito tapunan ng tingin. May mga pagkakataon pa na nagtatama ang mga braso nila, na nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso.
Hindi rin niya alam kung paano natapos ang hapunan at kung paano niya nakayanang makatagal nang kaharap ang mag-ama. It was like she was in a trance the entire time.
“By the way, I’d like to propose a toast,” si Armando, sabay taas ng wine glass nito at tingin sa kanya. “To Sahara, who has been my strength for the passed months. Thank you for understanding my crazy schedule, for keeping up with me and for accepting everything about me, even my shortcomings. Hindi ako perfect pero parati mong ipinararamdam sa akin na perfect ako para sa’yo. Cheers to our future together.”
Wala siyang naitugon roon kundi ngiti. Itinaas rin niya ang sariling baso, at kinailangan pa nilang maghintay ng ilang saglit bago sumunod si Ace.
“And since Jace is here, I think this is the perfect time to do this.” Armando pulled something from his pocket and went down on his knees. Tinapunan muna nito ng tingin si Ace na noon ay matamang nakamasid bago tumingin kay Sahara. “Everybody tells me that I already have everything in the world and yeah, I believed them. But then, I met you and since then, I realized what I’ve been missing all my life.”
Oh no, not now. Hindi napigilan ni Sahara na lingunin si Ace. Wala itong kangiti-ngiti at sa tingin niya ay mas gugustuhin na lang nitong umalis kaysa sa mapanood ang nangyayari. Nilagok ni Ace ang laman ng baso at mabilis na sinalinan iyon. Itinaas pa nito ang baso bago muling inubos ang laman niyon.
“Sahara Smith, I want to spend the rest of my life with you…”
Awtomatikong naitakip ni Sahara ang dalawang palad sa kanyang bibig nang buksan ni Armando ang maliit na kahon na iyon. She has never seen a ring as elegant as what he’s holding in his hands and at that moment, she just wanted to stare at that solitaire engagement ring with a huge sparkling diamond on it. No – she actually wanted to wear that ring right then and there.
“Honey, will you marry me?”
~~
SAHARA has been staring at the engagement ring around her finger for quite a while that she didn’t realize Armando coming. Naramdaman na lamang niya ang paghalik nito sa kanyang pisngi at pagyakap nito sa kanya mula sa likuran. Nakabihis na ito at handa nang umalis. Hapon na noon ng araw ng Linggo, plano pa sana nilang mamasyal sa buong isla at kumain sa labas pero hindi na iyon matutuloy dahil sa biglaan nitong business engagement sa Korea.
“Are you okay, honey? You’ve been quiet since breakfast. May problema ba?”
Isang araw pa lamang mula nang dumating sila roon para sa romantic getaway at wala pang isang araw ang nakararaan nang tanggapin niya ang alok na kasal ni Armando. At ngayon, hindi siya sigurado kung tama ba ang naging desisyon niya. Muli siyang napatingin sa suot na singsing bago naupo sa rattan lounge doon sa balkonahe ng kubo.
“Tungkol ba kay Jace?”
Napaangat siya ng tingin.
“Nag-aalala ka ba na hindi maganda ang magiging reaksiyon ni Jace tungkol sa engagement natin, na baka ayaw niya sa’yo?”
Tumango na lang siya kahit pa mas mabigat pa roon ang dahilan kung bakit labis ang pag-aalala niya.
“Don’t worry, Jace is a nice guy. Pinalaki ko ‘yon nang may respeto at paggalang sa mga babae. He’ll treat you well, I’m sure of it.”
Tumangu-tango na lang siya. She’s aware of the fact that Ace – no – Jace is respectful when it comes to women but their situation is different. Hindi siya sigurado kung rerespetuhin pa siya nito ngayon pagkatapos ng lahat.
She felt betrayed, cheated. Nang magkita sila ni Ace sa bar kagabi, alam na nito ang tungkol sa relasyon niya kay Armando pero itinuloy pa rin nito ang mga ginawa nito. He actually made her believe that he’s still crazy over her, that he still loves her. Now, she realized that everything that has happened was just part his plan - and that is to tease her and play with her feelings.
“Kung umuwi na kaya ako sa Manila?”
“No,” mabilis na salungat nito. “I want you to enjoy the rest of your weekend. Magiging busy ka na sa modeling mo next week, hindi ba? This is probably your last chance to relax.”
“Pero-“
Hinawakan ni Armando ang dalawa niyang kamay at tinabihan siya sa upuan. “Honey, I know this weekend was supposed to be about us but you know how demanding my job is. I’m sorry. I’ll make it up to you next time, okay?”
“It’s not that. Alam mo naman na walang problema sa’kin ang trabaho mo o ang schedule mo,” aniya. Inayos niya ang necktie ng kasintahan at pinagpagan ang itim nitong amerikana. “Ayoko lang kasi na aalalahanin mo pa ang lagay ko habang nasa Korea ka.”
Napangiti ito. “Promise, I won’t worry too much. Hindi kita tatawagan o ite-text every hour.”
“Talaga lang, ha?” Sa tuwing nasa business trip kasi ito ay parati siya nitong tinatawagan para malaman ang lagay niya, na minsan ay OA na. “Bakit parang hindi ako naniniwala?” biro niya.
“Fine, fine. I know I’m not very good at lying and I won’t make a good actor,” natatawa nitong sabi. “Basta, susubukan ko na hindi ka tawagan at i-message nang madalas. Panatag naman ako na safe ka dito lalo na’t pinakiusapan ko si Jace na samahan ka until tomorrow, at siya na rin ang maghahatid sa’yo pabalik sa Manila.”
“No, please, Armando. Hindi ko kailangan ng babysitter.”
“I’m not here to babysit.”
Sabay silang napalingon ni Armando sa pinanggalingan ng malalim na boses. Nakita nila si Ace na paakyat sa hagdan na gawa sa kawayan. Suot nito ang kulay itim na board shorts at puting sando. Naka-sunglasses rin ito kaya hindi alam ni Sahara kung sa kanya ito nakatingin o kay Armando.
“Speaking of the devil!” Sinalubong ni Armando ang anak at kinamayan ito. “You’re just in time, son.”
“You know I’m always punctual, Dad.” Lumapit ito sa kanila at naupo sa kahoy na baranda ng balkon, halos isang dipa lamang ang layo mula sa kinauupuan ni Sahara. “You were the one who taught me to respect other people’s time, remember?”
Tumango-tango si Armando at muling inakbayan si Sahara. “See, Sahara? I’ve been a good father to my one and only son so you’ve got nothing to worry about.”
“I-I’m not worried.” Alanganing ngiti ang itinugon niya at pasimple’ng tinapunan ng tingin si Ace.
Hinaplos ni Armando ang buhok niya at saka hinalikan sa pisngi. “Well, I better get going at ayokong ma-miss ang flight ko. Jace, ‘yung mga ibinilin ko sa’yo, huwag mong kalilimutan, ha? I trust you.”
“You can count on me, Dad. She’s in good hands,” nakangiti nitong sagot. Tinanggal nito ang suot na sunglasses at tumingin kay Sahara.
“I know. Kaya nga thankful ako at narito ka para samahan si Sahara dito ngayon. Wala naman akong ibang pagkakatiwalaan kundi ikaw lang. Now, I know that I can do my business peacefully without worrying about my beautiful wife-to-be.”
Gusto sanang iwasan ni Sahara ang mapanuring tingin ni Ace pero hindi niya magawa. Masyadong malakas ang tibok ng kanyang puso at dalangin niya sa Diyos na hindi iyon mapansin ni Armando.
“Jace, just a reminder. Do whatever you want, go with her wherever she wanted to but Jace, promise me one thing – no extreme activities, you hear me? No bungee jumping, no jet ski, no sky diving,” paalala nito sa anak.
Ngumiti ito. “How about paragliding? Skuba diving?”
“No!” matigas nitong tugon. “You know, Sahara, Jace is the adventurous type. And he always gives me a scare every time I learn about his hobbies,” baling nito sa kanya.
Yeah, she’s aware of that fact. Hindi tuloy niya maiwasang maalala noong tinuruan siya nitong mag-jet ski sa Subic.
“Now as I think of it, we’re a complete opposite, Jace and I.” Ace has been the one who loves the outdoors and the excitement while Armando, on the other hand, just loves spending the entire day reading.
Tumangu-tango naman si Jace bilang pag-sang-ayon. “But we have one thing in common, Dad.”
“What is it?” takang tanong ni Armando.
“We both got great taste in women.”
“Yeah, of course!” anito. Nilapitan nito ang anak at tsaka tinapik-tapik sa isang balikat. “Paano, iwan ko na sa iyo si Sahara. You damn take good care of her or I’ll forget that you’re my son.” Seryoso ang pagkakasabi noon ni Armando at nagkatinginan sila ni Ace dahil doon. Pero ilang saglit lang ay ngumiti rin ito.
“No problem with me, Dad. Pero mukhang ayaw yata ni future step mom na narito ako.”
“I’m fine with it, Armando. Iniisip ko lang na baka…hassle sa kanya na samahan ako ngayon.” Napatingin siya kay Ace at pagkatapos ay kay Armando.
“Okay lang sa kanya ‘yan, right, Jace?” tanong nito sa anak, na tinanguan lang ng huli.
“No problem with me, Dad. I think, this is a good chance for us to get to know each other.”
“Exactly my thoughts,” segunda nito. “So Jace, I'll leave her with you, okay?”
“Don’t worry, Dad, I’ll take good care of her. And I’ll make sure that she’ll enjoy every minute while she’s with me.”
“I’ll take your word for it.” Natanaw na nila ang ang pagdating ng isang magarang itim na sasakyan na huminto sa tapat ng kubo nila. “I’ll go ahead, honey,” baling nito kay Sahara. Niyakap siya nito nang mahigpit at ginawaran ng isang matamis at maiksing halik sa labi. Nag-init ang pakiramdam niya hindi dahil sa halik ni Armando kundi dahil sa nakakapaso’ng tingin ni Ace sa kanya. “You two take care.”
“Will sure do,” bulong ni Ace, na hindi nakaligtas sa pandinig niya.
Inihatid ni Sahara ng tingin si Armando hanggang sa makasakay ito ng sasakyan. Matagal nang nakaalis ang kotse’ng lulan ang kasintahan pero tinatanaw pa rin niya ito.
“So, what do we do now?”
Nang lingunin niya si Ace ay seryoso ang mukha nito at kung pagbabasehan ang paraan ng pagtitig nito sa kanya, alam niyang may pakahulugan ito sa tanong na iyon. The way he’s staring at her makes her insides churn, as if he wanted to get into her mind, heart and soul.
“Gusto mong mag-swimming?” Naroon pa rin sila sa balkon ng kubo, nakikiramdam sa isa’t-isa. “O dito na lang tayo, huwag na tayong lumabas?”
Maraming iling ang itinugon niya. Hawak ang baso ng juice ay naglakad siya papunta sa dulo’ng bahagi ng balkonahe para makalayo sa binata dahil hindi niya alam kung ano ang maaaring mangyari sa oras na mapalapit siya rito at hindi siya sigurado kung kaya niyang pigilan ang sarili kung may gawin itong kapangahasan.
“What do you want to do? Magtititigan na lang tayo ba rito buong maghapon?” Mula sa inuupuan ay tumayo ito at lumapit sa harap niya. “Oh, wait, I can think of a lot of better things to do than just stare at each other.”
“Ace-“ Bigla ang ginawang paglapit ni Ace sa kanya kaya wala na siyang oras na umiwas rito. “Oh, Jace nga pala ang totoo mong pangalan.”
Lumaki ang pagkakangiti nito. “Hindi lang naman ikaw ang kayang magbigay ng ibang pangalan sa bagong kakilala, hindi ba, Sarah?”
Hindi niya alam kung matatawa siya o maiinis sa narinig. Kung bakit pa kasi kailangan pa nitong ipaalala kung paano sila unang nagkakilala.
“So what is it? Just tell me what you want, we'll do it.”
“Shut up. Alam mong hindi na p’wede. Ikakasal na ako…”
“I’m talking about the things that you want to do in the island,” natatawa nitong sabi. “Ano ba sa akala mo ang ibig kong sabihin, Sahara…I mean…step mom?” Umiiling-iling itong tumalikod at bumaba ng hagdan. “Anyway, put on something casual, be ready by five,” pahabol nito sabay hagod sa suot niyang mahabang dilaw na bestida. “I’ll take you to my favorite spot in the island.”
Tatanggi pa sana si Sahara pero mabilis na itong nakalayo. Padabog niyang inilapag sa mesa ang baso at nanggigigil na naupo. Gusto niyang magalit sa sarili dahil hindi dapat siya nakakadama ng ganoon na para bang hinahalukay ang tiyan niya sa sobrang kilig.
Shit, Sahara, kalma lang. But damn, she’s going to spend the sunset, and possibly the entire night with Ace, in an island. Paano’ng hindi siya kikiligin? Umiling-iling siya, tumayo at nagpalakad-lakad sa hindi kalakihang balkonahe. Paano kung-
Ah, ayaw na niyang mag-isip pa ng kung anu-ano. Imposible naman siguro na gumawa si Ace ng bagay na makasasakit kay Armando dahil sa tingin niya ay malaki ang paggalang nito sa ama. Pero nagawa siya nitong akitin at halikan kagabi at aminin man niya o hindi, nanumbalik ang nararamdaman niya para rito, kahit pa nga alam niyang mali.
Paano kung magtangka uli si Ace na gawin iyon?
Shit, Sahara, ano’ng gagawin mo kapag nangyari ‘yon? Siyempre, iiwas siya. Wala namang ibang tamang gawin kundi ang umiwas sa abot ng kanyang makakaya.