BINAGALAN ni Achilles ang pagpapatakbo nang makita ang kumpulan ng mga bata sa 'di-kalayuan. Nakatutok ang pansin ng mga ito sa itaas ng puno, partikular na sa taong naroon.
Bigla niyang nahinto ang kanyang motorsiklo nang makita ang dalagang nasa itaas ng puno at inaabot ang isang bolang nakasabit sa mga sanga. He frowned and groaned in irritation. The woman was trouble disguised as a flower. "Damn it!" he cursed for his silly metaphor. He cannot believe himself for being poetic, it was that petite woman's fault!
Ipinarada niya ang kanyang motorsiklo sa gilid ng kalsada at nilapitan ang mga ito. Nakapamewang na tiningala niya ang babaeng nasa itaas. She was wearing her signature outfit and she was climbing a tree in those clothes! How stupid can she get?
Tagumpay na nakuha nito ang bola at itinapon paibaba. Dahil sa mahabang saya ay nahirapan ito sa pagbaba.
Namali ng tapak si Margareth dahilan upang mahulog siya mula sa puno. Napapikit siya at hinintay ang pagsigid ng kirot sa kanyang katawan nang bumulusok siya paibaba, ngunit wala siyang naramdamang anumang masakit.
Dahan-dahang idinilat niya ang mga mata nang maramdam ang malalakas na bisig na pumulupot sa kanyang katawan.
Lumarawan ang pagkagulat sa kanyang mukha nang masilayan ang lalaking sumalo sa kanya mula sa pagkahulog. Dumagundong sa kaba ang kanyang dibdib nang makita ang mga mata nitong galit na nakatunghay sa kanya. Ang mga kilay nitong palaging magkasalubong at ang mga labing palaging nakatiim ay mas lalo pang dumiin.
Nang maibaba siya nito ay binalingan niya ang apat na batang kanyang tinulungan. Nakita niya ang mga itong nag-iiyakan at nakatingin sa bolang nakasabit sa mga sanga ng puno. She cannot stand seeing children cries, they are the purest creature on earth. Without a second thought, she climbed the tree to get the ball.
"Mag iingat kayo sa susunod, ha? 'Wag mag-aaway."
"Opo! Maraming salamat, Ate Gareth," sabay sabay na sagot ng mga ito at umalis na pagkatapos ng mga itong magpasalamat sa kanya.
Nakangiting pinanood niya ang mga batang nagkakatuwaan subalit agad iyong napalis at napalitan ng ngiwi nang marahas na higitin ni Achilles ang kanyang braso. Nasasaktan siya sa pagkakahawak nito sa kanya bagaman ay hindi siya dumaing.
"What were you thinking?" he asked heatedly.
She felt confused for a while when she saw the anger in his eyes. "H-ha? Ano—"
"What were you thinking climbing into that tree?!"
"T-The kids were crying and I don't want to see them crying," she explained while trying to stop her lips from trembling because of anxiousness.
Napapitlag siya nang mapamura ito ng sunod-sunod pagkatapos marinig ang kanyang paliwanag. Hinagod nito ang buhok kasabay nang pagbitaw at pagtalikod sa kanya.
Bago pa siya makahuma ay nakasakay na itong muli sa motorsiklo at naipaharurot iyon paalis.
She sighed and muttered a thank you, kahit na hindi na nito iyon naririnig.
Itinutok niya ang kanyang mga mata sa punong kanyang inakyatan. Ngayon lang niya napagtantong mataas pala iyon. Malaki ang pasasalamat niya kay Achilles dahil iniligtas na naman siya nito sa ikaapat na pagkakataon.
Nanindig ang kanyang mga balahibo nang maisip kung ano ang puwedeng mangyari sa kanya. Kung hindi siya nito sinalo ay nagkasugat sugat na siya mula sa mga matitinik na halamang nasa ibaba ng puno na sana ay siyang kanyang pinagbagsakan kanina.
He was a good man.
TULOY-TULOY si Achilles sa shop nila ng kaibigan at hindi nag-abalang pansinin ang mga tao sa paligid. Pumasok siya sa talyer at hindi pinansin ang mag-asawang naghahalikan sa isang tabi.
Pinagbuhusan niya ng inis ang mga sasakyang kailangang ayusin, kagaya ng pangkaraniwan niyang ginagawa. Niyuko niya ang kotseng nangangailangan ng bagong baterya at kailangang kumponihin ang brake na nasira.
"What happened?" Hindi niya nilingon ang pinsang nagtanong at pinagpatuloy ang ginagawa. Narinig niya itong kinausap ang asawa nitong si Mason, ngunit hindi niya pinagka-abalahang lingunin ang dalawa. "I want burger and fries and milktea." Agad na tumalima ang asawa ng kanyang pinsan at naiwan silang dalawa roon. Naglakad si Niccola palapit sa kanya at sumandal sa pinto ng sasakyang kanyang inaayos. "You're pissed."
"Don't ask!"
"I'm curious. What is it...? Come on, spill it, Aki."
Marahas ang buntong hiningang kanyang pinakawalan bago tiningnan ang pinsan na nakataas ang isang kilay sa kanya habang himas-himas ang malaking tiyan. His cousin was five months pregnant, good for her.
"I've met someone foolish. Who the hell would climb a tree wearing a long skirt? And last week, she was riding a bike wearing those clothes! How foolish!" he blurted and regretted it afterward when he saw how her face lit up.
Sumilay ang nanunuksong ngiti sa labi ni Niccola. "So, it is a woman, that's a first. You never got pissed or talked about a woman since... Claud and Mark died. Well, aside from Brianna's mother," Niccola then shrugged her shoulders. "Tell me about her."
"She's nothing! Just my neighbor's daughter."
"Nothing, huh?" She was nodding her head mockingly, she sounded unconvinced and sarcastic.
Nakahinga lang siya ng maluwag nang dumating na ang asawa ng kanyang pinsan at mawala sa kanya ang pansin nito. She could be very persistent.
Sa kalagitnaan ng kanyang ginagawa ay muli na namang pumasok sa kanyang isipan ang mukha ng dalagang wala pang dalawang linggo niyang nakilala.
She had that gentle smile on her pink thin lips, her eyes were twinkling in happiness and she was wrinkling her nose when she laughs.
He clasped his arms into a tight fist and closed his eyes painfully, trying to get rid of the picture in his mind.
He must be nuts!
MALALIM na ang gabi nang makauwi si Achilles sa kanyang bahay. Dumiretso siya sa kanyang silid, binagsak ang pagal na katawan sa malaking kama at agad na nahimbing sa pagtulog.
Ginawa ni Achilles ang halos lahat ng mga kailangang gawin sa talyer nila upang mai-alis sa kanyang isipan si Margareth Laurencio kaya hindi nakapagtatakang napagod siya ng husto. But it was not his job that drained his energy, it was her.
Hindi niya matukoy kung gaano siya katagal nakatulog nang magising mula sa isang masamang panaginip. Hinihingal na napabalikwas siya ng bangon, marahas na binaklas ang kumot mula sa kanyang katawan at lumakad palabas sa kanyang balkonahe.
It wasn't new to him but it doesn't mean that he was used to it.
Umupo siya sa malamig na sahig at hindi alintana ang malamig na simoy ng hangin na dumadapyo sa kanyang balat. Tinutuyo niyon ang mga pawis sa kanyang katawan. Kapagkuwan ay itinuon ang mga mata sa payapang kalangitan. Maraming mga bituin at maliwanag ang bilog na bilog na buwan. Lalo lang niyong pinabibigat ang kanyang dibdib sa halip na pagaanin.
You should have taken me with you. I'm sorry I failed you, I'm sorry. Kung siya lang ang papipiliin ay mas gusto niyang sabay na nasawi kasama ng kanyang pamilya. Being left alone with guilt in his heart was hard to bear.
Hindi namalayan ni Achilles ang mga luhang dumaloy mula sa kanyang mga mata. Hindi siya pinapatahimik ng nakaraan. The guilt, pain and anger was inside him.
Mahigit apat na taon na ang nakakalipas ngunit hindi parin siya nakakalimot. Naka-deployed siya noon sa Mindanao at tinutugis ang mga rebelde na binabalak mag-aklas laban sa gobyerno.
Tagumpay ang naging misyon nila. Mga bala mula sa kanya ang tumapos sa buhay ng lider ng bandidong grupo. They were rewarded with a vacation leave for a job well done. He was excited to go home and spend his free time with his family. Ngunit naganap ang pangyayaring iyon na hinding-hindi niya makakalimutan.
Nakatakas mula sa selda nito ang kapatid ng namatay na lider ng mga rebelde at siya ang nakita nitong kabayaran dahil sa pagkakapaslang niya sa kapatid nito. Tinambangan nito ang kanyang mag-ina at pinaulanan ng bala ang sinasakyan nila. Claudine and Mark was dead on the spot, with a lot holes on their body. And there's no one left to blame but him.
Kung puwede lang patayin ang patay na ay ginawa na niya. Nagbaril sa sarili ang lalaki pagkatapos nitong mapatay ang kanyang mag-ina kaya wala siyang masisisi kung 'di ang kanyang sarili. He was convinced that it was all his fault.
He was lost at that time. He didn't know what to do, on how to continue living his life alone.
He met Brianna's mother when he was grieving and suffering. It was just a one-night stand, but Brianna was conceived. Hindi siya handang maging ama ng mga oras na iyon, ganoon din ang ina ng kanyang anak. Pagkasilang nito sa bata ay iniwan nito iyon sa kanya. He didn't know what to do. Halos mamatay ang bata sa kanyang poder, mabuti nalang at nandoon ang kanyang ina. Inalagaan nito si Brianna na dapat ay siya ang mag-alaga.
He was not a good father. Mas makabubuting wala sa kanya si Brianna, mapapahamak lang ito. At sa pagkakataong iyon ay hindi niya alam kung kakayanin niya. Ang anak niya ang dahilan kung bakit gusto pa rin niyang mabuhay. Ito lang ang tanging pinagkukunan niya ng lakas. Gustuhin man niyang makasama ito ay natatakot siyang mapahamak ang bata ng dahil sa kanya.
Parang nananadya pa ang pagkakataon nang marinig niya ang isang malamyos na boses. Dumako ang kanyang paningin sa balkonaheng katapat ng sa kanya kung saan niya iyon naririnig.
Agad niyang nakita si Margareth na katulad niya ay nakaupo rin sa sahig. Nakikita niya ito ngunit hindi siya nito makikita dahil madilim ang kanyang kinaroroonan. Nakatutok ang mga mata nito sa buwan habang umaaawit. Mahina itong kumakanta bagaman ay naririnig niya dahil tahimik ang paligid at malakas ang kanyang pandinig na nahasa dahil sa kanyang trabaho. He couldn't keep his eyes off of her and he must be insane.
She was singing a sad song and it was affecting him. His heart contracted in pain while staring at her face and hearing the sadness in her voice.
He was starting to hate the woman for affecting him this much.
"I'm confused. Naguguluhan po ako. Deserve ko bang pagsilbihan kayo? Kailangan ako ni Mommy rito, hindi ko na alam ang gagawin," mahinang usal ni Margareth pagkatapos ng kanta nito. Nakatutok parin sa kalangitan ang mga mata na puno ng kaguluhan.
Hindi malaman ni Achilles kung bakit hindi niya maialis-alis ang kanyang paningin dito. Hindi niya ito nilubayan ng tingin hanggang sa tumayo ito at pumasok sa loob ng silid.
"Nonsense!" he jeered and get on his feet. Pumasok na rin siya sa loob ng kanyang silid at muling humilata sa kanyang kama. Ipinikit niya ang mga mata, muli ay tila naririnig niya ang malamyos na boses ng anak ng kanyang kapitbahay habang kumakanta. Sa ganoong kalagayan ay hindi niya namalayan ni Achilles na muli siyang nakatulog.
Her voice was like a sweet lullaby that sings him off to sleep.