CHAPTER 11

TUMAGAL hanggang kinabukasan ang malakas na buhos ng ulan. May bagyo kaya masama ang panahon at pina-aalahanan ang lahat na manatili sa kanya-kanyang tahanan.

Si Margareth na imbes na manatili sa loob ng bahay ng mga magulang ay nasa katabing bahay na naman siya. Nasa silid silang dalawang ni Brianna habang nanonood ng paborito nitong cartoon. Mas gusto niya iyon kaysa sa maglaro sila sa salas. Hindi siya handang makita si Achilles dahil sa nangyari kagabi, nahihiya siyang harapin ito at hindi niya alam kung paano ito pakikiharapan.

Masuyong sinuklay niya ang mahabang buhok ng bata gamit ang mga daliri. Nakasandal sa kanya si Brianna habang nakapaloob silang dalawa sa comforter dahil sa malamig na panahon. Ang lakas ng buhos ng ulan at paniguradong maraming babahain dahil doon.

Napangiti si Margareth nang marinig ang paghagikhik ni Brianna habang nakatutok ang mga mata sa telebisyon. Hindi siya makatiis at pinanggigilan ang pisngi nito. Pinugpog niya ito ng halik na lalo nitong ikinahagikhik. She also tickled her that earned a laugh from the kid. Margareth loved hearing her laugh.

"Stop na po. I can't... anymore..." Itinigil niya ang panggigigil rito at iniupo ang bata. Inayos niya ang buhok nitong tumatabing sa mukha at itinali iyon patalikod. "Hungry," Brianna pouted and rubbed her tummy.

"I'll get you food. You stay here, okay?" Lumuhod si Brianna sa kama at hinalikan ang kanyang pisngi at tumango bilang tugon.

Tumayo si Margareth mula sa kama at nilakad ang palabas ng silid. Pagbukas niya ng pinto ay lumarawan ang pagkagulat sa kanyang mga mata nang makita sa labas niyon si Achilles. Tila ba itinulos ito sa kinatatayuan at gulat na gulat sa hindi niya matukoy na dahilan.

Isinara ng dalaga ang pinto at hinarap ang binata, pilit niyang nilabanan ang pagkailang na nararamdaman habang kaharap ito.

"She can talk," halos wala sa loob na bulalas ni Achilles pagkalipas ng ilang sandali. Tumango si Margareth at nakagat ang pang-ibabang labi nang makita ang reaksiyon nito. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" tila kulog na singhal ni Achilles.

Napahakbang patalikod si Margareth nang marinig ang pagsinghal nito. Hindi niya matukoy kung saan nagmumula ang galit na nakikita niya sa mga mata nito. "I-I made a promise to her," aniya na kinakabahan.

Noong unang mga araw na magkakilala sila ng bata ay agad niyang napansin ang pagiging tahimik nito. Literal na hindi nagsasalita, sa obserbasyon niya ay may pinagdadaanan ito kaya ayaw magsalita o hindi makapagsalita. Ngunit narinig niya si Brianna na kumakanta habang naglalarong mag-isa. She had an honest talk with her and assured her that she can trust her. Ipinangako niya ritong hindi ipagsasabi ang natuklasan niya.

Ano man ang dahilan ni Brianna upang hindi magsalita ay natitiyak niyang mabigat iyon. Matagal na niyang gustong sabihin iyon kay Achilles ngunit hindi niya babaliin ang kanyang pangako.

And now he's in front of her with his eyes darting daggers in her direction.

"Kailan pa?!"

"H-ha?"

"Kailan pa siya nagsalita?! What happened? What did she say? What did you do?!"

"N-narinig ko siyang kumakanta habang naglalaro ilang linggo na ang nakakaraan, nang lumapit ako sa kanya ay bigla siyang natahimik. I talk to her but she won't respond, but when I made a promise not to tell anybody she started talking to me. I'm sorry Achilles, I want to tell you even before but I made a promise to her not to. But I'm telling you now..." She felt awful telling him that because she oath not to. Wala siyang magawa kung 'di sabihin dito dahil na-diskobre na nito ang tungkol sa pagsasalita ni Brianna.

"Because I've found out! Kung hindi ko pa kayo narinig ay hindi ko malalaman ang tungkol sa pagsasalita ni Brianna! It is important for my family to hear her talk again after almost two years of being silent! No one knows what happened to her!" Halos mapatid ang mga litid ni Achilles habang nagsasalita. His teeth were gritted and his eyes screamed anger and hatred. "Do not cross the line, Margareth Laurencio!" he muttered like thunder.

Napayuko si Margareth nang marinig ang huli nitong sinabi at hindi niya mapigilan ang mga luhang umalpas mula sa kanyang mga mata. Mabuti nalang at mabilis na umalis si Achilles sa kanyang harapan at dire-diretsong pumasok sa silid nito.

Napapitlag ang dalaga nang marinig ang malakas na pagsara ng binata sa pinto.

"A-are you okay po?"

Agad na napahid ni Margareth ang luhang kumawala mula sa kanyang mga mata nang marinig ang boses ni Brianna na binuksan ang pintuan ng silid nito.

Inihanda niya ang ngiti sa mga labi bago ito binalingan. "Did you hear it?" tanong niya ng makita ang pangamba sa mga mata ng bata. Narinig marahil nito ang pag-uusap nila ni Achilles. Nang tumungo ito ay nakompirma ang kanyang hinala. "I'm sorry for not keeping my promise." Hindi niya napigilan ang taksil na mga luha na muling kumawala.

Si Brianna ay umiyak din ng makita ang pagluha ni Margareth. Tumaas ang mga munti niyang palad sa mukha ng dalaga at pinahiran ang basa nitong pisngi. "I-It's okay po," anito habang humihikbi.

Niyakap ni Margareth si Brianna at hinagod ang likod nito. She felt sorry for the kid. Marami nang pinagdaanan ang bata sa buhay nito, and she doesn't want to hurt her more.

"Let's eat na?" aniya pagkalipas ng ilang minuto. Tumigil na sila sa kakaiyak at sabay na bumaba patungo sa kusina. Magkatulong silang nagluto at sabay na kumain.

Masuyong hinaplos ni Margareth ang buhok nito habang kumakain sila. Brianna was so lovely and she doesn't understand why her mother left her. Minsang tanungin niya ito kung nasaan ang ina nito ay sinabi ng bata na iniwan ito ng ina. Hindi na siya nagtanong pa nang makita ang takot sa mukha nito. Maybe the kid doesn't want to talk about her mother, and she respected that.

GABI na ay hindi parin lumalabas si Achilles sa silid nito at hindi pa ito nakakakain ng tanghalian at hapunan. Akmang kakatukin ni Margareth ang pinto ng silid ng lalaki ngunit tumigil ang kamay niya at muli iyong ibinaba. After what happened this morning, she doesn't have the mettle to face him. She might cry in front of him unabashedly.

Isang buntung-hininga ang kanyang pinakawalan at pumasok sa silid ni Brianna. Nginitian niya ang bata na nakaupo sa malambot na kama habang sinusuklay ang mahaba nitong buhok.

Lumapit siya sa kinaroroonan ng bata at kinuha mula rito ang brush. "Tulog ka na?" tanong niya ng makita itong humihikab habang sinusuklay niya ang mahaba at alon-alon nitong buhok.

Tumango si Brianna bilang tugon, humarap sa kanya at malambing na yumakap. "Sleepy."

Hinalikan ni Margareth ang tuktok ng ulo ng bata at humiga, kasama ito, sa malambot nitong kama. Nakaunan sa kanyang braso ang bata at nakayapos sa kanya ang maliliit nitong kamay.

Marahang tinapik-tapik ni Margareth ang likod ni Brianna hanggang sa makatulog ang bata. Hindi namalayan ni Margareth na pati siya ay nilamon ng antok at tuluyang naidlip.

Si Achilles na kanina pa nasa loob ng kanyang silid ay napagpasyahang lumabas nang hindi niya matagalan ang pagkalam ng sikmura. Tanging alak ang laman niyon buong araw, maging kahapon.

Nang matapat siya sa silid na inuokapa ni Brianna ay sandali siyang tumigil. Wala siyang naririnig na tunog at marahil ay natutulog na ang kanyang anak.

He climbed down to the kitchen to fix something to eat. May mga pagkain na roong nakasilid sa mga Tupperware at kailangan nalang initin upang makain. Achilles felt guilty when he saw the food that she cooked.

He was aware that he scared her earlier. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili kanina. Totoong mahalaga sa pamilya nila, sa kanya, ang muling marinig si Brianna na magsalita.

Halos dalawang taon na itong hindi nagsasalita. Iyon ang isa sa mga bagay na kinasusuklaman niya sa kanyang sarili. Kung sana ay naging mabuti siyang ama kay Brianna ay hindi iyon mangyayari sa bata.

Ilang mga professionals na ang sumuri rito at ang sabi ng mga iyon ay nagkaroon ng trauma ang kanyang anak. Ngunit walang isa man sa mga doktor na iyon ang nakapagbalik ng boses ni Brianna.

When he was through eating his food, he went to his daughter's room. Sa gulat ni Achilles ay hindi nag-iisa ang anak niya sa silid nito, kasama nito si Margareth habang natutulog. Magkayakap ang dalawa habang parehong may mga ngiti sa mga labi. They looked good together. Kung sana ay kagaya nito ang naging ina ng kanyang anak. But Brianna's mother was far from being a good mother.

Lumakad siya sa direksiyon ni Brianna at inayos ang kumot ng dalawa. Umupo si Achilles sa kama at pinagmasdan ang mukha ng dalagang natutulog. Lalo siyang nakaramdam ng usig ng damdamin nang makita ang pamumula ng mga mata nito. He felt like punching himself for being such a bastard.

Margareth was soft-hearted and she easily got hurt. Lalong hindi ito sanay na sinisinghalan.

Tumaas ang kanyang kamay patungo sa mukha ni Margareth. Dahan-dahan niya iyong inilapit at nang lumapat ang kanyang daliri sa pisngi nito ay tila may boltaheng kuryente ang dumaloy sa kanyang katawan. Shit! Achilles knew he was being ridiculous.

Mabilis na inalis niya ang kamay sa pagkakalapat sa pisngi nito at akmang tatayo na. "Daddy," mahinang sambit ni Brianna habang natutulog. Natulos si Achilles sa kinatatayuan nang marinig iyon.

Nakuyom niya ang kamao nang maramdaman ang paninikip ng kanyang lalamunan. Mabilis siyang lumabas at muling pumasok sa loob ng kanyang silid. Agad niyang tinungo ang kinaroroonann ng kanyang personal ref at kumuha ng lata ng beer at agad iyong tinungga.

PAGKAHATID niya kay Brianna sa bahay ng kanyang mga magulang ay agad na bumalik si Achilles sa kanyang bahay. Hindi na siya nagtagal doon dahil baka magbago ang isip ng kanyang ina at igiit na sa kanya muna si Brianna. Kakauwi lang ni Alexander at Melissa galing sa Los Angeles.

A part of him doesn't want to leave his daughter in his parents' house. But he was also scared to keep Brianna with him, and he had a job that he needed to take care of.

Nang mapadaan siya sa bahay ng mga Laurencio ay binagalan niya ang pagpapatakbo at nangunot ang noo nang makita ang dalawang taong nag-uusap. O nagtatawanan?

Napahigpit ang pagkakahawak niya sa steering wheel nang maiparada ang kanyang sasakyan sa kanyang garahe. Hindi siya agad bumaba at nanatili sa loob ng ilang sandali habang lalong kumunot ang noo.

Marahas na binuksan ni Achilles ang pinto ng kotse at malakas iyong isinarado pagkalabas. Pumasok siya sa loob ng bahay at kumuha ng beer sa loob ng ref na nasa kusina. He still had for rounds and he brought them all with him to the living room.

He took a big gulped and inclined himself on the sofa. He looked at the ceiling while feeling bothered. "Darn it!" He emptied the beer in his hand and threw the can at one corner of his house. Compared to the past days, the silence was deafening.

Tirik na tirik pa ang araw subalit dalawang lata ng beer na ang kanyang naubos. Ngayon ay nilalagok naman niya ang pangatlo.

Nang hindi matahimik ang kanyang isipan ay dinampot niya ang natitirang lata ng beer at inakyat ang ikalawang palapag ng bahay patungo sa kanyang silid. Ini-itsa niya sa ibabaw ng kanyang kama ang alak at tumuloy palabas ng kanyang balkonahe.

He felt like screaming when he saw her laughing heartily. Her laugh wasn't what made him lost his rational train of thought, but the man who was the reason why she's laughing her heart out. Parang kanina lang ay mangiyak-ngiyak pa ito habang nagpapaalam kay Brianna. He felt cheated.

Nakikilala niya ang lalaking katawanan ni Margareth habang nakaupo ang mga ito sa malawak na hardin ni Mrs Laurencio, sa pagkakaalam niya ay kapatid ito ng asawa ni Harold.

Achilles was starting to hate the man even though he doesn't do anything to aggravate him. No, scratch that, Klaus being with Margareth annoyed him to hell!

"You don't have the right over her," sigaw ng traydor na bahagi ng isipan ni Achilles. It punched him to the face and woke him up from his delusions and insanity.

Bakit ba siya nagkakagano'n? Margareth was nothing to him. She's just his neighbor's daughter and Brianna's friend. Nothing more, nothing less!

Nanatiling nakatitig ang kanyang mga mata sa dalawa. Hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito at ang saya-sayang nag-uusap. He shouldn't give a damn but he can't move his feet to enter his room and leave the two alone.

Hindi namalayan ni Achilles na humihigpit ang pagkakahawak niya sa lata ng beer na wala ng laman. Tumiim ang kanyang mga bagang kasabay nang pagtunog ng nayuping lata.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.