CHAPTER 13

"MAUUNA na kami, Gareth. Sorry talaga, ha."

"Okay lang, Sasha. Sa susunod ulit." Ngumiti siya sa kaibigan at kinawayan ang mga ito.

Nalaman ng dati niyang kaklase ang pananatili niya sa bahay ng kanyang mga magulang kaya binisita siya nito. Lumabas silang dalawa ni Sasha, nanood ng sine, nagshopping, kumain at nagkuwentuhan. She had a good time with her.

Si Sasha ang maituturing niyang naging tunay niyang kaibigan mula pa noong highschool sila at ng maging kolehiyala. Pareho sila nitong nag-aral sa Christian school at naging malapit sila na parang magkapatid. Subalit naging madalang nalang ang kanilang pagkikita simula nang pumasok siya sa kumbento. Isa ito sa mga nalungkot ngunit sinuportahan siya sa kanyang pagpasok sa kumbento upang maging madre.

The time they spent together was short because something came up and Sasha had to leave early. But nonetheless, she had fun, they still had a lot of catching up to do and there's a lot of time for that. Well, maybe.

Sinundo si Sasha ng kasintahan nito kaya nag-iisa nalang siyang nakaupo roon at sumisimsim sa kanyang juice. Sinubo niya ang natitirang cake na laman ng kanyang plato bago tumayo at lumaba mula sa loob ng café.

Hindi muna siya umuwi at nagpalakad lakad sa kalsada habang pinagmamasdan ang mga taong nakakasalubong niya. Hapon na kaya hindi masakit ang sinag ng araw sa balat. They were couples who were walking hand in hand, babies in their strollers, friends who were having fun, stores were opened and customers were buying their pieces of stuff. Everything screamed life and life was beautiful.

Tumigil siya sa isang flower shop at sinamyo ang mga bulaklak doon na napakabango. May iba't ibang kulay ng rosas, may mga lilies na ang babango at magaganda ang arrangements ng gerberas at carnations. Bumili siya ng isang tangkay ng rosas at sinamyo iyon hanggang maubos ang bango. She always loved flowers.

Hindi aakalain ni Margareth na nakaramdam siya ng matinding pagkasabik sa pamamasyal sa labas. Ngumiti siya sa bawat taong kanyang nasasalubong. Ang iba ay hindi siya pinansin, may napapatingin sa kanya at may mga nagbabalik ng ngiti. Everyone was busy with their lives and she was enjoying watching them.

Tumigil siya sa may pedestrian lane at hinintay na maging pula ang ilaw upang makatawid siya sa kabilang kalsada kung saan may mga batang masayang naglalaro.

Nang puwede nang tumawid ay lumakad si Margareth patungo sa kabila. Dahil nakatutok ang kanyang tingin sa mga bata ay hindi niya namalayan ang isang pulang sasakyan na paharurot na tinutungo ang kanyang direksiyon.

Ilang dipa nalang ang layo ng sasakyan sa dalaga nang may humigit sa kanya. Natumba sila ng lalaking biglang dumamba sa kanya sa gilid ng kalsada. Hindi siya nasaktan dahil ito ang nasa ilalim niya at ang sumalo sa buong impact ng pagkakasadsad nila sa sementadong sidewalk.

Nanlalaki ang mga mata ni Margareth sa pagkagulat at sindak, nang iangat niya ang tingin sa lalaking nadaganan niya ay lalong nanlaki ang kanyang mga mata. Si Achilles iyon na malutong na nagmumura dahil sa nangyari.

"Are you okay?" tanong ni Achilles kay Margareth pagkatapos nitong alalayan ang dalaga patayo. Kumakabog ang kanyang dibdib sa kaba, kung nahuli lang siya ng ilang segundo ay nasagasaan na ito. Nagmamaneho siya kanina nang makita ito sa harap ng isang flower shop. Itinigil niya ang sasakyan at palihim itong sinusundan. He knew that he was acting like a stalker and he was glad he did that time.

Tumango si Margareth dito kahit na nanginginig ang kanyang katawan dahil sa kaba. Nakagat niya ang nanginginig na labi nang mapatingin sa rosas na nabitawan niya at nadurog dahil nasagasaan ng sasakyan. It could have been her.

Biglang nag-iba ang bukas ng mukha ni Achilles nang makita ang sindak sa mga mata nito. Binitawan nito ang pagkakahawak sa balikat ng dalaga at tiim ang mga bagang na nilapitan ang pulang sports car na nakatigil 'di kalayuan sa kanila. He might strangle whoever that person behind the wheels in so much anger.

Malakas na kinatok ni Achilles ang salamin ng sasakyan sa kinaroroonan ng driver's seat. Bumukas ang pinto niyon at lumabas ang isang matangkad at sopistikadang babae na nakasuot ng sunglass.

"Didn't you see the stoplight turn red? Are you blind?!" he spat at the woman's face. The veins in his face and neck were popping out in controlled anger, his face was red and his hands were clenched in a tight fist.

Tila ba hindi naapektuhan ang babae sa galit ng binatang kaharap. Ngumiti ito ng matamis at inalis ang salamin sa mga mata. "Oh, I'm sorry, babe. I'm in a hurry, I didn't see her," the woman said and bit her lip afterward.

Hindi natinag si Achilles sa mapang-akit na ngiti ng babaeng kaharap at hinigit ito sa mga braso. Napangiwi naman ang babae dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Achilles, ang kamay nito ay tila bakal na halos pisain siya, ang mga mata ay halos sunugin siya sa nagliliyab na galit.

"Bitch! You could have killed her! Hindi ka ba nag-iisip o sadyang matindi lang ang tiwala mo sa sarili mo?!"

"L-Let me go!" Nakaramdam ng takot ang sopistikadang babae nang tumindi ang pagsiklab ng galit sa mga mata ni Achilles. Para bang anumang sandali ay manununtok na ito sa galit.

Si Margareth na kanina pa natigilan ay biglang natauhan, nilapitan ang dalawa at masuyong hinawakan ang kamay ni Achilles na nakahawak sa braso ng babae. "It's okay, Achilles. Let her go." Nginitian niya ang binata nang bumaling sa kanya ang mga mata nitong nagliliyab sa galit. Her eyes and smile were telling him that everything was okay, they are okay.

Pinakawalan nito ang braso ng babaeng umiiyak na dahil sa sakit. Frustrated na hinagod nito ang buhok patalikod at sinamaan ng tingin si Margareth. Ang babaeng may-ari ng pulang kotse ay muling pumasok sa loob at pinatakbo iyon paalis.

Humingi ng paumanhin sa Margareth sa mga biyaherong naantala dahil sa komosyong nangyari. Kapagkuwan ay hinila niya si Achilles na masama ang pagkakatingin sa kanya. Hindi ito tuminag sa kinatatayuan ngunit hindi siya tumigil sa paghila rito hanggang sa sumunod ito sa kanya.

Nang makarating sa harap ng baywalk ay binitawan niya ang kamay nito at naupo sa naroong bench habang nakatutok ang paningin sa karagatan.

"That's it?! Wala kang gagawin?!" he thundered and gnashed his teeth.

"Sa alin?" balewalang tanong ni Margareth na tiningala ang binatang salubong ang kilay na nakatunghay sa kanya. "Upo ka."

"You're unbelievable! Ano ang mangyayari kung hindi kita nakitang patawid?! Damn it!"

"But you were there. Thank you."

Napangiwi si Margareth nang marinig ang malulutong nitong mura sabay patid sa batong naroroon. Umupo ito sa tabi niya at nagpakawala ng malalim at marahas na buntung-hininga. "Look, stop being a hypocrite! People need to be punished for their actions! What will happen to your family, to your mother, if something happened to you?!" he roared as if trying to put some sense in her head.

Sandaling natigilan si Margareth dahil sa sinabi nito. May punto ito ngunit hindi niya mapipigilan kung ano ang itakda ng panginoon sa kanya. But God did not let her suffer, did not let her family suffer. She was safe.

Lumapat ang kanyang mga kamay sa nakakuyom na kamao ni Achilles at tinitigan ito ng diretso sa mga mata. "You were there. You saved me, you saved my family, my mother. And I'm not being a hypocrite. Of course, human needs to be punished for their actions. But it is not my decision to make. Let them be punished by God's grace."

"I can't believe you—"

"Look, ang ganda! Look at the sunset, Achilles, they're beautiful," pag-iiba niya ng usapan at itinuon ang mga mata sa kagandahang nasa kanyang harapan.

Ang kalmadong karagatan ay kabaliktaran ng damdamin ni Achilles na tila alon na naghihimagsik. His heart was full of pain, anger and negativity and Margareth wanted him to see how beautiful life was.

Sa halip na tingnan ang itinuro ng dalaga ay itinuon ni Achilles ang mga mata sa mukha nito. Sa kanyang paningin ay tila ba nagliliwanag ang mga mata nito sa kasiyahan, ang magandang ngiting iyon ay nagpapawala sa galit sa kanyang dibdib. She almost got hit by a car in fullspeed, how can she be as peaceful as she was now?

Dumako ang kanyang paningan sa mga kamay nilang magkahugpong. Her small hand fitted in his big one and he felt good feeling her warmth.

Nang muli niyang itaas ang paningin sa mukha ni Margareth ay siya namang paglingon nito sa kanyang direksiyon. Naghinang ang kanilang mga mata at nararamdaman niya ang matinding puwersang humihila sa kanya upang ilapit ang mukha rito. And he did, he lose all his control, his rational train of thought was clouded. He dip his head lower and claimed her sweet lips.

Nagulat si Margareth sa ginawa nito at hindi agad siya nakahuma. Para bang tumigil ang pag-inog ng mundo, malakas ang tibok ng kanyang puso at wala siyang ibang maisip kundi ang taong humahalik sa kanya ng mga oras na iyon.

Sa halip na manulak at pumalag dahil sa kapangahasan nito ay dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata at ninamnam ang matatamis na labing nakalapat sa kanyang mga labi. Hinayaan niya itong halikan siya at nagugustuhan niya ang ginagawa nito sa kanya. Kahit na hindi siya marunong tumugon ay ninanamnam niya ang tamis ng halik mula sa kauna-unahang lalaki, bukod sa panginoon, na nagpatibok ng malakas sa kanyang puso.

KATAHIMIKAN ang namayani sa loob ng sasakyan habang pauwi silang dalawa. Nagmamaneho si Achilles habang si Margareth ay nakasakay sa passenger seat at nilalaro ang kamay sa kandungan.

Hindi malaman ni Margareth kung paano magsisimula ng usapan dahil sa nangyari kanina. Pagkatapos nitong halikan ang kanyang mga labi ay para itong napasong mabilis na tumayo at malalaki ang hakbang na iniwan siya. Nanatili siyang nakaupo roon at hindi umalis kahit na madilim na. Ilang oras pa ang kanyang pinalipas habang matamang nag-iisip bago tumayo upang umuwi.

Ang balak niya ay tawagan ang isa sa kanyang mga kuya upang sunduin siya. Akala niya kasi ay iniwan na siya ni Achilles ngunit biglang tumigil ang sasakyan nito sa kanyang harapan.

Hanggang sa makauwi sila ay walang salitang namagitan sa kanilang dalawa. Nakatutok ang mga mata ni Margareth sa pinto ng bahay ng kanyang mga magulang, pinigil ang mga paa sa pagpasok. Hindi siya tumuloy papasok, sa halip ay parang may sariling isip ang kanyang mga paa na tinunton ang katabing bahay.

Saktong bubuksan ni Achilles ang pintuan ng bahay nito upang pumasok. "Go home, Margareth," mahinang wika ni Achilles nang makalapit siya. Hindi man lang ito lumingon sa kanya at tuloy-tuloy na pumasok.

Bago pa nito maisara ang pinto ay naisingit ni Margareth ang katawan papasok. Hindi man lang siya pumitlag nang ibalibag ni Achilles pasara ang pinto. Nakikita niya ang inis sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya ngunit nang kapain niya ang damdamin ay wala siyang naramdamang takot.

"Lock the door when you leave!" Achilles uttered in between his teeth then stormed towards the staircase.

Inilibot ni Margareth ang mga mata sa malaking bahay at nang mahanap ang kailangan ay napangiti. Ilang sandali pa ay sumunod siya kay Achilles, inakyat niya ang hagdan at tinungo ang silid na pinasukan nito. Kumatok siya ngunit walang tumutugon sa kanya. Pinihit niya ang seradura, hindi iyon naka-lock kaya malaya siyang nakapasok.

Hindi niya makita ang binata ngunit naririnig niya ang lagaslas ng tubig sa shower.

Inilapag ni Margareth ang medicine kit sa kama at humakbang palabas sa nakabukas na pinto patungo sa balkonahe, nakaharap iyon sa kanyang silid. Naroon sa kabilang balkonahe si Hissy at nang makita siya ay napatayo mula sa pagkakahiga sa higaan nito at itinutok ang malalaking mga mata sa kanyang direksiyon. Kinawayan niya ang pusa at napangiti.

Pumihit siya papasok sa loob ng silid ni Achilles nang makaramdam ng panlalamig, siya namang bukas ng pinto ng banyo at lumabas doon ang binatang nakatapis lang ng tuwalya.

"What are you doing here? I told you to go home!"

Hindi makakilos si Margareth at napako ang kanyang mga mata kay Achilles. Ngayon lang nakakita ng katawan ng isang lalaki sa malapitan, aside from her brothers of course. His body was beautiful and fascinating that a soft gasp came out of her lips. 

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.