CHAPTER 11

SUMANDAL siya sa malapad nitong dibdib habang hinihintay na bumaba ang elevator na kinalululanan nila. Ang matitipuno nitong braso ay dumantay sa kanyang balikat.

"Aray!" hiyaw niya at sinamaan ng tingin si George na nasa kanyang kaliwa dahil kinurot nito ang kanyang braso.

"'Wag kang maharot!" anito sabay ikot ng mga mata.

"Bakit, selos ka?" pang-iinis niya sa kaibigan. Ipinulupot pa niya ang mga braso sa katawan ni Oliver upang inisin si George.

"Bruha! Ayaw niya ng kuweba mo!" She chuckled. Maging si Oliver ay napangisi sa sinabi ni George. Ipinulupot ng kaibigan ang braso sa kanyang braso at humilig naman sa kanyang balikat. "Gusto ko rin," he muttered with a pout.

She smiled while staring at the three of them in the elevator wall. They've been friends since time immemorial and the two never failed to make her smile. She was grateful for them. She survived law school because of Georgy and Olly.

"Binabakuran niyo na ako," biro niya nang makalabas sila sa hotel. Ang ibang mga turista ay napapatingin sa kanilang tatlo. Sino ba naman ang 'di mapapatingin kung napapagitnaan siya ng dalawang makikisig na bakla.

Nakaakbay si Oliver sa kanya na napakakisig sa suot nitong trunks at ang pang-itaas ay bukas ang mga butones at kita ang abs. Si George ay nakahawak sa kanyang kamay, kahit na wala man itong abs ay agaw pansin ang mukha nito, George was a gorgeous man, his face was beyond perfection, na namana pa nito sa amang isang Greek. Sino ang mag-aakalang iba ang sexual orientation ng dalawa?

"Ang revealing ng suot mo, girl, kita na pati kaluluwa, baka mabastos ka. Ipagtatangkol ka namin," bulong ni George sa kanyang tainga.

Napahagikgik si Cameron sa sinabi ng kaibigan. Totoong kaya siyang ipagtanggol ng dalawa kahit gay ang mga ito. Totoo ring revealing ang suot niyang bikini subalit hindi naman masagwa. Kulay pula iyon na siyang lalong nagpatingkad sa kanyang kulay. Nakasuot naman siya ng cover up, see-through nga lang.

Pribado ang beach at hindi madaling makakuha ng reservation, at isa pa, kakaunti lang ang mga turista na pawang mga foreigner dahil hindi naman peak season. Halos ang mga nakikita niyang Pilipino roon ay mga trabahante ng beach resort. Ang iba ngang turistang babae ay halos wala na talagang matakpan sa suot na string bikinis.

Nang makarating sa dagat ay snorkeling ang kanilang unang ginawa, pagkatapos ay sinubukan ang iba't ibang water sports. Bandang hapon ay nagyaya si Geroge na mag kayaking, hindi na siya sumama at hinayaan ang dalawa. Para naman may private time ang mga ito at walang third-wheel na kasama.

It was an hour and a half before dusk and the sun was no longer skin burning.

Hinubad niya ang cover-up at inilatag sa buhangin. Umupo siya roon habang nakaharap sa dagat. Napakalinis ng tubig at napakalinaw. Beaches are one of the things that Philippines can be proud of. Some are untouched and some are spoiled by humans. Ngunit marami pa ring tanawin sa Pilipinas na kagaya ng nasisilayan ng kanyang mga mata.

The marine life in that area was abundant. She's sitting meters away from the water but she can clearly see the small fishes on the crystal sea that gleams under the ray of light. The fine white sand that flows on her skin and the palm trees which add up to the mystique and picturesque view of that place.

Thanks to Anton Carlos, she got to enjoy the beauty of nature. Lahat ng empleyado sa firm ay binigyan niya ng dalawang araw na bakasyon. At ngayon niya naisipang gamitin ang prelibihiyong ibinigay nito.

Magandang pagkakataon iyon upang malinawan siya sa mga bagay bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Upang magkaroon siya ng panahon na malayo sa lalaking iyon.

"Hey, bella dama," tawag sa kanya ng isang foreigner na hindi niya namalayang nakalapit sa kanyang direksiyon.

"Hi," sagot niya habang nakatingala rito. He had the greenest eyes she had ever seen, like the scenery opposite to the direction of the ocean. And oh man, he's gorgeous.

"Do you mind if I join you?" tanong nito na pinasadahan siya ng tingin.

Itinukod niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid at ini-incline ang sarili upang hindi manakit ang leeg niya kakatingala.

She smiled at the man and say, "I'm sorry. I'll enjoy the sea by myself."

"Sure?" he asked with a smile on his face. Flashing his dazzling teeth that would melt any woman's knee, but not her.

"I'll find you when I needed someone to talk to," simpleng pagtataboy niya rito. The man shrugged and bade his goodbye.

Cameron also got on her feet and walked towards the water. She watched the waves as they were crawling gently to the shore and kissing her feet. The gushing of the waves was comforting, the sound that the seagulls make was music to her ears.

She wanted to envelop herself with the glorious vastness and move with the harmonious tide.

She stopped on her track when the water was on the level of her shoulders. She submerged herself deep to the blue sparkling sea and started taking light strokes. She knew how to swim, not as good as a fish but she can battle them and try to win. Her father taught her how to dive, to move her hands and legs, how to embrace the water and make love with the tides.

Papalubog na ang araw nang tumigil si Cameron sa kakalangoy. Kahit nag-iisa ay na-enjoy niya ang paliligo at ang panonood sa mga isdang nagkakatuwaan sa ilalim.

She inhaled the sea breeze and blew a calming breath. The sunset was before her eyes, its tranquility enveloped the calm sea. It may not be as positive as the sunrise, but it's as beautiful as a maiden.

She slowly brushes the water with her hands while sitting on the large lifeboat owned by the beach resort.

"It's beautiful, honey."

"Not as beautiful as you, my love."

Pumaskil ang ngiti sa kanyang labi nang marinig ang pag-uusap ng dalawang foreigner na malapit sa kanya. She was a sucker for romance, though she didn't have one, she was happy to see two people in love. And the two was the reflection of love and happiness. Good for them.

Tuluyan nang lumubog ang araw at kumalat ang dilim sa karagatan ngunit hindi parin umahon si Cameron kagaya nang ginawa ng ibang turista. Humiga siya sa salbabida at itinuon ang mga mata sa kalangitan.

"Your girl is now a woman, dad," wika niya. Ipinikit niya ang mga mata at binalikan sa kanyang isipan ang mga ala-ala nila ng kanyang ama habang nasa beach. Paborito nila iyong pasyalan noong nabubuhay pa ito. "I miss you."

Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi kasabay ng pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata nang makita ang nakangiting mukha ng kanyang ama. Nagpapaligsahan silang dalawa sa paglangoy, nakataya ang baon niya ng isang linggo at kung mananalo siya ay papayagan siya nitong sumama sa field trip ng kanilang eskuwelahan. And she won.

Habang binabalikan ang nakaraan ay hindi namalayan ni Cameron na tuluyan siyang naidlip. Wala ring nakakita sa kanya dahil nasa madilim na parte siya ng dagat at hindi natatamaan ng ilaw mula sa beach resort.

ANG paghampas ng alon sa kanyang katawan ang nagpaggising sa kanya. Nang makita ang kadiliman ay agad na nasindak si Cameron. At hayon na naman ang alon na halos magpabaliktad sa salbabidang kanyang hinihigaan.

"My god, nakatulog ako!" bulalas niya. "Where am I?" Nanlalaki ang mga mata sa sindak na inilibot niya ang paningin sa madilim na karagatan.

Bukod sa nag-iisang ilaw na napakaliit ay wala na siyang ibang makita sa kadilimang iyon. All she could hear was the roaring of the sea and the crashing of the waves.

Nang isa muling malaking alon ang humampas sa kanya ay hindi iyon nakayanan ng kanyang sinasakyang salbabida kaya tumaob 'yon.

Nakalunok siya ng tubig sa 'di inaasahang pagkahulog. Nang makahuma ay agad niyang ikinampay ang mga kamay at paa upang pumaibabaw. Nang lumitaw ang kanyang ulo sa tubig ay kanda ubo siya, nanakit din ang kanyang lalamunan at mahapdi ang mga mata.

Hindi pa man nakakabawi ay ayon na naman ang malaking alon na sumalpok sa kanyang katawan. Malayong-malayo ang karagatan sa kalmadong tubig kanina habang naliligo siya. Marahil ay natangay siya sa malayo ng alon habang nakasakay sa salbabida at malalaki ang alon nang parteng iyon ng karagatan.

"Oh god!" Nagsisimula nang magpanic ang kanyang sistema dahil sa kinasusuongang sitwasyon. Kahit sumigaw siya ay walang makakarinig. At paano kung may mga pating sa karagatang iyon? Ang kanyang salbabida ay hindi na niya mahagilap at tinangay na ng alon palayo.

Tumutulo na ang kanyang luha at hindi malaman ang gagawin. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at sinibukang mag-isip ng gagawin nang biglang pumasok ang tinig ng kanyang ama sa isipan. "When you get stuck in the middle of the ocean, the first thing you need to do is beat yourself from panicking. Push the negativities away and clear your mind."

"O-okay." Sinubukan niyang hindi mag-isip ng masama at maging positibo gaya ng sinabi sa kanya ng kanyang ama.

"Then, look around you. What do you see?" "D-darkness," she uttered while trembling. "Look around you carefully. Do you see it now? The hope?"

Inilibot niya ang paningin sa madalim na karagatan. Her eyes grew wider when she saw that faint light from a distance. "Yes, dad!"

"You can survive the waves, angel, embrace them and make them you."

Alam niyang malayo ang kinaroroonan ng ilaw na kanyang nakikita ngunit wala siyang ibang pagpipilian kung 'di ang languyin ang patungo roon upang makahingi ng tulong.

She inhaled a deep breath before moving her hands and feet towards the direction of the light.

Hindi na niya alam kung ilang minuto o oras na siyang lumalangoy. Ngunit tila napakalayo parin niyon at hindi niya maabot abot.

Tumigil siya sandali subalit hindi siya susuko. Hindi iyon gugustuhin ng kanyang ama. Embrace the waves. Buo ang loob na sinimulan niya uling lumangoy.

Kaunti nalang, Cameron. Nakikita na niya ang pinanggagalingan ng ilaw. Mula iyon sa isang puting yate na nakatigil sa gitna ng dagat.

Ilang dipa nalang ang layo niya nang makaramdam ng pananakit sa kanyang binti. No! Bigla siyang lumubog sa tubig dahil sa biglaang pagkirot ng kanyang binti dahil sa pulikat. No, daddy!

Sinubukan niya uling pumaibabaw sa tubig kahit na napakasakit ng kanyang katawan. "N-no, please, h-help me..." iyak niya nang lumitaw sa tubig.

Dalawang dipa... isa... hanggang sa makakapit siya sa dulo ng yate. Marahil ay dahil sa adrenaline rush kaya nagawa niyang makarating doon.

Humawak siya sa railings at hinila ang katawan pataas, ngunit hindi niya mai-angat ang katawan dahil walang lakas ang kanyang mga braso.

Mahigpit ang kapit niya sa railings upang hindi tangayin ng malalaking alon. Walang tigil ang pag-agos ng kanyang luha na sumasabay sa agos ng tubig. Nakakamatay ang sakit sa kanyang binti at nanginginig ang kanyang katawan sa lamig, tanging ang tinig ng kanyang ama ang nagpapanatili sa kanyang gising.

Pagkaraan ng sandali ay sinubukan niya uling iangat ang katawan upang tuluyang makasampa sa yate. With all the strength left inside her, she managed to pull herself up. Padapang ililatag niya ang sarili at napaungol nang mas maramdaman ang pananakit ng iba't ibang parte ng katawan.

Dala ng pagod at pinsala sa katawan ay tuluyang siyang pinanawan ng ulirat.

Samantala, ang babaeng sakay ng yate ay padabog na lumabas sa maliit na kusina at tinungo ang lower deck. Nakasunod naman dito ang isang lalaki na nagkakamot ng ulo dahil nagalit ang dalaga sa kanya. Hindi naman niya alam na ito ang may-ari ng cholocate bars na nasa loob ng ref na kinain niya.

"Baby, wait up!" sigaw nito sa babaeng mabilis na bumaba. Dahil mas malaki ang biyas ay nahabol nito ang galit na dalaga. Pinigilan niya ito sa braso at hinarap sa kanya. "Sorry na."

"Bitawan mo ako, Harrison! Ihuhulog kita sa dagat, tangina mo!" galit na sigaw nito.

"Hindi ko naman alam na-" nabitin sa ire ang sasabihin ng lalaki ng may makita sa dulong bahagi ng lower deck. Hawak ang braso ng dalaga ay humakbang siya papalapit sa nakita habang nakakunot ang noo.

"Ano ba! Harisson, buwe- what is that?" Nanlaki rin ang kanyang mga mata nang makita ang taong nakahandusay sa lapag. "L-lapitan mo dali." Tinulak niya si Harrison papalapit sa babaeng nakadapa at tila walang malay. Pinauna niya itong lumakad habang nakatago sa likuran nito.

"Miss, Miss!" tawag ni Harrison kay Cameron sabay kalabit. Ngunit hindi natinig ang dalagang nakadapa.

Hinawakan niya iyon sa balikat at tinihaya.

"Oh my god!" bulalas ni Tara na napatakip sa bibig nang mapagsino ang babae. "Kuya Red!"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.