CHAPTER 15

MGA HAPLOS sa kanyang pisngi ang nagpaggising sa kanya. Ikinurap-kurap niya ang inaantok na mga mata upang mapagsino ang taong iyon. Napangiti siya sa kanyang asawa na nakatunghay sa kanya at nakaupo sa gilid ng kama.

Bahagya niyang hinila ang kumot upang matakpan ang hubad niyang katawan sa ilalim niyon. Giniginaw rin siya dahil sa lamig ng hangin na pumapasok mula sa bintana. Madilim pa sa labas ngunit gising na ito at nakabihis na.

"Nasa baba na sila Martin," anito. "Pupunta ang asawa niya mamaya upang samahan ka rito."

Tumango siya at hinawakan ang kamay nito na humahaplos sa kanyang mukha. "Mag-iingat ka."

"I will... See you later." Pinatakan nito ng halik ang kanyang labi at ang kanyang noo bago lumabas ng silid.

Nakasunod ang kanyang tingin dito at nang tuluyang itong itago ng nakasarang pinto ay isang banayad na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan. Nakipagtitigan siya sa kisame ng silid habang may naglalarong ngiti sa mga labi.

Dumako ang kanyang tingin sa nakabukas na bintana at malayang nasisilayan ng kanyang mga mata ang buwan at mga bituin. Madilim pa, marahil ay alas tres palang ng madaling araw. Sumama si Lucas mangisda kina Martin dahil inanyayahan ito ng huli.

Niyakap niya ang unan na ginamit ni Lucas at muling ipinikit ang mga mata upang matulog.

Paggising niya ay sumikat na ang araw sa silangan at nandoon na rin si Mary at naghahanda ng almusal, kasama nito ang dalawang taong gulang na anak na si Lamberto.

Kinarga niya ang bata na agad na lumapit sa kanya, umupo siya sa hapag at sabay silang nag-umahang tatlo. Sa isang linggong pananatili nila ni Lucas roon ay naging malapit na siya sa asawa ng katiwala at sa anak nito. Mabait si Mary at masayang kausap.

Pagkatapos kumain ay sumama siya sa mag-ina patungo sa isang maliit na komunidad sa islang iyon. Napakasimple ng pamumuhay ngunit masaya siyang makita ang mga ngiti sa mga labi ng mga nakatira roon.

Nakipagkuwentuhan siya sa ibang naroon habang tumutulong sa paghahabi ng banig na gawa sa abaka. Iyon ang isa sa mga ikinabubuhay ng mga nakatira sa isla.

"Nakakalungkot naman at aalis na kayong mag-asawa bukas. Namimiss ka ng mga taga rito, River," si Mary. Sumang-ayon naman ang iba.

"Kailangan na po naming umalis, may trabaho si Lucas na kailangang asikasuhin."

"O siya, mag-iingat kayo sa biyahe at sana maging masagana ang inyong pagsasama at biyayaan kayo ng maraming anak." Si Lola Ising na mahigit sisiyenta na ang idad ngunit maliksi pa rin.

"Maraming salamat po."

Isang oras bago ang tanghalian ay sumama siya kay Mary patungo sa aplaya upang salubungin ang pagdaong ng bangkang pangisda.

Malayo palang ay nakita na niya si Lucas na sakay ng isang kulay puting bangka. Gumanti siya ng kaway nang kumaway ito sa kanya.

Hindi pa man tuluyang nakakadaong ay tumalon ito sa tubig at tinungo ang kanyang direksiyon. Nang makaahon at makalapit sa kanya ay agad na hinalikan ang kanyang mga labi.

"Nainip ka ba?"

"Hindi naman." Hinawakan nito ang kanyang kamay at tinungo ang lilim. "Masaya ako, masayang masaya, Lucas."

Hinawakan nito ang kanyang mukha at hinarap dito. Kumikislap ang mga mata ni Lucas dahil sa kaligayahan at sa mga emosyong hindi niya mapangalanan. "Ako rin. I'm very happy, wife."

Nakipagkuwentuhan sila sa mag-asawang Martin at Mary. Bandang hapon ay nagtungo sila ni Lucas sa munti nilang paraiso kung nasaan naroon ang magandang lawa. Doon na rin sila naghapunan dala ang pagkaing ibinigay ng mag-asawa.

Iyon ang huling araw nila ni Lucas roon, sa loob ng isang linggo ay naging napakasaya niya kasama ito. Hindi pa man sila umaalis ay naroon ang lungkot at pangungulila sa kanyang dibdib para sa bagong lugar na kanyang napuntahan.

Mula sa kulay berdeng lawa na kumikinang ang tubig dahil sa sinag buwan ay tiningala niya ang kalangitan. Hindi pa nakakatikim ng ulan ang lugar na iyon simula nang dumating sila, ang kalangitan ay tila ba abot kamay na. Sobrang dami ng bituin at napakalaki ng buwan.

Isiniksik niya ang katawan sa kanyang asawa na nakayakap sa kanya mula sa likuran nang makaramdam siya ng panlalamig dahil sa ihip ng hangin.

"We will go back here," pangako ni Lucas. Pangakong panghahawakan niya.

"Maraming salamat, Lucas." Nilinga niya ito at walang pangingiming inilapat ang mga labi niya sa mga labi nito.

Nang pakawalan nito ang kanyang mga labi ay hinuli nito ang kanyang mga mata. Muli siyang nangikig, hindi dahil sa lamig ng hangin, kung 'di dahil sa pamilyar na init na sumisilay sa mga mata nito.

Nang tumayo si Lucas at iumang ang palad sa kanya ay agad niya iyong tinanggap. Magkahawak kamay silang pumasok sa loob ng bahay na siyang saksi sa unang paglalapat ng kanilang katawan.

Nagpagiya siya kay Lucas patungo sa kama. Nang damhin ng mga labi at mga kamay nito ang mga bahagi ng kanyang katawan ay tinugon niya iyon ng kasing-init.

Saksi ang buwan na pumapasok sa salaming dingding, ang mga kuliglig at ibon, sa kanilang pagniniig. Kakaiba ang pagtatagpo ng kanilang katawan kaysa sa mga nagdaang gabi. Mas mapusok at may pagmamadali ang mga galaw nito. Hindi siya nakaramdam kahit kaunting takot man lang, mas gusto niya ang paraan ng pagpapaligaya nito sa kanya.

Pakiramdam niya ay tumigil ang kanyang paghinga at ang pag-inog ng mundo nang marating niya ang paraiso kasama ito.

It was the best moment of their life that they will treasure forever. There was only Lucas and River, there were only happiness and a magical moment.

LUCAS sighed in contentment while staring at his wife's face. She was sleeping like a baby on top of their bed.

Ang mahabang buhok nito ay nakalatag sa unan, para itong diyosa na nagmula sa pahina ng mga libro. Ang mapupulang mga labi ay may ngiting nakapaskil, ikinagagalak niyang malaman na masaya ito sa piling niya.

Hinalikan niya ito sa balikat bago tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. She purred but she didn't wake up. Umiba lang ito ng puwesto at niyakap ang malaking unan.

Isang huling sulyap ang ginawa niya sa kama at tuluyang nang lumabas ng silid. Pagbaba niya sa hagdan ay naabutan niya ang ina sa sala at karga si Maddie. Nilapitan niya ang dalawa at hinalikan sa pisngi ang ina at ang bata.

His mother was very fond of the child, so was he. Not only because she was his wife's sister, but Maddie was also as lovable.

"Where's River?"

"Still sleeping."

"'Wag mong masyadong pagurin ang asawa mo, kalmahan mo lang, Lucas."

Nangunot ang kanyang noo at nang makuha ang nais nitong tukuyin ay bumuntung-hininga nalang. His mother was always candid and she loved to tease her children. Mabuti at napagtitiyagaan ito ng kanyang ama.

"Have breakfast before you go to work. Teka sandali..."

Sinundan niya ng tingin si Alessandra na tinatawag ang katulong upang ihanda ang hapag.

Sa bahay ng kanyang mga magulang pa rin sila tumutuloy ni River. Tinatayo palang ang bahay na titirahan nila. Hindi naman niya magawang itira ang magkapatid sa kanyang penthouse dahil mas komportable para kay Maddie kung sa bahay ng kanyang mga magulang mananatili.

"Good morning, Kuya."

Binalingan niya ang kapatid na agad na humalik sa kanyang pisngi. Kasunod nito si Alson na pipikit pikit pa ang mga mata, magulo ang basang buhok at hindi maayos ang pagkakasuot ng polo.

Sabay silang tatlo na nagtungo sa kusina nang tawigin sila ng kanilang ina. Sabay-sabay silang nag-agahan kasama ang ama nilang si Nick. Hindi na niya pinagising ang kanyang asawa dahil alam niyang pagod ito.

"Kumain ka ng marami, Alson, para malamnam 'yang tiyan at nang may masagot ka sa exam." Agad namang napasimangot ang binata nang lagyan ng gulay ang pinggan nito. "Hindi pa ba gising si Krishia, Snow?" Umiling ang tinanong bilang sagot. "Something's off with your twin. Hindi siya mas'yadong lumalabas lately at mas gustong manatili sa loob ng silid. Hindi na gumagala, may alam ka bang problema niya? Ayaw naman niyang magsabi sa akin."

"Wala rin po siyang nasasabi sa akin, Mommy. Pansin ko rin na medyo may kakaiba sa kanya nitong mga nakaraan."

Lucas was intrigued, he was about to ask what's happening to Krishia when his mother beat him to it. "How about you, Lucas? Everything's alright, right?" she asked. There's a meaningful glint in her eyes.

"Yeah. Everything's good..."

Sa mga sumunod na oras ay naging busy na siya sa trabaho. Marami siyang babasahin at pipirmahang papeles.

Bandang tanghali ay bisita niya si River sa kanyang opisina, kasama nito si Maddie. Magkasabay nilang kinain ang dinala nitong pagkain, at ang puto cheese na paboritong niyang kainin, lalo na kapag ito ang may gawa.

"Hindi ko kayo masasamahan ni Maddie sa appointment niyo sa doctor niya. I have a conference meeting later."

Isinubsob niya ang mukha sa mahaba nitong buhok at sinamyo ang bango niyon. She smell so fruity and milky. Kung wala lang sila sa loob ng kanyang opisina ay sinamyo na niya ang bango nito hanggang sa maubos.

Inilihis niya ang mahaba nitong buhok at hinalikan ito sa batok. Malayang nakikita ng kanyang mga mata ang pagtayuan ng mga balahibo nito.

He smiled when he heard her moan his name as he continued kissing her nape. Nang lubayan niya ang paghalik rito ay pinihit niya ito paharap sa kanya. Hindi niya mapigilan ang mga ngisi ng makita kung paano mamula ang magkabilang pisngi ng kanyang asawa.

Kahit na ilang beses na niya itong nakaniig ay hindi pa rin mawawala ang kainosentahan nito. He loved how she blushed demurely, he loved her even more when she was underneath him and moaning his name sexily. He loved seeing her eyes and face in pleasure, knowing that he was the one who gave her such bliss gave him satisfaction and he felt very honored.

Being with River made him feel so young. He felt like he was still in his twenties with her. Kahit na medyo malaki ang agwat ng kanilang idad ay alam niyang oobra ang kanilang pagsasama. He just knew, he felt it. He will make it work.

"K-Kailangan na naming umalis ni Maddie. May trabaho ka pa..."

Niyuko niya si Maddie na nasa mga bisig nito at hinalikan ang pisngi ng bata. Agad naman iyong humagikhik at gumawa ng mumunting ingay. Kapagkuwan ay binalingan niya ang asawa at hinuli ang mga labi nito.

He groaned when he felt her answering his kisses. Hinawakan ng kanyang dalawang kamay ang mukha nito at inanggulo pakaliwa ang ulo. He nibbled her lower lip and sucked her tongue gently.

Kung hindi dahil kay Maddie at sa kinaroroonan nila ay hindi niya papakawalan ang mga labi nito.

Hinatid niya ito sa ibaba at hanggang sa makasakay ng taxi ang mga ito. Pagkuwan ay muli siyang bumalik sa opisina at naghanda sa conference meeting.

Papadilim na ng matapos sila at muli siyang bumalik sa kanyang opisina. Ilang papeles pa ang tinapos niyang pirmahin bago napagpasyahang umuwi.

Tumayo si Lucas mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair at humarap sa salaming dingding ng kanyang opisina at namulsa. Mula roon ay kita niya ang matinding traffic sa kahabaan ng highway.

Hindi siya luminga sa direksiyon ng pintuan nang may magbigay ng warning knock doon.

"May naghahanap sa 'yo, Sir," dinig niyang sabi ng kanyang assistant na si Rey.

Pinapasok niya ang taong naghahanap sa kanya sa pag-aakalang tungkol sa negosyo ang pakay niyon.

"Hello, Lucas."

Mabilis siyang napabaling sa may-ari ng pamilyar na boses na iyon. Nawala ang pangungunot ng kanyang noo nang mapagsino ang 'di inaasahang panauhin.

"Roxanne?" he asked in awe. Hindi pa tuluyang napo-proseso sa kanyang utak na naroon sa kanyang harapan ang dating nobya. "What are you doing here? Kailan ka pa nakabalik sa bansa?"

"I got home yesterday." Hindi siya nakagalaw nang lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "It's good to see you again, Lucas."

Pinasadahan ni Lucas ng tingin ang dating kasintahan, mula sa mukha nitong nakangiti sa kanya, hanggang sa mga paa. Hindi na ito ang dating Roxanne na nakilala niya. He had seen her in magazines and billboards but seeing her in person was different.

It was six years ago when she met her. She used to be a waitress in Rigo Cuisine, in one of the branches in the Visayas. Noon ay palagi siyang bumabalik sa restaurant na pinagtatrabahuan nito. He was charmed by her smile back then. Niligawan niya ito at sinagot naman siya nito.

Isa't kalahating taon ang itinagal nila bago ito nawala isang araw at hindi niya mahanap. Tanging isang sulat ang iniwan na nagsasabing tutungo ito sa ibang bansa dahil nakita raw ito ng isang talent scout at sasanayin sa pagmomodelo. Iyon lang at basta basta siya nitong iniwan.

"I miss you."

Nanigas ang kanyang katawan ng pumaloob ito sa kanyang bisig at mahigpit siyang niyakap. 

Lucas lost his ability to think straight in a second.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.