CHAPTER 4

PAGKAPASOK na pagkapasok pa lang ni Tara sa loob ng Rigo Cuisine ay agad na nahagip ng kanyang mga mata ang pinsang si Krishia. Nang makitang may kausap itong isang lalaki na nakatalikod sa kanyang direksiyon ay napakunot ang kanyang noo. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito.

Hindi niya agad mapagdesisyunan kung lalapit ba ngunit dahil sa kuryosidad ay nagsimulang humakbang ang kanyang mga paa.

"I told you, I don't know you. Look, two days ago lang kita unang nakita at sinabi ko nang hindi kita kilala." Rinig ni Tara na sabi ng kanyang pinsan sa lalaki. "Puwede bang tigilan mo na ako? I'm gonna sue you for harassment, Mister. You might have mistaken me for someone else but I am not her. And besides, I have someone."

Napataas ang kilay ni Tara nang tumingin sa kanya ang pinsan. Humakbang ito papalapit sa kanya habang nagsasalita ng tahimik. Napakunot-noong binabasa niya ang sinasabi nito.

"Play along," bulong ni Krishia kay Tara nang makalapit.

"This is my partner and we've been together for five years. Imposibleng maging girlfriend mo ako, Mister."

Kamuntikan nang matawa si Tara sa sinabi ng pinsan. Ngunit pinisil nito ang kanyang braso at halos bumaon pa ang kuko sa kanyang balat kaya pilit siyang sumeryoso at kunwa'y nag-alis ng bara sa lalamunan.

"Leave her alone, bro. Have some respect," saad ni Tara na pilit na pinapalalim ang boses.

Tiningnan siya ng estrangherong lalaki mula ulo pababa kasabay nang pagrehistro ng disgusto sa mukha nito. Lihim siyang napangiwi nang maalala ang kanyang suot. Isang malaking t-shirt na maluwag na maluwag sa kanya, kupas na pantalon at rubber shoes. May suot pa siyang cap.

Hindi niya alam kung napaniwala ba nila ang estrangherong lalaki. Mukha naman siyang lalaki sa kanyang suot ngunit mukha rin naman itong matalino. Malaki ang posibilidad na mapansin nitong hindi siya lalaki.

"I'll be back," determindadong wika nito kay Krishia. Isang galit na tingin ang iginawad kay Tara bago tumalikod at malalaki ang mga hakbang na umalis.

Nang makalabas ang lalaki ay hindi napigilan ni Tara ang sarili at bumulalas ng tawa hanggang sa magtubig ang kanyang mga mata. Ni hindi niya pinansin ang mga taong kumakain doon at napapatingin sa kanya kaya hinila siya ni Krishia patungo sa pinakasulok na lamesang naroon.

Agad namang lumapit sa kanilang dalawa ang isang waitress at nagtanong kung ano ang gusto nilang kainin. Siya Krishia na ang nag-order ng pagkain sa kanilang dalawa dahil hindi pa tumitigil sa pagtawa si Tara.

Pinunasan ni Tara ang sulok ng mga mata nang humupa ang nararamdaman. Napatingin siya sa pinsan na nakaupo kaharap niya at nakahalukipkip habang nakatingin sa kanya. Halata ang pagkainis sa mukha, hindi niya matukoy kung dahil sa ginawa niyang pagtawa o dahil sa lalaki kanina.

"Tapos ka na?"

Tumango siya sa tanong nito at sinupil ang ngisi sa mga labi. "What was that?"

Isang buntung-hininga ang pinakawalan ni Krishia bago sumagot. "Two days ago when I bump into him, he was claiming that he knows me and that I am his girlfriend. Is he nuts? I don't even know him."

Biglang sumeryoso si Tara at tiningnan nang mataman ang mukha ng pinsan. "Hindi mo talaga siya kilala?" tanong niya sa nananantiyang tinig.

Lumarawan ang kalituhan sa mukha ni Krishia at sandaling natigilan na tila ba nag-iisip. "I... I don't know... I guess so."

Hindi alam ni Tara kung ano ang iisipin. Marahil ay magkakilala nga ang lalaki at ang kanyang pinsan. Krishia Winter had an amnesia. Halos isang taon na ang nakakalipas ay naaksidente ang minamaneho nitong kotse at under coma sa loob ng limang buwan. Nang magising ay wala ng maalala. Ang sabi naman ng mga doktor ay maaaring partial amnesia lang iyon at muli ring babalik ang ala-ala nito kalaunan, 'wag lang daw puwersahin.

Sa paglipas nga ng mga buwan ay unti-unting bumabalik ang ala-ala ni Krishia, lalo na't may nakikita siyang mga bagay na konektado sa mga nakalimutan niya na nagpapaalala sa kanya. Sa kasalukuyan ang tanging mga ala-ala noong kabataan ang bumabalik rito at umaasa silang maibabalik ang lahat nang nawala kay Krishia sa mga susunod na araw, o buwan, o 'di kaya'y taon.

"Baka kilala mo nga?"

Iniling ni Krishia ang ulo at bumuntung-hininga. "I don't want to talk about him, sumasakit ang ulo ko."

Hinayaan na lang ito ni Tara at iniba ang usapan. Nang maisilbi ang pagkain nila na personal pang ibinigay ni River—ang asawa ni Luke Nicholai na kapatid ni Krishia at pinsan ni Tara, niyaya nila itong sumabay sa kanila sa pagkain.

Iyon talaga ang ipinunta ni Tara doon, ang mga pagkain. Aside from painting, eating was her second favorite and sleeping comes third. She was inside her studio the whole day. Hapon na nang lumabas siya ng bahay at tumungo roon sa restaurant na pag-aari ng kanyang pinsan na minana nito sa ama. Wala rin naman ang kanyang Mommy at Daddy sa bahay dahil lumabas ang dalawa.

Pagkatapos kumain ay niyaya niya ang mga itong uminom na agad namang sinegundahan ni Krishia. Hindi nila maaaring isama si River dahil kakapanganak lang nito kaya silang dalawa lang ni Krishia at pumunta sa isang tahimik na bar upang uminom.

Halos dalawang oras silang nanatili roon bago nagkanya-kanya ng uwi. Pagkarating niya sa bahay ay tahimik na at natutulog na marahil ang mga kasama.

Dumiretso siya sa kanyang silid at agad na humilata sa kanyang kama. Hindi naman siya nalasing ng sobra dahil sa mga naimon ngunit dahil sa pagkahilo at pagod ay agad siyang nakatulog.

KONTENTO sa katahimikang pumupuno sa loob ng kanyang studio si Tara habang nakaupo sa sahig at nakaharap sa canvas na nakasandig sa dingding. Ang kanyang kamay ay banayad at eksperto ang mga galaw habang nagpipinta.

Sandali siyang tumigil, ibinaba ang hawak na paint brush at tinitigan ang ipininta na kaunti na lang ay matatapos na niya at maibibigay sa mag-asawang Red at Cameron kapag nakabalik na ang mga ito mula sa honeymoon. Ikatlong painting na niya iyon sa kasal ng kanyang kapatid at sister-in-law. Nasa simbahan ang setting habang nasa altar ang ikakasal. Nakita niya iyon sa larawang kinunan nang hinire nilang photographer sa kasal at agad niyang ipininta. She was happy with the result so far.

Naipinta na niya ang reception at ang portrait nina Red at Cameron. Ang nasa harapan na lang niya ang kanyang tinatapos.

Napabaling si Tara sa direksiyon ng pinto nang bumukas iyon na rinig na rinig dahil sa katahimikan. Nang makita ang lalaking papasok ay kumunot ang kanyang noo sa pagtataka kung bakit ito naroon.

"What are you doing here?" tanong niya kay Harrison na humakbang palapit sa kanya. Tumigil ito sa kanyang tabi at umupo.

"Wala akong ginagawa sa bahay. I got bored, so..." anito sabay kibit ng mga balikat. "That's beautiful."

"At dito pa talaga ang napili mong puntahan?" sarkastikong turan niya na hindi pinansin ang pagpuri nito sa kanyang painting. Bumalik sa kanyang ginagawa at muling dinampot ang paintbrush. Hinayaan na niya si Harrison doon. His presence was becoming more tolerable.

"Tomorrow is our first tape. I'm nervous."

Pag-aamin ni Harrison kay Tara. "You've been doing it for years and you're still nervous?" Nakakunot ang noo ni Tara ngunit nanatiling nakatutok ang kanyang mga mata sa pagpipinta.

"Hindi naman mawawala ang kaba. Maybe in your case, you don't feel nervous at all when you're painting and doing your job because you are amazing and you're good at what you're doing. I always see that..." Parang lumukso ang puso ni Tara sa narinig na papuri kay Harrison. Noon pa man ay sinusuportahan na siya nito sa pagpipinta ngunit bihira nitong sabihin na magaling siya. "But that's not the case for me. I still feel insecure about things, what if I am not good enough in acting and they just wanted me because of my appearance? What if I can't meet my fans' and my co-actors' expectations?" Bumuntung-hininga si Harrison at sandaling tumigil. "Honestly, I've been feeling indifferent with my job lately. Pakiramdam ko nawala na ang thrill, the rush of adrenaline is gone. Hindi na masaya gaya noong una, nakakaramdam na ako ng pagod, hindi lang katawan pati utak.

"I'm starting to realize that there are things that are more important, mga bagay na dapat pagtuunan ko ng pansin."

"Things like what?" she asked.

"Things like this," Harrison answered and pointed his finger at the painting in front of them.

Sandaling natigilan si Tara at tinitigan ang masayang mukha ng kanyang kapatid at ni Cameron habang magkaharap sa harap ng altar. Sa unang tingin pa lang ay makikita na kung gaano nila kamahal ang isa't isa at gaano sila kasaya. And that was what missing in Harrison's life, he wanted that.

"I'm not getting any younger. I'm thirty and I also want to experience what most men experienced. Going home with someone, eat with her, sleep with her and wake up the next morning with her next to my pillow."

Magkasabay na napabuntung-hininga sina Tara at Harrison. "Then marry someone, your problem's solve."

"It's not that easy."

Hindi sumagot si Tara at nagkibit na lang ng mga balikat. Sandaling natahimik si Harrison sa kanyang tabi kaya hinayaan niya ito. Ngunit pagkalipas ng ilang sandali ay muli nitong binasag ang katahimikan.

"Have you ever thought of getting married?"

"No," mabilis niyang sagot na sinabayan pa ng iling. Ni hindi pa pumasok sa kanyang isipan ang pagpapakasal, hindi siya interesado roon. "I can't be married."

"Why?"

"I just can't."

"Because same-sex marriage is not allowed in the country?"

Tara rolled her eyes. Hindi talaga makakalimutan ni Harrison ang nangyari noong college siya. Nalaman nitong may relasyon siya sa isang babae ngunit hindi naman nagtagal ang relasyon nila ng babaeng iyon. Sinubukan lang niya, sinubukan niya kung ano ang kanyang mararamdaman dahil noon ay hindi siya sigurado sa kanyang sarili kung ano talaga ang gusto niya.

Hindi pa siya nai-inlove sa isang lalaki ngunit humahanga naman siya sa mga ito. Subalit sa kanyang kalituhan ay napapatingin din siya sa mga magagandang babae. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sexual orientation.

Tanging si Harrison lang ang nakakaalam tungkol sa pakikibagrelasyon niya sa isang babae noon. Hindi naman nito sinabi sa iba na lihim niyang ipinagpapasalamat. Kapag nalaman iyon ng kanyang Mommy ay siguradong magagalit ito. Highschool siya ng paputulan niya ang kanyang buhok na labis na dinamdam ng kanyang Mommy. Pinagalitan siya nito, pagkatapos ay umiyak.

"Yeah," she answered sourly at Harrison's question.

Natahimik na naman si Harrison at nag-isip bago muling nagtanong sa kanya.

"I have a friend..."

"Ows? Anong kinalaman ko sa kaibigan mo? Kilala ko ba?"

"No, but I want to hear your opinion... He is... he is in love with someone for a very long time but he can't tell her what he feels."

"Can't? Or won't?"

"Can't. He can't tell her because he is afraid that she might not feel the same way he feels toward her. She's his best friend and he is afraid that she will distance herself to him after he confessed. What will he do?"

Naintriga si Tara sa itinanong ni Harrison at itinigil ang ginagawa. Ipinatong niya ang isang siko sa kanyang hita at hinimas-himas ang kanyang baba at nag-isip. Hindi siya eksperto sa mga ganoong bagay pero may alam naman siya, tsaka sabi nito kailangan nito ng opinyon niya. Isa iyon sa mga bihirang pagkakataon na nag-uusap sila ni Harrison nang hindi nagkakaasaran kaya pagbibigyan niya ito.

"Timbangin niya. Siguraduhin niya munang pagmamahal bilang isang lalaki sa isang babae ang nararamdaman niya at hindi bilang magkaibigan o magkapatid. Kung sigurado na siya nasa kanya 'yon kung ano ang susunod niyang hakbangin. If I am him, I will keep my feeling towards her to myself. We're friends for how many years and I cannot afford to lose that friendship just because I confessed. Well, that is my opinion, I'm not that romantic anyways." Ikinibit ni Tara ang balikat at tumayo. Nag-inat siya ng katawan upang maibsan ang pangangalay.

Kapagkuwan ay niyuko niya si Harrison na nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung guni-guni lang niya o nakita niya talaga ang lungkot sa mga mata nito dahil agad itong nag-iwas ng tingin at tumayo na rin.

"Tell your friend I said good luck," saad ni Tara at tinalikuran na si Harrison upang lumabas. Nagugutom siya kaya kukuha muna siya ng makakain sa kusina.

Napabuntung-hininga si Harrison na naiwan sa loob. Muli siyang napatingin sa painting at isang malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi.

"See, it's not that easy, Violet."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.