NAPAILING-ILING si Tara nang makita si Harrison na papalapit sa kanya. Abot tainga ang ngiti nito kahit alam niyang pagod ito sa ilang oras na taping ng araw na iyon.
Hindi na niya ito sinita nang yakapin siya nito ng mahigpit nang tuluyang makalapit. Kapagkuwan ay hinawakan siya sa balikat, bahagyang inilayo mula rito at pinasadahan siya ng tingin.
"You're here," he exclaimed in amusement.
"Obviously," she muttered and rolled her eyes. Umatras siya ng bahagya upang makawala rito dahil nakikita niya mula sa gilid ng kanyang mga mata ang mga kasamahan nito sa trabaho na napapatingin sa kanila.
"Let's go to my tent." Harrison held her wrist and pulled her towards his tent, where his team was.
Tinanguan at nginitian ni Tara ang mga nandoon. Halos kilala niyang lahat ng mga nasa team ni Harrison at kasundo rin kaya hindi siya masyadong naiilang sa presensiya ng mga ito. Subalit hindi pa rin siya ganap na komportable na nandoon sa set ng mga ito.
She was finding subjects for her painting for the exhibit for a cause organized by Lian Dela Cerna's team. She decided to take an out of the town trip, maganda iyong paraan upang may maipinta siya. Nabanggit niya ang plano niyang iyon kay Cameron nang tumawag ito mula sa honeymoon nito at ng kanyang kapatid. Sinabi nitong puwede niyang gamitin ang vacation house na namana nito sa ama na agad naman niyang tinanggap. Hindi niya inaasahang ang address niyon ay kapareho ng location ng shooting nila Harrison.
Pag-alis niya ay pinadalhan siya ng kanyang Mommy ng mga lutong pagkain at ibinilin sa kanyang ibigay iyon sa paborito nitong inaanak. Kaya narito siya ngayon sa set nila Harrison na kakatapos lang mag shoot ng isang eksena.
Dalawang linggo nang huli silang magkita dahil naging abala na ito sa trabaho. Ngayon ay nakikita niya ang pagod sa mga mata nito bagaman ay nakangiti sa kanya.
Ibinigay niya sa assistant nito ang dala niyang pagkain, agad namang nagpasalamat si Harrison na tuwang-tuwa sa mga pagkain.
"What are you doing here?"
Sinabi niya rito ang dahilan kung bakit siya naroon. Doon niya naramdaman ang kapaguran dahil sa ilang oras na biyahe sa bus. Yes, she took the bus, she doesn't drive and of course, she doesn't own a car. It was exhausting and instead of resting at Cameron's vacation house, she traveled for another thirty minutes to get to the exact location of the shooting.
"Hindi na ako magtatagal, I'm tired." She will take a rest for the rest of the day, then tomorrow and the day after, igugugol niya ang oras sa pamamasyal sa lugar na iyon na may malamig na klima dala ang kanyang camera.
"Ihahatid na kita. My scenes were done for today."
"'Wag na. Bye," she said nonchalantly and then walked outside his tent. Nasalubong pa niya ang assistant ni Harrison na lumabas kanina. Nginitian niya ito at nagpatuloy sa paglakad.
Tumayo siya sa gilid ng kalsada upang maghintay ng masasakyan nang tumunog ang langit. Napatingala siya roon at napangiti, makulimlim, nagbabanta ang langit ng pag-ulan. She loved the rain since she was a kid and nothing changed now.
Nailahad niya ang kamay nang paisa-isang pumatak ang ulan na sinasalo ng kanyang mga palad. Kapagkuwan ay ipinikit niya ang mga mata habang nakatingala. Ninamnam ang pagtama ng ulan sa kanyang mukha.
Isang busina ang pumukaw sa kanya at nang magmulat ng mga mata ay nakita niya ang pamilyar na sasakyan ni Harrison. Bumukas ang passenger's seat sa may direksiyon niya at bahagyang nanungaw ang binata.
"Get in!"
Napailing-iling na lang siya. Hindi niya gustong magpahatid dito dahil hindi niya gustong makaabala. She knew he was tired and she doesn't want to inconvenience anyone, but Harrison was Harrison. Stubborn and persistent as a mule.
Sumakay siya sa loob ng sasakyan at agad naman siya nitong inabutan ng tissue bilang pamunas sa bahagya niyang nabasang katawan.
"It's thirty minutes drive." Sinabi niya rito ang kinaroroonan ng vacation house ngunit desidido talaga itong ihatid siya.
"Fastened your seat belt," walang-anumang sabi ni Harrison at pinaandar ang sasakyan matapos tumalima ang dalaga.
Naging tahimik ang kanilang biyahe. Si Tara ay nakatutok ang mga mata sa labas ng sasakyan at pinanood ang pagtama ng mga patak ng ulan sa salamin.
The rain may bring melancholy to everyone, but not to her. The rain calmed her, they hammered a beat on the roof of the car as they poured down and it was like a lullaby that she felt drowsy all of a sudden.
She leaned on the car seat and her eyes slowly shut close.
NANG MAGISING si Tara ay nasa loob na siya ng isang silid. Binuksan niya ang kanyang travelling bag na nasa paanan ng kama, kumuha siya ng pamalit bago nagtungo sa loob ng banyo.
Pagkatapos niyang maglinis ng katawan ay lumabas siya sa loob ng inuokopang silid. She was walking down the stairs from the second floor when she saw the fire from the furnace.
So, he stayed.
Agad niyang nakita si Harrison na nakatalikod sa kanyang direksiyon at paupong nakaharap sa pugon habang may tangan na wine glass sa isang kamay.
Dumiretso siya sa kusina at tumaas ang kilay nang makita ang pagkaing naroon. Iyon ang ipinadala ng Mommy niya para rito, bawas na ang mga pagkain na malamang ay ito ang kumain.
Tumunog ang kanyang tiyan at napangiwi. Umupo siya sa harap ng hapag at kumain, pagkatapos ay hinugasan ang pinagkainan at lumabas ng kusina.
Nagpakawala siya ng isang buntung-hininga at sandaling tumigil sa paglalakad at pinagmasdan ang nakatagilid na mukha ni Harrison. He looked troubled and tired while drinking.
May puwersang bumubulong sa kanya na lumapit dito at magtanong kung ano ang nasa isipan nito. Sa bandang huli ay umupo siya sa tabi ni Harrison na nasaktuhan niyang nagpakawala ng malalim na hininga.
Dinampot niya ang bote ng wine na nasa gilid nito, kaunti na lang ang laman niyon kaya doon siya tumungga. She closed her eyes when she felt the tartness of it in her throat.
"Do you think that I'll be good at something else than in front of the camera?"
Naimulat niya ang mga mata dahil sa tanong ni Harrison gamit ang mahinang tinig. She tilted her head at her side and saw him looking straight at the fire in front of them, but the look in his eyes was far away.
"You're good at pissing me off," she answered and almost smiled when he chuckled.
Harrison looked at her and his eyes danced in amusement. He fondly ruffled her hair and she glared at him after pushing his hand off her hair.
Kinuha nito ang hawak niyang bote ng wine at sinalinan ang hawak nitong wineglass bago ibinigay sa kanya na pahablot niyang tinanggap.
Kapagkuwan ay muling bumalik ang kaguluhan sa mga mata ni Harrison at humarap sa pugon na para bang naroon ang mga kasagutan sa mga tanong.
"I am thinking of quitting," he declared.
"What?" Nangunot ang noo ni Tara at hindi malaman kung ano ang iisipin. As far as she remembered, Harrison loved being in front of the camera. What changed now? "Why?"
"The thrill, the excitement, the contentment, it was missing now. Earlier, we had to take my scene a couple of times because I cannot give the emotion that my character should give, and I sometimes missed my lines... The feeling of satisfaction was nowhere to be found. I'm tired, I'm not happy anymore. I'm starting to crave things that most adults wanted. Family, stable career. Acting and modeling are not a lifetime jobs. I know at some point in my life, the fans will grow tired of me. Maraming mga bagong artista ngayon, mas bata, mas magaling, hindi habang buhay ay hahangaan ako ng mga tao. Hindi habang-buhay ay gugustuhin kong magtrabaho sa harap ng camera."
Nakaramdam ng lungkot si Tara dahil sa narinig mula rito. Hindi niya alam na may ganoong pinagdadaanan pala si Harrison. Si Harrison na palaging nakangiti, na kapag nakakahanap ng pagkakataon ay nang-iinis sa kanya, si Harrison na hinahangaan ng lahat dahil sa positibong pananaw sa buhay.
"I want to quit... But I'm afraid. What if I can't do good at some other things? What if my feelings were just temporary? What if I'm just tired but I don't really want to quit? Paano kung hanapin ko ang trabahong meron ako ngayon kapag nagretire na ako? Or maybe I am just scared to try new things?"
"Perhaps you do. I got scared of trying new things too. But you know what? Being scared is a part of our lives. In feat, we found courage. It's normal to feel scared because we're human and we don't know what will happen tomorrow or what the future will bring to us. Walang kasiguraduhan kaya nakakatakot. But what's important is you have the courage to try new things that you wanted to try, to have the courage to follow what your heart desires. You may stumble and fall or rise on the podium as an outcome, but at the end of the day, you have learned something. Iyon naman ang mahalaga, iyong may natutunan ka dahil sinubukan mo kahit walang kasiguraduhan ang magiging resulta," mahabang turan niya. Muling luminga sa kanya si Harrison at tinitigan ang kanyang mukha. Hindi siya nag-iwas ng tingin kahit na nakakaramdam siya ng pagkailang na ngayon lang nangyari sa kanya. "What?"
A soft smile was engraved on Harrison's lips and bump his forehead to her making her confused. The sudden hard beating of her heart was confusing.
Hindi niya magawang lumayo nang pagdikitin nito ang kanilang mga noo. He sighed softly and his breathing fanned her skin before he closed his eyes.
"You made me feel better," he muttered in almost a whisper.
Siya na hindi na nakayanan ang sobrang lapit nito ay tumaas ang kilay at itinulak ito palayo sa kanya. "Of course! What do you take me for? I'm good at giving advice," she said, faking her smugness to hide the tension inside her.
"Yeah. You do."
Her eyebrows raised a level when he agreed to her. Most of the time, Harrison was contradicting her and pissing her off. "Wow!"
Muli na naman itong tumawa kaya nag-iwas siya ng tingin dito at uminom sa hawak na wineglass at sinaid ang laman niyon.
"Hindi ka pa ba aalis?" tanong niya pagkalipas ng ilang sandali.
"I'll spend the night here."
Nagkibit siya ng balikat, ibinigay rito pabalik ang hawak na wineglass at tumayo. "I'm hitting the sack." Mabilis siyang tumalikod at humakbang pabalik sa itaas upang makapagpahinga nang magsalita si Harrison.
"Good night, Violet."
Lumingon siya rito at itinago ang pagkagulat nang makita ang paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. Malamlam ang mga mata na para bang may gustong sabihin ngunit hindi nito masabi-sabi at hindi niya magawang basahin.
"G-Good night." She bit her lip for stammering before climbing the stairs.
SA SUMUNOD na dalawang araw ay nilibang ni Tara ang kanyang sarili sa pamamasyal at pagkuha ng larawan sa bawat lugar na kanyang pinuntahan. Pagbalik niya ay marami siyang ipipinta dahil marami siyang magagandang tanawin na nakita.
Kahit na mag-isa ay nag-enjoy siya sa tatlong araw niya sa lugar na iyon. Hindi siya puwedeng magtagal pa kaya tatlong araw lang siya roon.
Madaling araw siya aalis pabalik at nang paggising ay naratnan niya si Harrison sa bahay ni Cameron na nagboluntaryo na ihatid siya sa sakayan ng bus.
"You don't have to do this," aniya sa binatang nagmamaneho.
"I want to," sagot nito sa seryosong tinig. Sandali siyang sinulyapan at muli rin namang ibinalik ang paningin sa kalsada.
Nang makarating sa bus station ay nagpasalamat siya rito bago lumabas ng sasakyan.
"Thank you and good luck." Binuksan niya ang pinto ng sasakyan subalit bago tuluyang makalabas ay hinila siya ni Harrison sa braso at ipinaloob sa mga braso nito.
"Mag-iingat ka pabalik," bulong nito sa kanya nang may lamig ang boses. O baka nagkamali lang siya ng dinig?
"Y-Yeah. I will..."
Lihim siyang nagpasalamat nang pakawalan siya nito. Hindi niya magawang salubungin ang mga mata ni Harrison kaya mabilis siya lumabas ng sasakyan at isinarado ang pinto kasabay nang pagkunot ng kanyang noo.
She hated Harrison for confusing her and causing the strange emotions she hadn't felt before towards him or anyone. She can't explain why the sudden feeling of uneasiness with his presence. Maybe she was just feeling sympathetic towards him?
"Yeah, it's just sympathy, Tara Violet," pangungumbinsi niya sa kanyang sarili, pagkatapos ay bumuntung-hininga ng malalim.