Chapter 27

"Hey, Sav. Kausapin mo naman ako," nagmamakaawang saad ng lalaking nasa harap ko.

Umiling ako sa kaniya at sinamaan ng tingin, "Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Umalis ka na hindi ba? Kaya ano pa ang saysay ng pag-uusapan natin? I've moved on!" I sad madly at him.

Hinawakan niya ang kamay ko na siyang nagpaingay ng mga kaklase namin sa loob ng classroom. "Don't you love me anymore, Sav?" he asked and when I looked at his eyes, I can't even determine what was that all about.

"Maawa ka naman sa sarili mo, Jimrey. You've done enough and so do I. Ayaw ko nang ipagkanulo ang aking sarili sa taong una pa lang ay sinukuan na ako," I said and walked away.

Tumiling muli ang mga kaklase namin dahil sa acting naming dalawa ni Jim. Yeah, that was all an act. Para lang may maging grado kami rito sa KomFil na siyang asignatura namin.

"Hala! Ang galing n'yong um-acting ah," pagpuri ng kagrupo namin na siyang gumawa ng script naming dalawa ni Jim.

I can't even look at Jim because ngayon na lang kami muling nagkausap. It was already January in another year and another semester for us. Ang tagal na rin pala na hindi ko inakalang ilang buwan kaming hindi nag-usap ni Jim.

Ilang buwan na lang at magbabakasyon na naman. At iniisip ko pa lang nag magbabakasyon na ay kinikilig na ako. Alam mo kung bakit? Kasi akala ko susukuan ko kaagad ang kursong kinuha ko.

But yeah, God really was good. He gave me the strength to hold on to my dreams and to my goals.

"Akala ko ay totoo ang mga salitang binabato n'yo sa isa't isa." aniya ng lider namin kaya yumuko ako sa sinabi niya.

"Though those lines before Jimrey asked you if you still loves him was on the script! Grabe! Naisip ko na bagay kayong dalawa para sa isang pelikula," tuwang-tuwa niyang dagdag.

"Teka nga, ba't parang hindi naman kayo masaya sa isa't isa?" takang tanong ng isang kamyembro namin na siyang um-acting bilang isang malapit kong kaibigan kanina.

"Hindi ah, masaya ako." I told her and forced a smile.

"Grabe 'no, hanggang ngayon ay napabilib n'yo talaga kami." sambit ulit ng lider kaya naiilang na lang akong ngumiti.

Nagtama pa ang tingin namin ni Jim kaya umiwas kaagad ako. May nakita naman akong ngiti sa mukha niya dahil sino ba naman ang hindi matutuwa roon sa acting naming dalawa?

Ni-hindi ko nga alam kung saan ako humugot ng lakas para roon. Basta ang alam ko ay gagawin ko ang lahat para sa uno.

Lumabas na rin ang guro namin kaya kaagad kong sinukbit ang aking bag saka maglalakad na sana palabas ng classroom nang biglang hihain ni Jim ang palapulsuhan ko. Tiningnan ko siya ngunit nang may nagtatanong na mukha ngunit napaiwas din siya.

But then, he still looked straight to my eyes and I saw sadness on it. Napatingin akong muli sa palapulsuhan kong hawak-hawak niya kaya binitawan niya iyon kaagad.

"Can we talk?" tanong niya sa akin.

Napatingin ako sa paligid namin at ang ibang mga kaklase namin ay kunyaring bumalik sa kani-kanilang ginagawa. I knew what they are thinking. Ngayon na lang kami nagkausap ni Jim sa loob ng apat na sulok ng kwartong ito kaya nakakapanibago.

I guess, they were already thinking that there was really something happened between us.

I nodded at him and immediately walked out of the room. Nakasunod naman siya sa akin sa aking likod. Bumaba kami ng building saka ako pumunta sa gilid ng Mechanical Engineering building at doon ko siya hinarap.

"Sabihin mo na ang dapat mong sabihin," I told him and looked at him.

He held my hand and caressed the back of it by his thumb. Naiilang ako sa kaniyang ginawa ngunit hindi ko naman iyon mabawi sa kaniya.

"I'm really sorry what I've done the past months." sinserong sabi niya kaya tumango ako sa kaniya.

"I told you already that I accepted your apology," I told him.

"But I knew that you still have grudges on me. Hindi ba?" tanong niya saka tiningnan ako nang diretso sa aking mga mata.

Umiwas kaagad ako saka napatingin sa kamay kong hawak-hawak niya.

"Sa tingin mo ba ay madaling makalimutan ko kaagad ang mga salitang binitawan mo, Jim?" I asked still looking at my hand.

"I know and I'm really sorry. This time, I mean it." he said sincerly. "Sir Octav already talked to me months ago, but I couldn't have a timing to talk to you. Palagi mo kasi akong iniiwasan."

Nang mabanggit niya ang pangalan ni Octav ay napatingin ako sa kaniya. "What do you mean he talked to you?" I asked.

"I tried to warned him that I'm going to spill the news about your relationship." sambut niya at napangiti pa siya.

"Ano?!" inis kong sigaw sa kaniya at hindi makapaniwala.

"Hey, calm down." sambit niya ngunit ako ay hindi pa rin mapanatag.

Anong isusumbong niya ang relasyon namin ni Octav? Gago ba siya?!

"I was madly in love with you that time and I can't accept the fact that another woman I like has another guy. Hindi ko iyon matanggap dahil palaging iyon na lang ang nangyayari sa akin." malungkot niyang saad.

Hindi ko tuloy alam kung magagalit ba ako o maaawa sa kaniya ngayon.

Of course, who would not get mad when he tried to spill a news about my relationship with Octav?!

" Sa sobrang kadesperaduhan ko ay tinakot ko siya. But funny it is, do you know what he answered?" natatawa niyang sabi kaya kaagad akong umiling.

"He told me that he was ready to sacrifice his profession in exchange of your relationship. Napakagago ko naman yata kung isusumbong ko sa Dean ang relasyon n'yong dalawa gayong hindi naman niyon naaapektuhan ang sinoman sa ating klase," he said with full of sincerity.

"Bakit mo naman kasi gustong sabihin iyon sa Dean? Our relationship has nothing to do with you!" inis kong sabi sa kaniya kaya napailing siya sa akin.

He cupped my face using his left hand, "Kaya nga hindi ko ginawa dahil alam ko kung gaano kaimportante ang trabaho na mayroon siya. If I ruined his profession as long as your relationship, I knew that it will not do good on me. Konsensya ko 'di ba?" sambit niya saka ngumiti.

"Kaya sana ay mapatawad mo ako kung napagsalitaan kita nang masama." he said and smiled at me.

Umiwas ako ng tingin ngunit napabaling din muli sa kaniya.

"Can we still be friends?" tanong niya.

Tatanggapin ko ba ang alok niya?

"Yes," I said and smiled at him.

We shook our hands and laughed at each other. Mukha kaming tanga dahil sa pagkamayan.

"But make sure that you will not do it again, even to others that you like. And yeah, you're right it has nothing do with you. At hindi ka naman papangitiin ng konsensya mo," I told him intently.

Sa pag-uusap naming iyon ay naayos na nga ang gusot naming dalawa. Akala ko ay ayos nang tanggap niya na ang nangyayari sa aming dalawa ni Octav dahil siya lang naman kasi ang nakakaalam tungkol doon.

At wala pang ibang nakakaalam sa relasyon naming dalawa ni Octav kung hindi ay siya lang. Ngunit nagulat na lang ako nang may itanong sa akin ang isa sa mga kaklase ko.

"May relasyon ba kayo ni Sir Octav?"

"Huh?" maang-maangan kong tanong sa kaniya at umiwas ng tingin.

"I saw you yesterday holding hands, doon sa mall." sambit niya kaya muntik ko nang maibuga ang iniinom kong tubig.

"Baka guni-guni mo lang iyon," I told her but instead of answering me, she showed a picture of us.

It was clearly captured and it was identifiable that it was us. I was wearing my sqaure pants and a spaghetti top partnered with white shoes. Hindi ko tuloy alam kung ano sasabihin sa kaniya.

"Sabi na eh! Confirm!" aniya at saka tuwang-tuwa pa sa akin.

Hindi ba dapat ay galit siya?

"Ang lagkit-lagkit kasi ng titigan n*yong dalawa palagi ni Sir. And the moment I heard him called you baby, I knew that there was something between on you two." ngingiti-ngiti niya pang sabi.

Mas lalo pa akong nailang dahil sa sinabi niyang ang lagkit ng titigan namin ni Octav.

"Bagay nga kayo at perfect chemistry kayong dalawa," she added that made me shyly smiled at her. "Don't worry because I won't tell this to anyone. At saka wala namang masama sa relasyon n'yong dalawa ni Sir Octav as long as he won't give you special treatment in our class, I mean academically." sambit niya nang ngiting-ngiti pa sa akin.

"Sorry, wala naman kasi kaming dalawa ni Octav." sambit ko sa kaniya nang biglang may umupo sa tabi ko at saka sinubo pa sa kaniyang bunganga ang hawak-hawak kong lumpia.

I looked at him and rolled my eyes, "That was my food!"

"Masamang pinaghihintay ang pagkain, love." he sweetly told me.

Nang dahil tuloy doon ay mas lalong kinilig si Veronica na siyang nasa harapan naming dalawa ni Octav.

Octav looked at me and kissed me on my cheeks that I wasn' expecting! Kinurot ko tuloy siya sa kaniyang tagiliran dahil ang daming makakakita!

"What?" natatawa niyang tanong kaya nginuso ko si Veronica na siyNg masa harapan namin.

"Oh? Hello, Ms. Veronica!" nagagalak niyang nati rito.

"Hi, Sir Octav! Grabe namang swerte ni Savannah sa 'yo." sambit nito sa kaniya kaya nailang ako.

"Yah, thanks. And as amatter of fact, I was more blessed for having her. Just so you know," ani Octav at imbes na ako ang kiligin ay mas kinilig pa si Veronica.

"Okay sige, alis na muna ako Sav at Sir Octav. Happy lunch!" anito at saka umalis na.

I looked mad at Octav and rolled my eyes. Akala ko ay makukuha niya ang aking punto na nasa loob kami ng campus at maraming makakakita sa amin ngunit hindi siya tumigil sa pagiging sweet sa akin.

He even wrapped his arms on my waist. He then stared at me while I was eating my food that made me uncomfortable.

"Stop staring, will you? Nakakawalang kumain," saway ko sa kaniya ngunit hindi siya timigil.

"Ba't ako titigil sa kakatitig sa magandang binibini na nasa tabi ko ngayon? It was so amazing to stared at, baby." he sweetly said and stay still on staring at me.

Tumunog ang cellphone ko, hudyat na mayroong nag-text at si Haisely lang pala iyon. She texted me that he will joined me on eating her lunch. Hinintay na lang namin siya ni Octav at laking gulat ko nang may kasama rin pala siya.

It was her boyfriend, Aziel.

"Hello!" I greeted them.

"Hi, Sa- ohh?" gulat niyang salita nang makita si Octav na nasa tabi ko. "Legal na kayong dalawa rito sa BUCENG campus?" tanong niya sa akin kaya umirap ako.

Nang-asar pa talaga, eh nababanas na nga ako sa paninitig nitong lalaking nasa tabi ko!

"Hello!" Octav greeted them and made made high five with Azi.

"Kain na muna kayo," sambit ni Octav sa dalawa.

Tumingin ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin, "How about you? Hindi ka ba kakain?" inis kong tanong sa kaniya dahil nang-aasar na naman siya!

"Makita ka lang ay busog na ako, baby." malambing niyang tugon sa akin kaya kinurot ko lang ang kaniyang tagiliran.

"Luh!" reaksyon ni Haisely nang marinig ang sunabi ni Octav. "Kailan pa naging kayo?" seryosong tanong niya kaya kaagad akong umiling.

"Tsk," I heard Azi whispered and grinned at Octav. "You're so slow. When will you ask her hand for a yes, Octav? You're about to leave her in a few months yet you're still not together."

Matapos bitawan iyon ni Azi ay napailing-iling siya kay Octav. Pasikreto namang kinurot ni Haisely ang tagiliran nito dahil sa kaniyang sinabi.

"I'm not pressuring her, Azi. Just wait for it," Octav said with smile on his face.

***

From: Octav

Hintayin kita mamaya sa baba ng building. Is that okay with you?

I immediately replied on Octav's text message while we are still inside our class. Pasikreto lang naman iyon kaya hindi naman makikita ni Ma'am. I eventually put back my phone on my pocket and can't wait for this class to end.

Last subject na namin ito sa araw na ito kaya naman uwing-uwi na ako. Especially that my face human was waiting for me after this class.

"Class dismissed," our Professor announced that I have been waiting for.

Napangiti ako kaagad nang dahil sa kaniyang sinabi at napahinga nang malalim dahil doon. Finally! This finally ended and I survived!

Kaagad kong inampake ang aking gamit saka umalis na kaagad ng classroom nang marinig ko pa ang sigaw ni Jim ng aking pangalan. "Wait, Sav!" he called.

Kaya kahit na sobrang sabik akong mkasama si Octav ay huminto ako para harapin siya, "What is it?" I asked him.

"Wala lang," natatawa niyang aniya kaya napairap ako. "Masyado ka naman yatang excited na makita siya ah," wika niya kaya ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi.

"Yes," I laughed a bit and smiled at him. "I have to go, Jim! Ingat ka," I said and walked fast as I could to the groundfloor of the building.

Hindi pa nga ako tukiyang nakakababa sa hagdanan ng first floor ay kita ko na kaagad ang magandang imahe ng kaniyang katawan. He was leaning forward on the railings of the building. I saw him looked at his wrist watch that made me smiled.

Pinanood ko siyang tingnan ang kaniyang relo at hindi ko mapigilang mapangiti. This was the time of my life that even though my school works are stressing, I can still manage to smile because of him.

I feel so blessed having him on my side.

Ilang segundo lang nang tingnan niya ang kaniyang relo ay napatingin siya sa direksyon ko. My eyes suddenly widen when I was about to fell on the stair. Mabuti na lang talaga ay nasa harapan ko na siya no'n kaya naman ay nasalo niya kaagad ako.

Napatitig ako sa kaniyang mukha at walang kahit na sinoman ang makakapantay roon. He was the only man who made me feelthat I'm worh it. That I was also capable of the word called love that overly rated.

"Hey! Please be careful next time!" aniya nang inaayos ko na ang aking sariki na muntik nang mahulog sa hagdan. "Paano na lang kung wala ako rito sa harap mo para saluhin ka?" inis niyang saway sa akin ngunit ngumiti lang ako sa kaniya.

"Mahuhulog na pero nakuha pang ngumiti!" asik niya pa sa akin kaya pinaghawak ko na lang ang kamay naming dalawa at saka hinatak siyang maglakad na.

I can see some students from our department merely looking at us and feeling amused because of what we are doing. But I don't care about it. Wala naman silang magagawa pa eh!

Tumingin ako kay Octav at natawa na lang dahil sa reaksyon na mayroon sa kaniyang mukha. He looks so confused with my actions.

"Ikaw lang yata ang nakita kong natawa pa kahit muntik nang mahulog sa hagdan," wika niya kaya mas lalo akong natawa.

"Yeah, I think I'm already crazy." I said and clung my arms on his.

"Kaka-engineering mo 'yan o kaya ay dahil sa calculus." supladong sambit niya ngunit hinayaan ko lang iyon.

Nang makarating kami sa harap ng kotse niya ay pinagbuksan niya ako ng pinto at saka ako pumasok doon. I smiled at him and said thanks to him.

"Ganiyan ka talaga kasaya ngayon, huh?" iiling-iling niyang sabi kaya mas lalo akong napangiti. "Is there something happened good to you?" tanong niya kaya umiling ako.

"Bawal na ba ang maging masaya ngayon?" Irap ko sa kaniya.

"Hindi naman, nahihiwagaan lang ako sa mga ngiti mo. May balak ka bang sagutin na ako ng yes?" tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"No!" agaran kong sagot at napalakas pa ang boses ko kaya napatawa siya. "Parang may bago mali kapag masaya ako?" inis kong sabi sa kaniya.

"Tsk, palagi kayang mainit ang ulo mo sa akin o kaya naman ay palagi kang seryoso kapag ako ang kausap mo." he said and started the engine of his car.

"Pero sabagay, sino ba naman ang hindi iinit ang ulo sa dami nang ginagawa sa engineering?" tatawa-tawa niya pang dagdag.

"Whatever," sabay naming sabi kaya natawa na lang kami.

"Babe, I have a question." he suddenly asked that made me looked at him.

"What is it?" I asked him back.

"I have a question to you and you are only allowed to use your fingers." he instructed, kaya tumango naman ako kaagad. "What us the sum of 1 and 4?" he asked.

"Seryoso ka na sa tanong mong 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

I even laughed at his question that made him looked at me and pouted. Cute!

"Yes, I'm handsome serious, Savannah Caroline!" he said and pouted even more.

Hindi ko tuloy mapaigilan ang itagilid ang aking pwesto sa inuupuan at hinarap siya.

"Sa handsome serious mo pa lang ay hindi na kapani-paniwala, Octav." I told him and laughed.

"Sige na, please." he said and made puppy eyes.

"Fine!" sambit ko kaya para na naman siyang nanlo sa loto. Akala mo ay isang bata na binilhan ng gustong-gustong laruan sa laki ng ngiti niya!

"Answer it using your left hand," tugon niya sa akin kaya itinaas ko ang kamay ko.

"One," I said and can't stop myself from laughing because of his stupid question. "Plus four?" I added.

Tawang-tawa kaming parehas dahil sa pinaggagawa ko. Para akong bata rito ah!

"The sum of 1 and four is five!" I said and pretended that I was a kindergarten answering the question of my teacher.

"You're cute!" aniya at saka tumawa nang bahagya.

"Talaga lang!" proud kong sabi sa kaniya.

Ibinaba ko na ulit ang kamay ko ngunit pinataas niya ulit iyon sa akin.

"Kapag talaga may ginawa kang masama, isasampal ko 'tong palad ko sa iyo!" pagbabanta ko sa kaniya.

"Of course you can't do that." he said and suddenly held my hand that made me giggled.

"Crazy, Octavius Reggie." I said while laughing at him.

"Kinikilig ka lang," he exclaimed but I just rolled my eyes on him.

Habang nagkakasiyahan kaming dalawa ay bigla na lang nag-ring ang cellphone ko at nang tingnan ko iyon ay si Haisely lang pala. I excysed myself from Octav, so he quietly drove the car.

"Nasaan ka?" bungad sa akin ni Haisely kaya naman ay napatingin ako kay Octav saka ibinalik ang tingin sa daan.

"I'm on my way home, why?" I asked her back.

"P'wede ba kayong dumaan sa hospital?" tanong niya sa akin kaya kumalabog kaagad ang dibdib ko.

"Bakit naman ako daraan sa hospital? Sino ang nandoon? Nasaan ka rin ba?" I continuously asked her.

"Si Kennedy," she answered nervously.

Mas lalo lang kumalabog ang puso ko dahil sa dalawang salita na sinabi niya.

"What about Kennedy?"

"Nasa hospital siya."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.