HINDI na matandaan ni Jace ang huling beses na sumundo at naghintay siya para sa isang babae. Usually, girls are the one who waited for him. Bago siya naaksidente ay masasabi niyang busy siyang tao. Ngayong naka-recover na siya ay masasabi niyang busy na ulit siya. Kahapon ay bumalik na siya sa trabaho. Naniniwala na naman siyang kaya niya. Walang naging problema sa kanyang pag-iisip at physically ay maayos na rin siya. Nakakatayo at nakakapaglakad na siya nang hindi kaya nang pag-alalay.
Jace is physically well. Thanks to modern technology that was just only available in Manila. Naisip niyang tapusin na ang pity months niya. It was not doing good to him. It was clear that Belle wouldn’t be back as his therapist. Hindi na nito gustong magtrabaho ng malayo sa pamilya nito. Samantalang siya naman ay hindi gugustuhin na magtagal sa Maynila nang hindi pa magaling. So he tried to be brave again and face everything. Nagpagaling ulit siya para kay Belle. And again, it was successful.
Mali si Jace na ikinulong niya ang sarili sa isla at kinaawaan ang sarili niya. The modern technology can heal him fast. Pero naisip rin naman niyang siguro nga, everything happens for a reason. Kung hindi niya naging therapist si Belle, hindi niya makilala ang dahilan kung bakit sumubok siya na bumangon muli. Isa pa, gagaling nga ba siya kung wala na siyang motivation para mabuhay? Sa pagdating lang ni Belle kaya nagkaroon siya ng intention na lumabas at totoong pagalingin ang sarili niya.
Binago ni Belle ang buhay ni Jace. And it was for the better. Kaya naman kahit naiinip na siya sa paglabas nito sa ospital ay tinitiis at okay lang sa kanya. He knew it will be worth it, though. Ilang linggo rin siyang nagpagaling para rito. Hindi niya k-in-ontact ito. He missed her so badly that the first thing he did when he saw her was kiss and ravish her. They became lost and it was so beautiful.
What he felt with Belle is so beautiful. Natatakot si Jace pero siguro ay kaya na talaga niyang aminin na naaadik na siya sa babae. Isa na nga roon na patunayan ay ang paghihintay rito. He wanted to see her and also to make sure that she will be safely going home. Gusto rin niyang alamin kung kumusta ang araw nito. He wanted to be with her.
Pero mukhang hindi lang yata siya ang may ganoong damdamin sa babae…
Sa halip na magliwanag ang mukha nang sa wakas ay makita si Belle, napatiim ang bagang niya. Belle was not alone when she went out of the hospital. May kasama itong lalaki at pinipilit na binibigay kay Belle ang isang bouquet ng roses!
Jace tried to remain calm. Naging matagumpay naman siya dahil hindi tinanggap ni Belle ang binibigay ng lalaki. Tinigilan na rin ito ng lalaki at maya-maya ay umalis na rin.
Alam ni Belle na susunduin niya ito ngayon kaya nilinga nito ang paligid. He open his window and she went into the car. Nakangiting binati siya nito.
“Hey,”
Iba ang gustong isagot ni Jace sa pagbati ni Belle. It was all what he was dreaming all day---to ravish and kissed her. He wanted it to be wild and punishing that they will be lost again in deep ecstacy. Pero sa halip na manaig ang tawag ng kanyang katawan ay mas naisip niya ang nakitang eksena. Nagugulo siya.
Hindi gusto ni Belle ang lalaki, nasa isip-isip ni Jace. It’s a good thing. But Jace felt threatened. Hindi niya gusto ang nakitang eksena. Hindi niya gustong makita si Belle kasama ang ibang lalaki. Nagseselos siya.
Hindi dapat. He have to get rid of this feeling. He doesn’t have to be so deeply involved with Belle. Hindi ito ang babaeng kailangan niya. She may look and act like innocent, yet, he clearly knew she was not. She was a two-faced woman.
May masamang trabaho ito. She is almost a whore. And whores should just be for past times…
Pero gaano man isipin ni Jace na mali ang nararamdaman niya, isang bagay lang na pumapasok sa isip niya: He have to win her.
“Come on a date with me,” seryosong sabi ni Jace na ikinakurap ng mata ni Belle. And so he was, too, later. What was really happening with him? Kahit kailan ay hindi siya nagyaya ng date sa babae. It was always the other way around.
What is really so special with Belle for him to care like this. Mukhang hindi na lang pisikal na katawan niya ang kinakailangan ito. His mind, soul and heart is becoming needy too…
NANG dumating ang day-off ni Belle ay saka lang niya napagbigyan si Jace sa gustong date nito. Dahil ayaw niyang mag-tanong at mag-alala ang pamilya niya na may lalaki na sa buhay niya, nakipag-meet na lang siya kay Jace sa mall kung saan gusto daw siya nitong i-date. Tumalon pa ang puso niya nang makita itong nakasuot ng green na polo shirt, jeans at higit sa lahat, may hawak pang bouquet ng roses. Napansin rin niyang pinagtitinginan ito ng mga tao dahil sa porma nito.
Nag-aalinlangan tuloy si Belle na lapitan si Jace. Ang guwapo-guwapo nito samantalang siya naman ay napaka-simple lang. Nakasuot lang siya ng flower printed dress. Iyon na kasi ang pinakamagandang dress niya. Ano na lang ang iisipin ng mga tao kapag nakita na isang kagaya lang naman pala niya ang makaka-date nito?
Pero nakita kaagad siya ni Jace. Hindi na niya kailangang lapitan ito dahil ito na mismo ang lumapit sa kanya. He said his greetings and praises. Binigyan rin siya nito ng mainit na halik sa labi. Her heart almost sank.
“You look beautiful…” His eyes look greedy on hers.
Malamig naman sa mall pero nag-init kaagad ang buong katawan ni Belle dahil sa halik at tingin ng lalaki. Kita rin ang ebidensya dahil pulang pula ang pisngi niya. “Errr, thanks?”
Ngumisi si Jace. “And I’m glad you are wearing a dress…”
Pinanlakihan ni Belle ng mata si Jace.
Natawa naman si Jace. “What?”
Inirapan niya si Jace. Alam naman niyang alam na nito ang bigla niyang naisip. Halos kapareho lang kasi noon ang sinabi nito nang nagkita ulit sila. She remembers what they did in the car.
Bahagyang kinapusan tuloy ng hininga si Belle sa isipin na may balak rin na gawin si Jace iyon ngayon. Naramdaman rin niya ang pagpapawis sa gitna ng kanyang mga hita.
“Tell me what’s bothering you…”
“Not in public,”
Natatawang binulungan naman siya ni Jace. “You are getting forgetful, ma belle. I already told you that I do not do public sex…”
Hindi siya nakaimik. Tama naman ito. Masyado lang talaga siyang nagiging assuming.
Paano kasi, gusto mo rin!
Ugghhh.. Why do I act like a sex starved girl with this man? As if naman na daily routine ko na makipag-sex. And girls should be passive…
Out-of-this-world feeling na yata ang dinadala sa kanya ni Jace kaya nagkakaganito siya. Everytime he was near, he gave her erotic sensation that is like a giant wave coming down over her.
“But I can always changed my mind…” mahina pero may pagkamalanding dugtong ni Jace. His hands caressly trailed her shoulders.
Inirapan niya ulit ito. “Don’t tease me.”
“What are you talking about? You are the tease here. You and your sexy body…” Umungol pa si Jace na lalo lamang nagpalala sa nginig na nararamdaman niya sa buong katawan niya.
Bumuntong-hininga si Belle. “Sabihin mo nga sa akin kung gusto mo ba talaga akong i-date o hindi…”
Saka lang nagkaroon ng pagkakataon si Jace na iabot ang bulaklak sa kanya. Kakamot-kamot ito ng ulo nang tanggapin niya iyon.
“I’m sorry. It’s just that I felt natural horny when you are around…”
The feeling was mutual, nasa isip ni Belle. Pero tama nga ba na sabihin niya iyon?
Alam ni Belle na may masamang image na siya kay Jace. Pero somehow, gusto pa rin niyang kumbinsihin ito na hindi naman talaga siya masamang babae. Ginawa lang niya ang pagiging sex operator niya dahil kailangan. Kaya lang, tama rin ba na magpaliwanag? Pakikinggan ba siya ni Jace? Maiintindihan ba siya nito?
Mahirap rin para kay Belle ang intindihin ang sarili. Alam niyang mali ang ginagawa niya. Lalo ng mas mali na naiisip niyang nag-e-enjoy rin siya roon. It was so undecent. Kaya kahit sabihin niya na may dahilan siya, mali pa rin iyon. Pero inisip na lang ni Belle na hanggang mapipigilan ay huwag ng pag-usapan ang nakaraan. Ayaw niyang maulit na panlamigan na naman siya ni Jace kagaya ng dati kapag in-open niya ang nangyari dati. Isa rin iyon sa dahilan kaya kahit nagtataka siya, hindi na lang niya tinanong kung ano ba talaga ang naramdaman nito sa dati niyang trabaho. Ayaw na niyang pag-usapan iyon.
“All right. I’ll try to behave now. Pero teka, kumusta pala ang flowers?”
Napatingin si Belle sa flowers. Ngayon ay tanging ang puso na lang niya ang nag-init. It feels so romantic that a guy gave her flowers. It touched her heart. “I like it.”
“You like it more than the flowers that bastard is trying to give you?”
Napatingin si Belle sa mukha ni Jace. Bahagyang dumilim iyon.
Belle snapped her fingers in the air. “Nagseselos ka kay Anton.”
Hindi sumagot si Jace. Napangisi naman siya. “Sabi na nga ba, you were just triggered that’s why you asked to date me...”
Nalukot ang mukha ni Jace. “You got me wrong. Bakit naman ako magseselos? I knew I am better than him…”
Tinignan ni Belle ang mukha ni Jace. Madilim pa rin iyon kaya ramdam niyang hindi maganda ang mood nito kapag inasar niya. Ayaw rin naman niyang asarin ito. The day was beautiful and she don’t want to waste it. Pagkatapos ng lahat, kilala niya si Jace. Moody pa man rin ito. Natatakot siyang masira ang mood nito.
“Fine. Let’s do what is it planned. Movie?”
Tumango si Jace. Magkahawak kamay at ito na ang umaalalay sa kanya papunta sa ticket booth. Magaling na nga talaga ang lalaki at masaya siya para roon.
Wala silang bet na panoorin pero pinili ni Belle na magsettle na lang sa isang cartoon movie. After all, gusto naman niyang maging wholesome. This is supposed to be romantic. Pero napangiwi na lang si Belle nang makitang kahit wholesome ang pinapanood nila ay hindi naman pala ang audience.
Dalawa lang ang audience na nakita nila sa sinehan at mag-jowa pa. Wala naman sanang masama. Kaya nga lang ay unang kita pa lang nila sa dalawa ay naghahalikan na ang mga ito. Ni hindi man lang na-trigger na may nakakita sa mga ito. They seems oblivious about their surroundings. Belle should have expected it. Ngayon ang huling araw ng showing ng pelikula. Hindi rin iyon sikat.
Pulang-pula ang mukha ni Belle. Hindi niya tuloy sure kung dapat bang ipagpasalamat niya na madilim sa sinehan dahil hindi nakikita ang reaksyon niya. Pero sa ginagawa ng dalawa, parang dapat na talagang lagyan ng ilaw ang mga sinehan.
Bakit kasi walang guard? Gustong-gusto na magreklamo ni Belle. But then, nagsisimula na ang palabas at sa tingin niya ay mas importante iyon.
Pero mali pa rin si Belle. Noong una ay behave si Jace. He just simply holding her hand. But when he started to play it, doon na naman na-trigger ang sensitive feelings niya. Halos hindi tuloy siya makapag-concentrate sa panonood. The heat is racing through her because of it.
“Hmmm… I think I’m starting to change my mind on my view about public sex.” Lumiwanag sandali kaya nakita niyang nakakaloko ang ngisi sa labi ni Jace.
Pinandilatan naman niya ito. “Don’t you da---“
Hindi na naman binigyan ng pagkakataon ni Jace si Belle na magreklamo. He slam his mouth onto hers and it sent ripples through her breasts. It was a sensual torture as he also opened her mouth with his tongue. She was lost in the intense pleasure of its intimacy.
“G-ginagaya natin sila…” hingal na hingal si Belle nang sandaling bitawan ni Jace ang labi niya.
“Then let’s get out of here…” Jace sound so determined.
“Pero ang movie---“
“My need for you is more valuable than this fucking movie…” Jace almost shouted in agony.
Sinunod ni Belle si Jace. Bakit pa nga ba siya nag-iinarte eh gusto rin naman niya iyon?
Halos tumakbo sila ni Jace palabas ng sinehan. Pero bago sila tuluyang lumabas ay pinigilan na naman siya ng lalaki. He banged her body in the wall and kissed her torridly again.
Umaahon na naman ang pagkabahala ni Belle pero nanaig ang ligaya. Ibinigay niya ang sarili rito. Fire trailed on her veins as his hands lingered over her breasts. Nilaro nito iyon.
Minutes later and his hands were all over, a finger seeking entry to her very core. Kanina pa rin niya ramdam ang pagkalalaki nitong tila handang handa na sa kanya. And when he let it sprung on his briefs, he didn’t gave her time to turn back. Pinasok siya nito kahit anumang oras ay puwedeng may makahuli sa kanila.
But then, Belle doesn’t give a damn. Ramdam niyang ganoon rin naman si Jace. Naririnig niya ang malakas na dagundong ng puso nito habang mabilis na pinapasok siya. The heat and the possibility of being caught made their heart races.
Bliss. Pleasure. Amazing… nauubusan si Belle ng mga salita para i-describe ang nararamdaman kay Jace. Being with Jace is the most pleasurable feeling ever.
Nakakatakot pero mas nanaig ang saya sa puso ni Belle sa ginawa nila ni Jace. It was crazy and hasty but different. It made everything feel good. Well, she could say, it was more than good.
Ganoon pa man, pakiramdam ni Belle ay may mali pa rin. Pinangarap niya ang araw na ito. Ginusto niya na maging wholesome sila ni Jace. Pero ginusto man niya ang nangyari ay binigyan lang siya noon ng rason para makita kung ano lang talaga ang gusto sa kanya ni Jace.
Everything between them is just physical desire. O tama siguro na ang nararamdaman lang ni Jace sa kanya.
Belle knew she was starting to fall for Jace. Hindi naman iyon mahirap. She saw him at his worst and she didn’t give up on him. Instead, gumawa pa siya ng paraan para mapaayos ito to the extent na ibinigay na niya ang lahat rito. Pinapahalagahan niya ito. Isa pa, kung physical desire lang talaga ang nararamdaman niya kay Jace, bakit siya nasasaktan na hanggang physical desire lang ang lahat ng mayroon sila?
She wanted more. But then, Jace has a reputation. Hindi ito marunong magmahal.
Pero ano nga ba ang gusto niya? Ano ba ang naiisip niya at gusto niya pa ng something more kaysa sa ibinibigay sa kanya ni Jace? Bakit naman parang gusto niya ng pagmamahal mula kay Jace? Klaro naman sa kanya na hindi rin naman siya karapat-dapat na mahalin…
“SIGE na nga. Ako na ang magbabantay kay Papa. Umuwi ka na at magpahinga.”
Sa halip na ma-relief si Belle sa sinabing iyon ng Ate Yasmin niya ay nakaramdam pa siya ng inis. Mukhang napipilitan lang kasi ito sa sinabi. Lukot rin ang mukha nito.
Napabuntong-hininga si Belle. “Hindi naman kita pinipilit, Ate.”
Inungusan siya ng kapatid. “Oo nga. Pero sigurado naman na iba `yang nasa isip mo. Ako na nga itong walang naitutulong kahit singkong butas sa pagpapagamot kay Papa ay hindi ko pa siya mabantayan.”
“Ate, hindi ganoon ang nasa isip ko. May sarili kang buhay, may sarili kang gusto at naiintindihan ko naman iyon. Kahit kailan ay hindi ako nag-demand sa `yo…”
Inirapan siya ng kapatid. “Tumigil ka na! Ako na nga ang magbabantay `di ba? Pabibo ka na naman.”
Nasaktan si Belle sa sinabi ng kapatid. Ganoon pa man, pinili niyang itago na lang iyon. Hindi na naman bago sa kanya na pagsabihan ng mga kapatid ng ganoon, lalo na ang Ate Yasmin niya.
Hindi sikreto sa pamilya na siya ang paboritong anak ng ama niya. Nai-insecure sa kanya ang mga kapatid niya dahil palaging nasa kanya ang atensyon. Pero pinipili niyang patunayan sa mga ito na kahit siya ang paborito ay karapat-dapat naman siya roon. Nag-aral siya nang mabuti at nagsusumikap para ayusin ang buhay nila.
Sa huli, sinunod ni Belle ang kapatid. After all, kailangan niyang magpahinga para mas makapagtrabaho siya nang maayos at makaya rin niyang mag-over time. Kapag pinabayaan niya ang sarili ay puwede rin niyang mapabayaan ang trabaho. Kapag hindi siya nakapasok ay wala siyang pera.
Hindi puwedeng hindi kumita si Belle. In fact, kailangan rin niyang doblehin ang pagkayod niya. Mali siya ng inaakala na siya lang talaga ang kailangan ng ama para maging maayos ito. Sadyang nagiging mahina na ngayon ang ama niya. Kahapon ay dinala nila ito sa ospital dahil nahihirapan itong huminga sa sobrang pag-upo. He was diagnosed with pneumonia.
Wala naman sanang problema sa hospital bills. Isa sa mga benefit niya bilang empleyado ng isang ospital ay ang libre ang pagpapa-ospital sa dependent niya. Pero hindi kasama sa benefit ang gamot na kailangan ng ama. Napakamahal pa naman ng gamot nito.
Wala siyang ipon at kahit ang mga kapatid niya para sa ama. Hindi pa rin siya ganoon katagal sa pagbabalik bilang therapist kaya hindi pa siya sumasahod. Sa susunod na araw pa ang sahod niya at hindi naman iyon ganoon kalaki. Walang-wala siya.
Their family is financially struggling right now. Pero si Belle rin ang isa sa mga problema. Ayaw niyang humingi ng tulong sa iba.
Alam ni Jace ang problema niya. Araw-araw silang nagkakausap kaya alam nito ang ginagawa at nangyayari sa kanya. He offered help. Pero hindi niya tinanggap iyon. At ang reaksyon ni Jace ang isa pa sa mga dahilan kung bakit mas mabigat ang loob niya. He take it badly.
“I am not buying you if you are thinking of that,” may inis na sa boses ni Jace ng pangatlong beses na inabot nito sa kanya ang pera at hindi ulit niya tinanggap.
“Hindi naman iyon tungkol roon, Jace. I know that you mean good. Pero hindi ka parte ng pamilya para makialam rito. It should just be us…”
“Puwede mo naman na ituring na utang itong ibibigay ko sa `yo. And I’m willingly giving it to you…”
“At ano ang gusto mong kabayaran? Paano ako makakapagbayad?”
Slowly and gently, his hands trailed her shoulders. “Just be there whenever I needed you…”
Sex. Iyon ang gusto ni Jace kabayaran. Lalo lang siyang na-frustrate. Nakikita niya ang sarili niya bilang bayarang babae na naman sa ginagawa ni Jace. Bibigyan siya nito ng pera dahil pakikinabangan siya nito.
She felt like a mistress. She felt like a whore.
Na-realize na ni Belle ang pagkakamali niya. Ayaw na niyang maging ganoong babae ulit. She will be with Jace because she wanted to, not because she needed to.
“No. Hindi ako tatanggap ng kahit ano mula sa `yo. And I am not changing my mind…”
Dumilim ang mukha ni Jace. Tumalikod ito sa kanya at hindi na siya kinulit muli.
Pagkatapos rin ng naging pag-uusap nila ni Jace ay hindi na siya nito kinausap pa. Umalis ito. Hindi ito nagtext o tumawag man lang sa kanya. It was unusual though she knew the reason why. Ayaw na rin naman niyang mag-effort na suyuin ito. Masyadong mabigat ang pinagdadaanan niya ngayon para problemahin pa ito.
Umalis na si Belle ng ospital. Pero bago umuwi ng bahay ay ch-in-eck muna niya ang ATM niya. May laman pa naman iyon pero tama na lang para pang-survive ng isang tao sa isang araw. Ganoon pa man, pinili niyang saidin ang laman ng ATM niya. Pero laking gulat ni Belle nang makitang hindi iyon mangyayari. Napakalaking pera ng laman ng ATM niya!
Nalula si Belle. Imposibleng magkaroon siya ng ganoon kalaking pera. Bukod roon, kaka-withdraw lang rin niya kahapon kaya alam niya ang balance niya. Sino ang puwedeng mag-deposit ng pera sa bangko niya?
Jace. Unang pumasok sa isip ni Belle. Alam niyang arogante ang lalaki. He wouldn’t take no for an answer. Pero paano naman nito nalaman ang bank account niya?
Mga employer lang ni Belle ang nakakaalam ng bank account niya. At sa pag-iisip ng employer ay may isang pumasok sa isip ni Belle…
Beast…
Nag-uumpisa pa lang manlamig si Belle sa realization nang tumunog ang cell phone niya. Sandaling tumigil ang tibok ng puso niya nang mismong ang lalaking nasa isip iyon. Tumatawag si Beast.
Nag-alinlangan si Belle kung sasagutin ang tawag. Pero sa huli, napagdesisyunan niyang sagutin rin iyon. She have to found out who really give the money.
“It’s been a while…”
Napapikit si Belle. Sandaling nanuyo ang lalamunan niya lalo na at naalala niya si Jace. There were really some similarities with Beast and Jace’s voice. It made her mind boggle.
“Yeah…” tanging nasabi na lang ni Belle.
“But it’s not important anyway. Wala ng susunod pa na tawag simula ngayon…”
Lumakas ang kabog ni Belle. “Y-you’re saying good bye?”
“Yeah. And as a sign of my gratefulness, I sent money to your bank account. I just called to say thank you for the memories…”
And in a blink, Beast dropped the call. Natulala si Belle. Matagal-tagal rin na nag-sink in sa utak niya ang nangyari. But when it really did, she felt something pinched on her chest.
“Thanks for the memories…”
Namutla si Belle. Ayaw na niya ng trabaho niya `di ba? Ayaw niya rin isipin ngayon na naging emotionally attached siya kay Beast. Pero kung ganoon nga, bakit nakakaramdam siya ng sakit ngayong nagpaalam na ito sa kanya?
Sinubukang kalmahin ni Belle ang sarili niya. She couldn’t be that attached to Beast. Yes, they became close because of their job. Pero hindi naman siya ganoong ka-emotionally involved sa lalaki para masaktan siya. Pero inisip ni Belle na dahil sa utang na loob kaya medyo nanghinayang siya.
Or something else…
Naba-bother si Belle dahil sa naging pag-uusap, naalala na naman niya si Jace. It was because of the voice. Imposible man ay naalala niya si Jace. Nalulungkot siya sa isipin ng pagpapaalam, lalo na sa isiping iyon si Jace. But due to the similiarity, she can’t help but think and feeling down.
Ayaw niyang maging kagaya ni Beast si Jace. Natatakot siyang dumating ang panahon na iiwanan talaga siya nito…
I MISS my father… gustong isipin ni Jace habang kausap at maghapon niyang binantayan ang ama ni Belle sa ospital. Hindi niya dapat ginagawa ito. May trabaho siya. Pero ewan ba niya at pinili niya na isakripisyo ang trabaho para kay Belle. Nagpresinta siya na bantayan ang ama nito ngayon sa ospital.
Ito ang unang beses na nakilala ni Jace ang pamilya ni Belle. Noong una ay ramdam niyang nag-aalinlangan pa si Belle na ipakilala siya. Hindi naman niya ito masisisi. Close na sila ng babae pero hindi sigurado kung ano ang relasyon nila sa isa’t isa. Ganoon pa man, hiningi niya ang tiwala ni Belle na makakaya niyang makisama sa pamilya nito.
Gusto niyang tulungan si Belle. He was offering financial help but she declined. Hindi niya maintindihan kung bakit. Pero naisip niya ang tungkol sa sinasabi nito sa pamilya. Tama nga naman ito. Hindi siya parte ng pamilya nito para makialam sa problema. Kaya naisip niyang subukan na maging parte kahit papaano. Pinili niyang dumalaw sa may sakit na ama ni Belle at makilala rin ito.
Malaking bagay para sa kanya ang pagpayag ni Belle na alagaan ang ama nito. Kahit na alam niyang dahil wala rin namang choice kaya pumayag si Belle, para sa kanya ay nagtiwala pa rin ito. It means a lot to him. Dahil sa lagay nilang dalawa, paano nga ba naman nagagawang magtiwala sa kanya ng babae? He enslave and used her. Kaya ang mga pag-aalinlangan nito noong una ay balewala rin sa kanya.
Pero ang pinaka-pinagtataka niya ay nag-enjoy siyang kausapin at alagaan ang matanda. Maayos na ang kondisyon nito at kung magiging maayos ang result ng lahat ng test ay puwede ng makalabas bukas. Masigla rin ito buong maghapon. Kahit na unang beses pa lang silang magkita ay naging malapit na sila sa isa’t isa.
Mabait ang ama ni Belle. Ramdam rin niya na napakamapagmahal nitong ama. Pinapaalala nito sa kanya ang ama niya. Makuwento at ramdam kasi niya na mahalaga at mahal na mahal sila ng ama. Ganoon rin ang ama ni Belle rito. Mahal na mahal nito ang anak. Halos buong maghapon, si Belle ang bukang bibig nito. Nalaman niya na si Belle rin ang paborito nitong anak.
“Hindi ko sigurado kung ano ka sa anak ko, Jace. Pero sigurado ako na importante ka sa kanya. Walang masyadong kaibigan ang anak ko na iyon. Wala iyong pinapakilala sa aking lalaki. Kaya humihingi ako ng pabor sa `yo. Iingatan mo siya, ha?”
Tumango si Jace. Pakiramdam niya ay pinagkakatiwala sa kanya ng ama nito si Belle. Para siyang boyfriend nito na sinasabihan na alagaan ng mabuti ang anak nito. It should freak him out though. Pero sa halip, parang gumaan ang pakiramdam niya. Napangiti pa siya at napaisip ng ways kung paano aalaagan at iingatan ito.
“Makakaasa po kayo, Tito.” Sagot ni Jace na lalong ikinaganda ng mood ng ama ni Belle.
Pagkatapos ng shift ni Belle sa trabaho ay dumiretso kaagad ito sa kuwarto ng ama. Kapag break nito ay pumupunta rin ito roon dahil sa parehong ospital lang rin naman ang trabaho nito.
Pero na-late na si Belle ng dating. Nag-overtime kasi ang babae para mas malaki ang makuha nitong sahod. Hindi na niya ito pinigilan dahil sigurado siyang ayaw nitong magpapigil. Nang makarating tuloy ito sa kuwarto ay nagpapahinga na ang ama nito. Maaga itong natulog ngayon.
Sa kanya napunta ang atensyon ni Belle dahil siya lang naman ang nasa kuwarto. Mamaya pa raw ang Ate ni Belle pupunta sa ospital para mag-alaga sa ama nito ngayong gabi.
“Thank you so much,” lumapit sa kanya si Belle at bahagyang niyakap siya.
“Where’s my reward?” Ngumisi naman si Jace. She looks tired but still, she was a sight for him. Medyo nakakapagod rin ang maging bantay sa ospital kaya sa tingin niya, deserved naman niya na magka-reward kahit kaunti sa babae.
Napailing-iling si Belle. “Kaya nag-aalinlangan ako sa offer mo, eh. Lagi na lang gusto mo may kapalit…”
“Can’t I tease my girl?” wika ni Jace at bahagyang sinuklay-suklay ang buhok ni Belle.
“Your girl? I feel like your mistress…” Sumimangot pa si Belle. Mukhang uminit ang ulo nito sa naging pasaring niya.
“You are more than that…” wika ni Jace at hinawakan ang ulo ni Belle. He cupped her jaw on one hand and then met her mouth. He kissed her sweet and gentle.
“How was it?” Tanong niya rito pagkatapos.
“Sweet…”
“Like I want you to be for me…” wika ni Jace at niyakap si Belle.
Tinaasan siya ng isang kilay ni Belle. “Hmmm… nagsasawa ka na sa pagiging rough?”
“Anong ibig mong sabihin?”
“You know what it is. You always do crazy things like rough sex. Siguro ay gusto mo ng magpalit ng gestures when it comes to it kaya ka nagkakaganyan…”
Tinitigan niya ang babae. Irritation was all over her face. Bahagyang nabahala tuloy siya. “Are you not okay with it?”
Hindi nagsalita si Belle. Bumigat ang dibdib niya. Pero somehow, naiintindihan niya ang babae. Sa mga nakalipas na linggo at buwan nga naman, iisa lang ang pinakita niya rito: desire. Pero sa mga nakalipas, na-realize niyang hindi lang pala iyon ang nararamdaman niya kay Belle. It was something more.
It feels crazy. Kilala niya si Belle. She was a two-faced lady. Ang isang babaeng kagaya nito ay hindi dapat sineseryoso. Pero mali siya. Na-realize niya na tama lang ang ginagawa niya ngayon kay Belle. He wasn’t just trying to ask sexual advances for her. He was trying to care for her. May hindi man magandang reputasyon si Belle ay ito naman ang babaeng hindi sumuko sa kanya. She was there on his worst. Nagsakripisyo ito para sa kanya.
A girl like Belle is worth everything. She was worth keeping for. Siya ang mali sa panghuhusga niya rito.
Bumuntong-hininga si Jace. He tried to explain his side. “Listen, Belle. Kung sa tingin mo ay puro kalokohan lang ang nararamdaman ko sa `yo, nagkakamali ka. I’ve realized everything now and I guess, you can see that, too. Kung puro desire lang ang nararamdaman ko sa `yo, bakit ako naririto? Bakit kita tinutulungan sa pamilya mo?
“Nandito ako dahil gusto ko. Ayoko rin na sinasabihan mo ang sarili mo na mistress kita. I told you, you are more than that. Alam kong mahirap magtiwala sa isang lalaking kagaya ko. But please believe that what I said to you now is true. What I am feeling for you is not just intense desire….”
Sandaling natigilan si Belle. Napalunok pa ito bago magsalita pero sa huli ay basag pa rin ang boses. “T-then what is it?”
“I’m not sure what it is. Bago sa akin ang damdamin na ito. I’m taking time to recognized it…” Sinalubong niya ang tila nangingislap na mga mata ni Belle. Nawala na ang iritasyon sa mukha nito. “But there’s also one thing that I am sure. What I feel for you is something beautiful that I want to cherish and treasure for…”
Nagliwanag ang mga mata ni Belle. Ngumiti ito at doon masasabi ni Jace na bukal talaga sa loob niya ang sinabi niya. Belle is beautiful and so was his feeling whenever she was around.