Chapter 27

NAGISING si Sabina na madilim ang paligid. Bahagya pang nananakit ang ulo niya. Inisip niya ang dahilan kung bakit. Nanibago ba siya sa namulatan na paligid o dahil masyadong napatagal ang tulog niya? Ang huling naalala niya ay tanghali pa at nasa kotse siya ni Grimson. Magla-lunch sila sa labas. Pero sa lagay ngayon, mukhang hindi iyon natuloy.

Mukhang nakatulog si Sabina. Naubos yata ang energy niya sa pagsasama ulit nila ni Grimson. Tinignan niya ang paligid para magkaroon siya ng ideya kung nasaan siya. Madilim at tanging liwanag lang mula sa maliit na lamp shade sa kuwarto ang dahilan para matignan niya nang mabuti ang paligid. Pamilyar iyon sa kanya at napagtanto niyang nasa condominium unit siya ni Grimson, partikular sa loob ng kuwarto nito. Pero wala roon ang lalaki.

Bumangon si Sabina. Tinignan niya ang sarili. Bukod sa nagusot ang damit ay wala namang nagbago sa kanya. Bumangon siya ng kama pero sandaling natigilan nang makita na may mga maleta sa loob ng kuwarto---mga maleta niya iyon. Kumunot ang noo niya. Wala pa silang napapag-usapan ni Grimson tungkol sa magiging set-up nila ngayong nagkasundo na sila sa isang “affair”.

Hinanap ni Sabina si Grimson sa unit. Marami siyang tanong rito pero natigil siya nang matagpuan ito sa kusina. Nakatalikod ito sa kanya at nagluluto. Pero ang talagang pinaka napansin niya ay ang hubad na katawan nito---well, likod lang pala dahil mahahalata na may suot ito sa unahan na apron. But his back is totally naked.

Nanuyo ang lalamunan at pinagpawisan rin si Sabina nang magkaroon ng napakagandang view ng likuran ni Grimson. It was just like the same as she remembered. It was firm, not too flat and not too wide. There was also a bit of hair that she always found nice.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ni Sabina. Parang may malanding pakiramdam rin sa katawan niya na gustong pisilin at paglaruan iyon.

How I missed you, Grimson…

Naamoy ni Sabina ang pagkain na niluluto ni Grimson. Pero walang-wala ang sarap sa klase ng sarap na nai-imagine niya kung magkakaroon siya ng pagkakataon na maggawa ang naiisip. With just one look at Grimson’s butt, Sabina felt so horny.

Naramdaman ni Grimson ang presensiya ni Sabina. Nilingon siya nito. “You’re awake.”

Lumapit si Sabina sa lalaki. Pinigilan niya ang malanding bahagi niya na pinangungunahan ng tukso. Pinagana niya ang isip na kailangan na magtanong.

“Anong nangyari? At bakit nasa kuwarto ang mga gamit ko?”

Sinagot ni Grimson ang tanong ni Sabina. Tama nga ang mga hinala niya na nakatulog siya sa kotse at pinagpahinga siya ni Grimson sa condo unit nito. “And as of your things, tama lang naman iyon. Today is the start of our affair. You will live with me.”

“Teka, sa pagkakatanda ko ay ang affair na ito ay nangyari para makumbinsi natin ang Lola mo na nagkabalikan na tayo? Mas maganda yata kung sa mansion tayo titira.”

“We will but only on a weekend. Masyadong busy si Lola para mapansin niya pa tayo tuwing weekdays. Isa pa, out of town rin ngayon si Lola. Sa isang linggo pa ang balik niya.”

“S-so it’s just you and me then?”

“Yes.”

Natigilan si Sabina. Sa isipin lang na iyon ay nag-init ang paligid kahit fully-air conditioned naman ang buong unit.

Pinatay ni Grimson ang niluluto. Nilapitan at idinikit nito ang katawan sa kanya. She felt burning with desire.

“And beside, you will benefit for it. Sa unit ay magagawa natin ng payapa ang mga paborito nating gawin. Hindi natin poproblemahin ang kung sino man na maiistorbo at---“

Bahagya ng narinig ni Sabina ang mga sinasabi ni Grimson. Mas naka-focus ang isip niya sa katawan nito na nakadikit sa kanya, his bulge throbbing on her stomach. The heat was fanning on her body. Napapikit siya sa nakakiliting sensasyon.

“But anyway, dinner is ready.” Sa pangungusap na iyon ay binuhusan ng malamig na tubig si Sabina. Erotic sensations is started to fill her, yet, hindi pala ganoon ang nararamdaman ni Grimson. Pakiramdam niya ay napahiya siya. Puno ng kamunduhan ang isip niya. Pero kay Grimson ay parang balewala lang ang lahat.

Kung ganoon, kailangan rin na iparamdam kay Grimson na balewala rin sa kanya ang lahat. She has to save some pride for herself.

“Later. I think I would like to visit first my things, especially my laptop.”

Binitawan siya ni Grimson. “Hindi ko dinala ang laptop mo.”

Nag-init ang ulo ni Sabina. “At bakit?!”

“You don’t have to write. You don’t have to do your job. Sinabi ko na naman sa `yo `di ba? Bibigyan kita ng allowance. You can name your price if you want to. Wala akong pakialam. Ang gusto ko ay i-focus mo lang ang sarili mo sa pagiging---“

“Hindi!” halos sumigaw si Sabina. Naisama rin niya sa lakas ng boses ang frustration sa pang-aasar sa kanya ni Grimson. “Gusto kong magsulat. Kailangan kong magsulat!”

Tumiim ang bagang ni Grimson. Tinitigan siya nito. “Matigas pa rin ang ulo mo kagaya noon.”

Sinalubong ni Sabina ang mata ni Grimson. “At mahina ka pa rin na makaintindi kagaya noon.”

“Ginagawa ko lang ito para maiwasan natin ang pag-aaway. Pero kung iyon ang gusto mo, wala akong magagawa.” Kinuha ni Grimson ang cell phone. May tinawagan ito para ipakuha ang kailangan niyang sandaling ipinagkait sa kanya ng dating boyfriend. Pagkatapos ay tumalikod na ito sa kanya, walang salitang naghanda ng hapunan sa lamesa.

Hindi rin nagsalita si Sabina. Tama nga ba talaga na pumayag siya sa proposal ni Grimson? Mas lalo lang kokomplikahin ng affair na ito ang damdamin niya. Hindi pa rin nagbabago si Grimson. Maling-mali ang umasa siya na sa pagbalik nito ay puwede nilang maayos ang nasira nilang nakaraan.

Two Years Ago…

SA PAMAMAGITAN ng scholarship mula sa mga sponsor ay nakatuntong kahit papaano si Sabina sa college. Nakatapos siya ng associate office administration degree. Nakahanap naman siya nang maayos na trabaho pagkatapos. Pero hindi siya masaya. Kaya naman pagkatapos ng dalawang taon ay nag-resign siya. May sapat na kasi siyang ipon para makapag-aral at maggawa rin ang bagay na gusto niya: ang magsulat.

“Sigurado ka ba? Kakaunti lang na manunulat ang yumayaman at sumisikat. Mahirap para sa `yo ito, Sab. `Wag ka ng mag-resign. Maging practical ka. Wala ka ng pamilya. Wala ng puwedeng tumulong sa `yo in case na mabigo ka lang sa gusto mo,” payo sa kanya ng boss niya nang ipagpaalam niya rito ang tungkol sa resignation.

Hindi iilan ang nagsabi kay Sabina ng parehong payo. Pero nanatili siyang matigas. Alam niya na napakalaking risk ng ginagawa niya. Pero gusto niyang subukan. Gusto talaga niyang matutong magsulat. Hindi niya pinakinggan ang mga payo. After all, may isa naman na sumusuporta sa kanya---si Celine. Naging kaklase niya ito sa college. Ito rin ang tinuring niyang matalik na kaibigan.

“Ako ang bahala sa `yo, friend. Basta para sa pangarap! At kapag sumikat ka na, `wag mo akong kakalimutan, ha?” Sabi pa nito sa kanya nang sabihin niya ang naging pag-aalinlangan niya tungkol sa pagtupad sa pangarap.

“Salamat, friend…”

Kumuha ng crash course sa creative writing si Sabina. Pero hindi rin naging madali ang lahat. Unang session pa lang nila ay nailang na siya sa mga nakasama. Lahat ng mga ito ay tagumpay na sa buhay at kaya lang kumuha ng kurso na iyon ay para mahasa ang galing.

Na-i-intimidate si Sabina sa mga kaklase. Paano kasi, wala pa siyang masasabi na achievement niya sa buhay. Hindi pa siya totoong writer. Kahit na ba kasi sumusubok siya noon na magsulat ng nobela ay rejected naman iyon sa publishing company na gusto niya. Gusto niyang maging romance novel writer. Mahilig kasi siyang magbasa ng mga romance pocketbooks. Feeling naman niya ay kaya niya. Gusto niyang maniwala sa kakayahan niya. After all, mahal ang tuition sa school na iyon. Pero nakakuha siya ng scholarship dahil naging mataas ang points niya sa entrance exam.

Dahil sa kondisyon ni Sabina sa klase, inilalayo niya ang sarili sa mga ito. Tuwing lunch, sa fire exit siya ng building kumakain. Dahil nag-specialize lang ng mga crash courses ay maliit lang ang building. Wala iyong sariling canteen. Madalas rin sa mga kaklase niya ay kumakain sa labas ng lunch dahil mga mayayaman. Nahihiya siyang humingi ng malaking allowance sa Tita Lourdes niya kaya tinitipid niya ang sarili. Nagbabaon siya ng lunch.

Isang Linggo ay may nakasama si Sabina sa fire exit. Ginulo nito ang mundo niya sa pagpapakita pa lang nito ng anyo roon. He had arrogantly good sexy look. Arrogant sa sense na hindi man lang nito kinonsider na kumakain siya at nanigarilyo ito roon. Mabuti na lang at patapos na rin siyang kumain.

“Hey,” bati naman sa kanya ng lalaki nang mapansin siya. Dapat na mainis si Sabina rito pero hindi niya maggawa. Nang magsalita at gumalaw kasi ito ay naumid ang dila niya. Mahangin sa fire exit pero parang bigla siyang kinapusan ng hangin. May kakaibang kapangyarihan mula rito na parang nagpapawala sa kontrol niya sa sarili.

Hot and bothered are the accurate description of Sabina when it comes to this man.

“Hi...” pinili ni Sabina na huwag maging rude. Magagawa pa ba niya samantalang pakiramdam niya ay naka-jackpot na siya sa pagkakita lang sa guwapong lalaki?

Sandaling hinithit pa nito ang sigarilyo. Nang maitapon iyon, umupo ito sa tabi niya. “I’m Grimson. And you are?” inilahad nito ang kamay sa kanya.

“S-Sabina...” tinanggap muna ni Sabina ang kamay bago sumagot kaya bahagyang napapiyok siya. His hands were hotter than what his presence made. Nag-aalala si Sabina na puwede siyang tunawin noon. Lumakas rin ang tibok ng puso niya at parang may kuryenteng dumaloy sa kamay niya. Bago sa kanya ang naramdaman. Nagulat siya.

Mukhang ganoon rin ang naramdaman ng lalaki. Nang tignan niya ito ay bakas ang gulat sa mukha nito. Pero maya-maya ay ngumiti rin ito at nagkuwento.

Hindi madalas na nakikipag-usap si Sabina sa estranghero. Kahit lumaki sa ampunan ay hindi siya sociable na tao. Madalas nga lang siyang nagkukulong noon sa kuwarto kaya wala siyang masyadong kaibigan. Pero ewan ba niya at sa pagkakataon ngayon ay parang natuwa siyang makipagkuwentuhan. She found Grimson interesting in all possible way. Bigla-bigla ay gumaan ang loob niya at mukhang ganoon rin naman ito.

Nagkuwento si Grimson ng buhay nito sa kanya at mas lalo pa niyang hinangaan ito. He came from a wealthy family. Ito rin ay panganay na apo kaya inaasahan ng Lola nito na ito ang magpapatuloy ng business. Hindi iyon ang gusto nito. Gusto nitong maging videographer. He was fascinated with videos and he wanted to be a part of a production of it. Pero hindi puwede dahil sa responsibilidad sa pamilya. Kaya naman nang malaman nito na may ganoong klase ng school ay nag-apply ito na estudyante. Tuwing Sabado at Linggo lang ang pasok sa artist school kaya naman kahit nagtatrabaho, nakukuha nito ang course. Lihim rin lang ang pagkuha nito noon dahil baka tutulan ng mabait man pero may pagkamanipulador rin daw na Lola nito.

“Hindi ko dapat sinasabi ito sa `yo. But there’s something in you that I can explain...”

“Hmmm... siguro dahil feeling ko ay may pagkakapareho ang istorya natin?” Si Sabina naman ang nagkuwento ng buhay niya. Ikinuwento niya ang tungkol sa ilang beses na pagpipigil sa kanya ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Itinaas ni Grimson ang kamay nito at inilagay sa pisngi niya. Tumataas ang temperature sa katawan ni Sabina. “Maybe. Or maybe something more than that...”

Ano itong nararamdaman ni Sabina kay Grimson? Ito na ba ang sinasabi nilang pakiramdam mo sa isang tao kapag nahanap mo na ang lalaking para sa `yo? Madalas ay ganoon ang nararamdaman ng mga nababasa niya sa pocketbook.

Mukhang tama talaga ang desisyon ni Sabina na i-enroll ang sarili sa creative writing. Hindi lang kaalaman sa pagsusulat ang nakuha niya kundi pakiramdam na rin.

It was a good day. Na-excite rin si Sabina na makauwi dahil pakiramdam niya ay na-inspire siya nang husto sa pagkakilala nila ni Grimson. Everything she felt right now is so good to write.

LUMIPAS ang isang linggo. Nang Sabado ay pumasok ulit si Sabina sa klase, magandang-maganda ang ngiti. Naging maganda kasi ang nangyari sa weekdays niya. Dahil nagresign na sa trabaho para maka-focus sa career na talagang gusto niyang gawin ay libre na ang mga araw niya. Sa nakalipas na mga araw ay nakatapos siya ng nobela at may malaking pakiramdam siya na papasa iyon. Feel na feel kasi niya ang sinusulat niya. Nang ikuwento niya iyon kay Celine ay sinabihan siya nito na inspired raw siya. At tama naman ito.

Grimson inspired her.

Na-excite si Sabina na makita ulit si Grimson dahil alam na niya ang mangyayari. Ma-i-inspire na naman siya. Gusto niyang makita ito. Hindi naman siya nito binigo. Pumasok ito sa fire exit ng lunch time. Sa pagkakataong iyon, lunch box na ang dala nito at hindi sigarilyo. Sabay silang kumain at nagkuwentuhan. Nang hapon naman na iyon ay niyaya siya ni Grimson na manood ng sine.

Dahil gustong-gusto ni Sabina si Grimson, pumayag siya. Saktong wala rin kasi silang pasok bukas dahil summer outing ng staff ng artist school.

Na-traffic sila Sabina at Grimson papunta sa mall kaya gutom na sila nang makarating. Kumain muna sila ng dinner. Last full show na lang tuloy ang naabutan nila. Halos wala ng tao sa sinehan. Kung mayroon man ay mabibilang na lang iyon sa daliri. Parang kinabahan tuloy si Sabina.

Inilalayan ni Grimson si Sabina pinakataas na upuan, lugar na malayo sa mga tao. Napalunok siya. It made everything intimate. Dapat ay natatakot siya. Pero bakit may kasamang kiliti ang nginig na nararamdaman niya?

“Malamig ba?” tanong ni Grimson nang hawakan nito ang kamay niya nang makaupo sila.

Lumunok si Sabina. Malamig nga. Pero kung hahawakan nito ng ganoon ang kamay niya, mukhang magiging balewala ang lakas ng aircon. Gusto niya ang init ng kamay nito sa kanya kaya sa halip na iyon ang alisin, ang tingin na lang niya. Her heart is pumping faster its hard to control her emotions especially when she was looking at this gorgeous man. “N-no...”

“Hmmm...” umungol si Grimson. Nagsimula na ang pelikula pero hindi makapag-concentrate si Sabina. Nilaro-laro kasi ni Grimson ang mga kamay niya. Her heart raced like crazy. Pero kalmado lang si Grimson.

“Hey, may sakit ka ba?” tanong ni Grimson. “Kanina ay mukhang nilalamig ka tapos ngayon ay namumula ka and---“

Akmang itataas ni Grimson ang kamay nang pigilan ito ni Sabina. “Don’t...”

Kumunot ang noo ni Grimson. “B-bakit?”

Hindi nagsalita si Sabina. Naguguluhan siya. Hindi niya pa lubusang kilala si Grimson pero napaka-intense na ng nararamdaman niya. It felt like her veins are raging in just a touch from him.

Itinuloy ni Grimson ang pagtaas ng kamay nito sa leeg niya. Hindi ito gumalaw. Both of their eyes were locked for a moment. Lumunok si Grimson. Pansin niya na parang gusto rin nitong maglihis ng tingin. But the heat was so real. Hindi nila gustong mawala iyon---lalong-lalo na si Grimson.

Unti-unting gumalaw ang kamay ni Grimson. Umakyat iyon sa kanyang mukha. He cupped her chin with his thumb and forefinger, still locked her eyes into his. And then the tip of his thumb touched her lips. Naibuka ni Sabina ang mga labi.

Umungol si Grimson. “I-I shouldn’t have do this. You looked so innocent and the way you move, it made me guiltier. I shouldn’t have seduced you. Dapat ay mag-concentrate na lang ako sa kamay mo pero napakahirap gawin.”

“P-parang ganoon rin ang nararamdaman ko.” Nakakahiya pero nahihirapan na rin si Sabina na pigilan ang sarili. Everything is crazy. Hindi siya iyon. But just like the heat, the desire is real.

Sa sagot ni Sabina, the moment of calm was over. Hindi na nito pinatagal ang paghihintay. Grimson’s dipped his head and started kissing her.

It was Sabina’s first kiss. Technically, hindi siya marunong. Pero parang may sariling isip ang mga labi niya. Matalino rin iyon dahil naging napakadali na matuto. Nakasunod siya sa galaw ni Grimson.

The kiss is so wet Sabina didn’t even imagine it could be like this good. Lumala pa ang sarap ng laliman ni Grimson ang halik. Gamit ang dila nito ay binuksan nito ang kanyang bibig, delving deep in it. And she felt so hungry for it. Naramdaman na lang niya na nakakasabay na rin siya sa galaw ni Grimson.

“You have unbelievable passion, sweetheart. To think na inisip ko na inosente ka...” inungol ni Grimson ang salita sa pagitan ng mga halik.

“I-I am. It was my first and---“

Sandaling inilayo ni Grimson ang mukha sa kanya. “Really?”

Nailang si Sabina. “Masama ba?”

“No, no...” natatawa si Grimson. “You are so good for a first timer, sweetheart. So incredibly good...”

Muling ibinaba ni Grimson ang labi patungo sa kanya. It went deeper Sabina could say that she could feel his heart throbbing fast and hard. Kagaya rin iyon ng sa kanya.

It was too much for a first kiss. Nag-aapoy si Sabina sa init. Walang-wala ang init sa hawak lang ni Grimson sa nararamdaman niya ngayon. And when his kissed withdraw from her lips and was now down to her neck, Sabina couldn’t put the words how good she was feeling right now.

With just a kiss, everything becomes drought for Sabina. Paano pa kaya sa susunod?

Naputol ang mainit na sandali nila ni Grimson nang may tumikhim. Humiwalay ang katawan nila sa isa’t isa. Isang masungit na tingin mula sa lady guard ang nakuha nilang dalawa.

“Bawal `yan.” Sita ng lady guard sa kanilang dalawa.

Parang mga estudyante na nahuli ng teacher na gumagawa ng kasalanan sina Grimson at Sabina. Natahimik sila, nakayuko pareho. Hindi na umalis ang lady guard hanggang sa matapos ang pelikula. Hindi na tuloy sila nakaulit ulit ni Grimson.

Kainis!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.