Chapter 29

Present

NANUYO ang lalamunan ko nang paghiwalayin ni Alexis ang hita ko. Yumuko ito, binigyan ng halik ang tiyan ko at ibabang parte pa noon. I can’t help but squirmed in his touch and kisses. I felt the hot arousal went straight through my entire body.

Napahawak ako sa bed sheet nang ang maselang bahagi ng katawan ko ang sumunod na halikan ni Alexis. His mouth, especially his tongue played on that wet and secret part of me. Parang tumitigil ang mundo sa ginagawa nito. Hirap na hirap akong makahinga. He feels so ruthless with his tongue pushing further and further from myself.

“I’ve been waiting for this for too long, sweetheart. You and me into this crazy kind of heat...”

“A-and you, you don’t know what you do to me...”

“Alam ko. You’re aching for me to be inside you. You are so wet for me.”

Alam ko na ganoon nga. Nararamdaman ko. Nilalabasan na ako sa kaunting galaw pa lang ni Alexis sa pagkababae ko. It made me ache for him more when aside from eating my pussy, he also twisted my clit. My heartbeat felt erratic.

Pero alam ko na may mas sasarap pa na pakiramdam kaysa sa simpleng paglalaro lamang ng kamay at dila ni Alexis sa pagkababae ko. At hindi rin ako fan ng patience.

“Gawin mo na. I need you, Alexis. I need you to be inside me now...” I cried and panted as I wait a little until he finally indulge. And when he did, all that existed was the beautiful and blissful feeling of the union...

NAPATIIM bagang si Grimson nang makita ang eksenang isinusulat ni Sabina. Magaan pa naman ang pakiramdam niya nang maggising ngayon. Ang unang naalala kasi niya ay si Sabina. They’ve been together the whole day yesterday. Ang huling naalala rin niya bago nakatulog ay nasa bisig niya ito at kakatapos lang nila na gawin ang paborito at pinagkakasunduan nila palagi na gawin---the sex. The desire and passion are still between them. Kaya rin na pumusta ni Grimson na mas naging mas masarap pa iyon kaysa sa dati. Damn, he missed that kind of heat and craziness in bed. Kay Sabina lang niya nararamdaman ang ganoong klaseng sarap na pakiramdam.

Pero lahat ng ligaya na nararamdaman ni Grimson ay naglaho nang maggising. Una ay dahil sa hindi niya naabutan sa kama si Sabina. Nakita niya ito sa dining table, naka-ub-ob at nakatulog na roon. Naiwan nito ang laptop na bukas kaya nakita niya ang sinusulat nito. Binasa niya. Novel writer ito at mukhang nag-level up na kaysa sa dati ang sinulat nito.

Dapat ay ika-proud ni Grimson iyon. She was improving then. Pero paano siya magiging masaya kung mahahalata na ginagamit na naman siya nito? Ang isinulat ni Sabina sa eksena ang detalye ng mga ginawa niya rito kahapon. At bumabalik na naman sa isip niya ang naging ugat ng paghihiwalay nila ng babae.

Maliwanag na katotohanan kay Grimson na pumayag si Sabina sa proposal niya para sa selfish nitong rason---ang gamitin na naman siya. Ginagamit lang rin niya ito para sa kondisyon ng Lola niya. They were even. But Grimson still feel betrayed. Hindi niya gusto ang dahilan ni Sabina. Hindi niya gusto ang gamitin nito. Nasasaktan siya.

Pero kailangan ni Grimson na tanggapin na hindi naman talaga siya kayang mahalin ng babaeng minsang minahal. Sabihin man nito na mahal siya nito, mahirap na para sa kanya ang paniwalaan iyon.

Sabina was just using Grimson for her own good. Kahit gustuhin pa niya na ibahin iyon, mukhang hindi na iyon mababago pa...

TATLONG buwan pagkatapos ma-approved ng unang manuscript ni Sabina ay lumabas na iyon sa mga bookstores. Naging maganda ang benta at nagsunod-sunod ang release ng libro nito. Nagkaroon si Sabina ng mga bagong kaibigan at readers rin. Overwhelmed sa saya ang girlfriend. Dream come true para rito ang lahat. Bilang boyfriend, masaya si Grimson sa tagumpay ni Sabina. Kapag masaya ito ay masaya rin siya.

Pero nagbago ang lahat nang simulan niyang usisain talaga si Sabina sa ginagawa nito. Sinubukan niyang basahin ang mga sinusulat nito na na-publish. Maganda naman ang mga iyon pero ikinabahala niya. Pamilyar kasi sa kanya ang mga eksena. Lahat ng mga iyon ay mga bagay na naggawa niya para sa babae!

Pinalampas ni Grimson ang una. Pero nang mapansin niya na parang palagi na lang niyang nakikita ang mga eksena sa mga pangyayari sa buhay nila, ikinakasama na iyon ng loob niya. Kinompronta niya ito.

Inilagay ni Sabina ang kamay nito sa leeg niya. “You are my lucky charm, Babe. You are my inspiration.”

“Inspiration? Seryoso ka ba? It feels like you are using me…”

Tumawa si Sabina. “Using you? Boyfriend kita. Dapat lang naman na gawin kitang inspiration. I am in love with you. Bilang romance writer, nalalaman ko ang feeling ng in love dahil sa `yo.”

Tinignan ni Grimson nang mataman ang girlfriend. “B-but Babe, sa ginagawa mong ito, parang ginagawa mo na public ang buhay natin at----“

Pinutol ni Sabina si Grimson sa pamamagitan ng halik. Napatunayan ni Grimson na weakness niya iyon. Nawala sa isip niya ang naging pagkokompronta dapat sa girlfriend. The heat succumbs in him.

“Strip for me...” nakakaloka ang ngisi ni Sabina nang matapos ang halik.

Napakunot ang noo ni Grimson. “Again?”

“I love the way you move, Babe. Mas natu-turn on ako...”

Alam ni Grimson na maingat siya. Pero sa lagay ni Sabina ngayon, gusto tuloy niyang magduda. Para itong naglilihi. Mahigit limang beses na nitong nire-request sa kanya na maghubad siya para rito. She loves seeing him strip. Their place is private. Ilang linggo lang simula nang gawin niyang opisyal ang relasyon nila ay niyaya niyang mag-live in si Sabina. Pumayag naman ito.

Matindi ang nararamdaman ni Grimson kay Sabina kaya pinagbigyan niya ito. Ginawa niya ang lahat para ma-satisfy ito pero parang kulang pa iyon. After weeks of stripping, nag-request si Sabina na pumunta sila sa isang club---strippers club!

“What the heck?!” uminit ang dugo ni Grimson sa request ng girlfriend. “Hindi pa ba sapat sa `yo na ako na lang ang maghubad sa harapan mo?”

Kinagat ni Sabina ang ibabang labi. “W-well, gusto ko lang naman ito para ma-experience ko. Bilang writer ay kailangan ko na malaman na---“

“Bullshit reason! Pagsusulat na lang ba ang mayroon sa buhay mo, Sabina?”

“Of course not. I have you and---“

“Sa ginagawa mo na ito sa akin, malapit mo na akong paalisin sa buhay mo…”

Nanlaki ang mata ni Sabina. “You don’t mean that.”

“Then tell me, why are you so interested in stripping? Ni hindi ka pa nakontento sa mga binigay ko sa `yo.”

Huminga nang malalim si Sabina. “Sa totoo lang, gumawa ako ng series about strippers. You know, like the movie Magic Mike? Something like that ang content pero sinusubukan ko pa rin naman na maging wholesome. Ngayon, may pina-revise sa akin na scene---a club scene. May mga maling details daw ako about the club. So gusto ko sanang pumunta roon para ma-experience. You see, experience is the best teacher. Hindi mo magagawang i-express ang damdamin at alam mo kung hindi mo pa nararamdaman o nararanasan iyon. Please understand. I want to have an inspiration and---“

“Tell me, kaya ka ba nakipagrelasyon sa akin ay para lang rin maisulat ka?”

“I think kaya naggawa kong makapagpa-approve ng novel ay dahil sa `yo. The way you made me feel, I love it. I love you. You are my inspiration. I need you.”

“You love me because you need me.” Sa mga ginagawa ni Sabina, iyon ang nararamdaman niya. Umiling-iling si Grimson. “Hindi dapat ganoon. Dapat ay kailangan mo ako dahil mahal mo ako.”

Hindi nakapagsalita si Sabina. Nakatitig lang ito sa kanya. Namumutla. Grimson felt devastated. Ibig sabihin lang ng pananahimik nito ay “oo” para sa kanya.

Hindi gusto ni Grimson ang nararamdaman. Maganda ang relasyon nila ni Sabina. They were perfect in bed. He loves the feeling whenever she was around. May pakiramdam siya na habang buhay ay kaya niyang mabuhay sa ligaya sa piling nito. Iyon nga lang, kung magpapatuloy ang mga ginagawa nitong iyon, hindi niya alam kung makakaya pa niya.

“Itigil mo na ang paggawa mo ng romance novels. Kaya kong buhayin ka.”

Lalong natigalgal si Sabina. “Y-you are making me choose between you and your dream.”

“This dream of yours is making me sick!”

“Hindi ko kayang i-give up ang pangarap ko. Dapat ay naiintindihan mo ako. May pangarap ka rin. Alam mo kung gaano kahirap kapag hindi mo ginagawa ang bagay na gusto mo. And even give it up for something that someone wants you to do.”

“Sisirain tayo ng pangarap mo, ng trabaho mo.” Ang tanging pumapasok sa isip ni Grimson sa trabaho ni Sabina ay ginagamit lang siya nito. The though of it made him feel very disappointed. Parang niloloko na rin siya nito ng lagay na iyon.

At hindi gusto ni Grimson ang niloloko, lalo na ang klase ng panloloko na ginagawa ni Sabina. He hated being used.

Just like what his mother did…

“Hindi ko iiwan ang pangarap ko para sa `yo!” matigas naman na wika ni Sabina.

Iyon ang unang beses na nagpakita ng tapang si Sabina sa kanya. Lalong hindi iyon nagustuhan ni Grimson. Kinain ng galit ang puso niya at dahil roon ay nakapag-isip pa siya ng mga puwede na isumbat rito. Mabilis naman na napuno ang kanyang isip.

“Hindi lang ito tungkol sa dahilan ng pakiramdam ko ay pangagamit mo sa akin, Sabina. It was also for the way you took care of me. Madalas na nakatutok ka lang diyan sa laptop mo kapag dumarating ako. Aabalahin mo lang ako kapag tapos ka ng magsulat ng manuscript mo o `di kaya ay kapag feel mo lang. O feel mo nga lang ba dahil kailangan mo ako para sa manuscript mo? Mas mahalaga pa sa `yo ang trabaho mo kaysa sa akin!”

“N-no, hindi ko ginagawa ang mga iyon. I---“ nahihirapan na makasagot si Sabina. Halata na guilty rin ito sa mga accusation niya.

“If you choose the job, you are going to lose me, Sabina.”

Mabuti na siguro na ganoon, kaysa naman patuloy na iparamdam sa kanya ni Sabina na kagamitan lang siya para rito. Si Sabina ang unang babae na sineryoso niya. Ang hirap tanggapin na hindi siya ang priority nito. And worst, ginagamit pa siya.

Umiling si Sabina. “`Wag mong gawin ito. Mahal kita kahit ano pa man na isipin mo tungkol roon. Hindi ko gustong iwan ka pero lalong hindi ko rin gusto na iwan ang trabaho ko. S-siguro ay naguguluhan ka lang, Babe. Kailangan mo ng oras mag-isip. Handa ako na maghintay hanggang sa maintindihan mo iyon.”

Duda si Grimson. Sa panahon ngayon, kahit na ba masakit rin para sa kanya na iwanan si Sabina ay hindi niya makakaya na mabuhay sa pakiramdam na ginagamit nito. The conversation made their relationship come to a bitter end.

“IT WAS very nice to see you again, Hija. Kumusta ka na?” masayang-masaya ang mukha ni Alexandra Valle---ang Lola ni Grimson nang magkita ulit sila. Dalawang araw na simula nang makauwi ito sa Pilipinas. Pero ngayon lang dinala ni Grimson si Sabina rito. Ginusto ni Grimson na ganoon para gawing regalo na rin sa Lola ang balita nitong nagkabalikan na sila. Ngayong araw ay sixtieth birthday ng matanda. May malaking handaan sa hardin ng malaking mansion ng mga Valle.

“Okay naman po. Masaya po ako na makita kayo ulit,” Sinagot ni Sabina ang pangungumusta. “Na-miss ko po kayo. Happy Birthday po pala! Walang-wala sa mukha niyo ang edad niyo. Mas gumanda pa po kayo kaysa sa dati.”

Walang halong pagbibiro si Sabina. Sadyang maganda ang Lola ni Grimson kahit matanda na. She was the epitome of elegance and beauty. Magaganda talaga ang lahi nina Grimson. Totoo rin ang sinabi niya na-miss niya ang matanda. Minsan na tumira siya sa mansion na ito ng isang buwan noong ni-renovate ang condo unit ni Grimson kung saan sila nag-live in dati. Tuwing weekends rin ay madalas na dinadalaw nila ang Lola nito. Tuwang-tuwa sa kanya ang matanda dahil siya raw ang nagpatino sa apo nito. Siya ang unang ipinakilalang girlfriend ni Grimson sa pamilya.

“Naku, kaya naman talagang gustong-gusto kita rito para sa aking apo, eh. Palagi mong pinapaganda ang mood ko,” Maganda ang ngiti ng matanda. Tumingin ito kay Grimson. “You really know how to make me happy, my dear grand son.”

Inakbayan ni Grimson si Sabina. “Happy Birthday, Grandma. I hope you are happy.”

Ngumiti ang matanda bilang sagot. May sasabihin pa sana ito nang hawakan ng host ang kamay nito. May ibinulong ito at tumango ang matanda. Tumingin itong dalawa sa kanila pagkatapos. “I have an important announcement to make. Please stand by, Grimson.”

Tumango si Grimson. Nang makaalis ang Lola nito ay tinanggal nito ang pagkakaakbay sa kanya. Napabuntong-hininga si Sabina. Everything is just a play.

Mahigit isang linggo na simula nang pumayag si Sabina sa proposal ni Grimson. Pero ang main reason niya kung bakit siya pumayag ay hindi niya makuha. Hindi siya makapagsulat! At kasalanan iyon ni Grimson.

Ang buong akala pa naman ni Sabina ay nabubuhay pa rin ang init ng lalaki sa kanya. Ganoon rin ang sa kanya. She badly missed the spark and sex between them. She wanted more. Pero pagkatapos ng isang gabi, naging malamig si Grimson. Hindi na ito nagpakita ng interes sa kanya. Ngayong gabi na nga lang siya nito ulit nito hinawakan kahit sa iisang unit pa rin naman sila nakatira.

Na-experience na naman ni Sabina ang wild sex. Dapat ay maggawa niyang magsulat. Pero siguro ay siya ang klase ng writer na kapag hindi fresh sa isip ang karanasan ay hindi iyon magagawang isulat. Kung hindi rin fresh sa kanyang isip ang feeling ng in love, hindi niya iyon mailalagay sa kanyang nobela.

Kulang sa kilig---ganoon na lang palagi ang lumalabas na komento kay Sabina sa mga naipasa niyang nobela bago at pagkatapos ng relasyon nila ni Grimson. Hindi niya maggawang ilagay sa mga nobela ang kilig kapag wala ito. Malaking essential ang lalaki sa romance writing life niya. Ito ang bateryang nagbibigay ng lakas sa kanya.

Marami na naman ang nagsabi kay Sabina na subukan ang ibang genre nang mawala si Grimson. Sumubok naman siya at nakapasa ang iba. May iba na siyang naisulat bukod sa romance. Pero hindi iyon bumenta at na-disappoint lang siya. Sa mambabasang Pilipino, mas patok talaga ang romance kaya sinubukan ni Sabina na mag-stick roon. Mas satisfied rin siya roon. Kailangan niya ng pera pero mas mahalaga sa kanya ang satisfaction.

Pero nandiyan man si Grimson ay sandali lang nitong ipinadama sa kanya ang init na kailangan niya. Hindi naman niya gustong magpakababa para maramdaman ulit iyon kaya kahit mahirap, hindi siya nagtatanong. Natatakot rin siya na masaktan na naman. Iisa lang kasi ang naiisip niyang dahilan kung bakit pinanlalamigan naman siya nito: hindi na siya nito gusto.

Ginagamit lang nila ang isa’t isa. No feelings should be involved. Dapat ay itinatatak ni Sabina iyon sa utak niya. O kung hindi man, oras na nga para turuan niya ang sarili ng dapat: ang hindi umasa na babalik pa talaga ang Grimson na minsan na minahal siya. Hindi siya dapat magtitiyaga na makontento na lang sa presensiya nito.

Sinundan ni Grimson si Sabina nang umupo ito sa table na hindi rin lang naman kalayuan sa kinauupuan ng Lola nito. Nagsalita ang Lola ni Grimson.

“I’m sixty and we all know that it’s already a retirement age. And today, I am going to have my announcement. Effective today, I am no longer the CEO and President of Valle Construction.”

Lahat ay na-shock. Naramdaman niya na natensyon si Grimson sa tabi niya nang pagkatapos ay tumingin ang lahat rito.

Ngumiti ang Lola ni Grimson. Pinaglipat-lipat nito ang tingin kay Grimson at sa pinsan nitong si Alessandro. Natensyon rin si Sabina. I-announce na ba ng Lola nito na ibibigay kay Alessandro ang kompanya? Kung ganoon, makukuha na ni Grimson ang hinihinging kalayaan sa Lola. At siya? Maiiwan na lang basta. Tapos na ang usapan nila...

Nadurog sandali ang puso ni Sabina.

“And so I will also announce the new CEO and President of Valle Constructions, my first grandson, Grimson Valle.”

Namutla si Grimson sa narinig. Puno ng tanong ang tingin nito sa Lola na niloko ito. Pero pumunta rin naman sa tabi ng Lola pagkatapos ng announcement. Mahahalata na pilit ang ngiti nito, pati na rin ang pagsagot ng “salamat” sa pag-congratulate rito. Magulo ang mukha nito at pati na rin ang katabi niyang pinsan nito na si Alessandro. Nagulat ang dalawa, hindi inaasahan ang announcement ng Lola. Nang matapos ay kinausap ni Grimson ang Lola sa loob ng mansion.

Hindi naman maintindihan ni Sabina ang mararamdaman. Anong gagawin ni Grimson sa kanya? Kung hindi naman pala tutuparin ng Lola nito ang kasunduan, edi balewala lang pala ang lahat.

Nanlalamig si Sabina sa isipin na tatapusin na ni Grimson ang lahat. Hindi niya pa gustong umalis sa piling ni Grimson...

Bumalik si Grimson nang nagsisimula na ang mga social dances. Madilim ang mukha nito. Lumapit ito sa kanya at pinatayo siya. “Let’s dance,”

Napalunok si Sabina. “W-why?”

“What, why? You are my girlfriend. Kailangan na isayaw kita.”

Kailangan…hindi gusto. Mas naramdaman ni Sabina ang sakit sa realization.

Kinuha na ni Grimson ang kamay ni Sabina kahit hindi pa siya lubusan na pumapayag. Waltz ang tugtog. Marunong naman na sumayaw si Sabina dahil sa tuwing may party ang Lola ni Grimson, hindi mawawala ang social dances. Sinubukan niyang mag-aral para hindi naman mapahiya sa tuwing niyaya siya ni Grimson. Gusto rin kasi ng Lola nito na makita silang nagsasayaw.

Grimson placed her hand on his shoulder and took her other hand on his. Sinalubong ng may galit pa rin na mata nito ang mata ni Sabina. Pero kahit natutunaw at nasasaktan sa galit, sinalubong niya rin iyon. Paano kung iyon na ang huling pagkakataon na mahahawakan niya si Grimson? Hindi niya pa kaya. Umaasa pa rin talaga siya. Siguro nga ay hindi lang para sa bahay, allowance at inspiration niya para makapagsulat ulit kaya pumayag siya sa gusto ng ex-boyfriend. Sa isang banda, gusto rin niyang mapalapit rito at umasa na sa pamamagitan noon ay magkakabalikan sila.

Enjoy while it lasts, iyon na lang ang nasa isip ni Sabina. So maybe, she would just enjoy it tonight.

Dahan-dahan silang gumalaw na dalawa sa musika. Back step, side step, together. Forward, side, together. And soon, they were swirling around. Nawala na ang takot ni Sabina. Napalitan na iyon ng saya sa pananatili sa kamay ni Grimson.

As they twirled to the music, Grimson drew her against his chest. Inilagay niya ang kamay papunta sa leeg nito, ang kanyang mga daliri ay sa buhok naman nito. Nawala na ang galit sa mukha ni Grimson. Napalitan na iyon ng apoy na mabilis naman nakilala ni Sabina. It was the fire of desire and longing. The magic came along. Tinupad ni Grimson ang gusto niyang mangyari. To made her feel him more.

Ibinaba ni Grimson ang labi nito sa labi ni Sabina. The music is still there yet, it feels like a new tune commenced. Nag-iba rin kasi ang rhythm ng mga katawan nila, lalo na ang kay Grimson. Nawala na ang panlalamig nito. Tanging init na lamang ng halik ang nararamdaman niya. The kissed left Sabina panting.

Grimson felt awed after the kiss and so was she. But then, gusto niya pa. Kating-kati na siyang kuhanin ulit ang labi nito at halikan na para bang wala ng bukas. Mas matindi pa sa halik na pinagsaluhan nila kanina.

Tumingin ito sa ibang direksyon. Nang lumingon siya, nakita niya ang Lola nito pero hindi naman nakatingin sa kanila. “I hope grandma saw us,”

“Hmmm...?” Ito na ang cue ni Sabina para makapagtanong rin. Isinantabi niya ang pangangati.

“Hindi siya basta na-satisfy sa pagdala ko sa `yo sa party,” nakatiim na ang bagang na wika ni Grimson. “She wanted to see us more often. Kapag raw na-satisfy siya na totoo nga na nagkabalikan tayo, saka lang niya ibibigay ang blessing niya at gagawa ng panibagong announcement.”

“S-so magtatagal pa ang pagpapanggap natin?”

“I’m afraid so.”

Dapat ay maging masaya si Sabina. Pero bakit mas pumapasok sa isipan niya ang tila masama ang loob ni Grimson na mapapatagal pa iyon? At mas lalong dumagdag pa iyon nang magsalita ito ulit.

“Grandma’s coming on this way. Now, let’s kiss again. For the show.”

Hinalikan ulit ni Grimson si Sabina.

Nanginginig ang katawan ni Sabina. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng katotohanan. Ginagamit lang talaga siya ng lalaki. It hurts more than a rejected manuscript.

“Damn you, kiss me back.” Grimson moaned in between his kisses.

Gustuhin man ni Sabina, hindi niya ginawa. Bahagyang itinulak niya ito at nang makita ang galit sa mukha nito sa hindi niya pagtugon sa halik.

A tear fell from Sabina’s eye.

Mahal kasi kita, gago ka! Nasa isip-isip ni Sabina. Hindi siya nagpaliwanag. Hindi rin naman nagtanong si Grimson. Pero ang pagdilim ng mukha nito ay napunta sa gulo at pagkaputla rin sa dulo.

GUSTONG idaan ni Grimson ang lahat ng samang nararamdaman sa pamamagitan ng tulog. Ayon sa pag-aaral, nakakatulong raw ang tulog kapag masama ang loob ng tao. Pero pati ang tulog ay parang masama rin ang loob sa kanya. Ilang araw na nga siya na sleep deprived dahil sa pagpipigil na ilapit ang sarili kay Sabina. Kailangan na kailangan niya noon pero iniiwasan siya.

Mahigit dalawang oras na nang makauwi sila Grimson at Sabina sa unit niya. Tahimik lang silang dalawa, lalo na si Sabina. Nakokonsensya tuloy siya. Feeling kasi niya ay tinatago lang ni Sabina ang sakit. Hindi ito nagpapaliwanag sa kanya, at siya naman ay minabuti na huwag ng magtanong. Mas lalo lang siyang mahihirapan dahil alam naman niya na siya ang pinaka may kasalanan. Mahahalatang nasasaktan si Sabina sa pagbabalewala niya rito at pati na rin sa realidad na pinakita niya rito sa party ng Lola niya: ginagamit lang niya ito.

Alam iyon ni Sabina kaya hindi na dapat ito nasasaktan. Dapat ay inilagay na nito ang isip sa lagay na iyon. Pinipilit niya kaya dapat ay ganoon rin ito. Magiging maayos ba ang nakaraan kung pareho sa kanila ang ayaw mag-adjust?

Bumangon si Grimson. Nagpunta siya ng kusina para pakalmahin ang sarili sa pag-inom ng tubig. Pero maling galaw iyon. Nakita niya si Sabina sa dining room na katabi rin ng kusina. Umiiyak ito habang nakaharap sa laptop.

Grimson felt an unbearable pang on his chest. Napamura siya. Nilapitan niya si Sabina.

Sinalubong ni Sabina ang tingin niya para lang ilihis ulit. Pinunasan nito ang mga luha. “W-wala ito, ha…”

Napalunok si Grimson. “Tungkol pa rin ba ito sa nangyari kanina sa party?”

Huminga nang malalim si Sabina. “Puwedeng oo, puwedeng hindi.” Umiling ito. “Well, siguro ay nadala lang rin ako ng emosyon ko sa ginagawa ko kaya ako nagkakaganito.”

“Tell me about it.”

Pagak na tumawa ito. “Hindi ka naman willing na tulungan ako pagdating sa bagay na ito.”

Tumingin si Sabina sa harap ng laptop nito. Na-gets na ni Grimson ang ibig nitong sabihin. Problema iyon sa pagsusulat.

Naguluhan lalo si Grimson. Nasasaktan siya sa nakikitang hirap sa mukha ni Sabina. Pero hindi rin niya gusto na gamitin na naman siya nitong kasangkapan kagaya ng dati. Kung talagang talented si Sabina, hindi na siya nito kailangan. She didn’t want to be a tool for her. Gusto niyang mahalin siya nito sa kung ano siya at hindi sa mga kaya niyang ibigay rito. Dahil ganoon naman ang pagmamahal `di ba? Wala dapat na hinihinging kapalit…

Minahal ni Grimson si Sabina ng totoo at buong-buo. Naniwala siya na mamahalin rin siya nito kagaya ng kapareho. But it felt like she is just making a fool out of him. Kagaya rin ito ng Mommy niya. Ginamit lang siya sa pansarili nitong kapakanan.

Pero hindi lang iyon ang kinagagalit ni Grimson. Siguro ay makalumang lalaki rin siya. Gusto niya na nasa kanya lang palagi ang sentro ni Sabina. Pero mas mahal nito ang trabaho kaysa sa kanya.

Kaya lang, sa pagkakataong iyon, isinatabi muna ni Grimson ang damdamin niya. “Sabihin mo sa akin kung paano kita matutulungan.”

“S-sigurado ka ba?”

The light on Sabina’s eyes made Grimson happy. Gumaan ang pakiramdam niya. Ito na ang hinahanap ko. Tumango si Grimson. Umupo siya sa tabi nito.

Ipinakita ni Sabina ang manuscript nito. “First, I am trying to write an erotic romance book.”

Alam iyon ni Grimson dahil sa nabasa niya. “At?”

“I’m stuck with a scene. The scene is about sexual fantasies and...” nakagat ni Sabina ang ibabang labi. Hindi nito natuloy ang sasabihin.

Tumaas ang isang kilay ni Grimson. “Wala ka bang sexual fantasies?”

“I-I’m not so sure. Alam mo naman na sa ating dalawa, ikaw ang palaging gumagawa ng aksyon. You are the teacher and I am just your willing pupil.”

Grimson was thrilled. Bigla niyang naalala ang mga maiinit na gabi nila ni Sabina. At totoo ang sinasabi nito. Siya ang madalas na nagtuturo ng mga galaw at estudyante lang niya si Sabina.

“With the other guys---“

Namula si Sabina. “`Wag na natin na pag-usapan `yan.”

Tumango si Grimson. Nahihiya ba ito na aminin sa kanya ang mukhang halata naman? Siya lang ang nakagalaw sa babae. Una at huli. Alam niya iyon kahit hindi nito aminin. She was very tight when their affair started again. It boosts his ego and made him want her more. Kung hindi nga lang talaga siya na-disappoint na umuulit lang ang nakaraan...

“All right,” tumayo si Grimson. “Just wait here.”

Pumasok si Grimson sa kuwarto. Kinuha niya ang laptop niya at may binuksan na folder roon.

“Y-you have a compilation of porn videos.” Bahagya pang pumiyok si Sabina nang makita ang nasa folder.

Ngumisi si Grimson. “Puwede kang matututo ng sexual fantasies sa mga porn videos.”

Mataas ang libido ni Grimson kaya hindi naman siya masisisi na maghanap pa siya ng ibang klase ng kasiyahan kaysa sa traditional missionaries. If he doesn’t feel like going out just to get laid, mas kapakinapakinabang sa kanya ang mga ganoong sex videos. Lalo na kapag nasa mood siya na gusto niyang maikama si Sabina. Iniisip niya na ito ang babae sa video. Silang dalawa. Mahirap kasi iyon na gawin kapag kasama ang iba dahil baka masabi niya pa ang pangalan ng dating nobya. Minsan na kasi na nangyari iyon sa kanya at natikman niya ang kakaibang klase ng galit ng babae na iyon. Hindi na niya gustong maulit.

“I know. Naggawa ko na rin naman iyon.” Mukhang hindi pa rin komportable si Sabina.

“Then? Marami kang malalaman na techniques sa porn and---“

“What about experience?”

“Tinatanong mo ako kung ano ang sexual fantasy ko?”

Naging malagkit ang tingin ni Sabina sa kanya. “Well---“

Hindi na nag-isip pa ng malalim si Grimson. “To video myself and my girl having sex.”

Nanlaki ang mata ni Sabina. “B-but that could be damaging...”

Kaya nga hindi ko ginawa sa `yo noon. Gustong sabihin ni Grimson. He wanted to be a videographer because he wanted to capture videos. Isa sa mga pangarap niya ay ang ma-video-han sila ni Sabina na mag-sex noon. Pero nag-aalala siya na baka hindi nito iyon gusto. Nagre-require ng malaking tiwala ang ganoong klase ng pantasya. Mahal man nila ang isa’t isa, hindi iyon sapat, lalo na at hindi rin naging maganda ang nakaraan. Nauwi lang iyon sa wala.

“It can. But if you trust a person so much, hindi naman siguro.”

“Hmmm...”

Inilapit niya rito ang laptop. “See those videos. I believe it can help.”

Akmang tatayo si Grimson nang hawakan ni Sabina ang balikat niya. “Wait!”

“What?”

Kinagat ni Sabina ang ibabang labi. “Hindi naman talaga ang sexual fantasy mo ang itatanong ko.”

“Then?”

“Ang lagay ko ay hindi ako makapagsulat ng hindi ko na-experience. I mean, its hard. Mas nakukulangan ako kapag wala at---“ nagbaba ng tingin si Sabina, nahihiya ito.

“Gusto mo na bigyan kita ng experience.” Matter-of-factly na putol ni Grimson.

Nang itaas ni Sabina ang tingin, pakiramdam ni Grimson ay nawala siya. He was already standing but he was drowned in the sexual charge of the fire in her eyes. Mabilis na nahawa si Grimson sa klase ng tingin na iyon.

No matter what “use” is this thing, Grimson wanted Sabina so much that he hated himself for it.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.