Chapter 31

“WHERE are you?” may pag-aalala ang boses ni Grimson nang tawagan si Sabina. Late na siya nakauwi kagabi dahil sa sobrang abala sa opisina bilang bagong namumuno sa Valle Constructions. In consequence, late na rin siya naggising. Masyado rin kasi siyang pagod sa nakaraang linggo. Nahihirapan siyang makapag-adjust sa mas mabigat na nga ay hindi pa niya gustong puwesto. Hindi siya makatulog at nakakapagpahinga nang maayos dahil sa pressure. Ngayong araw lang siya nakabawi.

Plano sana ni Grimson na mag-unwind ngayong Sabado. It was hell of a week. Pero hell pa rin pala ang magiging weekend niya nang maggising ng halos alas dose na. Pagkatapos ay wala pa sa tabi niya si Sabina. Wala rin ito sa unit niya. Wala itong kahit anong iniwan na note.

“I’m sorry. Hindi ko nasabi sa `yo. May book signing ako ngayon...” sumagot naman si Sabina sa tawag ni Grimson.

“Book signing? May bago ka ba na labas na libro?”

“Wala. Pero maganda pa rin ang sales ng mga libro ko dati kaya kasama pa rin ako. Mga two to three hours lang naman siguro ang itatagal nito at malapit lang,” Sinabi nito ang isang mall na malapit nga lang sa unit niya. “Anyway, malapit ng magsimula ang event. Mamaya na lang kita kakausapin.”

Pinatay na ni Sabina ang tawag. Napakunot noo si Grimson. Hindi niya nagustuhan ang naging pagtrato sa kanya nito. Hindi rin niya nagustuhan na wala si Sabina. Pero wala naman sa usapan nila na dapat ay ikulong niya lang si Sabina sa lugar kung nasaan siya.

Pinilit na inalis ang sama na nararamdaman na hindi nabungaran si Sabina pagkagising ay kumain si Grimson ng almusal. Sandaling nanood rin siya ng TV para aliwin kahit papaano ang sarili. But the bad feeling is killing him. Hindi niya gusto ito. Gusto niya na maglaro kasama si Sabina. Heck, kahit siguro ang makita ito ay magiging kontento na siya. Hindi siya masyadong nakapaglaan ng oras rito sa nakaraang linggo. Ni hindi pa nga nila nagagawa ang pangatlong sexual fantasy para sa sinusulat nitong nobela dahil sa pagiging abala niya.

Grimson groaned. Natagpuan niya ang sarili na naligo at nag-ayos ng sarili. Pupuntahan niya si Sabina. Baka sakaling mawala itong sama ng nararamdaman niya kahit makita lang ito, kahit sa malayo.

Pagdating sa mall ay pinagtanong-tanong ni Grimson kung saan ang pinaka-venue ng event. Ito ang unang beses na um-attend siya ng book signing ni Sabina kaya hindi niya alam ang aasahan. Nagulat siya na maraming tao. Medyo nahirapan rin siya na makita ito dahil marami ang nakapila rito. Pero nang maggawa niya, sandaling natulala siya. It’s so hard to take his eyes off her. Pamilyar sa kanya iyon dahil ganoon siya kapag nakikita si Sabina. She was his epitome of perfection. Long legs and slim. She was not voluptuous but it doesn’t matter. Gusto niya ang lahat rito. Just the sight of her makes his lips, hands and even his manhood ache.

May kalayuan si Grimson kay Sabina pero malinaw ang tingin niya rito at sa paligid nito. Nagmamasid lang siya sa paligid. He just wanted to be there, looking at Sabina. He was contented already with that. Wala na ang sama ng loob niya at stress na rin sa trabaho. Mahahalata kasi na masaya ito. And it made him happy, too.

Tahimik lang si Grimson nang biglang may tatlong babae na lumapit sa kanya. Sa tantiya niya ay nasa eighteen hanggang twenty three years old ang edad ng mga ito. Iniharap ng isa sa kanya ang cell phone.

“Sir, excuse me. Pero kayo po ito `di ba?”

Napalunok si Grimson nang makita ang picture nilang dalawa ni Sabina. Screenshot iyon mula sa “Anna Sabina” account nito---ang pen name nito. Napakamot siya ng ulo. “Yeah?”

Nagliwanag ang mukha ng tatlo. Kinuha ng isa ang libro nito. Inihirap nito sa kanya ang unang pahina ng pocketbook. “S-so kayo po si Grimson Valle?”

Binasa ni Grimson ang nakasulat sa first page.

For my love, Grimson Valle. Thank you for making me believe that forever exists. I love you always!

Napalunok ulit at namutla si Grimson sa nabasa. Alam niya na binati siya ni Sabina sa pinaka-unang nobela nito. Pero sa mga sumunod ay akala niya ay hindi na. At ang librong ito, d-in-edicate sa kanya ni Sabina...

Napatili na ang tatlo hindi pa niya nakukumpirma.

“Oh God, kayo nga! Puwede ba akong magpa-picture, Sir?” wika ng maliit ay may maikli rin na buhok.

Muntik ng matawa si Grimson. Hindi naman siya sikat para magpa-picture ito. “Sigurado ka ba?”

Ang tindi ng tango ng babae, nakisama rin ang mga kasamahan. Sinagot siya ng babaeng may katabaan. “Idol na idol po namin si Miss Anna Sabina! Medyo stalker po kami niya kaya may screenshot po kami ng ganito. Kayo po `yung boyfriend niya `di ba?”

“Kayo po `yung inspiration ni Miss Anna sa mga books niya kaya gusto rin namin na makapagpa-picture sa inyo,” dahilan ng mga ito.

Mukhang walang makakapigil sa tatlo kaya pumayag na rin si Grimson.

“Salamat po ng marami, Sir. Kilig na kilig po ako! Kaya po pala talaga naman na magaganda ang libro ni Miss Anna ay dahil prince charming talaga ang inspirasyon.”

“Oo nga. Sana po bigyan niyo pa siya ng kilig kasi ilan lang po kami sa fans niya. Matagal na po kasi siya na walang release. Ang balita po namin ay nahihirapan daw siyang magsulat ngayon,”

Hindi makapag-react si Grimson. Halatang hindi alam ng mga fans ni Sabina na wala na sila.

“B-bakit kayo natutuwa sa akin? Hindi naman ako inspirasyon ni Anna Sabina. I mean, she’s just using me...”

Kumunot ang noo ng tatlo. “Using you? Hindi naman po siguro. Oo, siguro po ay masasabi na kapag inspirasyon ka ng isang tao, ginagamit ka niya. But Miss Anna is using you for good. Marami po kaming sumasaya sa product ng talent niya na nangyayari dahil sa inyo!”

“Sa mga novels po ni Miss Anna, naniniwala kami na may forever pa rin. Kasi nararamdaman niya iyon sa `yo. Pinaparamdam niyo po `yun sa kanya at binabahagi lang po niya sa pamamagitan ng mga nobela iyon.”

Nanikip ang dibdib ni Grimson sa narinig. May napagtanto siya. Mas lalo pa siyang namutla nang makaramdam ng guilt sa kanyang puso...

Tumango na lang siya sa tatlo na umalis na sa harapan niya. Napatingin siya kay Sabina. People are treating her so special. She really is special. She is someone to cherish.

At kailangan na iparamdam rin ni Grimson iyon sa babae.

Napapitik si Grimson sa ere. Guilty man rin siya, ano pa at hindi na niya kuhanin ang pagkakataon ngayon `di ba? Kailangan niyang bumawi kay Sabina.

Umalis si Grimson ng event. Nagpaggawa siya ng flowers. Sinigurado niyang espesyal at bongga iyon. Naging matagal ang arrangement kaya naman kakaunti na rin ang tao sa event nang makabalik siya. Wala ng nagpapirma kay Sabina. Nilapitan niya ito.

Gulat na gulat si Sabina nang makita siya. Pero ang pagkagulat nito ay mahahalata na may kasama na kilig. Her cheeks were so flushed. It made her lovelier than ever. Inabot niya rito ang bulaklak.

“W-why?”

Nagkibit-balikat si Grimson. “You deserved it. Congratulations,”

Umalis si Sabina ng table. Niyakap siya nito. “The flowers are lovely. Thank you,”

Heat explored in Grimson’s body with just the touch of her. The ache and the need is strong and powerful. Sinubukan niyang halikan ito para maiparamdam niya iyon rito.

Pero hindi kinaya ni Grimson na palalimin ang halik. Masarap sa pakiramdam ang halikan si Sabina. But remembering what he realized today made him guilty. And it hurts. Hindi siya makapagconcentrate.

Inilayo ni Grimson ang mukha kay Sabina. Nagtatanong naman ang mga mata ng babae. “Hmmm…?”

Tinitigan ni Grimson ang mga mata ni Sabina. His heart aches.

“I’m sorry. I’m really sorry…”

Kumunot lang ang noo ni Sabina.

SABINA knew that something was wrong. Kahit na ba nagustuhan niya ang pagdating ni Grimson sa booksigning niya ay parang hindi iyon tama. Hindi gusto ni Grimson ang career niya. Kaya bakit naman siya nito bibigyan ng flowers? It’s a sign of appreciation.

Pero mukhang pinagsisihan na ni Grimson ang ginawa nito sa nakaraan. He said sorry. But did he really mean it? Pagkatapos kasi ng book signing niya ay parang nanlamig ito sa kanya. Hindi siya nito kinakausap.

Naguguluhan si Sabina pero hindi naman siya makapagtanong. Natulog siya sa kuwarto nito kagabi at natulog naman si Grimson sa kabila. Parang iniiwasan talaga siya nito.

Pero hindi na nakaya ni Sabina ang bigat sa dibdib nang maggising. Kaya ko ito! Pagpapalakas ng loob ni Sabina. Hindi na niya kayang tiisin ang kalamigan na iyon.

Pupuntahan na ni Sabina si Grimson sa kuwarto nang makasalubong niya ito sa pinto. Muntik na nilang mabundol ang isa’t isa.

“S-sorry!” It was Grimson, hindi tumitingin kay Sabina.

“I’m sorry, too. And I also mean it for what happened yesterday…”

Kumunot ang noo ni Grimson. “W-what for?”

Napakamot si Sabina. “Hindi ko nga rin alam. Feeling ko lang ay may naggawa akong mali dahil bigla ka na lang nanlamig sa akin.”

“No. Hindi ikaw ang problema,” Huminga nang malalim si Grimson. “Ako ang problema, Sabina. Nahihiya ako sa `yo.”

Tinaasan ni Sabina ng kilay si Grimson. Naguguluhan siya sa sinabi nito.

Ibinaba ni Grimson ang tingin. Ikinuwento nito ang naging encounter nito sa mga readers niya. “Your readers made me realized what a jerk I am. Hindi dapat kita iniwan dati. Hindi dapat ako naging mahina at nagpadala dahil lang pakiramdam ko ay mali ang ginagawa mo.”

Nagulat si Sabina sa ipinagtapat ni Grimson. Sandaling natulala lang siya. “Nasasaktan kasi ako noon. Hindi ka na nga iyong typical na girlfriend na inaasikaso ako dahil kakaiba ang schedule ng oras mo, ang dami mo pa na weird na pinapaggawa sa akin para lang sa manuscript mo. Pakiramdam ko, ginagawa mo lang ako na kasangkapan sa mga bagay na sinusulat mo. Ayaw ko ng ginagamit. Ayaw kong tumulad ka sa Mama ko…”

“Sa Mama mo? Pero bakit?” Walang alam masyado si Sabina tungkol sa magulang ni Grimson. Madalas kasi itong iwas kapag natatanong niya tungkol sa mga ito. Ang alam lang niya ay pareho ng patay ang mga ito. Hindi na rin naman niya nakikita ang mga ito sa mga family occasions kaya baka totoo.

Huminga nang malalim si Grimson. “Hindi marunong magmahal ang Mama ko. Hindi niya ako minahal. Gusto lang niya ang maibibigay ko sa kanya.”

Nagsimulang magkuwento si Grimson.

“Oportunista si Mama. Dahil alam nito na mayaman si Papa ay nagpabuntis ito. But my father is clever. He didn’t marry her. Kaya ako ang ginamit niya para makuhanan ng pera ang mga Valle.

“Ako ang unang apo ni Lola Xandra. Alam ko at alam rin ni Mama na mahal na mahal ako ng Lola ko. Sa tuwing kailangan ni Mama ng pera ay lalapit siya kay Lola o kay Papa, sasabihin na kailangan ko iyon. Pero gagastusin lang niya iyon at pababayaan niya ako.

“Four years old ako nang mamatay si Papa. Hindi pumayag si Mama na mapunta ako sa mga Valle. At iyon nga ay dahil kailangan niya ako para magkaroon siya ng pera. Ginagastos niya ang lahat ng allowance na binibigay sa akin ni Lola. Pati na rin ang mga ari-arian na naiwan para sa akin mula kay Papa ay kinuha rin niya. She forged documents to take it over. Adik siya sa sugal kaya kailangan niya ng pera. Dahil rin sa sugal ay napabayaan na niya ako. At nang ikuwento ko kay Lola Xandra ang mga nangyari ay mas lalo akong napabayaan ni Mama. Hindi na kasi nagsustento si Lola para hindi na ito magamit ni Mama. Wala rin naman na maggawa si Lola kay Mama dahil legally ay dapat na sa ina mapupunta ang anak. Nang mag-seven years old lang ako at tamang edad na para mamili ako ng guardian ay doon lang umayos ulit ang buhay ko. Sumama ako kay Lola. She protected me from my mom. A year after that, namatay naman si Mama. She was murdered. Pinapatay ito ng mga taong pinagkautangan na nito…”

“I’m sorry about that. Wala akong alam…”

“It was a bad past and I do not intend to open it up again…”

“Pero nagkaroon ka ng trauma ng dahil roon,”

Tumango si Grimson. “My mother used me. And I promise that no other person will use me again. At ganoon ang naramdaman ko sa ginawa mo sa akin dati, Sabina. So I was furious…”

“I’m sorry, but not really sorry,” Kinagat ni Sabina ang ibabang labi. “Dapat ay kinumbinsi kita noon na hindi naman talaga ganoon. But there’s also a feeling inside me na parang ganoon na nga ang nangyayari.”

Sinalubong ni Sabina ang mata ni Grimson. “I consider you as my lucky charm, Grimson. And you have a point, I feel like using you for writing. Hindi nga maganda iyon, lalo na at may punto sa buhay ko na parang minamahal rin kita sa bagay na kaya mo na ibigay sa akin---the inspiration. Because writing romance was so easy when you are there. May kasalanan ako kaya kahit na ba alam ko na madali lang naman na maayos ang relasyon natin noon kung gugustuhin ko, hindi ko rin maggawa. Ayoko na aminin na may kasalanan rin ako. Kaya sa halip, inantay ko na lang na bumalik ka at ma-realize mo ang lahat.”

“At hindi ko ginawa. May mali rin ako pero sinisisi ko sa `yo ang lahat. What you do, it makes you happy. Dapat ay masaya rin ako roon lalo na at hindi lang ikaw ang nagiging masaya, ganoon rin ang mga readers mo. It’s just my pride that made me like that. I’m so immature to think of that.

“Nahihiya ako na taon pa ang lumipas bago ko ma-realize ang mga naging pagkakamali ko. But I was really blinded and hurt that time. Ayaw ko lang kasi rin na umulit ang nakaraan. Mahal kita pero pinaalala mo sa akin ang masamang nakaraan ko. Kaya kahit hinahanap-hanap pa rin kita ay pinili kong huwag ka nang balikan. Naging matigas ako. Naging immature rin. I know that I’ve been bad. Hindi ko rin alam kung puwede mo pa akong patawarin. But I hope its not too late to say that I am sorry. I’m really sorry…”

“H-huli na nga ba ang lahat? Gusto mo ba talaga na hanggang dito na lang tayo?”

Hindi alam ni Sabina kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon. Yes, pasaway siya paminsan-minsan at makapal rin ang mukha. Pero pagdating kay Grimson ay nahihiya siya, lalo na sa pagtatapat ng damdamin rito. Siguro ay nasasamahan na rin kasi iyon ng takot.

Itinaas ulit ni Grimson ang mukha sa kanya. Nagsalubong ang tingin nilang dalawa at kaagad na naramdaman niya na tumaas ang temperatura ng buong unit at pati na rin ang katawan niya. Grimson’s gaze is like a flame that burned through her...

“I’m not good with words, Sabina. Can I just show you?”

At bago pa man makapag-react si Sabina ay nilapitan na siya ni Grimson, partikular ng labi nito sa labi niya. With his kiss, it wasn’t just her body he ignited. It was also her soul.

Sabina’s need is raging and hot for him. Sinalubong niya ang halik nito na may kapantay rin na init. Binuksan niya ang kanyang bibig. She sucked him gently at first. Pero hindi nagtagal ay ginawa na rin niya ang parehong paborito---marahas. It made the need more demanding. A rough growl came deep from Grimson’s chest. Kinuha ng isang kamay nito ang baywang niya at mas pinalapit siya patungo rito. Naramdaman kaagad niya ang pagkabuhay ng pagkalalaki nito na dumidikit sa tiyan niya. Inabala naman ng isa pa ang pagkuha sa kanyang ulo, pinapalalim ang halik.

The kissed was so hard and desperate that made both of their hearts tuned in a throbbing one. Sa sobrang intense rin ng nararamdaman ni Sabina ay napahawak siya sa T-shirt ni Grimson.

“You’re so talented, sweetheart. Alam na alam mo kung paano ako paligayahin.” Bahagyang inilayo ni Grimson ang mukha nito sa mukha niya para sabihin iyon.

“Just the sight of you made me ache in pleasure...” bold na sagot naman ni Sabina.

“So what are we doing?”

“Hmmm... make-up kiss?”

Pinindot ni Grimson ang ilong niya. “Kiss lang?”

“We’re getting there, my Love.”

“My Love?”

Nakagat ni Sabina ang ilalim ng kanyang labi. Nakalimutan niyang magdahan-dahan sa mga salita niya! Anong iisipin ni Grimson?

Hinawakan ni Grimson ang hibla ng buhok ni Sabina na tumatakip sa kanyang mukha. “I love it when you do that,”

“Huh?”

“Biting your lower lip. Parang lalo akong nate-tempt na kagatin rin `yan...”

“Then do...”

“You don’t have to ask, my Love...” Grimson did what he says so. Kinagat nito ang labi niya. The pain made the pleasure heightened. Pero pinilit na huwag munang magpadala ni Sabina sa sarap. After the exhilarating kissed, hinawakan niya ang mukha ni Grimson para patigilin.

“You called me my love, too.”

“Hindi pa ba nararamdaman ang mga iyon sa kilos ko? Sinabi ko na sa `yo na hindi ako magaling sa mga salita.”

“B-but you can call that lust...”

“When you felt intense lust to a woman, sa tingin ko ay kakaiba na iyon. Lalo na at kahit sa mga nakalipas na taon ay nanatili pa rin iyon. My desire for you is insatiable.”

“Kung ganoon ay---“

“I never stopped loving you, Sabina. I’m just a fool for not recognizing that for the past years. Mas pinairal ko ang pride ko. Inisip ko na ginagamit mo lang ako at minsama ko iyon. Pero iyon pala, mas magiging masama pa ang lahat sa akin. I push myself away from you and I haven’t been contented in my life ever since.”

Teary-eyed, hinalikan ulit ni Sabina ang lalaki. Hindi na niya ininda ang lahat ng sakit sa nakaraan ng magkahiwalay sila. Ang mahalaga ngayon ay nagkaroon sila ng panibagong pagkakataon. “And therefore, I have intense lust for you, too. I love you.”

“Kung ganoon, ipakita mo sa akin kung gaano ka-intense iyon.” Nakangising wika ni Grimson saka hinaplos siya ng may kakaibang init.

“Just feel.” Sabina clinged her arms into him.

“SWEETHEART is very common...” Sabina said while panting. She was fully naked and so was Grimson. They ended up in bed after thirty minutes of foreplay. At kahit nakapasok at nakasabog na si Grimson sa kanya ay hindi pa rin mawala-wala ang enerhiya at pagnanasa nito. He was now entering her for the second time. Sa pagkakataon na iyon, kahit nasa kama ay hindi ang tradisyonal na missionary ang ginawa nila.

Sa kasalukuyan ay nakaupo si Sabina sa nakataas na pagkalalaki ni Grimson. Naka-indian sit ito. His breasts are pressed against his chest. Ang mga labi naman nito ay abala ang paglapat sa kanyang leeg. He gave her erotic kisses. That made her return soft moans, gasp and wish for breath. Sa pagitan rin ng halik na iyon ay binubulungan siya nito ng mga sweet at love words. He keeps on calling her “sweetheart”.

“Demanding.”

“At ganoon ka rin at ang mga halik mo.” inilagay niya ang index finger sa labi nito. “And I should add, positions. Napakarami mong alam!”

“Sex makes me crazy and made me greedy, too. I want to explore more of you, sweetheart.”

Sumimangot si Sabina. “Sweetheart, again?”

“Anong mali roon? Ah, My love ang gusto mo? Darling?”

Sabina rolled her eyes while rotating her hips through him. Ikiniskis rin niya lalo ang dibdib niya rito para lalong masiyahan ito.

“It’s good but it’s just all too wholesome! Sadya bang show lang ang alam mo? Experience? Give me something good to write, aside from the experience.”

“All right.” Tumigil si Grimson sa paghalik sa kanya, nag-isip. Pagkatapos ay ngumiti ito. He met her burning gaze. “Alam mo ba kung ano ang tawag sa posisyon na ito?”

“Sex in Indian sit style? Female on top?” mahilig siyang magbasa at paminsan-minsan ay nanonood rin pero iyon lang ang alam niya sa ginagawa nila. Hindi na rin naman nila pinapangalanan ang mga posisyon.

Umiling ito. “It’s Medusa’s position.”

“Okay. So anong kinalaman noon sa ginagawa natin?”

“Therefore, I will call you Medusa.”

Sumimangot si Sabina. Nag-init siya lalo ngayon pero may kasama ng galit. “Ganoon na ba ako kapangit? Wala naman akong ahas sa ulo!”

Tumawa si Grimson. “Hindi sa ganoon. Ikaw ang Medusa ko dahil ginagawa mong bato ang katawan ko, lalong-lalo na ang pagkalalaki ko!”

“What the---“ natawa rin si Sabina. “May sakit ka nga. Kung anu-anong sinasabi mo!”

“If then, my only cure is---“

“I know. Neosex and Biosex,” Ngumisi si Sabina.

Nakakaloko ang tawa at ngiti ni Grimson. “Well then, give it to me, Medusa.”

“TLC or wild?”

“Both.” Wika ni Grimson at binigyan na naman siya ng nakakabaliw na halik na siyang nagbigay lang ng motivation sa kanya para sundin ang gusto nito. She grinds, rotate and even moved gently into him, just what he asks him. Pinagsalin niya ang pagiging marahan at marahas sa bawat galaw. They made each other wish for air to breathe. Mukha kasing nawawala na iyon sa klase ng init na ginagawa ng pagiging isa nila. Pero kung siguro ay mamatay si Sabina sa ginagawa nila ni Grimson ay okay lang. Mamatay siyang masaya at minamahal.

The pleasure is much more intense now that she knew both of their feelings. Mahal siya ni Grimson at ganoon rin siya rito. Ang ginagawa nila ngayon ay pagpapakita lamang kung gaano kasabik ang katawan at puso nila sa isa’t isa.

Sabina was having a hard time what to ask for more.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.