Tahimik na inabot ni Margaux ang kanyang registration form matapos tatakan iyon ng cashier na katunayang fully paid na siya sa kanyang tuition fee. Nakalimutan kasi niyang ayusin ang papers niya noong nagsimula ang klase.
Wala siyang kailangang alalahanin tungkol sa pagpasok niya. Ngunit kinailangan pa rin niyang ipa-confirm sa administration ang enrollment niya dahil hinanapan siya sa kanyang department. Hindi kasi siya mai-issue-han ang permtit para sa kanyang exam.
Nang maitupi ang papel ay inilagay na niya iyon sa kanyang bag nang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya kung rehistro. Si Jaiden.
“Hi.” Aniya nang maitapat iyon sa kanyang tainga. Umakto siyang normal. Kahit na parang tambol ang puso niya dahil biglaang pagbilis ng tibok niyon. Pinipigil din niya ang sarili na mapangiti. May ilang tao sa admin at baka kung anong isipin sa kanya.
“Nasaan ka?” Tanong ni Jaiden.
“Sa admin. Bakit?” Sagot niya sabay hinga nang malalim.
“Wala lang.” Sabi ng binata kasunod ng isang mahinang tawa. Patagong nahugot ni Margaux ang hininga. Simpleng tawa lang ni Jaiden ay apektadong-apektado na siya.
“Bakit nga?” kunwa’y nairita niyang tanong gayong sa totoo ay kinikilig siya.
“Gusto ko lang marinig ang boses mo. Wala pa kasi ang prof namin kaya tumawag muna ako sa’yo.” Ani Jaiden.
Tumikhim si Margaux habang pilit nagpipigil ng ngiti. True that butterflies were like flying on stomach when someone was making you shiver beautifully.
“O, narinig mo na. Okay na?” Saad niya. Naglalakad na siya lobby noong oras na iyon.
“Hindi pa. Teka lang.” Pagpoprotesta ni Jaiden. Umikot ang mga mata niya ngunit kahit naman siya ay gusto ring marinig ang tinig nito.
“Naglalakad ako.” Aniya.
Tumawa muli si Jaiden. “Okay, I’ll hang up. Pero date tayo mamaya.”
She sighed. Wala siyang nakikitang dahilan upang tanggihan ito. Iyon din naman ang gusto niya.
“Sige.” Pagpayag niya.
“Excited na ‘ko.” Nasisiyahang sabi ni Jaiden.
Napatawa na rin siya. “Sira. Sige na. Baka nasa likod mo na ang Prof n’yo. Hindi mo pa alam.”
“Weh? Ayaw mo lang yata akong kausap eh. Sige na nga. Bye, F.”
“F?” Biglang nagtaka niyang tanong.
“Forever. It is the first time na a-appreciate ako ang forever. And you are like my forever now, Margaux.” Sagot nito at narinig niya ang pagbuntong-hininga ng binata.
Sa hindi maintindihang dahilan ay napahawak siya sa dibdib niya. Wala siyang mahagilap na salitang upang maitugon kay Jaiden. Talagang kinahaban siya dahil sa pagkabigla.
“J-Jaiden-”
“Oo na. Corny na kung corny. Mamaya na lang tayo mag-usap. ‘Love you.” Agap nito at nag-busy tone na. Dahan-dahan niyang tiningnan ang cellphone niya na animo’y iyon si Jaiden.
Nakaramdam ng takot si Margaux kasabay ng sayang naramdaman. Masyado siyang pinasasaya ni Jaiden. Masyado niyang na-a-appreciate ang effort nito para sa relasyon nila. Nasasanay na siya. Lagi nang sa tuwina ay hanap na rin niya ang presensya ni Jaiden. She always misses him. Kahit na ano pa ang ginagawa niya. At sa tuwing makakaramdam siya nang ganoon ay bigla na lang itong magpapakita sa kanya. Pinupunan ang kanyang pangungulila. And acting as if he was her only hope for her romantic salvation. He was like her hero. Her warmth. Her love.
Isang malakas na buntong-hininga ang ginawa niya matapos ang ilang sandali saka lumakad na muli ngunit naudlot lang nang makita niya ang isang bulto na papasok naman ang admin. Her state of mind went on blank. Nawala ang ngiting kanina nakapaskil sa kanyang labi.
Nakita siya nito na natigilan din ang makita siya. Saka tumingin sa kasama nitong babae.
“Go ahead. Susunod ako.” Saad nito sa secretary nito na sinunod naman kaagad ng babae.
Lumapit ang VP for student affair na si Mr. Marvin Montelibano sa kanya. He looked prominent in his business suit. Kulay abuhin iyon. A true view of a dignified man. Ngunit hindi para sa kanya.
Gusto niyang lumakad palayo sa kanyang ama ngunit ayaw naman niyang magmukhang iniiwasan ito. Though she hated to be in same place with him. Ngunit walang kaalam-alam ang buong mundo sa totoong relasyon nila. Isinama lamang siya sa isang scholarship na suportado ng mga Nicanor, ang pamilya ng tita Lucile niya. Ang asawa ng kanyang ama.
He stood in front of her. Ganoon din ang ginawa niya. Nakatingin ito sa kanya at ganoon din siya. She swallowed inwardly. Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya. Hindi siya masayang makita ang kanyang ama. Ngunit sa likod ng inis niya ay para siyang maiiyak.
“Have a minute?” Patanong nitong pag-anyaya sa kanya.
She sighed. Tumalikod naman ito at naglakad na. Ayaw man niya, humakbang pa rin siya kasunod nito.
Parehong nakaharap sa salaming dingding sina Margaux at ang kanyang ama. Nasa lounge area sila ng fifth floor sa admin office at pinapanood ang mga nanliliit na estudyante na naglalakad sa kalsada ng university. Maaliwalas ang panahon sa labas ngunit walang araw. Makulimlim ngunit hindi naman nagbabadyang ang ulan.
“Kumusta ang pag-aaral mo? Hindi ka ba nahihirapan?” Tanong ng kanyang ama.
Kaagad na bumigat ang dibdib ni Margaux sa tanong. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong tinanong siya nang ganoong ng sarili niyang ama. Lumaki man siya sa puder nito sa loob ng maraming taon ay hindi na gumanda ang relasyon nila.
“Okay naman.” Tipid niyang tugon.
Namagitan ang katahimikan sa pagitan nila. They were like strangers trying to start a conversation. Pareho silang walang mahagilap na salita.
“It’s your kuya Tyron’s death anniversary next week. Pupunta ka ba?” Muli ay tanong nito.
Pumihit ang kanyang ulo upang tumingin ngunit hindi niya itinuloy ang paglingon. “Kung papayag si Tita Lucile.”
“Ako nang bahala sa kanya. Just come.” Saad ng kanyang ama.
She wanted to snort. Ngunit ayaw na niyang magsimula ng pagtatalo. Siya rin naman ang mali sa huli. Pagdudahan man niya ang kakayahan ang kanyang ama pagdating sa asawa nito ay wala ring halaga. Isang mabait at sunud-sunurang asawa ang ginagampanan ng kanyang ama.
“I miss your brother.” Sabi pa nito nang hindi siya magsalita.
Napapikit siya sabay ismid. Bumulusok ang sakit sa kanyang dibdib nang maisip ng kanyang kuya. She was very sensitive when it comes to her half-brother Tyron.
May dalawang kapatid si Margaux sa kanyang ama. Sina Tyon na siyang panganay at si Althea na siya namang bunso. At Palibhasa’y lumaki siya sa pamilya ng kanyang ama nang iwan siya ng kanyang ina sa purder nito noon tatlong taon siya ay napalapit ang loob niya sa kuya Tyron niya. Dito niya naramdaman na tanggap siya sa mansyon. Katapid talaga ang trato nito sa kanya.
She did try to fit to her father’s family. Kahit na mahirap. Kahit na ramdam na ramdam niya na pilit lamang ang pagtanggap sa kanya ni tita Lucile at ni Althea. Sino ba naman siya upang kilalanin ng mga ito? Siya ang bunga ng kasalanan ng kanyang ama sa asawa nito. Kung hindi lang sa kanyang ama ay marahil hindi naman siya tatanggapin.
Kahirapan ang naging dahilan ng kanyang ina kaya siya dinala nito sa kanyang ama. Isa lamang factory worker ang kanyang ina sa kumpanya ng mga Nicanor noon. At dahil sa naging relasyon ng kanyang mga magulang, tinanggal sa trabaho ang kanyang ina at simula noon ay nahirapan nang makaharap ng matinong hanapbuhay.
Ngunit isang pangyayari ang bumago sa buhay niya at lalong nagpabigat ng kalagayan niya sa puder ng kanyang ama. Naaksidente ang kuya Tyron niya. Nangyari iyon dahil iniligtas siya nito sa isang paparating na truck at ito ang tinamaan. She was fifteen when it happened. Nagtalo kasi sila noon ni Althea at nasampal siya nito. Nakarating iyon sa daddy niya. Umasa siya na magiging fair ang kanyang ama sa kanilang magkapatid ngunit kinampihan nito si Althea. Sumama ang loob niya kaya nag-iiyak siya. Tumakbo siya sa kanyang kwarto at kinuha ng mga damit niya. Gusto niyang lumayas. At ang kuya Tyron niya ang pumipigil sa kanya noon at ang tanging nagpakalma sa kanya. Ngunit siya nagpagpigil. Tumatakbo siyang lumabas ng bahay at hinabol siya ng kuya niya. Gabi na noon at umuulan pa. Sinundan siya ni Tyron at hindi pa man sila nakakalayo ay isang truck ang dapat ay sasagasa sa kanya ngunit mabilis siyang naitulak ni Tyron kaya ito ang nasagasaan.
Naisugod pa sa ospital ang kuya niya ngunit binawian na rin agad ng buhay dahil sa tindi ng pinsalang natamo nito. Parang gumuhong bigla ang mundo ni Margaux. Sinisi niya ang sarili sa nangyari. Nawala ang tangi niyang kakampi dahil sa kapangahasan niya. At hindi na siya nagulat nang sa kanya isisi lahat ni tita Lucile at ni Althea ang pagkawala ni Tyron. Galit na galit si tita Lucile sa kanya kaya pinalayas siya nito sa mansyon. Wala namang nagawa ang kanyang ama dahil galit din ito sa kanya.
“Susubukan ko.” May kibig sa lalamunan niyang sagot sa kanyang ama. Pilit na pinipigil ang pagtulo ng luha dahil pagkakaisip sa kapatid niya.
“Pumunta ka. Magtatampo ang kuya mo kung hindi.” Sabi ng kanyang ama kunwa’y nagbibiro.
Hindi siya sumagot.
Dahil sa paninisi ni Margaux sa sarili ay nagsimulang maging magulo ang buhay niya. Naglayas siya at ilang araw ding hinanap ng kanyang ama. At nang makita siya nito ay iba na siya. Naging tahimik na siya at naging problem child. Tinamad mag-aral at kung saan-saan naglalayas. Pakiramdam kasi noon ni Margaux ay mag-isa siya. Wala siyang makausap dahil walang nakakaintindi sa kanya. Walang makaintindi ng pagluluksa niya. Kung gaano niya sinisisi ang sarili sa nangyari sa kapatid niya.
“Kumusta ang nanay mo?” tanong ng kanyang ama marahil upang gumawa ng usapan. But she was already again in pain. Parang sumakit ang dibdib niya.
“Okay lang.” Aniya pilit pinipigil ang luhang nagbabadya.
“Margaux-”
“Aalis na ‘ko. May klase pa ‘ko.” Agap niya sa kanya ama. Akmang siyang lalayo nang bigla nitong hawakan ang kamay niyang nakapatong sa bakal na railing. Hindi siya kumilos. Bumaba lang ang tingin niya sa kamay niyang hawak nito. Impit siya humikbi. Ngunit ayaw na niyang umiyak.
“I’m sorry.” Puno ng tila pagsusumamo nitong sabi sa kanya. “I’m so sorry.”
Walang salita niyang tinanggal ang kamay sa railing at tahimik na humakbang palayo sa kanyang ama. Wala na rin siyang narinig na pagtawag mula dito kaya binilisan niya ang paghakbang bago pa nito makita ang luhang tumulo mula sa kanyang mga mata.
Kanina pang pinapanood ni Margaux si Jaiden habang balisang naghihintay sa kanya sa gitna ng bakanteng lote na pinagdalhan nito sa kanyang noong ‘kinidnap’ siya nito. Tinawagan siya ni Jaiden bago mag-uwian at binigyan ng instruction kung paano pupunta sa meeting place nila.
Nasasaktan si Margaux habang pinapagmasdan ang binata. Hindi niya alam kung tama bang lapitan pa niya ito. Nakaupo ito sa naka-set na mesa. Halatang pinaghandaan nito ang date nila. Parang piniga ang puso niya habang nakikita ang kanyang kaligayahan.
Araw niya si Jaiden. Nagbigay liwanag sa madilim niyang buhay. Langit ang pakiramdam niya sa tuwing kasama ang binata. Kung paano niyang pinagtabuyan ito ay siya namang sipag nitong mapalapit sa kanya. Oo nga’t interview lamang ang hangad nito noong una. Ngunit pinatunayan naman nitong hindi natapos sa pag-uusap na iyon ang lahat sa kanila.
Ngunit paano niya mamahalin si Jaiden? Paano niya ipapadama dito ang pagmamahal niya? Kung ang sarili niya ay hindi niya pinahahalagahan. Hindi niya magawang maging totoo nang lubos dito dahil natatakot siya. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang nararadaman niya. Paano kung hindi naman talaga nito tanggap ang buong pagkatao niya? Hindi pa alam ni Jaiden ang lahat.
Napapitlag siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nakita niyang nasa tainga ni Jaiden ang cellphone nito. Marahil siya ang tinawagan ng binata.
Sinagot niya ang tawag. “Hi.”
“Sa’n ka na?” tanong nito at nakita niyang tumayo. Lumapit ito sa isa pang mesa na mas maliit. May isang bouquet ng bulaklak doon. Hinawakan iyon ni Jaiden. Napangiwi si Margaux. Jaiden looked so gorgeous in his faded pants and a polo shirt. Nakatupi ang mahabang manggas hanggang sa siko nito. Talagang dapat lang na maging modelo ito.
“H-heto na.” Aniya at ibinaba ang cellphone. Nagbuga siya ng hangin saka nagpasyang lumakad palapit sa binata.
Naramdaman marahil ni Jaiden ang presensya niya kaya lumingo ito sa gawi niya. Kaagad itong ngumiti.
“Narito ka na pala. Tinawagan pa kita.” Saad ng binata at hinila ang isang upuan. “Please sit, my forever.”
Hindi napigilan ni Margaux na mapangiti. Jaiden was so adorable not to be swooned. Lumapit siya dito saka naupo. Saka naman ito naupo sa tapat niya. May nakahanda nang tila masarap na dinner sa harap niya.
“Oh.” Tila may naalala ito at muling tumayo. Kinuha nito ang bulaklak. “For you.”
“Thanks.” She said sweetly. “Grabe ang effort.”
“S’yempre.” Nagyayabang naman nitong tugon. Muli itong naupo.
“Paano mo nagawa ‘to eh nasa school tayo buong araw?” puno ng mangha niyang tanong.
“Connections.” Tipid nitong sagot.
She rolled her eyes. Wala na siyang balak na alamin pa ang naginga paraan nito. Ang mahalaga ay napasaya siya nito.
“Gusto ko kasing bumawi. Hindi kasi okay ‘yong dinner natin kasama ni Kuya.” Saad ni Jaiden.
“Ano ka ba? Ako nga ang awkward no’n kaya hindi natuwa ang kuya mo.”
Tiningnan siya nito. “Margaux, may gusto lang sana akong linawin.”
“Ano ‘yon?”
“Yong Mass Chronicle.”
“Ah ‘yon ba? Contributor ako sa kanila. Isang taon na. I’m sorry hindi ko nasabi kaagad.” Agap niya.
Nakakaintindi itong tumango. “Okay lang. At least ngayon alam ko na.”
Pilit na ngumiti ni Margaux. May nais sabihin ang kanyang kalooban ngunit walang salitang mamutawi sa kanyang labi. Napipigil ng kibig sa kanyang lalamunan. Nasasaktan siya. Nasasktan siya dahil mahal na niya ang binata. Ngunit pakiramdam niya ay tila may mali. Maling mahalin niya ito tulad ng mahalin siya nito.
“May problema ba?” Tanong nito na nakatitig sa kanya.
Umiling siya. Nag-iwas siya ng tingin. Pasimpleng humugot ng hininga upang kalmahin ang sarili. Ayaw niyang sirain ang mga ngiti ni Jaiden. Hindi niya kayang makita itong malungkot.
“Sayaw tayo.” Sabi nito at nagtatanong ang mga matang tumingin siya dito. Ngunit hindi naman siya tinugon nito dahil hinila siya ni Jaiden patayo.
“Walang tugtog.” Sabi niya ngunit hindi naman ito sumagot. Bagkus iniikot siya nito hawak ang isang kamay. Hindi niya napigilang mapangiti.
Nang muli siyang mapaharap dito ay pumulupot ang braso nito sa kanyang baywang habang ang isang kamay ay hawak ang kanyang kamay. He gracefully swayed her. Napapangiti niyang tiningnan ito.
“Corny mo talaga.” Aniya kahit na kinakain na siya ng kilig.
Isang tila kay tamis na ngiti ang ginawa nito. “Araw...liwanag na natatanaw...Ulap...sa yakap mo’y nadarama...langit...pag-ibig mo na kay sarap...tila lumilipad sa t’wing kasama ka...aking sinta.”
She laughed. “Anong kanta ‘yan?”
“Hindi mo na kailangang malaman. Baka sabihin mo corny na naman ako.” Sagot nito at muling kumanta. Muli siyang napatawa. His voice maybe sweet but not enough to be a singer. Ngunit maaari na niyang tanggapin iyon para sa effort.
Kusa nang humilig ang kanyang ulo sa dibdib ni Jaiden. Saka pumikit habang pinakikinggan ang pagkanta kasabay ng pagasasayaw nila. Saka ito niyakap.
“Malaya mang lumisan...at di na magparamdam...Ito’y di gagawin...kaylanma’y di kita iiwan...dahil...”
Nanatiling nakapikit si Margaux. Naririnig niya ang tinig ni Jaiden pati na ang pagtibok ng puso nito. It was like magical. Tila inililipad nga siya ng pagtibok na iyon sa isang mahiwagang lugar na tanging sila lang ang nakakaalam.