Chapter Sixteen

Mapuputol na yata ang mga leeg ng mga tao rito sa building habang naglalakad ako kasama si Tucker. Paano ba naman kasi, feel na feel ko na yata ang pagiging girlfriend ni Burton. Hanggang dito ay dala ko pa rin ang taas noo ko habang naglalakad. How I missed wearing high heels and dress like this, how I missed the stares from  people na hindi ko kilala. 

"God, dumating ka ulit. I've been waiting for you." Bumaba ang tingin ko sa babaeng lumapit kay Tucker at humalik ito sa pisngi ng lalaki. Napakunot naman ang noo ko nang tumaas ang ulo niya para matingnan ako. Mas matangkad ako sa kanya, halata naman. Kahit siguro tanggalin ko ang suot kong heels ngayon ay mas matangkad pa rin ako sa kanya. Indeed, she got a big watermelon, big ass but I can say na mas maputi ako kaysa sa kanya at mas lamang ang ganda. 

"Who is she?" she asked, frowning her eyebrows. Mula ulo hanggang paa niya akong pinagmasdan, sipain ko kaya 'to? 

Hindi ko pinansin at hindi nag-react nang hapitin ako ni Tucker, hinawakan nito ang aking bewang. "She's my girlfriend and soon to be my wife, to be exact."

"What? The hell?" OA ng react ni girl ah. Hindi ba nagka-girlfriend si Tucker dati na kasing ganda ko at kung maka-react ang isang 'to ay parang first time. "You didn't tell me na may bago ka na," she said. Kaya nga ngayon sinabi 'di ba? Tanga. 

"Now you know, Gianna. Excuse us." Sumunod ako kay Tucker nang maglakad ito una, pero bago ko pa siya mahabol, tumingin muna ako sa babae. I smiled at her, parang may bago akong aasarin ah, maliban sa Mommy ni Tucker. 

"You heard that, I am his girlfriend. And I think, sa tingin mo palang sa pagmamay-ari ko ay may gusto ka na sa kanya. You better fuck off, girl." I said and turned my way from her. 

Palihim naman akong ngumiwi nang matapos kong sabihin iyon, pagmamay-ari my foot! Duh!

Kahit ang mga tao sa elevator na kasamahan namin ay panay tingin sa akin sa salamin. Alam ko naman na maganda ako pero huwag naman sila magpahalata. Puwede rin naman silang lumapit sa akin para manghingi ng pirma, ayos lang talaga. 

"Good afternoon, Sir." bati ng lahat sa kanya nang makarating kami sa tingin ko ay department niya. He's the director.

"Tucker, Bro." Lumapit ang isang lalaking mala-adonis ang dating, nakatingin ako sa kanya na para bang ngayon lang ulit ako nakakita ng magandang lalaki sa buong buhay ko. Wala siyang pinagkaiba kay Tucker, maganda ang katawan nito at matangkad din. 

"Who's this beautiful lady beside you--oh wait, you look familiar, nagkita na ba tayo dati?" I frowned, nagkita na ba kami?

Oh shit! Isa siya sa kasama ni Tucker noong unang araw ko sa mansyon. Kaibigan din pala ito, buti nabuhay pa siya nang mangyari ang sagupaan noong nakaraan lang. 

Gulat naman akong napaatras ng bahagya nang lumapit siya sa akin, kaagad naman siyang hinarangan ni Tucker. "Back of, Jace. She's my girlfriend." Umaktong sumuko si Jace dahil sa binanggit ni Tucker.

"Okay dude, sorry. Hindi ko naman aagawin , pero puwede bang share tayo?" Nakatanggap siya ng pabirong suntok mula kay Tucker. 

"No one is allowed to share with me, she's mine." I diverted my gaze, damn it! Bakit bigla akong nakaramdam ng hiya nang marinig iyon mula sa kanya.

Lumalakas ang pintig ng puso ko na hindi malaman ang dahilan, fuck you Tucker! Stop saying nonsense. 

"Okay then," the guy said at itinuro niya ang mga taong kanina pa yata nakatingin at nakikinig sa amin. Anong meron? "Start announcing your so-called-wedding," dagdag ni Jace.

Kaya ba sila nag-aantay para roon? Nababakas sa mga mukha at mata nila ang iba't ibang gustong sabihin. Mayroong nakangiti na para bang gustong-gusto nila ang nakikita nila, may seryosong nakatingin na mukhang walang pakealam sa paligid, nag-aantay lang yata silang matapos ang sasabihin ng boss nila. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang minsang pag-irap ng iilan sa akin, ang masasamang tingin na ibinigay sa akin. Well, I am Klailea. Ano bang pake ko sa kanila? I am just here to do my job too, jerks at bitches. Mamatay kayo sa kakatingin sa akin, I don't care. 

Gulat akong tumingin kay Tucker nang maramdaman ang kamay niyang gumapang sa bewang ko, mas matangkad siya sa akin ng dalawang inches. "What are you doing? You don't need to touch me," bulong ko sa kanya na may plastik na ngiti. 

"Manahimik ka nalang," bulong din nito pabalik kaya halos lumayo ako sa kanya nang maramdaman ang kiliti sa tainga ko. 

"Ladies and gentlemen, I would like to introduce formally to all of you. This lady beside me, is my soon to be wife. She is your superior too because, she will be working with us." 

Ang kaninang sobrang gulat ko sa kanya ay mas lumala pa lalo dahil sa sinabi nito, nakarinig pa ako ng mga bulungan ng iilan dito at ang iba ay dahan-dahang pumalakpak. Anong sinasabi niya? Isasama niya ako sa pagtatrabaho rito? Grabe, hindi na talaga siya nakonteto sa pangengealam ng mga gamit ko at pagdedemand sa akin, desisyon pa siya ngayon na hindi ko man lang alam at hindi pa hiningi ang opinyon ko. 

Nakatingin lang ako sa kanya, habang siya naman ay nakatingin sa mga tao. Wala ba siyang balak ipaliwanag sa akin ang sinasabi niya. "From now on, I want you to respect her gaya nang pag respeto ninyo sa akin at sa iba pa." dagdag nito. 

Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi niya at binati kami, tanging ngiti at pagkaway lang ang naitugon ko sa kanila. Wala akong panahon muna na makipag-chikahan sa kanila. 

Tucker looked at me, "Let's go to my office." buti naman!

Nang nakapasok kami sa malaking opisina niya, kaagad ko siyang hinila at pinaharap sa akin. 

"What was that? Ano ang ibig mong sabihin kanina?" Naiinis kong tanong. He didn't answer me but instead, he walked away at umupo sa upuan niya. Tangina nito!

"You heard it right, kailangan mong magtrabaho rito kasama ako. Don't worry, I will give you a secretary to help your job." Inirapan ko siya ng sobra. Ano naman ang magiging trabaho ko rito? Wala akong alam sa ganitong bagay, lalo na sa negosyo o kompanya. 

"I don't know everything about business, Tucker. Hindi ba puwedeng gampanan ko nalang ang pagiging girlfriend o soon to be your wife?" I mocked the last words I said. "Puwede bang gano'n na lang ang gagawin ko?" dadag kong tanong. 

Wala talaga akong alam sa mundo niya, ano naman ang maitulong ko sa kompanya, baka nakawan ko lang sila and to think. It's a good idea for me, kaso nangako ako sa sarili ko na habang ginagawa ko ang mission na ito ay hindi na ako gagawa ng kasabay na hindi magandang gawain. Huli na ito at aalis na ako, aalis na kami. 

"I will help you, after all. Your works are same as mine, bibisita ka lang din naman dito paminsan-minsan sa tuwing wala ako. You'll do my job while I am away." Eh 'di ba, may secretary siya? Bakit ako pa, anong silbi no'n?

"It's nonsense for me," I said at umupo sa upuan na nasa harap ng table niya. He foward his body towards me. 

"It's not, kailangan mong matutuhan ang ginagawa ko dahil kilala ka bilang magiging asawa ng director, soon to be a president. You should learn and know my world, Klailea." I rolled my eyes, whatever. 

"Okay fine, may magagawa pa ba ako kung halos lahat na yata ay ikaw na ang nagdesisyon." saad ko at walang pasabi na tinggal ang suot kong heels, iniligay ko naman ang paa ko sa lamesa niya na siyang ikinagulat nito sa ginawa ko. 

"What the hell are you doing? Put down your feet, woman." hindi ko siya pinansin, wala akong pake sa kanya. 

Kinuha ko ang bulak at betadine sa aking bag, tiningnan ko ang sugat na dumudugo sa aking munting paa. Kanina ko pa ito naramdaman ang sakit, tinitiis ko lang. Matagal na rin kasi simula nang magsuot ako nito, kaya siguro nagkasugat. 

"You had a blood," duh, obviously gago. 

"Let me." Umawang ang mga labi ko nang bawiin niya ang hawak ko at siya na ang gumamot. 

"Ako na, nangengealam ka na naman." Pilit kong binabawi ito mula sa kanya pero pilit niya ring ayaw ibigay. Ang kulit talaga nito!

"Who told you to wear that?" he asked habang ginagawa pa rin ang pag-gamot sa akin. 

Napatigil ako at hindi siya sinagot. Nakatingin lang ako sa kanya nang seryoso siya sa ginagawa nito, he genlty put the cotton in my foot kung saan naroon ang sugat. He has this aura na nakakatakot but right now, I saw his other side. The unique one na sa tingin ko ay ako lang ang nakakakita. Kumakalabog nang mabilis ang dibdib ko habang pinagmasdan siya, ang lalaking hindi ko aakalain na makasama ko ng ilang buwan dahil lang sa mission. 

"Are you done staring me?" Halos manlaki ang mga mata ako at napaayos ako ng upo nang inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. 

Napaiwas ako ng tingin at tumayo. "I'm not staring at you, Burton. Stop assuming, can you?" I said nang hindi pa rin nakatingin sa kanya. 

Bakit naman ako nakaramdam ng hiya? Nakatingin lang naman ako sa kanya ah, anong big deal no'n? Wala naman 'di ba?

"Okay, I'll stop assuming but can I have a favor?" Otomatiko akong tumingin sa kanya na sana ay hindi ko nalang ginawa, sobrang lapit niya na naman sa akin. 

Inilapit niya ang kanyang bibig sa tainga ko at bumulong ng katagang dahilan nang pagkabigla ko. 

"Huwag kang tumigil kakatingin sa akin, ako lang ang tingnan mo."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.