Chapter Thirty-Six

Tomorrow morning, nagising akong masakit ang buong katawan. Hindi ko alam kung saan ako sumabak na laban kagabi, we just having sex but I remember how we were wild last night. Mula sa CR hanggang sa kama. Hindi ko mapagkaila na sobrang galing niyang magdala. Iyong tipong masisira na yata ang buong katawan mo, hopefully hindi nangyari.

Dahan-dahan akong gumalaw nang bigla rin akong natigil when I saw him beside me. Tulog na tulog din. I looked at him, how peaceful his face kapag tulog. Kung gising ito hindi maamo ang mukha niya.

Dahan-dahan ko ring hinawakan ang mukha niya, alam ko na sa sarili ko kung hanggang saan lang kami. May nangyari na sa amin kagabi at alam ko rin kung ano ang magiging resulta. Mabubuntis ako, papakasalan niya ako sa papel lang at kapag nailabas ko ang anak niya aalis na ako. Hindi ko na sila gugulohin pa.

"Good morning." Agad kong inilayo ang kamay ko sa kanya ngunit mabilis niya rin itong nahawakan at binalik kung saan ito nakahawak kanina, sa mukha niya. "It's a good thing, you're the first one I saw when I woke up." He smiled.

"Good morning, anong gusto mong breakfast?" I asked, naisipan ko kasing ako na ang magluto for us.

"Ikaw ang gusto ko." Inirapan ko siya sa sinagot niya, parang tanga.

"Maliligo na ako and mag-aayos, wala ka bang trabaho ngayon?" pag-iiba ko ng topic. Dahil hindi ko maalintana kapag naiisip ko ang nangyayari kagabi.

I was about to get up when he pulled me, niyakap niya ako nang mahigpit. "Still hurt?" he asked habang inaantok ang boses. 

Masakit pa rin talaga pero ayaw kong sabihin, dapat strong pa rin ako. I looked at him, "Kailan ko makakausap ang mga kaibigan ko?" tanong ko, umayos naman siya ng upo at inayos rin ang buhok gamit ang mga daliri nito. 

Habang pinagmasdan ko siyang ginawa iyon, napagtanto kong nahulog na ako sa sarili kong patibong. Ang dating plano at rules na bawal ma-in love ay nangyayari sa akin. Aaminin kong may nararamdaman na ako sa lalaking kaharap ko ngayon at alam kong hindi ko na maiiwasan iyon. 

"Tomorrow, you can see them and please you're not allowed to be with them yet. Nagtatago rin sila sa boss niyo." Tumango na lamang ako. Alam ko naman iyon, gusto ko lang talaga makausap sila at makamusta. Hindi ko alam kung totoo ba talagang maayos lang sila. 

Gaya ng sabi niya, kinabukasan ay nag-ayos na ako. Akala ko nga'y hindi matutuloy dahil may mahalaga raw siyang gagawin sa opisina ngunit nang makita niya akong nag-aantay sa kanya, doon niya lang yata naalala na may pinapangako siya sa akin. 

"Are you ready?" he asked.

Nasa byahe na rin kami at habang nasa byahe ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana, iniisip kung ano kaya ang pinaplano ni Allessandra ngayon nang malaman na wala na kami sa grupo. Pero sana ang isipin nila ay na-kidnapped ang mga kasama ko. 

"I'm fine, naisip ko lang paano kung nalaman ni Allesandra ang tungkol sa nangyari sa amin, Ayaw kong mapahamak sila." Umiwas agad ako ng tingin sa kanya, ayaw ko rin makita niyang nag-aalala ako ngunit hindi ko maiwasan.

"I am here to protect you and your friends, you don't need to worry. Matagal  na naming napag-aralan ang orginasyon ninyo at ang mga kasapi nito. Kabisado na namin ang mga galawan niyo." 

Gulat naman akong lumingon sa kanya, seryoso niyang sinasabi iyon habang seryoso ring nagmamaneho. "Minamanmanan niyo kami?" tanong ko. He just nodded cooly.

All this time talaga, kilala niya na ako? "There's nothing to worry, Klai." Hinawakan niya ang kandungan ko habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa manibela. "As long as you're with me, you are safe. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa iyo. I will kill who would try to touch you."

Natahimik ako at hindi na siya matingnan pa ulit, ganito ba iyong pakiramdam na may po-protekta sa iyo? Hindi na iyong ikaw lang ang pumo-protekta sa sarili mo at makikipaglaban kay kamatayan. Ganito pala kasaya sa pakiramdam na may isang taong mag-aaksaya ng panahon sa akin. 

"Where here," he said kaya agad akong tumingin sa labas. Huminto kami sa gubat? 

"Gubat?" taka kong tanong, bumaling ako sa kanya. "Bakit nasa gubat?" tanong ko ulit.

"This is our safe place, walang nakakaalam na kalaban sa lugar na ito kundi kami lang. And, you will see what's inside. It's not just a forest." Nakakunot noo pa rin ako, nagtataka.

Lumabas siya una kaya sumunod na ako, lumapit siya sa akin at hinawakan ang bewang ko. "Aren't excited to see them?" Of course, I am!

"I am, nasaan ba sila?" Tinuro niya ang kanan ko at nagsimula na kaming maglakad.

Kung pagmasdan ang buong paligid sa gubat, para itong nakakatakot kung manatili. Ang daming punong nakatakip sa langit, maririnig rin ang mga huni ng ibang hayop na nasa himpapawid. Nakahawak lang ako sa braso niya dahil marami rin'g mga bato ang nadadaanan namin. Malayo pa ba kami bago kami makarating kung saan kami pupunta?

Huminto siya sa harap ng malaking simentong pader kaya huminto rin ako, sinundan ko lang ng tingin ang kilos niya, may pinindot siya sa gilid ng pader at gulat akong bumukas iyon. May likod pa ang pader na ito. Hindi na ako umimik pa, sinundan ko pa rin siya sa paglalakad. Nang makapasok kami, bumungad sa akin ang maraming lalaking naka-itim at may dalang iba't ibang armas. 

"Ano ito?" tanong ko.

"Ito ang hide-out namin, those man and ladies, they underdo training." Lumingon pa ako sa paligid at totoo ngang may mga babae, "lahat sila hindi makakalabas dito hangga't hindi nila na-kompleto at naayos ang training." Lumingon ako sa kanya na nagtataka.

"Bakit? They train for what?"

"To kill." I stopped for the second time. "To kill killers," he continued. 

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.