Chapter Thirty-Eigth

Nagising ako dahil sa mga narinig na ingay sa paligid, dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang puting kisame at pader. Nasa hospital na naman ba ako? 

Inaalala ko ang nangyari, muntikan nang mabaril si Tucker ang naalala ko habang tumatakbo ito papalapit sa akin ngunit bigla na lamang akong nahilo at tanging mga boses ng mga kaibigan ko ang narinig sa huling sandali na tinawag ang pangalan ko.

"Gising na siya!" sigaw ng kung sino. "Tawagin ko lang po ang Doctor."

"Klai, ayos ka lang ba?" Tumingin ako sa apat kong kaibigan na lumapit sa akin, silang lata ay may mga sugat.

"Ayos lang ako...Wala bang napuruhan sa inyo?" tanong ko. Sabay silang umiling habang nakatingin pa rin sa akin may lungkot sa mata. 

"S-si Tucker?" tanong ko nang hindi ko manlang makita kahit anino niya sa silid na ito. Nagkatinginan silang apat na tila ba nagdadalawang isip kung sasagutin nila ako. "Nasaan siya? Maayos ba siya?" dagdag kong tanong.

Nagising ako dahil sa mga narinig na ingay sa paligid, dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang puting kisame at pader. Nasa hospital na naman ba ako? 

Inaalala ko ang nangyari, muntikan nang mabaril si Tucker ang naalala ko habang tumatakbo ito papalapit sa akin ngunit bigla na lamang akong nahilo at tanging mga boses ng mga kaibigan ko ang narinig sa huling sandali na tinawag ang pangalan ko.

"Gising na siya!" sigaw ng kung sino. "Tawagin ko lang po ang Doctor."

"Klai, ayos ka lang ba?" Tumingin ako sa apat kong kaibigan na lumapit sa akin, silang lata ay may mga sugat.

"Ayos lang ako...Wala bang napuruhan sa inyo?" tanong ko. Sabay silang umiling habang nakatingin pa rin sa akin may lungkot sa mata. 

"S-si Tucker?" tanong ko nang hindi ko manlang makita kahit anino niya sa silid na ito. Nagkatinginan silang apat na tila ba nagdadalawang isip kung sasagutin nila ako. "Nasaan siya? Maayos ba siya?" dagdag kong tanong.

"May tama siya ng baril sa dibdib nang iligtas ka niya pero huwag kang mag-alala, maayos naman na daw siya sabi ng doctor. N-nagpapahinga lang." Umawang ang labi ko sa narinig mula kay Fresha.

"S-sa akin, anong nangyari sa akin? Bakit ako napunta rito?" nagtataka kong tanong.

"Bigla ka na lang nahimatay kaya agad kang tinakbo ni Tucker nang makita sa’yo sana ipuputok ang baril," sagot ni Munique.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako nahimatay, dahil ba sa pagod?

"Mrs." Sabay kaming lumingon sa kakapasok na doctor, "How are you?"

"Doc, ang asawa ko? Okay ba siya?" Narinig ko ang pagsinghap ng mga kaibigan ko kaya napatingin ako sa kanila.

"Maayos siya, anyway. Good thing ay nagising ka na, I have a good news to you?" Kumunot ang noo ko kay Doc. Nakangiti pa ito, bakit?

"You are four weeks pregnant."

"What the hell?"

"Tangina!"

"Klailea!"

"Yes!"

Napatigil ako sa narinig kahit na sumigaw ang mga kaibigan ko at nakangiti ang Doctor. Nanghihina ako bigla, buntis ako? Nagbunga ang lahat?

"Narinig mo ’yon? Gosh, you are fucking pregnant, Klai!" Hindi ko magawang ngumiti sa pagsabi ni Almina no'n.

"Congratulation, maiwan ko muna kayo." Nagpaalam ang Doctor sa amin at umalis na.

"What's with the face? Hindi ka ba masaya? May anak ka na," saad ni Jersey.

Tiningnan ko sila ng seryoso, nakalimutan ba nila ang deal ng buhay ko kapag nabuntis ako?

"Bakit niyo nagawang maging masaya?" Nagulat sila sa pagtanong ko at nagtaka, "nakalimutan niyo ba na kapag nabuntis ako at mabigyan ko ng anak si Tucker ay matitigil na kaming dalawa."

"Exactly, that's the deal from the start." Lumapit si Fresha sa akin nang sabihin niya iyon, "Don't tell us....nahulog ka na sa kanya?" Umiwas ako ng tingin at nagsi-react naman sila.

Tama, hindi ko magawang ipakitang masaya rin ako na magkaka-anak ko ngunit sa oras na mailabas ko ang bata oras na rin na aalis ako kay Tucker at ang araw na iyon, hindi ko rin makakasama ang anak ko.

"Damn," biglang sabi ni Almina. "I think, we need to prepare for this. Alamin natin ang magiging plano."

Natahimik kaminh lahat dahil sa pag-iisip. Napahawak ako sa t'yan ko at ngumiti ng tipid. Masaya ako sobra kahit sinabi ko noon na hindi ko kailangan ng anak pero nang marinig iyon mula sa Doctor, nakaramdam ako ng galak. Akala ko, ligtas ako sa ginawa kong patibong na ayos lang kung mabuntis ako dahil iyon naman talaga ang deal, ang mabigyan ng anak si Tucker pero nang maalala ko kung ano ang kasunod na mangyayari, bigla akong nanlumo. Bigla akong nasaktan nang mapagtantong iiwanan ko rin ang mag-ama ko balang araw dahil tapos na ang tungkulin ko bilang asawa ni Tucker.

"Huwag niyo munang sabihin kay Tucker," saad ko sa kanila.

Dumating ang gabi na nakatulog ako at biglaan na lang din nagising nang maramdamang may humaplos sa kamay ko. Nang imulat ko ang mga mata ko, nakita ko si Tucker na may benda rin sa kamay at ulo.

"T-tucker," saad ko at agad niya naman akong nilapitan na may pag-alala sa mukha.

"H-hey, are you alright? M-may masakit ba sa’yo?" Umiling ako na may ngiti sa labi dahil sa sunod-sunod niyang tanong.

"I'm good, ikaw? Maayos ka na ba? Wala bang masakit sa’yo." He shrugged his head too at hinalikan ako sa noo.

"I am happy to see you okay, wife." Napaiwas ako ng tingin.

Hindi na sa ngayon Tucker, sooner or later we will end this contract shit dahil in the first place hindi naman talaga tayo nagmamahalan at magpapakasal lang tayo para magamit mo ako at magamit kita.

"Kailan tayo ikakasal?" Mukha siyang nagulat sa biglaang tanong ko. "’Di ba, ikakasal na tayo? Kailan iyon? Pwede bang bukas na?"

Nagtataka pa rin siya at hindi makasagot. "Within this week, our wedding will happen. Bakit mo biglaang naitanong?" Umiling ako at humawak sa kamay niya.

"Gusto ko lang maranasan na ikasal," I said and smiled.

Kinabukasan nakalabas na kami sa hospital at naghahanda na rin ng para sa kasal namin, ang dating aayaw ang mga kaibigan ko ay ngayo'y tumulong sa paghahanda. Matagal na rin palang inihanda ni Tucker ang iba kaya mabilis na lang din. Bukas na kami ikakasal at ihahanda ko na ang susunod na hakbang na gagawin ko kasama ang mga kaibigan ko.

-----

Araw ng kasal at lahat na ng bisita ay nasa simbahan, kasama ko ang apat.

"Anonh plano?" Tumingin ako kay Jersey nang tanungin niya iyon.

Huminga ako nang malalim at pinagmasdan silang nag-aantay sa sasabihin ko, ito na iyon. Kailangan ko ng gawin bago pa mahuli ang lahat.

"Ihanda niyo ang mga motor natin pagkatapos ng kasal."

"Tatakas ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Almina. "Bakit?"

"Tatakas tayo, magpakalayo na hindi nila mahahanap kahit na sina Alessandra."

"P-paano si Tucker?" Napahinto ako nang tanungin iyon ni Munique. Tumingin ako sa kanya.

"Klailea, kailan mo lang ito plinano? Sigurado ka na ba?" tanong ni Fresh.

"Akala ko ba ito ang plano natin simula pa lang? Mahirap din gawin ito para sa akin pero ayon ang napagkasunduan natin hindi ba?" Nagkatinginan silang apat. "Huwag kayong mag-alala, pagkatapos nito matatapos na ang problema natin at tapos na rin ang mission ko," dagdag ko.

"Mahal mo si Tucker," biglang sabi ni Almina.

"Yeah and I broke the number one rule. I fall im love to the person na hindi naman dapat, isn't amazing? I am the one who implemented the rule pero ako ang lumabag." Ngumiti ako ng pait pagkatapos sabihin iyon.

"Klai, paano ang bata?" walang katapusang tanong ni Jersey.

"Ako na ang bahala."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.