Chapter Fifty-Eight

Mas lalo akong napairap at binilisan kong makapasok sa loob ng bahay kahit na naramdaman ko rin na papasok na rin siya sa loob. I did not look at him, nakakahiya ang ginawa ko! 

"Bakit parang hinahabol ka ng multo," sabi sa akin ni Manang kaya agad rin akong umiwas ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko pulang-pula na ang pisngi ko ngayon. Ano ba kasing katangahan ang ginawa ko, akala talaga hindi na nakita kagabi ang buong katawan ng lalaking iyon. Pero naman kasi, he's wet I mean, bakit ba kasi nag-gaganoon siya na para bang modelo sa garden. Parang tanga.

Bumuntonghininga ako at pumunta sa kwarto ng anak ko, mas mabuting puntahan na lang si Thrunder. Nasa kwarto niya rin ang mga gamit ko at doon ako maliligo. "Hey, good morning." bahagya pa akong nagulat nang makitang gising siya pero nakahiga pa rin sa kama. 

"Good morning po." Humikab siya. Lumapit ako sa kanya, hinawakan ang maliit niyang kamay.

"Hindi ka na ba nahihirapan huminga?" Mahinahon kong tanong. Umiling naman siya habang nakapikit pa rin ang mga mata. Napangiti ako, ganito ang gusto ko. Pagkagising ko sa umaga ay kasama ko na ang anak ko at kahit sa pagtulog, kasabay ko siyang pumikit. Matagal ko ng gusto na maranasan ko ito at nangyayari na nga. 

Nag-ayos muna ako, lumabas na rin ang anak ko sa kwarto at binilisan ko na rin. Palabas na sana ako ng kwarto nang napahinto ako dahil sa narinig na pamilyar na boses, alam na alam ko kung kaninong boses ang naririnig ko. Ang kaninang magandang gising ko ay napalitan ng hindi maganda. Marinig ko pa lang ang boses ng babae na iyon ay kumukulo na ang dugo ko. I gritted my teeth, ikinuyom din ang mga kamao. Tumingin ako sa sarili ko sa salamin, huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. 

"Maganda ka Klai, mayaman lang siya pero maganda ka at ikaw ang tunay na ina ni Thrunder at ang tunay na mahal ni...Tucker." Natigil ako sa sinasabi ko sa sarili ko dahil sa huling nasabi ko. Am I right? Ako lang ba talaga ang mahal niya? Pero bakit hindi pa rin ako naniniwala kahit na sinabi niya na sa akin kahapon na mahal niya pa rin ako. Why would he let any girl came near to him kung ako lang ang mahal niya? 

"Ugh!" Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis, kung anu-ano na ang naiisip ko. Kailangan ko ng bumaba. Isang buntonghininga pa ang pinakawalan ko at tuluyan na akong lumabas ng kwarto ng anak ko. 

Hindi pa nga ako natuloy na makalapit sa anak ko, napahinto agad ako at pinagmasdan si Celine na masaya na namang kausap si Thrunder at si Tucker na tila ba siya ang main character dito. Feeling ina ng anak ko at felling asawa ni Tucker. Ang sarap niyang bigkwasan. 

Lumunok ako at naglakad na papalapit sa kanila, ngumiti ako kay Celine at siya naman ay ngumisi lang sa akin. Halatang nagbago rin ang mood niya nang makita ako. "What are you doing here?" she asked, mahinahon iyon ngunit alam kong gusto niyang isigwa sa akin iyon. Ngumiti ako lalo sa kanya. Bakit? Siya lang ba pwedeng nandito?

"Dito na ako nakatira," I said with a wide smile. Napatayo siya, nagulat at doon na lalo sumama ang tingin niya sa akin. Bumaling siya kay Tucker na seryosong nakatingin sa aming dalawa. Mukhang walang pakealam sa nangyayari. 

"Excuse me? Bakit?" she asked again. Bakit ba tanong siya nang tanong? Hindi niya ba naiitindihan ang simpleng salita na iyon, obvious naman na bumalik na ako sa buhay ng mag-ama ko at kailangan niya nang umalis dahil hindi na siya kailangan. "Tucker, what is this?" Bumaling ulit siya kay Tucker.

Tumayo naman si Tucker at nagpaalam kay Thrunder, dinala niya kami ni Celina sa labas ng bahay. Nang tuluyan na kaming makalabas tatlo, inalis ko ang kamay ni Tucker sa braso ko. "Ipaliwana mo sa babaeng ito kung bakit ako nandito," I said. Wala akong pakealam kung iisipin ni Celine na makapal ang mukha ko. Siguro naman hindi siya bobo at tanga para hindi talaga maintindihan ang nangyayari. 

Bumuntonghininga si Tucker, tumingin siya kay Celine. "She is staying with us. As Thrunder's mom and as my wife---"

"Ano?" Gulat na tanong ni Celine, napasigaw pa siya. Kahit ako ay nagulat sa huling sinabi ni Tucker na nandito ako bilang asawa niya. Hindi pa naman namin iyon pinag-usapan ng buo. "Pinagloloko mo ba ako, Tucker? Nandito siya para maging asawa mo? Maintindihan ko pa kung nandito siya para maging mabuting ina ni Thrunder dahil never naman siya naging mabuting ina noon pero iyong maging asawa mo? Hibang ka ba? Hindi mo ba naalala ang ginawa niya sa'yo? Sinaktan ka niya sa araw ng kasal ninyo, naalala mo noong araw na iyon? You are wasted that day dahil sa ginawa ng babaeng ito, umiyak ka noon habang nakita kita sa club. And that night TUcker, ang gabing iyon ay may nangyari sa ating dalawa. Wala lang din ba sa'yo iyon?"

"Let's talk about that later, Celine. Please, not now." Tumingin ako sa kamay ni Tucker nang humawak siya sa braso ni Celine na para bang ingat na ingat siya kay Celine ngunit hindi iyon ang ikinagulat ko kundi ang huling sinabi ni Celine. 

May nangyari sa kanila? Alam kong hindi imposible na mangyari iyon, alam ko ang mali ko noong araw na iyon pero bakit ako nasasaktan dahil sa sinabi ni Celine. "No! Gusto kong malaman ng babaeng ito na noong wala siya ng ilang taon, bago ka makabangon ay ako ang naroroon para sa'yo! I am the one who truly care for you, Tucker at bumalik lang siya na tila ba nawala na ako sa litrato." Nahihirapan akong huminga kaya bahagya akong napaatras. Bumaling sa akin si Tucker ngunit tumingin lang ako sa kanya. 

Bumaling ulit ako kay Celine, umiiyak siya. Ramdam kong nasasaktan siya at hindi ko alam kung bakit din ako nakaramdam ng sakit. Kasalanan ko ba talaga lahat? Kung hindi dahil sa ginawa ko magkakaganito kaya si Celine? Magkakilala kaya sila? Malamang hindi.

"Celine, let's talk about this. Let's go---" Umiwas si Celine nang hawakan sana siya ulit ni Tucker. 

"No." Umiling siya, "Alam mong mahal kita. I accepted you and your son dahil mahal kita, kaya kong isakripisyo lahat para sa'yo, umaasa ako na ganoon din ang mararamdaman mo sa akin. Ilang taon akong umasa pero lahat ng iyon nawala lang dahil bumalik siya?" I bit my lower lip when she turned to me. Masama ang tingin niya sa akin. "I love him but you ruined everything! Sana hindi ka na lang bumalik!"

"Aray!"

"Shit, Celine! Stop that!" sigaw ni Tucker. 

Pilit kong inalis ang kamay ni Celine sa buhok ko nang bigla niya akong sinabunutan kaya ganoon din ang ginawa ko sa kanya hanggang sa napalayo siya sa akin at nakita ko na lang na nasa lupa na siya. Naitulak siya ni Tucker kaya mas lalong sumama ang tingin niya sa amin. 

"Isang beses pa. Isang beses mo pang hawakan at saktan ang babaeng mahal ko, hindi lang ito ang mangyayari sa'yo...I don't love you ever since at alam kong alam mo iyon."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.