“I am not the good boy type, I did so many bad and wrong things in my past life. But then, God is so good that He gave you to me. He entrusted me to make you happy, to protect you and our kids, our family. I don't believe in fairy tales, and princesses meeting their prince charming and living happily ever after. But damn, why it feels like magic when I met you. I don't believe in love at first sight, but I think when I first saw you in that coffee shop, 9 years ago. I already enchanted with your smile. But then, I can't approach you that time because you are already in a relationship and I don't want to ruin your happiness. Pero dapat pala, sineduce na kita nong time na yon. (I chuckled, that also made everyone laugh) Oh well, our story was not the typical love story everyone dreamed nor thought about. It started in a wrong way but we think, love really wins after all, that made it right in the end. And ended us here in the altar, in front of the people we love and who care for us... saying our vows and promises to each other that will bind us forever and ever. That even death can't make us apart. I love you so much, Mrs. Leysa Frank -Wilford, our kids, Frederik Leyson and Freda Ysabel, and our soon babies to come."
She was watching it again. Halos isang daang beses niya na ‘yang napapanood. Nakita ko naman how she smiles, laughs, and cries while watching our wedding video tape. Kaya napapangiti na rin ako.
It's been a year nang maging maayos ang lahat. Ligtas kaming nakalabas sa nagliliyab na kwartong iyon but it left me a burning scar sa may kaliwang balikat ko nang maabot ito ng apoy. Pero ayos lang dahil safe naman ang mag-ina ko.
At ilang linggo lang din ay na-discharge na ang anak naming lalaki. And after 3 months of healing and accepting things that happened. Lalo na ang nangyari kay Diana, nakakalungkot lang, she ended her life when she was locked up inside the mental hospital, nagbigti siya. And after she was mourned and buried, Daniel with their son decided to take a break and stayed outside the country.
Sa tatlong buwan ding iyon, mas lalong napalapit ako sa mga anak ko. Binibigay ko lahat ng oras ko at bonding na pwede naming gawin like pamamasyal sa mga theme parks at malls, pamimili ng groceries, eating and watching a movie together at paghahatid sundo sa kanila sa school. I am having the best time of my life together with them. At ang pinaka-naging abala talaga ako sa mga buwang iyon ay sa paghahanda ng kasal namin ni Leysa. Oo, a surprise wedding –na ngayon nga ay pinapanood niya na naman. Hindi siya maka-get over sa wedding vow ko. Hindi raw niya inasahan na gagamitin ko ang salitang fairy tales at princess and prince charming. Lumapit na nga ako sa sala kung nasaan nakahilata siya habang nanonood at pumapapak ng pizza, fries, at popcorn.
“Hey... how's my queen doing? I missed you,” sambit ko sabay halik sa kanyang labi, it should be just a smack but she deepened the kiss. Kaya naging mas malalim ito at mapusok. Ganito siya lagi, which is gustong-gusto ko rin naman. Lalo na kapag nasa kwarto kami, we always ended up making love. Pero dahil andito kami sa sala, I should stop her, kasi anytime darating na ang mga bata galing sa school.
But I can’t. I have no urged to make her stop.
Kasi nga gustong-gusto ko naman ang ginagawa niya at kung ano lagi ang kinahahantungan neto. Pero mahirap na kapag naabutan kami ng mga bata. That's why I broke our kiss. She just moaned in disagreement at nag-pout, kaya pinaupo ko siya at isinandal sa akin. I hugged her so tight pero sinisigurado kong hindi maiipit ang malaking tyan neto. Yes, She is again pregnant, kabuwanan niya na. Ganun ako ka-sharp shooter. At ‘yun din ang isa sa dahilan kung bakit ang horny-horny niya, it’s normal naman daw at para ma-exercise na rin daw ang ari niya para mabilis ang paglabas ng baby boy namin. Basta sundin lang daw ang mga dapat na positions para di maipit si baby.
Hinampas niya ako.
"Nakakainis ka! Nami-miss na nga kita eh. Tapos ganyan ka pa.” Sumimangot ito at masama pero paawa niya akong tinignan. “--siguro ay nagsasawa ka na sa akin.” Umiyak ito. Damn it! Two things na epekto ng pregnancy niya. Pagiging malibog at sensitive. Kaya agad ko itong hinawakan sa pisngi at pinaharap sa akin.
Napangiti ako kasi nang iharap ko siya sa akin ay nakapikit pa rin ito pero nakanguso. Waiting for a kiss. Damn it! She's really something. I really love this weird yet cute side of her. Binigyan ko naman siya ng mabilisang smack kasi baka lapain niya na naman ako eh.
Napamulat naman ito. Still nakasimangot. Kaya kiniss ko ang noo nito at tungki ng kanyang ilong.
"Enough, My queen. I love you, always. Hayaan mo kapag nasa kwarto tayo –iaalay ko sa’yo ang buong katawan ko. Ipapaubaya ko na sa’yo ang puri ko. Pramis. Ikaw na bahala sa kung anong gusto mong gawin sa akin, okay? Hmm," sambit ko na ikinangiti niya na.
"Tara na. Kwarto na tayo." Pagyaya neto. “No, darating na ang mga anak natin,” sambit ko na lang bilang pagtugon sa kanya.
“Ay oo nga pala.” At tumawa na lang ito.
Bigla naman siyang tumayo.
“Hey! Where are you going?” tanong ko.
Hindi ito sumagot. Ganyan siya, balewala na ako kapag na-consume na siya sa pag-iisip tungkol sa mga bata. Masaya naman itong pakembot-kembot na pumasok sa kusina. I just chuckled and followed her, and there she is –in her apron, baking something for our kids. I smiled with so much happiness in my heart. Ang swerte ko. Damn it! A loving wife and a caring mother of my children. She is worth the wait and sacrifices. Hindi ka magsisisi –at never kong naramdaman ang bagay na iyon simula nang pinili kong ipaglaban siya. I back hugged her.
“Bakit, my King?” she asked.
“Wala. I just want to hug and smell you,” sambit ko habang nakayakap pa rin at nakapatong ang ulo ko sa balikat niya, smelling her neck, her sweet scent. “—I love you and thank you for everything...” I whispered.
“Hmm. I love you too,” tugon naman neto.
Nasa ganun kaming pwesto nang dumating ang mga bata. Nakangiting sumulpot sa kusina ang prinsesa namin.
“Sweet, (at nag-heart sign ito) Mama and Papa!” She happily said. Napangiti lang kami ni Leysa, at lumapit ako kay Freda para buhatin ito. I caressed her hair.
“How's your day, My princess?” I asked, pero napasimangot lamang ito.
“Not good.” - Freda.
“And why is that?, hmm.” biglang tanong naman ni Leysa.
“Ask Kuya Leyley, Mama... hmp,” nakasimangot na tugon ni Freda at tumingin sa kakapasok sa kusina na si Leyson, my boy na naka-poker face as usual. Kamukhang-kamukha ko talaga ito, walang sinayang kaya ngumisi ako. Napasulyap naman ako kay Leysa na nakasimangot na nakatingin sa akin. At di ko mapigilang hindi matawa, alam niya kasi kung anong nasa isipan ko. At naiinis siya sa tuwing naiisip ko yun dahil nabibweset siya sa ideyang ang lakas ng genes ko, na kahit siya ang nagdala ng syam na buwan, nag-alaga at nagpalaki sa mga ito, ako pa rin ang naging kamukha. Kaya kinindatan ko lang siya, na inirapan lang din ako. Tsk!
“Neil kissed her, Pa and she loves it. Pagalitan mo, she is already starting to flirt...” walang kaemo-emosyong sambit neto, actually wala naman talaga yang pakialam, but deep inside he always cares for his sister. At nag-fist bump lang ito sa akin at humalik sa pisngi ng Mama niya.
“W-what! I didn't said that I love it. You kuya. Tsk! And I am not flirting with him. Baka ikaw! You playboy. Pinaiyak mo si Kara.” Inis na reklamo neto. Nawala naman ang ngiti ko when I realized something, yung pinag-uusapan ng kambal namin.
Pinatong ko si Freda sa lamesa.
“Anong kiss? Hindi pwede yan ha, Freda. Ang bata bata mo pa, (humarap naman ako kay Leyson) and you! Young man, keep it up.” Nag-thumbs up pa ako sa kanya, its a sign na ayos lang yun dahil madami talagang magkakandarapa sa anak ko dahil pogi eh –mana sa ama. Binatukan naman ako ni Misis. “But wait, nasaan si Neil? Teka...” hysterical na litanya ko at kinuha ang phone ko.
Nakamasid lang si Leysa, pero nagsalita ito nang nakita niyang may dina-dial ako.
“Huwag ka ngang OA, Frederik! Tatawagan mo pa si Daniel para kausapin ang anak niya. Stupido ka talaga. Mga batang laro lang yun.” Nakakainis itong misis kong to. Kiss ko siya dyan eh at anong batang laro. Paano na lang kapag sumubra ang paglalaro nila. Kaya di ako nagpapigil. Tinawagan ko si Pareng Daniel at sinagot niya naman ito kaagad. Naka-speaker ito, kaya rinig ni Leysa at ng mga bata ang nasa kabilang linya.
[“Ano pare?”] - Daniel.
Sinesenyasan naman ako ni Leysa, na huwag ng palakihin. Maiyak-iyak na kasi ang princess namin habang nakangisi sa tuwa si Leyson, mana sa akin eh.
“Asan si Neil?”
[“Andoon sa study room niya. Bakit ba?”]
“Tawagin mo nga, pre. Gusto kong maka-usap yang anak mo.”
[“Hays. Ano na namang ginawa ng batang yun. –DANIEL!”] Rinig kong tawag niya sa anak niya.
“Papa, wag na kasi. Tinulak ko naman siya eh. Kaya quits na kami. Papa, promise, it will not happen again.” Pakiusap ni Freda pero hindi, kailangan kong makausap ang batang yun. Nakasama ko yun sa paglaki niya kaya alam ko mga karipas nun. Tss. Mana sa tatay niya yun.
[“Neil, ano na namang ginawa mo? Bakit Dad? Tumawag si Fred. Ha? Si Tito? Siguro may kalokohan ka na namang ginawa kay Freda. Wala naman po. Anak, kung gusto mo si Baby Freda. Tell me. And I'll arrange your marriage with her. Don't worry, I am sure Fred will be fine with it. No, Dad. Ysabel and me –were just friends. No big deal.”]
Naririnig namin ang pag-uusap ng mag-ama sa kabilang linya. Naikuyom ko naman ang palad ko. Baliw tong Daniel na’to. Ang sama tuloy ng tingin sa akin ni Leysa.
“Hoy, pre! Atin-atin lang yun.” Mahinang sambit ko. “Patay ako niyan kay Leysa eh.”
Napatawa naman si Daniel sa kabilang linya. We made an agreement kasi pero sa amin na lang dalawa yun.
[“Haha, geh. Oh, ito na si Neil, kausapin mo,” tugon lang neto.]
[“Bakit po? If this is about the kiss. Eh wala namang masama roon. Sinunod ko lang naman po ang turo mo noon sa akin,” explain ni Neil sa akin.] Anong tinuro?
“What did I taught you?”
[“You said. If I want to make a girl stop talking then I should kiss her. Then I did. And I therefore conclude that its true po pala talaga. Freda stops talking and talking,” sambit ni Neil.]
Napahawak naman ako sa sintido ko, nakaka-high blood ang mga bata ngayon. Nakita ko namang namula ang princess ko, when she heard Neil's speaking voice in the other line.
“Hoy na bata ka, w-wala akong sinabing ganyan, ah! And kung may sinabi man ako, wag mo ng gagawin yun sa anak ko. Maliwanag ba!” Pangaral ko.
[“No, Tito. You said it before when I was just 3 years old. And by the way, I just want to do it to Ysabel, cause her lips was so soft and kissable. And it taste so sweet, like a cotton candy. Nakakaadik Tito. So at least, you are aware. Para hindi ka na magtaka if ever I did it again.” Paliwanag nya pa.]
I want to spank this kid. Nakaka- high blood talaga, kumukulo ang dugo ko sakanya. Kung ano-ano kasing tinuturo ng ama niya eh.
Nakita ko namang namula at tahimik lang ang prinsesa ko. In love ba tong batang to? Shit talaga, ang babata pa nila para sa ganyan.
“Told ya, Pa. They are friends with benefits, tss.” Out of nowhere na sinabi naman ni Leyson. Sumasakit ang ulo ko sa mga batang ito. Kanino ba to nagmana, hindi ako ganito noon ah! Malandi ako pero hindi ganito kaaga, mga 9 years old na ako noon, unang nagka-GF. Talaga naman, oo!
“Enough, Fred... its your fault, kung ano-anong tinuturo mo kay Neil noon. Yan tuloy –at anong pinagsasabi n’yo ni Daniel na agreement?” Napailing lang ako sa tanong ni Leysa, but she knew better.
“Ayusin n’yo lang talaga, pag ang baby ko nasaktan dyan --palo sa pwet talaga aabutin sa akin ni Neil, may pagka-playboy pa namang bata yun.” Nakakatakot na dugtong pa ni Misis kaya tumigil na ako at pinatay ang tawag.
Sinabihan ko na lang si Neil na wag ng uulitin kasi hindi tama lalo na at bata pa sila. Pero ewan ko kung makikinig yun sa akin, narinig ko kasi ang pagngisi neto.
Napatingin naman ako kay Leysa when she groaned, because of pain. Kaya bigla akong napa-lapit sa kanya. Nakahawak kasi ito sa tyan niya and I saw… water flowing from her legs... wait,
“Bakit ka rito umihi, Misis ko. Pwede naman kita samahan sa CR eh,” sambit ko kaya nakatanggap ako ng sapok sa kanya.
“Tanga. My water bag just broke. T*ngina mo Fred.” Masamang tingin at mura ang inabot ko sakanya.
Huh? Water bag? Oh wait. Shit! Damn it!
“Wait, wait. Hey young man, please get the bag, we prepared for your mother's labor.” Tumango naman ito at mabilis na kinuha ang bag sa kwarto namin.
Binuhat ko naman si Leysa pasakay ng sasakyan at sumakay naman ang mga bata.
“Call your grandparents, Freda.” Utos ko sa anak ko.
Tinignan ko naman si Leysa. Hindi ito yung inaasahan kong reaksyon nya once mag-due na sya. Kasi diba yung sa mga movies... OA ng reaksyon, kaya I prepared myself for the worst scenario like kakalmutin niya ako, sasabunutan ganun, dahil sa sobrang sakit. Pero siya kalmado lang, nakapikit lang ito at malalim na nagi-inhale exhale.
Namulat naman siya at tinignan ako. She smiled. Kaya di ko napigilang magtanong. I hold her hands na nakahawak sa tyan nya.
“Why are you so calm, Misis ko?” Napakunot-noo naman ito, at tumawa. Kaya ako naman ang napakunot noo sa naging reaksyon neto.
“Why shouldn't I? Nagawa ko ngang makapanganak ng kambal na ako lang. How much more ngayon na kasama na kita, kayo—” Lumingon siya sa mga bata.
“That's why I am so calm, Mister ko. Masakit na, oo. Lalo na kapag nagko-contraction. But then, I can handle it while thinking that Frederiko Leo Wilford will come out now and see his beautiful mother.” See, nakukuha niya pang mag-joke. Pinisil ko lang ang ilong neto. What a brave woman I have.
“Sorry. I am not there with you when you gave birth to our twins,” sambit ko. Sobrang panghihinayang at pagsisisi ko talaga noon na nakaligtaan ko ang pinakamahalagang pangyayari sa mga buhay sana namin. Pero imbis murahin niya ako at sumbatan. Ngumiti lang ito at pinisil ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya.
“You don't have to. It's already in the past. Parte na yun ng buhay natin kung saan naging dahilan ito para mas maging matatag at pahalagahan natin ang mga simple at kahit maliliit na bagay sa mundo, maging kontento at masaya sa kung sino at ano na ang andirito. And ikaw at sila…” Liningon niya ang kambal sa backseat na ngumiti lang din ang dalawa, at hinimas din niya ang kaniyang tyan bago magpatuloy sa sasabihin, “—kayo lang sapat na sa akin.”
Pinisil niya naman nang sobrang higpit ang kamay ko. At parang mababali ang mga buto ko dito, kaya napadako ang tingin ko sa kaniya like asking what’s wrong…
“Kaya please pakibilisan naman, Frederik. Matutuyuan na ako ng tubig.” Napatango naman ako, at hinihila ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero ayaw niya itong bitawan, at ito na nga ang sinasabi ko eh.
“Aww. Misis ko, ang sakit,” sabi ko at itinigil ang sasakyan sa harap ng emergency. Nakahanda na ang stretcher roon, at naghihintay na rin sina Mom and Dad namin at sina Lolo Rafael at Leonardo, na nalaman naming sila pala ang nagpalabas ng scandal ni Diana. At tama nga kami ni Leysa, they are manipulating it all, kaya nga lang daw depende na lang sa amin ni Leysa kung magiging happy ending ba o hindi. And syempre we choose the best result that it could ever be for the both of us.
**************
“Papa, kamukha ni Leyley...” sambit ni Freda habang nakatingin at nakahawak sa maliit at malambot na kamay ni Frederiko Leo, my youngest. Nanganak na si Leysa at andirito kaming lahat sa loob ng hospital room niya, sina Mommy Rizza at Ysabela, Daddy Ferdinand at John, Lolo Rafael at Leonardo, andirito rin sina Edward at Hana kasama ang magdadalawang taon na nilang anak na inaanak namin ni Leysa, si Ma. Hanibella na busy kakalaro ng manika neto. Napansin ko namang kanina pa ito tinitignan ni Leyson na nakaupo sa tabi ng Mama niya sa kama. Hmm. Tinapik ko ito.
“Hey, young man!” Tumingin naman ito saglit sa akin at ibinalik ang tingin kay Hani. “You like Hani?” tanong ko rito na ikinasimangot niya naman.
“No, Pa. You are imagining things again.” Tanggi neto na ikinangisi ko lang.
“Eh bakit di maalis-alis ang tingin mo sa kanya?” Tudyo ko pa rito, pero abala pa rin ang tingin niya sa batang babae.
“Nothing. It's just that, how her hair color became like that, like the hair of the Barbie doll,” curious niyang tanong. Natawa naman ako.
“Natural, blonde si Tita Hana mo and namana niya iyon.” Napakunot-noo naman ito, at biglang inalis ang tingin kay Hani dahil napatingin ang batang babae sa kanya at ngumiti. At ang cute neto dahil bungi pa ang ngipin, kaya di ko rin maiwasang hindi mapangiti.
“Mukha kasi siyang manika na gumagalaw, Pa. Creepy. Lalo na ang bungi niyang ipin.” Out of nowhere na komento neto na narinig ng lahat ng andito. Natawa kami, dahil biglang umiyak si baby Hani nang marinig ang isinambit ni Leyson. Kaya tinapik ko ang anak ko.
“Hala ka kuya, you make Hani cry. Patahanin mo siya! You bad guy.” Tudyo pa ni Freda na biglang tumahimik nang biglang may pumasok sa loob ng hospital room. At kaya naman pala, its Daniel kasama ang anak nyang si Daniel din, or let me call Neil para di nakakalito. Ngumisi ang bata nang makita ang pagtalikod sa kanya ni Freda at nilalaro na lang ang kanyang baby brother na si Riko.
“Kiss her, Derik.” Pagdako ng tingin neto kay Leyson at sabay utos neto na halikan ang umiiyak na si baby Hani, na nginisihan lang din ng anak ko. I am seeing this for real? Para silang next generation namin.
Lalo na nang dumating din si Arthuro kasama ang kanyang anak na si Anthony, na kaagad namang lumapit kina Leyson at Neil na parang may kung anong seryosong pinag-uusapan.
Maya-maya ay biglang bumukas na naman ang pintuan ng kwartong kinaroroonan namin at iniluwa nun sina David at Monica, kasama ang dalawang anak nilang sina Dominic at Dominica.
Nakita ko ang paglapit ng anak kong si Freda kay Dominica, magkasing edad lang kasi ang mga ito. May inabot itong candy bar pero hindi ito tinanggap ng anak ni David at tahimik itong umupo sa sofa na naroroon. Kaya tahimik at nakasimangot namang bumalik si Freda sa kanyang pwesto sa tabi ng kanyang baby brother.
Hindi na lang namin ito pinansin lalo na at ang anak na babae ni David ay nagkaroon ng traumatic experience noong 5 years old ito. Kaya as much as possible ay pinapaintindi ko din kay Freda ang sitwasyon ni Dominica kung bakit ito ilag sa mga tao sa kanyang paligid.
Ang nakakatuwa lang din sa aking anak na babae ay hindi pa rin ito tumitigil kakasuyo sa anak ni David, kaya sana someday maging magkaibigan ang mga ito –who knows.
Nagising naman si Leysa.
“So noisy,” mumunting sambit neto kaya nilapitan ko sya at inakay makaupo ng maayos. Ngayon lang din kasi ito nagising after she gave birth.
Kiniss ko siya, smack lang na naglikha naman ng ingay sa loob ng kwarto dahil sa tuksuhan ng mga gago kong kaibigan, kaya napapangiti na lang din kami ni Leysa.
Wala na akong ibang mahihiling pa. Masaya ako dahil lahat kami ay kontento na sa buhay namin. Masayang pamilya... sabi nga nila kapag masaya na raw, ending na.
But one thing is for sure...
“This is not yet the end. This is just the start of the next chapter of our lives...”