“Iyan! Ang ganda ng lola mo!” tuwang-tuwang sabi ng baklang make up artist na nag-ayos sa kanya para sa engagement party niya. She looked so lovely. Isang henyo si Bambi para tuluyang burahin ang lahat bakas ng kaguluhang nangyari sa kanya sa loob ng nakakaraang araw.
“You are a magician, Bambi. Thank you,” sabi niya.
“Anything for you, dear. Maganda ka naman kasi. Pang-enhance lang ang make up,” ganting-puri nito sa kanya habang inaayos ang mga gamit.
May kumatok sa pinto at pinanood niya mula sa salamin ang pagpasok ni Atasha. “Hi! You look so gorgeous, cousin! Sana ganyan din ako kaganda kapag ako naman ang na-engage.”
“Ako ang bahala sa iyo,” sabi ni Bambi at iniwan silang dalawa.
“I am nervous, Ash,” usal niya at pinagsalikop ang mga kamay.
“Give me your hand,” anito at inabot niya ang palad. Nagulat siya nang ilagay nito sa palad niya ang may kaliitang kahon. “It is a gift.”
“From you? How sweet!” bulalas niya.
“Hindi sa akin galing iyan. Inabot lang iyan sa akin ng guard kanina. May nagpabigay daw. Open it!” excited nitong sabi.
Walang card na kasama kaya dali-dali niyang binuksan ang regalo. Bumuglaw sa kanya ang isang dream catcher at isang papel na nakatupi. It was a letter.
I am sorry for what I did to you, Kim. You deserve every happiness and I hope you find it.
Rohann
Nanginginig ang kamay niyang inilabas ang dream catcher kasabay ng pangingilid ng luha sa mata niya. Mabilis siyang dinaluhan ni Atasha. “Hey, what happeped?” tanong nito sabay basa sa sulat.
“It is from Rohann.”
“That jerk! Wala na ba siyang ibang gagawin kundi ang paiyakin ka? Tahan na masisira ang make up mo,” anito at inagapan ng tissue ang gilid ng mata niya.
“Kahit magkahiwalay kami, gusto niyang bantayan ako. He gave this to me to shove the nightmares away. So that I will always have beautiful dreams.”
“And Rohann is just a dream. He left you.”
Inilagay niya sa bag ang dream catcher nang sumilip ang Papa niya. “Kim, ano pa ba ang ginagawa mo diyan? Late na tayo.”
“Mauna na kayo, Tito,” pagtataboy ni Atasha dito. “Alam naman ninyo kaming mga babae, maraming kaartehan. We just want to make sure that we are beautiful.”
“Sige na. Bilisan ninyong magpaganda. Nakakahiya sa mga bisita,” sabi ni Horacio at lumabas.
Pumasok naman ang Mama niya. “Sumunod ka na, anak,” nakangiti nitong sabi. Malungkot siyang ngumiti. Her mother looked so happy. Everybody looked so happy except her. Why don’t she just surrender to her faith? Wala na si Rohann.
Nakatulala siya habang bumibiyahe sila ni Atasha patungong hotel. After that night, there was turning back. Inilabas niya ang dream catcher at inilapit iyon sa dibdib. Rohann asked for her happiness. Rohann was her happiness. She found him and lost him. But it was not a total loss. He gave her a child.
Tumigil ang Mercedes Benz na kinalulunan nila. “Manong, ano pong problema?” tanong ni Atasha nang bumaba ang driver.
“Nakalimutan kong I-check, Ma’am. Baka po may problema sa baterya,” sabi ng driver at binuksan ang hood ng kotse.
Hindi siya mapakali sa loob ng sasakyan. The driver took a short cut. Doon sa walang masyadong sasakyan. Kung pwede lang, magta-taxi na lang siya. Ayaw niyang ma-late. Maya maya pa ay may tumigil na sasakyan sa likuran nila.
“Manong, may problema ba?” tanong ng lalaki.
“Pwede bang humingi ng tulong?” narinig niyang tanong ni Atasha. “Engagement party kasi ng pinsan ko. Pwede bang ihatid mo na lang siya para hindi siya ma-late? Please?”
Nagtaka siya. Bakit nakikiusap si Atasha sa isang estranghero? Nababaliw ba ito? Una, hindi naman siya ganoon ka-eager na um-attend sa engagement party niya. Pangalawa, paano kung rapist at killer pala ang sasakyan niya? She has her child to think about. Hindi niya ipapahamak ang anak nila ni Rohann.
“Hi! Want a hitch?” narinig niyang tanong ng lalaki at sumilip sa bintana.
Nagulat siya nang makitang si Rohann iyon. “A-Anong ginagawa mo dito?”
“Nagmamagandang-loob lang ako na ihatid ka. Come on. Baka naghihintay na si Kurt sa iyo.”
“Sige na. Bilisan mo na!” anang si Atasha na kulang na lang ay kaladkarin siya. Niyakap siya nito. “Susunod na ako sa party.”
Tahimik siyang lumipat sa kotse ni Rohann. What a twist of fate. Sa dinami-dami ng pagkakataon na makikita niya ito, bakit sa gabi ng engagement pa niya? Did he really want to torture her?
“Nervous?” tanong nito sa kanya.
“No,” she answered stiffly.
“Do you know that you look so beautiful tonight? Hindi man ako makakapunta sa party mo, I am still honored to bring you there.”
“Ibaba mo na lang ako sa lugar na may taxi. Doon na lang ako sasakay papunta sa hotel.”
“Sa akin ka ipinagkatiwala ng pinsan mo. Kailangan kitang dalhin nang safe.” Iniliko nito ang sasakyan sa kabilang direksiyon na dapat nilang daanan. “On the contrary, I won’t bring you to your engagement party. This is kidnap!”
“What?” bulalas niya. “Ano na naman bang kalokohan ito, Rohann?”
“I am serious, Kim,” anito at matamis na ngumiti. “Itatakas na kita. Magtatanan na tayo.”
“Hindi kita maintindihan, Rohann,” sabi niya nang ipasok nito sa isang condominium building ang sasakyan. “Parte na naman ba ito ng paghihiganti mo? Pagod na pagod na ako, Rohann.”
“Bumaba ka muna. Mag-uusap tayo nang maayos sa condo ko.”
“What do you want, Rohann?” tanong niya nang sumakay sila sa elevator. Sila lang dalawa ang tao doon kaya pwede silang mag-ingay. “You already dumped me. Hindi mo ako mahal. Sinabi mo na napatawad mo na ako at tapos na ang paghihiganti mo. Kaya ibalik mo na lang ako kay Kurt.”
“No,” mariin nitong sabi. “I lied, Kim.”
“You lied!” galit niya itong hinampas sa dibdib. “Sinungaling ka! Sabi mo napatawad mo na ako. Na masaya ka na sa buhay mo. Na wala ka nang galit sa mundo. Then you push me away. Tapos babalik ka na naman para guluhin ang buhay ko!”
Pinigilan ito ang kamay niya. Bumukas ang elevator. Hawak pa rin nito ang kamay niya nang pumasok sila sa condo nito. “Wala akong pakialam kung magulo man ulit ang buhay mo. I love you and I won’t let you go!”
Matalim niya itong tiningnan. “Why should I believe you? Nang sabihin kong mahal kita noon, hindi ka naniwala.” She wanted to hear those words. But it was too late. Dahil ayaw na niyang maniwala. “Tapos na ang laro mo, Rohann. Hindi kita papayagang saktan ako ulit.”
Dahil may anak na siya na ipaglalaban ngayon. Kapag sinaktan siya nito, anak rin nila ang sasaktan nito. Mas mabuti kay Kurt. Kahit hindi siya nito mahal, may maganda naman itong pangako sa kanya. He won’t hurt her.
“Hindi kita sasaktan, Kim. All I want to do is to love you.”
His open mouth probed hers. Unti-unti nabuwag ang depensang itinayo niya sa sarili. Iniyakap niya ang mga kamay sa leeg nito. This was what she wanted. To have Rohann. Gusto niyang maniwala na mahal nga siya nito. Na hindi bahagi ng paghihiganti ang lahat. Na matutupad ang pangarap niya para sa kanilang dalawa.
Napaiyak siya nang maghiwalay ang mga labi nila. “You want my happiness, Rohann. So please let me go.”
“No.” He gently cupped her face. “I won’t let you go.”
“You know how vulnerable I am, Rohann. You know how much I love you. Pero nakikiusap ako. Pakawalan mo na lang ako kung hindi mo ako kayang mahalin.”
“Look at me,” anito at pilit na hinuli ang mga mata niya. “Ipokrito ako. Gusto kong ipakita sa iyo na nakalimutan na kita dahil natatakot akong masaktan. You make me weak, Kim. It almost killed me when I thought you betrayed me. Ayoko nang mangyari ulit iyon. Ayoko nang umikot ang buhay ko sa iyo. Then you came back. I felt naked around you again. Dahil mas minahal kita kaysa noong una. And I hate myself for giving in to the emotion which was more powerful than hate.”
“But you gave me away. Ikaw pa mismo ang tumawag kay Kurt para kunin ako,” sumbat niya dito. “I don’t really want to go away then. But you made me feel used and unworthy.”
“I have to, Kim. You wanted to stay with me forever. You looked so happy. And it felt so good to be with you. But it was too good to last forever. Ayokong habambuhay kang mabuhay sa guilt. I couldn’t stand to see you live through your guilt habang paninaniniwala mo ang sarili mo na mahal mo ako. Tapos magigising ka na lang isang araw at sasabihin mo sa akin na natauhan ka. Na di mo ako mahal.”
“I love you, Rohann. Ako ang nakakaramdam niyon. Wala akong ibang minahal bukod sa iyo. My world revolved around. Kahit na gusto kitang kalimutan, hindi ka pa rin nawawala sa puso ko. Kahit nang sabihin mo na gusto mo si Patricia.”
“I like her but I don’t love her. You are the only memory I can’t let go. At ayokong manatiling alaala lang ang lahat. I want to make it real.”
His dark eyes closed and possessed her mouth in a tender kiss. Real. She could feel her dreams coming true. At ayaw na niyang balikan ang realidad.
“I believe that you love me, Kim.”
“What made you realize this?” tanong niya.
He gave her a sly smile. “My brother gave me a punch. And your mother slapped my face. Mahal mo daw ako at wala akong karapatan na saktan ka.”
Hinaplos ang pisngi nito. “Oh, I’m sorry.” Ayaw niyang saktan ito ng iba dahil lang sa kanya.
“I deserve it for being such an idiot.”
“Yeah. And a blind one, too. Paano mo naisip na guilt ang lahat ng iyon?” sumbat niya dito.
Niyakap nito ang baywang niya. “They told me that I should grab my happiness, too. Hell! Alam ko naman na hindi ka sasaya kay Kurt. Ayaw ng Mama mo na matulad ka sa kanya.”
“Kinausap ka ni Mama? May kinalaman ba ang pagkakasira ng sasakyan kanina? Ibig sabihin, kasabwat mo rin si Atasha?”
Nakangiti itong tumango. “Ayaw nilang maikasal ka sa lalaking hindi mo mahal. It was tough to let someone claim another man’s child. Katulad ng nangyari sa mama mo. It was your brother who suffered the consequences.”
Binaklas niya ang pagkakayakap ng kamay nito sa baywang niya. “You!” Nakuyom niya ang palad subalit napigilan niya ang sarili na sundan ang suntok na ibinigay ni Jet at sampal na bigay ng Mama niya dito. “You don’t love me! You only want me because Mama told you that I am pregnant.”
Naguluhan ito. “What the hell!” Namutla ito. “Pregnant?”
“Yeah! We made love on October two at your house in Sagada. And now I am almost two months pregnant and…”
Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at pinigil ng daliri ang labi niya. “I remember it fully, sweetheart. But believe me, your mother didn’t tell me that you are pregnant. But I’m glad that I am going to be a father!” sigaw nito. He claimed her lips in a slow leisurely fashion. Na parang hawak nito ang lahat ng oras sa mundo. “The more we should get married. I can’t let you marry another guy. I can’t let my child carry another man’s name.”
“I want him to be a Madrigal, Rohann,” nakangiti niyang sabi. Dahil hindi rin siya makapaniwala sa kaligayahang nakikita sa mukha nito. “Ayoko rin namang matulad siya sa kapatid ko. But Kurt offered his name. And I thought you don’t want me. I have little choice left.”
Kinintalan nito ng halik ang labi niya. “Darling, it is my fault. Wala akong pinakikinggan kundi ang sarili ko. Will you forgive me?”
“You are forgiven.” Nawala ang ngiti sa labi niya. “But we have a big problem. Ang engagement party ko. Si Kurt.”
“I’d love to face him right now. Man to man. Mas gusto ko siyang kausap kaysa sa Papa mo. Pero ayoko namang lalong manggulo. Not in your condition. Ayokong may mangyaring hindi maganda sa baby natin. Let’s call him.”
“Pero…” Nahihiya siya kay Kurt. Napakalaking konsiderasyon ang ibinigay nito sa kanya kahit pa nga gusto lang siya nito para sa pagpalaot nito sa pulitika.
Nag-dial ito sa cellphone. “Hello, Kurt! I’m sorry, I have to kidnap Kim and I won’t bring her back unless we are married.” Inabot nito ang cellphone sa kanya. “Here. He wants to talk to you.”
Nanginginig ang kamay niyang kinuha ang cellphone. “Kurt, I’m sorry.”
“I understand,” he said in crisp, contained voice. Pero wala siyang mahimigang galit o paghihisterya man lang. He was so controlled.
“Look, I am willing to face the damages. Magbabayad ako. Ang mga utang ng pamilya namin…”
“You don’t have to, Kim. Just be happy. Pwede bang makausap si Madrigal?”
Ibinalik niya ang cellphone kay Rohann. “Yes. I will take care of her. Sorry for the bother. Are you sure you don’t want any public apologies? I owe it to you. Thanks! Makakabawi rin ako sa iyo.”
“Anong sabi niya?” tanong niya tapusin nito ang tawag.
“Best wishes daw. That guy is weird. Parang hindi siya marunong magalit. He was such a sport.”
“Ako naman ang nag-aalala sa kanya. It is his reputation, which will be ruined. Paano nila haharapin ang mga tao?”
Niyakap siya nito at kinintalan ng halik sa noo. “He told me not to bother. Lovelife na lang daw natin ang pakialaman natin. We have our baby to think of.” Akmang hahalikan siya nito nang mag-ring ulit ang cellphone nito. “Hello.” Napangiwi ito at bahagya inilayo ang cellphone sa tainga. Inabot nito ang cellphone sa kanya. “Papa mo.”
“Anong ginagawa mo kasama ang lalaking iyan? You have an engagement party to think of. Bumalik ka dito, Kimberly! Or I will disinherit you!” banta nito. “Hindi na kita kikilalaning anak.”
“Ganyan din ba si lolo sa inyo ni Mama noon nang pinaghiwalay kayo kaya gumaganti kayo kay Rohann, Papa?” malambing niyang tanong. “I am pregnant. Magiging lolo na kayo.”
“M-Magiging lolo na ako?” Narinig niya ang pag-angil nito. “Sinira ninyo ang lahat ng plano ko! Bakit nagawa mo ito sa akin?”
Inagaw ni Rohann ang cellphone mula sa kanya. “Bakit hindi ninyo kami hayaang maging masaya? Iingatan ko ang anak ninyo at ang magiging apo ninyo. I will make sure that your daughter will be happy.”
Nailayo na naman ni Rohann ang cellphone sa tainga. Alam niyang bumubula na naman ang Papa niya sa galit. Siya naman ang umagaw ng cellphone kay Rohann. “I love you, Pa. But I am not your little girl anymore!” aniya saka ini-off ang cellphone para wala nang pumasok pang tawag. Iniyakap niya ang kamay sa leeg nito. “Where were we?”
He showered her face with kisses. “We are about to elope.”
“At saan mo naman ako dadalhin kapag itinanan mo ako?”
“To our home. In Sagada.”
She nuzzled his neck and brought her body closer to him. “I love that.”
It was a part of her dream. To go back to that place and become Rohann’s wife. And they will build their own family. She had never felt so happy.
“And I love you,” usal ni Rohann at pinag-isa ang labi nila.
WAKAS