Chapter Michael James, Child of the Rain: Chapter 2

Gulat na gulat si Jenna nang bumagsak sa mukha niya ang pinto at marinig ang pagtataboy ni James sa kanya. Sa buong buhay niya, noon lang siya napagsarahan ng pinto at pinalayas.

Kinatok ulit niya ang pinto. “Hey, pagbuksan mo ako!”

Hindi niya alam kung ano ang problema nito. Hindi naman siya mukhang masamang tao. Hindi rin naman siya mukhang takas sa mental. Oo nga, basa ang damit niya at putik-putik na rin ang sapatos niya. Baka gulo-gulo na rin ang buhok niya na hinangin habang bumibiyahe. Pero hindi pa siguro siya mukhang halimaw.

“Nananahimik na ako. Ayoko ng panggulo!” matigas na sabi ni James. “Kaya kung alam mo kung ano ang mabuti sa iyo, umalis ka na!”

“Hindi naman ako manggugulo. Ano ba ang problema mo?” Kinalampag ulit niya ang pinto. “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nakukuha ang kailangan ko!”

Niyakap niya nang mahigpit ang sarili nang umihip ang malamig na hangin. Unti-unti nang bumababa ang fog. Dahil basa siya ng ulan ay nanunuot ang lamig sa katawan niya. Ayaw niyang mamatay sa lamig.

Bakit kailangan pa niyang makipagtalo dito? Simple lang naman ang gusto niya. Ang makapaligo sa mainit na tubig at magpahinga. Binabawi na niya. Hindi nga nakabahag ang tao sa bundok. May nakilala pa nga siyang celebrity. Pero hindi man lang siya tinanggap ng maayos. Nakakagigil talaga!

“I told you! Wala kang mapapala sa akin. Go back to where you came from. Kapag hindi ka umalis, magsisisi ka!” mapanganib nitong wika.

Nag-init ang ulo niya. Hindi na nga ito naawa sa kanya. Na nanlalamig na ang dugo niya sa labas ng bahay nito, pinagbabantaan pa siya nito.

“Ang yabang mo!” sigaw niya. “Akala mo kung sino kang sikat. Pakaway-kaway ka pa sa TV. Noon nga, ngiti ka pa nang ngiti sa akin nang pirmahan mo ng autograph ang braso ko.” Tatlong araw pa nga siyang hindi naligo dahil sa pirma na iyon. “Tapos ganyan pala kasama ang ugali mo. Kapag namatay ako sa hypothermia, kasalanan mo! Wala kang konsensiya! Wala kang puso!”

Gusto na niyang maiyak sa awa sa sarili. Paano siya magkakaroon ng peace of mind kung tuluyan na siyang mare-rest in peace dahil sa kagagawan ng walang pusong James na iyon?

Nang bumukas ang pinto ay nakahanda na ang bagong pangongonsensiya niya. Ngunit isang babae na puno ng pag-aalala ang anyo ang nagbukas niyon. “Miss, are you okay?”

Umiling siya. “No, I am not.”

“Pumasok ka muna sa loob,” yaya nito.

“Ate, huwag mong papasukin iyan,” banta ni James na nasa likuran ng babae at matalim ang tingin sa kanya. “Wala nang ginawa ang mga reporter na iyan kundi guluhin ang buhay ko.”

“Reporter?” bulalas niya. “You must be mistaken. I am not a reporter.”

“Hindi ka reporter?” gulat na sabi ng babae. “Pumasok ka na, Miss. Baka lalo kang magkasakit dito sa labas.”

“Salamat,” sabi niya dahil naniwala ito sa kanya at hindi na siya mapagbabagsakan pa ng pinto o mapagbabantaan. Paano siya magiging reporter samantalang siya mismo ay nagtatago din sa mga reporter?

“Maupo ka muna.”

Subalit hindi pa rin inaalis ni James ang masamang tingin sa kanya. “Kung hindi ka reporter, bakit ka nandito?”

“Hinahanap ko lang si Sapphire. Sabi ni Kuya Rui, sa kanya ko daw kunin ang susi sa bahay ni Lola Inez.”

Namutla ang babae. “Oh, I’m sorry, Miss. Akala kasi ng kapatid ko reporter ka. I am Sapphire,” pakilala nito at inabot ang kamay sa kanya.

“Jenascia Almayda. You can call me Jenna,” aniya at pilit ngumiti.

“Kapatid ka pala ni Jemarra. Pasensiya na kung hindi ko agad nalaman. Hindi ka sana napagsaraduhan ni James.”

“I was not given the chance to explain,” aniya at pinukol ng naninising tingin si James. Hindi ito makatarungan. Ni hindi man lang nagtanong nang maayos bago siya pinagsaraduhan ng pinto.

“Sorry if I mistook you for a reporter,” anang si James na hindi sinsero ang paghingi ng sorry. “Nakatakas nga ako sa reporter. But I can’t get rid of a star struck fan.” Saka sila nito iniwan sa sala at umakyat ng hagdan.

“Can I offer you any hot drinks? Tea? Coffee? Hot chocolate?” alok ni Sapphire para marahil ilayo ang atensiyon niya sa kasungitan ni James.

“Hot tea will do.”

“I’ll be back in a jiffy,” anito at nagpunta ng kusina. Pagbalik ay may dala na itong tasa ng umuusok na tsaa. “Pagod na pagod ka siguro sa biyahe.”

Nilagyan niya ng asukal ang tsaa at ininom agad iyon. It was like a fire in a cold desert night. Pakiramdam niya ay normal na siyang tao nang unti-unting bumalik ang init sa katawan niya. “Sobra! Nerve-wrecking nga ang biyahe dito. Tapos pagdating ko pa, umulan. Saka ako pagsasaraduhan ng pinto.”

“Huwag mo na lang pansinin ang kapatid ko, Jenna. Masungit lang talaga ang lalaking iyan most of the time. Daig pa ang naglilihi.”

Na-curious siya sa kung ano ang dahilan ng kasungitan ni James. Pero itinikom na lang ulit niya ang bibig. Naroon siya para makaiwas sa tsismis at hindi para sumagap ng tsismis.

“Thanks for the hot tea,” aniya at tumayo. “Mabuti pa pumunta na ako sa bahay sa kabila. Sobra-sobra na ang pang-aabalang ginawa ko.”

“Oh, it is nothing. Sasamahan na kita sa kabila. So I can also give you a tour around the house.”

“Thank you,” pasasalamat niya at binitbit na ang gamit.

It was a typical American log house. Ang dingding at sahig ay gawa sa pine tree. May chimney place rin sa malapit sa sala. Moderno ang mga kagamitan doon. Sa palagay niya makakatagal siya nang bakasyon doon.

“Kumpleto ang gamit dito sa bahay. Sa taas ay may apat na kuwarto. Ito ang susi sa guestroom,” anito at ibinigay ang bungkos ng susi sa kanya. “Maayos din ang heating system. And the hot shower is working.”

She felt relieved. At least hindi niya kailangang magpakulo ng tubig para sa pampaligo. Hindi niya ine-expect na may modern amenities sa bundok.

“Kung may kailangan ka pa, sabihin mo lang sa akin. Lagi namang may tao sa bahay namin,” sabi ni Sapphire. “Kung busy ako sa studio ko, James will assist you anytime. Hindi naman kasi siya masyadong busy.”

“Ayoko nang mang-abala pa, Sapphire. But thanks for the offer.”

“Bisita ka dito. Hindi ka nakakaabala.”

Nang magpaalam si Sapphire ay nasolo na niya ang bahay. Hindi maiwasang bumalik ang isip niya sa masungit na si James. Hindi nga daw siya reporter pero isa naman daw siyang makulit na fan.

Sumimangot siya. Mukha mo! Fan ka diyan! Well I got news for you, Michael James Lizardo. Nawala na sa iyo ang iyong number one fan. Ayoko na sa iyo!

“THAT bath was heaven! And this is heaven,” anang si Jenna habang nakaupo sa tabi ng bintana at pinanonood ang pagbaba ng ulap sa gubat na puro pine trees. Nakaligo na siya at nilalabanan ang lamig sa pamamagitan ng mainit na tsaa. Kumpleto ang supply ng pagkain sa cabinet. Wala nga lang fresh na gulay at karne. Pero madali na lang iyong bilhin pagpunta niya sa palengke.

Hindi niya sukat akalaing makakapag-relax siya nang todo. Na mag-eenjoy siya kahit sa simpleng panonood lang ng fog sa bundok at panonood sa patak ng ulan. This was what she wanted. Solitude.

Walang press na magbabantay sa kilos niya at guguwardiyahan ang lahat ng sasabihin niya. Wala ring fans nina Henriette at Iñigo na maaring manggulo sa kanya. Walang polusyon. Walang traffic. Walang ingay.

Nagulat siya nang may kumatok sa pinto. Akala pa mandin niya ay makakapagpahinga siya nang walang istorbo. “Sandali!” sigaw niya at nagmamadaling binuksan ang pinto. Para maitaboy na rin niya kung sinumang nang-aabala sa kanya pagkatapos nitong sabihin ang pakay.

“Hi!” nakangiting bati sa kanya ni James. “Pwedeng pumasok?”

Nagkibit-balikat siya. “Sure.”

Pumasok ito ngunit nanatili lang sa may pinto. His haughty features were already gone. Mukha na itong maamong tupa. “I just want to apologize about the way I treated you a while ago. Hindi kita dapat pinagsaraduhan ng pinto at itinaboy.”

“Kahit na isa akong reporter?”

Tumango ito. “I am not really rude. Wala akong excuse sa ginawa ko. So please accept my sincerest apologies and have dinner with me.”

“Dinner?” usal niyang nakaawang ang labi.

“Yes. Dinner.”

“Sure,” sagot agad niya. Baka mamaya ay sapian na naman ito ng kasungitan at bawiin ang offer sa kanya. That was great. Unang araw pa lang niya doon, may nag-offer na sa kanyang dinner na isang celebrity. Kung iba siguro ito, baka tanggihan niya. But how could she resist James Lizardo?

Bahagya itong ngumiti. “I’ll see you at six.”

Hindi pa rin siya makapaniwala nang isara ang pinto. Michael James Lizardo had just invited her for dinner. A dinner date. Daig pa niya ang teenager na excited sa fans day ng paborito niyang celebrity. Naglaho na rin ang masamang impression niya dito. Parang okay lang sa kanya na pagsaraduhan nito ng pinto. Kahit ilang libong beses pa. Basta iimbitahan rin siya nitong mag-dinner pagkatapos.

Nagkulong agad siya sa kuwarto at naghanap ng babagay na damit para sa dinner nila ni James. Pero laking dismaya niya nang walang siyang mapili. Lahat ng eleganteng damit niya ay iniwan niya sa Manila. At sino ba ang magsusuot ng gown sa bundok?

“I hate you, Ate Jem! Bakit hindi mo sinabi sa akin na may guwapo at sikat palang kapitbahay si Kuya Rui dito? Sana napaghandaan ko ang pagkikita namin.”

Saka niya na-realize kung bakit napagkamalan siyang reporter ni James. She acted like a star struck fan. Anong magagawa niya kung crush na crush niya ito mula noong teenager pa lang siya? Kung nanligaw siguro sa kanya ang sampung Iñigo at makikita niya si James, mas pipiliin pa rin niya si James.

“Then I will act like a lady from now on,” pangako niya sa sarili. And she would make sure that James would like her.

“THANK you for accepting our invitation,” sabi ni Sapphire habang nakadulog na sila sa mesa nang gabi ring iyon. Akala niya ay sila lang ni James ang magdi-dinner. Simple lang ang make up niya at naka-long sleeve siyang pink at designer jeans. Pero tiniyak niyang mapapansin ang kagandahan niya. Akala niya ay masosolo niya ito pero hindi pala. Kasama nila sa dinner date ang ate nito. May chaperone.

“Nag-abala pa kayo. And thanks for the veggie salad. Paborito ko ito,” sabi niya at inabot ang salad bowl.

Ngunit inunahan siya ni James at ito pa mismo ang nagsalin para sa kanya. Saka niya na-realize na kahit minsan, hindi pa siya pinagsilbihan ng impaktong ex-boyfriend niyang si Iñigo. Lagi itong may katulong o waiter na mauutusan para asikasuhin siya. Ultimo pagsasalin sa baso ng tubig.

“Pareho kaming vegetarian ni Ate. We seldom eat meat,” paliwanag ni James. “Fish ang source of protein namin. But it is expensive here.”

“Kaya pala well-proportioned ang katawan mo,” hindi niya maiwasang magkomento. Kailangan nito ng balanced diet lalo na’t isa itong atleta. Magkakasundo pala sila pagdating sa pagkain.

“What are your plans? Ano ang gusto mong puntahan dito sa Sagada?” tanong ni Sapphire.

“May mga bar ba dito?” Dahil iyon lang naman ang naiisip niyang paglibangan sakaling naroon siya.

“Walang bar dito,” sabi ni James. “Hindi iyon advisable dahil nine o’clock pa lang ay sarado na ang mga establishments dito.”

“Nine o’clock?” bulalas niya. Nagsisimula pa lang ang buhay niya nang mga oras na iyon. Paano siya mabubuhay kung alas nuwebe pa lang ay tulog na ang mga tao at puro kuliglig na lang ang maririnig niya. “Actually, mas prefer ko sa room ko mag-stay. Mas gusto kong mag-relax at umisip ng ideas para sa next fashion show ko.”

“Sagada is a very attractive place. It has lots to offer,” pagmamalaki ni Sapphire. “I am an artist, too. And I am sure, mai-inspired ka kapag namasyal ka. Kahit nga maglakad ka lang, marami ka nang makikita. At marami ring guwapo dito. Mapa-foreigners at local.”

Tumutok ang paningin niya kay James. May punto si Sapphire. Hindi pa nga siya nakakalayo ay may nakita na siyang attractive guy. “Iyon ba ang dahilan kung bakit mas gusto mo dito kaysa sa city, James?” tanong niya. Mas gusto yata niyang titigan na lang si James maghapon. Hindi pa siya magsasawa.

“Mas nakaka-relax dito,” sabi nito at sumubo ng salad. “Kaya kahit sa America ako ipinanganak at lumaki, mas gusto ko pa ring manirahan dito.”

“Kung gusto mong mamasyal, pwede kang samahan ni James,” sabi agad ni Sapphire. “Alam niya ang magagandang lugar dito. At kaibigan din niya ang mga tourist guide.”

“Ako? Sasamahan ko siya?” gulat na sabi ni James.

“Oo. Iyon naman ang dapat, hindi ba?” mariing sabi ni Sapphire.

“Baka busy si James. Hindi na niya ako kailangang samahan,” aniya at pilit na ngumiti kahit na nagngingitngit siya. Bakit parang napipilitan lang ito? Ayaw ba nito sa company niya? Maganda naman siya.

How dare him! Wala itong karapatang magmukhang napipilitan sa pagsama sa kanya. Samantalang noong nag-break sila ni Iñigo, nagkakandarapa ang mga lalaking manliligaw niya para lang damayan siya. Lahat ito ay gusto siyang samahang magbakasyon at maka-recover.

“H-Hindi. Hindi ako busy,” agap na sabi ni James. “Sasamahan kita.”

Lumuwang ang ngiti ni Sapphire. “From now on, he will be your personal tourist guide. And he will make sure that you will enjoy your stay here.”

Nakadama siya ng munting tagumpay at nginitian si James. Kung ito ang lagi niyang makakasama, kahit pa ilaglag siya sa bulkan kasama ito ay okay lang sa kanya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.