Chapter Sapphire, Mystic Moonlight: Teaser and Chapter 1

Sapphire had to give up Arthur, the man she loved, for art’s sake. Mas pinili niya ang magandang career sa New York kaysa manirahan at magkaroon ng tahimik na buhay sa bulubundukin ng Sagada. After two years, she was at the top of her career. But she was alone and still yearning for Arthur.

Nang bumalik siya sa Sagada, nakita niya ang lahat ng nawala sa kanya nang hindi niya piliin si Arthur. Tinutupad na nito ang lahat ng pangarap kasama si Maggie. Malabo nang maibalik pa niya ang pagmamahal nito sa kanya.

She had given up on him. Until one night, while she was drunk, she asked him to kiss her and love her again.

Maingat na umupo si Sapphire sa sementadong trail pababa sa rice terraces. Madilim na ang gabi at buwan lang ang tumatanglaw sa kanya. Naririnig niya ang mahinang tawanan at musika na nagmumula sa bahayan sa di kalayuan. But it was faint enough not to bother her. Huminga siya nang malalim at nilanghap ang amoy ng pine trees na humalo sa hangin. Sa wakas ay nakabalik na rin siya sa bayan ng mga magulang niya - ang Sagada.

“Sapphire, bakit mag-isa ka lang?” tanong ng nobyo niyang si Arthur na kasama niyang dumating sa Pilipinas.

Napapitlag siya at nilingon ito. “Arthur?” usal niya. Ni hindi niya narinig ang yabag nito. Anim na buwan niyang nobyo ang Filipino-American at ginusto nitong sumama sa Sagada sa pagbabalik niya. Natatakot daw itong maagaw siya ng iba.

Tinanggal nito ang suot na jacket at ipinatong sa balikat niya. “It is freezing and all you are wearing is a knitted blouse.”

“I don’t feel cold at all,” sabi niya at nginitian ito. Nalilibang siyang pakiramdaman ang paligid. She wanted to listen as the wind whispers in her ear.

Umupo ito sa tabi niya at hinapit siya palapit dito. “Madilim ang trail sa baba. Malalaglag ka diyan nang hindi namin nalalaman na nasa bangin ka na pala.”

“The moon will protect and guide me.” At dahil full moon noon ay kitang-kita niya ang paligid. Hindi na niya kailangan pang magdala ng ilaw. “Isn’t the it beautiful, Arthur?”

Mahina itong tumawa. “Pumunta ka dito para lang tingnan ang buwan? Minsan gusto ko nang isipin na mangkukulam ka.”

“There’s something about the moon that draws me to its light. The night feels eerie and mysterious yet it feels so good. At mas inspired akong mag-paint kapag ganito. Too bad, we have a celebration today,” nanghihinayang niyang usal.

“It is your birthday today.” Inilapat nito ang labi sa buhok niya. “Happy birthday, Sapphire.”

Isinabay ang celebration ng birthday niya sa pag-uwi ng pamilya niya sa Sagada dahil na rin sa kagustuhan niyang makasama ang mga kamag-anak na madalang niyang makita. Limang taong gulang siya nang mamatay ang papa niya at ma-kidnap ang kuya niya. Para na rin sa proteksiyon niya ay nagdesisyon ang mga kapatid ng papa niya na sa Amerika na sila manirahan ng mama niya at ng bunsong kapatid na si James.

“Thank you. Pero parang hindi ako ang celebrant kundi ikaw. Ayaw ka nang pakawalan ng mga tito at pinsan ko.” Di kalayuan ang villa na ipinatayo ng mama niya at naroon halos ang buong bayan upang magsaya. Kapag may pagtitipon kasi ay imbitado ang lahat. Tradisyon din kapag may kasayahan ay nag-iinuman ang lahat ng basi o sugar cane wine at tappuy o rice wine.

“Don’t worry, I am not drunk.” Tinitigan siya nito at inipit ang buhok niya sa likod ng tainga. “I could swear you were a witch the first time I saw you. First, I was drawn by your painting. The Mystic Moonlight. Then I was drawn by your beauty.”

It was her first exhibit with other neophyte artists when they met. She was so nervous then. Magagaling din kasi ang mga kasabayan niyang artist at natatakot siya na baka hindi mapansin ng mga tao ang gawa niya. Pero naging triple ang kaba niya sa dibdib nang makita si Arthur.

He was tall, more than six feet tall. Parang pinaghalong gatas at kape ang kulay ng balat nito. At dahil morena siya, madalas niya itong tuksuhin na mas maputi pa siya dito. Light brown ang buhok nito pero ipina-dye nito ng itim bago umuwi sa Pilipinas. Maiilang daw kasi ito. Malamlam ang light brown nitong mata. It gave him a kind and comely face.

He was a popular clay sculptor who came from New York and transferred to Los Angeles. Noong una ay inakala niyang suplado ito at masungit dahil hindi ito palangiti. Nagulat siya nang bilhin nito ang painting niya, her very first painting. Hindi lang painting niya ang iniuwi nito. Kasama rin nitong tinangay ang puso niya.

“You are lying. Nakainom ka.” Hindi naman kasi ito masalita. Madaldal lang ito kapag tungkol sa art ang dini-discuss nila. He impressed her with his talent. He taught her a lot about art and how to express herself.

“Pagbigyan mo na ako. Minsan ko lang maie-express ang sarili ko sa salita.” Sa isang kamay nito ay may hawak itong bouquet ng rosas. “Happy birthday.”

“Thank you!” tuwang-tuwa niyang sabi. “Akala ko walang magbibigay sa akin ng bulaklak ngayon.”

“Kulang iyan ng isa. This is the twelfth rose.”

Nagtataka niyang inabot ang flower origami. “What is this? Your greatest masterpiece?” tudyo niya dito. “Did you shift from sculpture to origami?”

Hinawakan nito ang kamay niya at puno ng pagmamahal siyang pinagmasdan. “I love you and I will love you until the last rose dies.”

Niyakap niya nito. “I love you too, Arthur!”

Noong una, wala siyang inisip kundi ang sining niya. Wala siyang interes sa mga lalaki. Most artists told her that art was possessive. And men who were more possessive would never understand.They would never compete with a piece of brush.

But Arthur changed that notion. Loving him didn’t lessen her love for her craft. Mas lalo pa siyang natuto dahil dito. Pareho silang artist kaya nagkakaintindihan sila.

“You know what? I am starting to love this place and the people. No wonder you want to grow old here,” komento nito.

“You are right. Bata pa lang ako, lagi nang naiku-kwento sa akin ni Mama kung gaano niya kamahal ang lugar na ito.”

“That’s why I also want to build my own house here.”

Tiningala niya ito. “Really?”

“Doon ko iipunin lahat ng magaganda kong artworks and art collection. I also want to build my own art gallery and my own pottery. At tuturuan ko ang lahat ng mga taga-Sagada na gustong maging artist.”

“That sounds wonderful, Arthur.” Iyon din ang pangarap niya. Pero dahil hindi pa siya gaanong magaling na artist, ayaw muna niyang sumugal. Pero kapag si Arthurt ang nagsasalita, parang kaya nitong gawin ang lahat ng gusto nito. At isa mga minahal niya dito ay iniisip din nito ang ibang tao sa mga pangarap nito.

“I want to live here with our children. Will you share that dream with me?”

“Our children?” mahina niyang usal. “I’d love to!”

Darating din ang panahon na matutupad ang pangarap nila ni Arthur. Pero sa ngayon, isa lang ang pangarap niya. Ang makilala sa mundo ng sining. At alam niyang makukuha na niya iyon. Malapit na malapit na.

NAG-PARK si Sapphire sa harap ng beach house ni Arthur sa Newport Beach. Excited siyang nag-doorbell. May importante daw na sasabihin sa kanya si Arthur. Pero mas excited siyang sabihin dito ang balita niya.

“Arthur!” bulalas niya nang buksan nito ang pinto at niyakap ito.

“Hey, Sapphire!” anito at nagtataka siyang tiningnan. “What happened?”

“I have a good news for you.”

“Better discuss it over dinner,” anito at iginiya siya papasok sa bahay nito. Nagtaka siya dahil madilim ang bahay. Naiilawan lang iyon ng mga scented candles sa paligid. At sa gitna ng sala ay naroon ang isang mesa na may rosas na iba’t ibang kulay sa gitna. May mga rose petals din na nakakalat sa sahig. A classical violin music was playing at the background.

“This is wonderful, Arthur,” usal niya.

“You like it?” tanong nito at niyakap siya mula sa likuran.

Tumango siya at nang-aakusa itong tiningnan. “Ito pala ang surprise mo sa akin. I love it!”

Kumunot ang noo nito. “Hindi ko pa nga nasasabi sa iyo. Paano mo malalaman? Hindi pa ito ang surprise ko sa iyo.”

“Alam ko na kung ano iyon,” aniya at hinampas ito sa braso. “Pero madaya ka dahil mas nauna mong nalaman ang proposal sa akin ni David Pausinni.”

Bumakas ang pagtataka sa mukha nito. “David Pausinni?” Napilitan ng kakaibang galit ang mata nito. “Anong kinalaman ni David Pausinni dito?”

“Stop that innocent act,” sabi niya nang alalayan siya nitong umupo. “Gusto niyang I-showcase ang mga artworks ko sa studio niya sa New York. Would you believe it? David Pausinni wants me to be one of his artists.”

Parang nakalutang siya sa cloud nine nang kausapin siya ng sikat na art gallery manager. Matagal na niyang pangarap na mai-exhibit ang gawa niya sa New York. Pero mas maswerte siya dahil hindi isang pipitsuging art gallery manager ang nag-alok sa kanya.

Ilang sandaling di kumibo si Arthur at tinitigan siya. “Did you say yes?”

“Not yet,” aniya at sumimsim ng wine. “But who could say no?” Natigilan siya nang mapansin ang paglungkot nito. “Aren’t you happy for me? Sa iyo ko unang sinabi dahil akala ko matutuwa ka.”

“You are starting to gain popularity here. Ngayon ka pa ba lilipat ng lugar? It would be like starting from scratch.”

“Not if I am in David Pausinni’s gallery. And New York is New York. Sinabi niya sa akin na hindi lang sa art gallery niya sa New York makikita ang gawa ko. You know that he also has art galleries in Paris, Venice, London and Hong Kong. That’s my dream. And his proposal is something I can’t refuse.”

Namayani ang katahimikan sa kanila nang patuloy silang kumain. Hindi niya ito maintindihan. Something was bothering him.

“Arthur, may sasabihin ka sa akin?”

“I bought a parcel of land in Sagada. As soon as possible, gusto ko nang simulan ang pottery ko doon.”

“Wow!” bulalas niya. “That’s great! That’s something to celebrate about.”

“Isa na lang ang kulang.” Hinawakan nito ang kamay niya. “Marry me.”

Napaawang ang labi niya. Kaya pala pinaghandaan nito ang araw na iyon. Hindi para I-celebrate ang alok sa kanya na pumunta sa New York. Kundi para alukin siya ng kasal. “Arthur…”

“Hey, aren’t you happy?” tanong nito nang nanatili lang siyang nakatitig dito. “Matagal na natin itong naplano. That I want to have my own place in Sagada and watch our kids grow there. Bakit parang nagugulat ka pa?”

“I would really love to marry you. Pero hindi ko pa gustong umalis dito sa States. I want to practice my art here.”

“I thought you want to share my dreams?”

“I still do. Kahit ngayon mismo papayag akong magpakasal sa iyo. Pero hindi ko ngayon pwedeng tuparin ang lahat ng plano mo.” It was definitely out of her plan. Hindi pa iyon ang tamang panahon para bumalik sa Pilipinas. Marami pa siyang gustong patunayan. “Binigla mo ako, Arthur. Akala ko gusto mo pang tuparin ang mga plano mo kapag matatanda na tayo. Kapag kilala ka na dito at sa ibang bansa.”

“Nakuha ko na ang lahat ng iyon,” he stated bluntly. “At pwede ko pa ring makuha iyon kahit na nasa Pilipinas na ako.”

“Pwes, hindi ko pa nakukuha ang gusto ko. Why don’t you postpone your plans for a while? Dito muna tayo sa States.”

“I want to live in Sagada. I found the solitude that I didn’t find here despite of my fame. I am tired, Sapphire.”

“It is too soon. Ngayon ko pa lang maaabot ang mga pangarap ko. Minsan lang dadating ang ganitong opportunity. This is my chance to conquer the world! David promised that he would help me.”

“David?” singhal nito. “And you believed him? Alam mo ba kung anong klaseng lalaki ang nangangako sa iyo? He is rotten!”

“Arthur!” saway niya dito. “Bakit mo naman nasabi iyan?”

“Because I know him better than you do. He loves seducing women. At sa palagay ko, ikaw ang bago niyang biktima.”

Nakuyom niya ang palad sa galit. “Sa tingin mo ba, pabababain ko ang sarili ko? Lumapit sa akin si David Pausinni dahil sa art ko at hindi dahil sa katawan ko. He may be a womanizer but I believe that he is a professional. Our relationship would be business alone. Wala ka bang tiwala sa akin?”

“I trust you but I don’t trust him.”

Niyakap niya ito. “Then come with me to New York.”

“No. Marry me and stay with me in Sagada,” sa halip ay sabi nito. Wala itong planong basta-basta isuko ang plano. “Doon, mas mapoprotektahan kita. You don’t really need David Pausinni to be happy. You can also be popular in Philippines.”

“Just give me a year or two, Arthur,” apela niya. “Pabayaan mo lang ako na abutin ang pangarap ko.”

“I don’t want to wait any longer.”

“Kaunting panahon lang ang hinihingi ko. Is that too much to ask?”

“Mamili ka, Sapphire. Is it me or David?”

“David? Bakit pinapipili mo ako sa inyong dalawa?”

“It is David’s fault that you don’t want to come with me. He is good at it.”

“Hindi ko alam kung ano ang problema mo kay David. But between the two of you, I will definitely choose you. Ikaw ang boyfriend ko.”

“Then marry me and forget about his offer.”

“Pangarap ko ang pinag-uusapan dito. It is something I kept fighting for since I was a kid. Alam mo kung gaano karaming hirap ang pinagdaanan ko para marating ang kinalalagyan ko ngayon. Hindi mo ba ako mahihintay?”

Ilang sandaling naglaban ang paningin nila. Walang sinuman ang gustong sumuko. Walang sinuman ang nais na magbigay. Sa huli ay yumuko si Arthur at ginawaran siya ng halik sa pisngi.

“I’m sorry, Sapphire. I intend to leave for Sagada with or without you. I guess you have to go to New York without me. Just tell me if you change your mind.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.