Chapter SJ: TIJ 14

Parang bumaligtad ang mundo ni Yana. Kung sino pa ang inaakala niyang faithful, iyon ang manloloko. At kung sino pa ang babaero, iyon pa ang mas nakakaunawa sa paniniwala niya at tumulong sa kanya sa oras ng pangangailangan.

“Salamat sa pag-intindi. At salamat din kasi di mo pinatulan ang kagagahan ko kagabi,” nakangiwi niyang sabi. “H-Hindi naman ako naglalasing, nagwawala, nagwawalwal…”

Tinapik nito ang kamay niya. “I understand. May-ari ako ng bar kaya alam ko kung ano ang nangyayari sa mga tao ka pag nakainom. Wala ka sa sarili mo. Nasaktan ka at kailangan mong makalimot, maging manhid sa pamamagitan ng alak. Basta sa susunod, huwag kang iinom na mag-isa. Dapat may kasama ka na magbabantay sa iyo. Maraming mapagsamantala diyan. Buti dumating ako bago pa may ginawa sa iyo ‘yung dalawang lalaking kasama mo kagabi.”

“Basta na lang silang tumabi sa akin. Ewan ko. Di ko na sila maitaboy. Parang gusto ko lang maging masaya kagabi. Parang lahat kaibigan ko. Nawala na lang ang hiya at reservations ko. Epekto siguro ng soju.” Soju was evil. Di na niya iyon hahawakan kahit na kailan.

“Anong plano mo ngayon?” tanong ng lalaki.

“Uuwi ng Pilipinas. Wala naman nang dahilan para manatili ako dito. Kaya pagkakain ko, tutuloy na ako sa airport.”

“Kadarating mo lang kahapon, aalis ka na agad? Saka di mo ba kakausapin si Dong Uk bago ka umalis? Sabi mo kagabi gusto mo siyang mabawi.”

Yumuko siya. Libo-libong karayom ang tumutusok sa puso niya. “Hindi na siguro kailangan. That was just me and the alcohol talking. At sa totoo lang, parang mas masakit pa ang hangover ko kaysa sa puso ko.” Her heart was dull and numb. Kapag pala wala na ang epekto ng alkohol, wala na rin ang lakas ng loob niya. “Salamat sa pagpapatuloy mo sa akin. Huwag mo na lang sabihin kay Dong Uk na galing ako dito.” Mabuting tahimik siyang mawala sa buhay ng nobyo.

“Di ka pwedeng basta na lang umalis, Yana. Sayang naman ang ipinunta mo dito sa Jeju Island. Mahal ng pamasahe mo. Alam ko naman kung gaano kahirap para sa iyo ang kumita ng pera. Maraming magagandang pasyalan dito…”

“Sa palagay mo maiisip ko pang mamasyal ngayon?” paangil na tanong niya.

“Di mo na lang basta haharapin si Dong Uk? Aalis ka na lang?”

“Oo. Mas madali iyon.” Wala na siyang lakas na lumaban ngayon. Kahit na mahal niya ang nobyo, parang nakakapanghina nang harapin pa ito.

Naputol ang pag-uusap nila nang mag-ring ang cellphone ni Gideon. “Excuse me. Yabusaeyo, halmoeni! So, Sang Hee told you what happened. She entered my house without permission and attacked my guest. I don’t care if she’s a nice girl to you, halmoeni. She has no right to be in my house and I have no qualms to have her arrested next time. You don’t believe that I have a girlfriend? A real and serious one? You want to talk to my girlfriend?” tanong nito at lumingon sa kanya. “Gusto ka daw makausap ni halmoeni.”

“Hala! Ayoko,” tutol ni Yana at umiling. Hindi niya kayang magpanggap na girlfriend nito at magsinungaling sa lola nito.

“Halmoeni, my girlfriend is a bit shy. You will be surprised once you meet her. It is Yana-ssi. Nee, your favorite teacher Yana.”

Nanlaki ang mata niya. “Sira ulo ka! Sinabi mo pang ako.”

Inabot nito ang cellphone niya pero nakatakip ang receiver. “Please. Kausapin mo na si halmoeni. Help me. Ayoko nang bumalik ang lunatic na Sang Hee na iyon. Baka kung ano nang gawin niya sa akin sa susunod. Konsensiya mo iyan kapag napahamak ako.”

“Hala siya! Parang kasalanan ko pa ngayon.”

“Kaya lang naman malakas ang loob niya dahil kay halmoeni. Baka sakaling magbago na ang isip niya kapag nalaman na ikaw na ang kumausap sa kanya. You don’t even have to say to you love.”

Iritado niyang tinitigan ang lalaki. Di siya pumapatol sa ganitong kalokohan pero naalala niya ang lahat ng itinulong nito sa kanya. Inalagaan siya nito at pinrotektahan. Ni hindi nito sinamantala ang kahinaan niya. Kaya ba talaga niyang iwan si Gideon sa assumingerang Sang Hee na iyon? Fuckboy lang ito pero di ibig sabihin at masama itong tao.

Huminga ng malalim si Yana at kinuha ang cellphone dito. Nanginginig ang kamay niya nang sagutin iyon. “Yabusaeyo, sangjang-nim.” It came out as a squeak. Juskoh! Papalpak pa ata ako.

“Yana-ssi, is it true? You are his girlfriend now? You came to Korea for my Jin Woo?” Jin Woo ang Korean name ni Gideon.

“Madam… ano… I am so sorry.” Sinapo niya ang noo. “Please I can explain.”

Paano kung si Sang Hee ang gusto ng matandang babae para kay Gideon? Mabait sa kanya si Mi Su pero bilang empleyado lang. Ibang usapan na kung tatanggapin siya nito bilang nobya ng apo nito.

“Oh! You are really his girlfriend.” At bigla itong bumulalas ng iyak.

“Madam, please don’t cry. I am really sorry.”

Naiiyak na rin siya. Hala! Ayaw yata nito sa kanya bilang nobya ng binata. Karamihan sa mga Koreano ay kapwa-Koreano din ang gustong maging kapamilya. At kaugalian na rin ng mga nakababatang Koreano na sundin ang utos ng matatanda sa mga ito. Ayaw niyang masira ang magandang samahan nila dahil sa pagpapanggap ni Gideon. Napasama pa ang pagpapanggap niya.

Binigyan niya ng naninising tingin si Gideon. Kasalanan nito kapag nasira ang relasyon nila ng Mi Su. Mataas ang respeto niya sa matandang babae.

“Kamsahamnida,” pasasalamat nito sa pagitan ng hikbi. “I want you to know that you make me a happy old woman.”

“Po?” usal ni Yana.

“I’ve been praying my whole life that my Jin Woo will fall in love and find a decent girl to take care of him. You are the answer to that prayer, Yana-ssi. Tell Jin Woo to bring you for dinner tonight. I want to see you. What do you want for dinner? Seafood? I will cook octopus stew for you.”

“O-kay,” alanganin niyang sagot. Paanong dinner? Bilang girlfriend ni Gideon? Pauwi na nga siya ng Pilipinas maya-maya lang. Di na niya kayang magpanggap.

Kinuha ng binata ang cellphone sa kanya. Kuntodo ang ngiti nito habang nakapamaywang. “Halmoeni. See? I made you happy. You just have to trust me. Of course. Saranghae, halmoeni. I love you.”

There was gentleness in his voice when he said I love you. That was sweet. Mahal talaga nito ang lola nito habang may ibang lalaki na mapoporma nga pero pinababayaan naman ang nakatatandan sa mga ito. Her heart melted. Sana marami pang katulad ni Gideon.

Naging mapaglaro ang ngiti sa mata nito nang bumaling kay Yana. “Mukhang hindi ka pa pwedeng bumalik ng Pilipiinas. May dinner date tayo kasama si Lola, girlfriend.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.