Chapter SJ: TIJ 48

Nagningning ang mga mata ni Yana. "We can even do Koreanovela shots? For real? That is my dream." Pinagsalikop niya ang palad. Pangarap niya iyon mula nang mahilig siya sa mga Korean drama. "I want to do Spring Waltz. Perfect for spring.”

“Or Legend of the Blue Sea because they shot it in Mazeland,” excited na sabi ni Eu Jin. “Princess Hours, My Girl, and Jang Geum, too.”

Impit siyang tumili. “Gusto ko iyan!”

"That is silly," usal ni Dong Uk na parang walang bilib sa kakayahan ng nobya.

"These are my shots," sabi ni Eu Jin at ipinakita ang mga picture sa iPad nito. Magaganda nga ang shots ng babae pero karamihan ay landscape o mga stolen shots ng mga tao. Kaya nitong mag-capture ng emosyon ng tao.

"I will even do it for free. Please agree to this, Jin Woo-na," magkasalikop ang palad na sabi ni Eu Jin.

"You don't have to be desperate about it, Eu Jin-ssi. Maybe Yana-ssi is just being nice. Your cheeseburger is here. Eat," utos ni Dong Uk.

Gustong magprotesta ni Yana lalo na nang makita niya ang lungkot sa mga mata ni Eu Jin. Totoo namang nagagandahan siya sa pictures nito. Kahit siya na lang ang kuhanan nito ng picture kung ayaw ni Gideon. Pero isa pa nga palang suspetyoso ang lalaki. Paano kung isipin nito na hindi makakabuti sa kanila kung hindi sila sasamahan ni Eu Jin? Iniisip ba nito na baka mabuko ang pagpapanggap nila?

"Yes, you can take our picture,” bigla ay sabi ni Gideon nang makuha ang order nitong kimchi burger.

“Jinja?” tanong nito kung totoo.

“I will treat you like a pro, Eu Jin-ssi. Make it look like a prenuptial pictorial. I want the world to see how perfect Yana is for me." Hinawakan ni Gideon ang baba niya at kinintalan ng halik ang labi niya. "Happy now?"

Di niya alam na napapikit pala siya nang halikan nito hanggang idilat niya ang mga mata niya. "Oo naman!" At pinaliguan ng halik ang mukha ng binata. "You will put all those Korean drama actors to shame. Who you sa iyo si Lee Min Ho."

"I know right," puno ng kompiyansang sabi ni Gideon. Ni di nito sinabi na baduy ang pictorial. Game na game ito. Bibigyan pa nito ng talent fee si Eu Jin.

"Kamsahamnida," maluha-luhang pasasalamat ni Eu Jin. "Thank you for believing in me."

"Let's eat," sabi ni Dong Uk sa mababang boses. Ni hindi man lang binati ang nobya.

Parang gusto itong bambuhin ni Yana. Kay Eu Jin lang ba ito ganoon? Paano kung sa kanya rin? Ano ba ang nangyayari kay Dong Uk?

"Gusto mong ipaghiwa kita ng burger?" alok ni Gideon. Di pa pala niya nagagalaw ang burger niya na ipinaluto ni Dong Uk para sa kanya.

Inusod niya ang burger dito. "Thank you."

"Do you want me to taste it first?" alok pa ni Gideon sa kanya.

"My food is not poisoned. I am insulted,” angil ni Dong Uk dito.

Tumawa lang si Gideon. "I just want to check if it is to her liking. I am not saying it is poisoned. No need to feel insulted.”

"It is okay. I am a big girl," sabi ni Yana kay Gideon at tinapik ang balikat nito.

Dumampot siya ng isang hiwa ng burger at sumubo. Alam niya na sikat ang black pork burger sa Jeju Island. Native at organic ang baboy na iyon. Natikman na niya ang inihaw na black pork nang mag-ssamgyupsal sila ni Gideon kasama ang lola nito at ibang kaibigan ng matandang babae pero ngayon pa lang siya makakatikim ng black pork burger.

Ang burger na matagal na niyang pangarap matikman. Ang burger na ipinaluto ni Dong Uk para lang sa kanya. Kumagat siya at ngumuya. Pumikit siya dahil crunchy ang gulay at manamis-namis ang lasa ng pinya. Langhap din niya ang sarap ng inihaw na black pork bago pa man siya kumagat. Kumagat pa siya nang dalawang beses dahil bigla siyang nagutom.

"How is it? Does it taste good?" puno ng pag-asam na tanong ni Dong Uk.

Parang may bombang sumabog sa bibig ni Yana at natuklap ang ulo niya sa sobrang anghang. "Ang anghang!" Parang nakakain siya ng sili na nagpanggap na hamburger. Bigla siyang tumungga ng tubig. Walang epekto ang tamis ng pinya sa hamburger dahil nalunod na ng iyon chili flakes.

"That is just a little spice,” natatawang sabi ni Dong Uk.

"Hindi kaya,” tanggi ni Yana at pinaypayan ng palad ang dila. Parang di naaalis ang anghang. Patindi pa iyon nang patindi. And there was mischief in Dong Uk’s eyes. Katulad dati, enjoy na enjoy ito kapag nakikita siyang naaanghangan.

Tumayo si Gideon at sumigaw sa counter. "Milk jusseyo!"

"Eob-seum," anang nasa counter at umiling.

Walang gatas? Parang gumuho ang mundo ni Yana.

“Eottoke? Eottoke?” tanong ni Eu Jin na di alam ang gagawin. Parang di ito sanay na nakakakita ng naanghangan.

Biglang umalis si Gideon. "Jin Woo-na! Where are you going?" tanong ni Eu Jin.

Itinaas lang ng binata ang kamay at patakbong lumabas ng restaurant. Naluluha na siya habang tuloy-tuloy ang pag-inom ng tubig. Kahit anong inom niya ng tubig, lalo lang umuusok ang tainga niya sa anghang.Parang literal na nilalabasan ng usok ang bawat parte ng katawan niya.

“I thought you are a big girl. You said that you like kimchi stew,” tanong ni Dong Uk na parang walang pakialam kung mamatay siya doon sa sobrang anghang.

“Not spicy,” sabi niya at huminga ng malalim.

"You are such a baby,” kantiyaw ng dating nobyo.

“Where is Jin Woo-na?” tanong ni Eu Jin at ipinaypay ang kamay sa mukha niya.

“Maybe he is pissed off because his girlfriend is such a cry baby. I think I have yogurt drink in my fridge,” kaswal na sabi ni Dong Uk at kaswal na naglalkad papunta sa kitchen. Parang di siya nag-aagaw-buhay dahil sa anghang.

Maya maya pa habang pabalik ito, hawak na ito ang isang pack ng yoghurt drink, ang Korean version ng Yakult. Nakangisi pa ito na parang ito ang tagapagligtas niya. Minumura na niya ito sa utak niya habang hawak niya ang dibdib at habol ang hininga. How could he be so cruel? Alam naman nito na ayaw niyang kumain ng maanghang. At ngayon, inaasahan pa yata nito na hahalikan niya ang paa nito sa pasasalamat dahil lang sa yogurt nito?

"Inumin mo,” biglang sabi ni Gideon na basta na lang sumulpot sa tabi niya. Nakaumang na ang straw sa labi niya at nakatusok sa tetra pack ng gatas.

"Aniyo. Drink mine,” kontra naman ni Dong Uk na hindi magkandatuto kung paano bubuksan ang pack ng yogurt drink. Sa huli ay napilitan na lang iabot sa kanya. Parang bata ito na nakikipagkompitensiya kay Gideon.

Bahagyang tinulak ni Gideon ang kamay ni Dong Uk. "She doesn't need it anymore. I am her boyfriend so I will provide whatever she needs."

Kinuha ni Yana ang gatas at sinipsip agad. Kanina nasa lagusan na siya ng liwanag papunta sa kabilang buhay pero ngayon ay bumalik na ulit ang kaluluwa niya sa katawang-lupa niya.

“Thank you,” sabi niya kay Gideon at ngumiti. Kumuha ito ng tissue at pinunasan ang luha sa mukha niya.

"L-Let's just keep on eating, Dong Uk-na. Jin Woo-na will take care of Yana-ssi,” sabi ni Eu Jin at pilit na pinaupo ang lalaki.

"You can have it,” anang si Dong Uk at padabog na ibinaba ang yogurt drink sa harapan ni Eu Jin.

"Gumawo,” pasasalamat pa ng babae. Parang wala lang ito ang magaspang na ugali ni Dong Uk. Masaya na ito kung anuman ang ibigay dito ng lalaki.

"You have milk now. You can eat the spicy burger,” sabi ni Dong Uk. Seryoso? Ipinagpipilitan pa rin nito sa kanya ang siling nagpapanggap na burger kahit na agaw-buhay na siya kanina?

Kinuha niya ang pinya at ang kamatis mula sa burger. “These are fine with me. Thank you.” Na-trauma pa siya sa anghang ng kinain.

“Fries?” alok ni Gideon.

“Baka maanghang.”

“Fries with ice cream? Ibibili ulit kita sa labas,” sabi ni Gideon.

Tumango si Yana. “Sige.”

Tinawag siya ni Eu Jin. "I can eat that if you don't want to.”

“Sure,” aniya at itinulak dito ang plato niya. One-fourth pa lang ang nababawas dooon. Ganadong-ganado naman ang babae na kinain ang burger galing sa kanya kahit na may natitira pa itong cheese burger. “Yummy. I love everything they serve here.” Puring-puri talaga nito ang restaurant ni Dong Uk. Kahit yata ginataang bubog ang I-serve dito, kakain pa rin nito para lang sa pamamahal kay Dong Uk. And she somehow saw herself in Eu Jin. She was a pleaser. May panahon na ngangata siya ng siling labuyo para ipakita lang kay Dong Uk na naa-appreciate niya ito. Pero hindi na ngayon.

“Too bad you can't adapt to Korean food yet, Yana-ssi,” anang si Dong Uk na parang malaking kasalanan na di niya naubos ang pagkain nito. Naman! Ni hindi nga siya nito tinanong kung anong gusto niya.

"Yana can eat whatever she wants. If she doesn't like spicy food, that's okay with me. What kind of boyfriend am I if I can't take care of her?" tanong ni Gideon at inakbayan siya.

"The burger is good though if only it is not spicy. But I am okay with fries and ice cream for now. Maybe we can discuss the details of the pictorial later?” tanong ni Yana kay Eu Jin.

“Nee!” anang babae at bumalik ang sigla.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.