Chapter SJ: TIJ 51

PARANG batang tumatawa si Yana habang nakasalabay sa likod ni Gideon. Patuloy ang pag-click ng camera habang naglalakad ang binata sa beach kung saan tanaw ang Seongsan Ilchulbong, isang patay na bulkan na tumatayong simbolo ng Jeju Island. Kaysa sa mismong park na dagsa ng turista, sa beach na lang sila nagpunta para mas kaunti ang mga tao. The place was scenic just the same. At solo pa nila ang mundo.

My Girl naman ang theme nila ni Gideon. Ipinulupot ang magkabila niyang buhok. Nakasuot siya ng long sleeve stripped na manipis na jacket, green na pants at boots na may mukha ng unggoy gaya ng suot ni Lee Da Hae. Habang hinubad ni Gideon ang suit nito at iniwan ang pink long sleeve polo.

Mas masaya ang shoot na iyon lalo na nang ipa-internalize sa kanya ang character ni Lee Da Hae bilang makulit na raketera. Masungit naman ang character ni Lee Dong Wook doon kaya kailangan niyang mag-effort para kunyari ay pangitiin si Gideon.

Isinantabi niya kung anuman ang alalahanin kay Dong Uk. Naroon nga ito para I-assist si Eu Jin. Tagabitbit ito ng props, tripod, camera accessories at hagdan na gagamitin ng litratista pero walang kangiti-ngiti. Parang naiinis pa nga ito kapag hinihingan ng suggestion ni Eu Jin kung paano gagawing mas romantic.

"How about a kiss? Make it long and passionate,” utos ni Eu Jin.

"No. Yana is a prude,” biglang sabi ni Dong Uk. “Her kisses might look boring on camera and…”

“Who says that I’m prude and I’m boring?” naghahamong tanong ni Yana.

Nagrebelde ang kalooban ni Yana. Sira ulong ito. Boring pala ako kaya ipinagpalit mo ako sa iba. Hoy, Dong Uk! Ako lang naman ang sinayang mo.

Yumakap siya leeg ni Gideon at nilusob ito. Narinig niya ang impit na ungol nito dahil di siguro inaasahan na hahalikan niya ito basta. Naramdaman niya ang pagkapit nito sa braso niya, na parang gusto nitong kalasin ang pagkakayakap niya sa leeg nito.

Gideon, makisama ka naman. Huwag mo akong ipahiya.

Saglit na naghiwalay ang labi nila at suminghap ang lalaki. Pero di lumayo ang labi nito sa kanya. Akala niya ay magagalit ito pero malamlam ang mga mata nito na parang inuunawa siya nito. Na hinalikan niya ito dahil may gusto siyang patunayan.

Subalit ngumisi lang si Gideon. Hinapit nito ang baywang niya. Then he showed how to give a toe-curling kiss. Hindi siya nito inatake gaya ng ginawa niya. He was gentle and teasing at first that it made her smile. He kissed her leisurely as if it had all the time in the world. It was calming and languid. Parang sinasabayan ng halik nito ang hampas ng alon. At nagsimulang maglaho ang mundo sa paligid nila. Nakalimutan na niya na kailangan siyang may patunayan kay Dong Uk. She just enjoyed the kiss. It was magical and thrilling.

Hindi rin nakaka-suffocate ang haplos nito sa baywang niya at likod. Parang kilala na ng katawan niya si Gideon. She forgot that they were in a pictorial. Na may camera na kumukuha ng sandaling iyon. Na may mga matang nakatunghay sa kanila. It felt perfect. It felt right. At nagpatangay lang siya sa sensasyon.

Gideon evoked emotions she had never felt before. She wanted the kiss to go on forever. At ayaw din niyang mawala si Gideon sa tabi niya.

“Okay! Good shot!” sigaw ni Yana at pumalakpak.

Ilang segundo pa bago niya iyon naulinigan at tuluyang pumasok sa utak niya. Si Gideon ang kusang lumayo sa kanya pero hinahanap pa rin niya ang labi nito at hinabol ito. “O! Magtira ka naman mamaya,” kantiyaw ng binata.

Nakakahiya! Siya pa ang naghahabol ng halik dito. Nang ma-realize niya ang ginawa ay naisubsob niya ang mukha sa dibdib nito pero pasimple rin niyang hinampas ang balikat ng lalaki.

“That was hot,” nausal ng make up artist.

“Yana, no need to be shy how much you want me. We are with friends after all,” sabi ni Gideon.

Ipinadyak niya ang paa. “Kahit na! Nakakahiya pa rin. I acted like a hussy.”

“No. Just a woman in love with her hot boyfriend,” sabi ni Yana at kumindat sa kanya. “Time for lunch. Let’s eat.” Nakatayo lang si Dong Uk habang nakamata sa kanila. Siguro naman napatunayan niyang di siya ganoon ka-boring.

“Naiwan yata ng make up artist ‘yung isang make up bag niya,” anang si Gideon na nakalingon sa black and pink polka dots bag sa buhangin. Iniwan niya nito para damputin ang bag.

Umihip ang malakas na hangin at niyakap ni Yana ang sarili. Nagulat siya nang lumapit sa kanya si Dong Uk habang hinuhubad ang jacket. "You look cold. Do you need a jacket, Yana-ssi?"

"No. I can keep her warm,” sabi ni Gideon at hinapit ang katawan palapit sa kanya. “And there’s no boring girlfriend, only incompetent boyfriend.” At sakal sila naglakad ni Gideon papunta sa sasakyan nito.

"Dong Uk-na, I'm cold,” tawag ni Eu Jin na di maipinta ang mukha.

"Take my jacket. Here,” sabi ni Dong Uk dito at inabot ang shirt.

“We just need five minutes,” sabi ni Gideon at sumenyas kay Eu Jin. Nag-thumbs naman ang babae na nakapatong sa balikat ang jacket ni Dong Uk.

“Thank you for that, Gideon,” aniya at tinapik ang pisngi nito. “Alam ko naman di ako tulad ng inaasahan niya. Nakita mo kung gaano kapalaban si Eu Jin at kung gaano ka-adventurous at liberal. Boring talaga ako kumpara sa kanya.”

“Huwag mong hahayaan na iparamdam sa iyo ng kahit sinong lalaki na may kulang sa iyo kaya ka nila iniwan. Magpasalamat na lang si Dong Uk hindi ko siya sinapak sa ginawa niya sa iyo.”

“You are my hero with pink lipstick.” At humagikgik si Yana.

Pinunasan nito ang labi ng likod ng kamay saka siya tiningnan. "Wala ka nang lipstick. Come on. Let’s fix it. Ako ang maglalagay.”

“Huh?! Ikaw ang maglalagay ng lipstick ko.”

“Yes. Ako ang naglalagay ng lipstick kay Lola kapag namimili kami ng cosmetics. Trust me on this. Consider it boyfriend duties. I ruined your lipstick so I will fix it. At ibibili pa kita ng ibang kulay next time.”

Natatawa niyang ibinigay ang lipstick dito. Subalit di na niya nagawang tumawa nang dumampi ang lipstick sa labi niya. It was so intimate. Parang hinahalikan siya ng binata dahil sa lipstick.

"That is nice. Just keep swiping lipstick on her lips,” sabi ni Eu Jin na patuloy ang pagkuha ng picture. “Perfect!”

“Is my lipstick okay?” tanong ni Yana pagkatapos.

“Yes. This is gold.”

“I need five more minutes alone with Yana,” sabi ni Gideon.

“Bakit?” tanong niya dito.

“I want to ruin your lipstick again,” nakangising sabi nito at inangkin ang labi niya. Hindi niya alam kung parte pa rin ng pagpapanggap nila ang paghalik ng binata sa kanya o gusto lang talaga siyang halikan. She wished it was the later. Dahil hindi na niya alam ang linya ng pagpapanggap at totoo.

"THIS is beautiful. Ah! So is this one.”

Ipinapakita ni Eu Jin kay Yana ang mga picture na kuha sa Seongup Folk Village. Nakasuot siya ng tradional Hanbok at ganoon din si Gideon kanina para sa pictorial nila. Mistulang museum ang lugar na iyon kung saan may sinaunang bahayan at mga shrine pa rin na nakatayo. Doon nag-shooting ang Korean drama na Jang Geum o Jewel in the Palace.

Bandang hapon na sila nag-shoot doon at papasara na ang folk museum. Ilang oras lang sila doon pero enjoy na enjoy siya sa pictorial. Pati kasi ang make up artist na kasama nila ay nag-hanbok para masamahan siya sa picture bilang mga alalay daw. Habang si Dong Uk naman ay mandirigma na kalaban ni Gideon. Parang naglalaro lang silang lahat. Isang masayang pagtatapos sa nakakatensyon at nakakapagod na araw.

Unang araw pa lang iyon ng pictorial at may dalawa pang natitirang araw gaya ng pangako nila ni Gideon. Dati masaya na siya sa pa-selfie-selfie kapag namamasyal pero iba pala kapag may kasamang magaling na photographer.

"You look like a princess and Jin Woo-na is like a prince. I hope that when you get married, you will have a traditional Korean wedding,” excited na sabi ng babae.

“Why not?” Pero nawala ang ngiti niya nang maisip na malabo ma makasal sila ni Gideon. Fake ang relasyon nila at wala itong planong mag-asawa.

Kinilabutan siya nang maisip na ikakasal siya kay Dong Uk. Parang di tama lalo na’t kasama rin niya si Eu Jin na matindi ang debosyon na ibinibigay kay Dong Uk. Sa maigsing panahon na nagkasama sila, mukhang di nito alam na di pa sila nagbe-break ni Dong Uk. Ano ba ang sinabi ng dating nobyo dito?

Nakagaanan na niya ng loob ng babae. Kaya ba niya itong saktan? Noong una, gusto niyang makuha ang dapat para sa kanya. Pero parang marami pa siyang di alam. Marami pang kulang sa kwento. Paano kung pareho lang silang inosente ni Dong Uk sa sitwasyon na ito?

"Di ka pa ba magbibihis? Magsasara na itong museum?” tanong ni Gideon.

“Nag-e-enjoy ako sa costume. Parang masayang tumira sa nakaraan.”

“Ibibili na lang kita ng costume para mag-roleplay ka kung gusto mo. Hinihintay na ng mga staff ‘yang damit mo.”

“The boyfriend who is willing to give the world to you,” nausal ni Eu Jin.

Nag-video call siya sa pinsang si Yulia bago magbihis. May isa pang bisita kasi ang binibihisan ng staff. Gusto niyang makita siya ng pinsan na naka-hanbok. "Anneong!” bati niya sa pinsan at kumaway.

"Yana, buti naman kumontak ka na. Kasi kanina pa kita tinatawagan."

"Pawala-wala kasi ang signal dito. Anong problema?"

“Nabangga kasi ang jeep na sinasakyan ng nanay mo at ng padrasto mo.”

Tumiklop ang tuhod ni Yana at napaupo sa sofa doon. Bumalik sa alaala niya ang di magandang pag-uusap nila ng ina bago siya pumunta sa Korea. Tapos ay ganito ang malalaman niya. "Ano? K-Kumusta na si Nanay?" nanginginig ang boses niyang tanong kasabay ng pangingilid ng luha.

"Ayos naman na at ligtas. Nabugbog lang sila at may bali sa braso ang nanay mo. Yung padrasto mo may sugat lang sa ulo at na-CT scan na. Humampas kasi ang ulo nang bumangga ang jeep. Sana walang internal damage.”

“Pero kailangan nilang pandagdag sa gastos sa ospital. Pati kasi yung mga pambili ng paninda nila naibayad na sa ospital. Wala na rin silang ibang pagkakabuhayan. Alam mo naman na gasino lang ang kita sa pautangang paninda ng nanay mo. May kapatid ka pa na nag-aaral.”

May kaluhuan ang nanay niya. Umastang may kaya dahil nakaasa sa kanya. Nang mawala siya, kinailangang dumiskarte ng ina para madagdagan ang kita ng padrastong nag-aalaga ng mga manok na panabong.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.