Chapter 22

NAKANGISI PA RIN SI DREW KAHIT NA napagbagkasan na ng pinto ang mukha niya. Naa-amuse siya sa bago nilang kapitbahay. May kakaiba dito na hindi niya malaman kung ano. At hindi iyon dahil sa lamig ng tono ng boses nito o sa paraan ng pambabara nito sa kanya. He liked the way she’s feisty. Hindi nito alam kung gaano ito kaadorable kapag naiinis ito.

Kahit na gaano pa ito kalamig kumilos at magsalita ay hindi pa rin niyon naapektuhan ang appeal nito sa kanya. She was more than beautiful. She’s charming—like she has the power to hold him. And she charmed her way to his system instantly. He liked her already. Gustong-gusto niyang tingnan ang galaw ng mga labi nito tuwing nagsasalita ito kahit na gaano pa kalamig ang tonong lumalabas mula roon. He’d bet those lips were warm, soft and sweet. Ito lang naman ang malamig. At hindi na siya makapaghintay na malaman kung bakit ganoon ito. He would unravel her personality, sooner or later.

Peach, nangingiting sabi niya sa sarili. Iyon ang unang pagkakataon na ginamit niya ang pet name na iyon sa isang babae. It seems like his heart instantly know that Keziah’s special.

“Kuya, kapag may isang tenant pa na umalis dito sa’yo, bubukod na talaga ako sa’yo,” mariing sabi ni Dette sa kanya saka siya nito hinila papasok sa kanilang unit.

Ito ang nag-iisa at nakababata niyang kapatid na babae. Third year Accountancy student ito sa Eastern University kaya rumerenta sila ng unit malapit sa eskwelahan nito. Kung tutuusin ay malayo ang opisina niya sa lugar na iyon pero hindi niya hahayaang mag-isa doon ang kapatid niya.

“Hindi siya aalis, Dette. Maniwala ka sa’kin,” nakangiting sabi niya rito.

“Paano mo naman nasasabi ‘yan? Please lang, kuya. Alam mo bang ang bigat sa pakiramdam ko na may mga umaalis dito dahil nasaktan daw sila dahil sa’yo? Alam ko, it’s pathetic. Pero umiwas ka na lang. ‘Wag ka nang lumapit sa kanila,” dire-diretsong sabi ni Dette sa kanya na ikinatawa lang niya.

Alam niya kung ano ang concern nito. Sa loob ng tatlong taong pagre-renta nila doon ay sampung babaeng tenant na ang umalis dahil daw sa kanya. Ang iba’y pinaalis ng may-ari ng building dahil nag-awayan ang mga ito dahil sa kanya. At ang iba’y kusang umalis dahil daw na-heartbroken ang mga ito sa kanya. Hindi niya sinisi ang kanyang sarili sa mga nangyari dahil wala naman siyang ginagawang masama sa mga ito. Sa alaala niya, hindi siya ang unang lumalapit sa mga ito at wala rin naman siyang ipinapangako sa mga ito. It was crazy but a bit hilarious at the same time. Hindi niya talaga maintindihan ang pagiging over-sensitive ng mga babae. Masyadong ma-drama ang mga ito.

“Believe me or not, wala naman talaga akong kasalanan kung bakit sila umaalis. As far as I know, wala naman akong naka-relasyon sa isa sa kanila, ‘di ba? Kung mayro’n, malalaman mo ‘yon. And about Peach, I won’t let her leave,” paniniguro niya rito na ikinataas naman ng kilay nito.

“Bakit ba ‘Peach’ ang tawag mo sa kanya? ‘Keziah’ ang pangalan niya, kuya. At kung may plano kang ligawan siya, good luck na lang sa’yo. Nakita mo kung paano ka niya barahin kanina? Ha! Nakahanap ka rin ng katapat mo. Baka sa susunod, suntukin ka na niya,” ani Dette.

“Nah. She’s too charming for that,” aniya.

“Actually, gusto ko palang makitang suyuin mo siya. Tingnan lang natin kung hanggang saan ka tatagal.”

“’Til the end, sis,” nangingiting sabi niya rito habang nakapaskil pa rin sa isip niya ang hitsura ni Keziah. ‘Til the end, huh? Let’s see.

GAMIT ANG ISANG STOOL CHAIR AY inabot ni Keziah ang pinakataas na bahagi ng wired screen sa laundry area. Nais niya iyong lagyan ng kurtina na parang sa shower curtain para may tabon iyon kaya pupunta siya sa mall ngayon para bumili. Para hindi na niya makita pa si Drew mula sa kabila. Hanggang ngayon ay umiinit pa rin ang ulo niya tuwing naaalala ang hitsura nito, ang mga sinabi nito at ang amoy nito.

Oh, what the hell, Kezh? Bakit ba hindi mo maalis-alis sa isipan mo ‘yon? Twenty-four hours na ang dumaan, anang isang bahagi ng isipan niya. Sa totoo lang, hindi niya rin alam.

Gamit ang kanyang kamay ay dinangkal niya ang haba ng wired screen para masukat niya ang kurtina na dapat niyang bilhin para doon. Muntikan na siyang matumba mula sa stool dahil sa gulat nang bigla na lang bumukas ang pintuan ng laundry area mula sa kabilang unit—mabuti na lang at agad siyang napahawak sa wired screen. Nang makita niya ang nakangising mukha ni Drew ay napamura siya.

“Flat stomach. I like it, Peach,” anito sa kanya na ikinaikot ng mga mata niya. Hinawakan niya ang laylayan ng t-shirt na suot niya—na tumaas kanina dahilan para makita ni Drew ang ‘stomach’ niya—at inignora na lang niya ito. Ipinagpatuloy niya ang pagdangkal sa wired screen. “Kailangan mo ng tulong?” tanong pa nito pero hindi pa rin niya ito pinansin.

Ano’ng oras na ba? Wala ba itong trabaho? Bakit nando’n pa rin ito?

Nang lumapit ito sa may wired screen ng laundry area ng mga ito ay nasamyo niya ang aftershave nito. It smelled of him—manly, minty, hot. Parang bumalik sa kanya ang sinabi niyang ‘contrast’ ng hot and cold. ‘Minty’ and ‘hot’ are totally in contrast too. But Drew is really both—hot and cool.

Dammit, Kezh! You did not just praise him, aniya sa sarili. Pero na-realize niyang kahapon pa niya ito pinupuri. Dahil doon ay nainis siya sa kanyang sarili. Ano ba talaga ang mayroon sa lalaking ito?

Other than his irresistible charm, hot body and cool voice and personality? tanong naman ng isang bahagi ng isipan niya na mismong nagsabi kung ano ang ‘mayroon’ sa lalaking ito.

Binilisan niya ang pagsukat sa wired screen at agad siyang bumaba sa stool na pinatungan niya. Sa panggigilalas niya’y naghuhubad na naman sa harapan niya si Drew! Plano ba talaga nitong maghubad sa laundry area tuwing naroon siya?

“Mapulmonya ka sana,” asik niya kay Drew bago siya pumasok sa loob ng unit niya at mabilis niyang isinara ang pinto ng laundry area niya. Narinig pa niya ang malakas na tawa ni Drew mula sa kabila.

“You just can’t stand my hotness, Peach,” pasigaw na sabi nito sa kanya.

May super-inflated ego talaga ang lalaking ‘yon! At bakit ba ‘Peach’ ang tawag niya sa’kin? ‘Asar!

Naiinis na kinuha niya ang kanyang sling bag sa kwarto niya bago niya tinungo ang pintuan ng unit niya. Pagbukas niya niyon ay nagulat siya ng maka-face-to-face niya ang abs ni Drew. Not a second later, bumaba naman ang mukha ni Drew at lumebel iyon sa kanya. Hindi siya makagalaw. At hayun na naman ang puso niya sa eratikong pagtibok nito. She could smell his breath fanning her face. She could feel his warm lips against their distance or was it just the warmth she felt inside her? At bakit pakiramdam niya’y napako siya mula sa kinatatayuan niya? Bakit hindi siya makalayo rito? Bakit tila hindi rin pumipikit ang mga mata niya habang nakatingin sa mga labi nito?

“I’m yours. All you have to do is ask,” pabulong at nanunuksong sabi ni Drew sa kanya. She could almost feel their lips touching. Pero wala pa rin siyang ginagawa.

What. The. Hell. Is. Happening. To. Me.

“Damn. You,” mura niya kay Drew pero pabulong iyon na lumabas mula sa bibig niya. Parang hinigop kasi ni Drew lahat ng energy niya.

Dammit! This is not good, aniya sa sarili at alam niyang tama iyon.

“Ay, kabayo!” anang isang boses mula sa itaas. Noon lang gumalaw ang katawan niya para lumayo kay Drew. Pero kapwa sila napatingala ni Drew at nakita nila ang isang matandang babae na may dalang laundry basket. Pababa ito ng hagdan mula sa rooftop. Marahil ay nagsampay ito ng mga damit doon. Sabado nga pala ngayon at walang pasok. “Wala akong nakita. Sige lang, ipagpatuloy n’yo,” nakangiting sabi nito sa kanya.

Nakaramdam siya ng matinding hiya rito. Pakiramdam niya’y namumula ang mukha niya ngayon. Tinabig niya patabi si Drew at nilampasan niya ito pero pinigilan siya nito sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya. Muli siyang humarap dito at pinukol ito ng masamang tingin. Ipiniglas niya ang kanyang kamay para makawala sa hawak nito. Alam niyang hindi lang ito ang may kasalanan ng nangyari kundi pati ang traidor na katawan niya pero mas matindi pa rin ang inis niya rito kaysa sa sarili niya.

“Stop flirting with me! ‘Wag mo ‘kong kausapin! ‘Wag mo ‘kong hawakan! ‘Wag mo ‘kong lalapitan! At ‘wag kang maghuhubad sa harap ko. Sa susunod na gawin mo ‘yon, magfa-file na ako ng sexual harassment laban sa’yo,” mariing banta niya rito pero nginisihan lang siya nito.

“Okay. Pero walang maniniwala sa’yo. Kahit nga ang sarili mo hindi naniniwala sa sinasabi mo,” makahulugang sabi nito sa kanya. Mas pinukol pa niya ito ng masamang tingin. “Isa lang naman ang kailangan ko sa’yo eh,” pagkuwa’y sabi nito.

“Ano ‘yon?” iritadong tanong niya rito. Para matapos na ang lahat ng pamemeste nito sa kanya.

“Give me back my heart,” masuyong sabi nito sa kanya. Seryoso ang ekspresyon ng mukha nito pero may kakaibang kislap ang mga mata nito. Kung inakala nito’y magugustuhan niya ang ‘banat’ nito’y nagkakamali ito.

Humakbang siya palapit dito at pinalipad niya ang kanyang kamao sa mukha nito. Ouch! daing niya pagkatapos. Ngunit hindi niya ipinakita dito na nasaktan siya. Worth it naman kasi ang pagsuntok niya rito dahil nailabas niya ang inis niya. Bahagya itong napaatras dahil sa suntok niya. Ngunit hindi na niya hinintay pa ang magiging reaksyon nito. Mabilis siyang naglakad palayo rito at pababa sa building. Dumaan siya sa unit ng may-ari at nakiusap na kung maaari’y lilipat na lang siya sa unit na nasa second floor. Tama rin pala si Rovie. Dapat ay iyon na lang ang unit na kinuha niya.

Damn, Drew!

NANG TAWAGAN NI KEZIAH SI ROVIE ay wala itong ginawa kundi tumawa sa lahat ng ikinwento niya rito at hindi niya iyon na-appreciate. Pagtawanan ba naman nito ang nakakainis na karanasan niya tuwing nakakaharap niya si Drew. Kumukulo ang dugo niya tuwing naaalala niya ang mag sinabi at ginawa nito sa kanya.

“Kailangan ko siyang makilala,” anang excited na boses ni Rovie sa kabilang linya. Kasalukuyan siyang nasa Tea Time sa mall na pinuntahan niya. Kailangan niyang ma-refresh bago siya umuwi dahil baka uminit na naman ang ulo niya roon.

Mabuti sana kung pinayagan siya ng may-ari ng building nilang lumipat sa second floor ngunit ang sabi nito’y may nakakuha na daw ng unit na iyon. So, she’s stuck in the fourth floor—in hell, with Drew. Mabuti na lang at nakabili na siya ng kurtina na itatabon niya sa wired screen sa may laundry area niya para wala nang tsansang makita pa niya si Drew.

“Masasayang lang ang oras mo sa kanya,” sabi lang niya rito.

“Okay lang. Gusto kong makilala ang lalaking nakapagpasalita sa’yo ng mahaba na hindi tungkol sa isang libro. He seems interesting and he seems so interested in you,” nanunuksong sabi pa ni Rovie sa kanya. Pero noon lang din niya na-realize na marami-rami nga siyang nasabi nang araw na iyon dito.

“He’s not. Gano’n lang talaga siya dahil malandi siyang lalaki. At saka, nagkukwento lang ako sa’yo,” katwiran niya rito. Tumawa ito ng matagal.

“Hindi. Bumabalik ka na sa normal, Keziah. Siguro nga ay makakatulong siya sa’yo,” pagkuwa’y sabi nito.

“He’s nothing but a pain in the head, Rovie. At isa pa, hindi ko kailangan ng tulong. I told you, I’m fine,” aniya rito.

“Hindi, Keziah. Mahigit isang taon ka nang ganyan. Nasa present ka pero nabubuhay ka pa rin sa nakaraan. Hindi ka pa rin nakaka-get over. Please, Keziah. Let yourself be happy. Pakawalan mo na si—“

“I don’t want to talk now, Rovie. Thanks for your time. Bye,” mabilis na sabi niya rito saka niya tinapos ang tawag. Hindi pa niya handang pag-usapan ang nangyari noon. Hindi pa niya handang kalimutan ang lahat. At lalong hindi pa niya handang pakawalan si Robb—ang dating nobyo niya.

Napasandal siya sa kinauupuan niya at ipinikit niya ang kanyang mga mata para pigilan ang sariling alalahanin ang mukha nito at ang lahat ng nangyari noon. It was somehow ironic. Ayaw niyang pakawalan si Robb ngunit ayaw niya ring maalala ito. Masakit pa rin sa ulo at puso niya ang lahat ng nangyari. At mali si Rovie, wala siyang karapatang maging masaya. Nabubuhay lang siya para sa unfinished business ni Robb dito sa mundo. Kapag nagawa na niya ang mga gustong magawa ni Robb sa mundo ay wala na siyang pakialam sa lahat. Wala na siyang pakialam kung mabubuhay pa siya o hindi. She’s only living for Robb.

Maya-maya ay nakatanggap siya ng isang text message mula kay Rovie at hayun na naman ito sa paulit-ulit nitong sinasabi sa kanya. Hindi ikaw ang may kasalanan kung bakit nawala si Robb. ‘Wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. Aksidente lang ang lahat. May karapatan kang sumaya. I’m sure ‘yon din ang gusto niyang sabihin sa’yo sakaling makakausap mo siya ngayon, anang text nito.

Mabuti nga sana kung maaari niyang makausap si Robb. Mabuti sana kung kahit sa mga panaginip niya ay nagpapakita ito. Mabuti sana kung nagpaparamdam ito sa kanya. Pero hindi man lang ito nagpaparamdam sa kanya kahit sa panaginip. Ibig sabihin ay galit ito sa kanya dahil sa nagawa niya kaya hindi ito nagpapakita sa kanya. Kaya wala siyang karapatang maging masaya dahil malaki ang kasalanan niya rito.

She was the one who killed him. She killed the man she only loved. And that’s one heck of a sin.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.