Chapter 26

“I WANNA WRAP YOU UP, wanna kiss your lips, I wanna make you feel wanted. Hmm...hmm...hmm...”

Ikatlong araw na ni Keziah na LSS sa kinanta noon ni Drew. Pangatlong araw na rin niya iyong hindi nakikita ang lalaki at pangatlong araw na rin iyong may libre siyang breakfast at dinner mula rito. Ngayon ay naupo siya sa may hagdan katapat ng unit nila nina Drew dahil hinihintay niyang dumating ang huli. Gusto niya lang itanong dito kung ano ang kinanta nito noon dahil pakiramdam niya’y hindi siya makaka-move on kapag hindi niya narinig ng buo ang kanta. At gusto rin niyang personal na makapagpasalamat dito.

It was kind of ironic. Itinaboy niya ito noon pero tila gusto niya itong palaging makita ngayon. Malapit na siyang maniwala sa kasabihang, “absence makes the heart grow fonder” dahil sa tatlong araw na hindi niya nakikita o naririnig ang boses man lang ni Drew ay tila nami-miss niya ito. Hindi niya alam kung sinasadya nitong hindi magpakita sa kanya o sinusunod lang nito ang gusto niyang mangyari.

But if she thought that her life would be peaceful without seeing or hearing him then, she was so wrong. She felt like he left her hanging. Pero siya naman ang may kagagawan noon. Siya ang may gusto na lumayo ito sa kanya dahil makakagulo lang ito sa buhay niya at alam niyang pinagti-trip-an lang siya nito. Pero sa nangyayari ngayon sa kanya, pakiramdam niya’y nagkamali siya ng desisyon.

Her heart was a mess and so was her mind.

“Hi, Ate Keziah! Ano’ng ginagawa mo d’yan?” bungad sa kanya ni Dette. Naka-uniporme pa ito.

“Uhh, hinihintay ko lang kayo ng kuya mo. Gusto ko lang magpasalamat sa breakfast at dinner na sine-share n’yo sa’kin,” aniya rito.

“Ah, wala ‘yon. Bilin kasi sa’kin ni Kuya Drew na palagi kang lutuan ng breakfast at dinner kundi, wala akong shopping allowance,” sabi naman nito. Ibig sabihin ay ito ang gumagawa ng mga kinakain niya nitong nakalipas na tatlong araw? Nasaan si Drew?

“Nasaan ba ang kuya mo?” tanong niya rito.

“Nasa Singapore. May one week seminar siya do’n. Pero ‘wag kang mag-alala, iniipon ko ‘yong post-it notes na nilalagay mo sa pinto namin. Ipapakita ko ‘yon sa kanya.

Nami-miss mo na si kuya ‘no?” nanunudyong tanong nito sa kanya.

Pakiramdam niya’y pinamulahan siya ng mukha sa harap nito ngayon dahil ang napakainit ng buong mukha niya.

“Don’t worry, ate. Hindi ko sasabihin sa kanya kasi baka lumaki ang ulo niya. Pero sa totoo lang, seryoso siya sa pagkagusto niya sa’yo. Ngayon lang siya nag-effort ng ganito sa isang babae. Usually kasi, ang mga babae ang gumagawa ng ganito sa kanya lalo na ‘yong mga dating tenant dito,” kwento pa ni Dette.

“Right,” tanging sabi niya rito.

“Alam ko biased ako, but can you give him a chance? I really like you for my brother and I assure you, he really likes you,” sabi pa ni Dette sa kanya.

“I...I’ll think about it.”

Would you?

“ANO NAMANG iniisip mo d’yan? Mukhang malalim ah,” untag kay Drew ng katrabaho niyang si Koreene—at siyang anak rin ng may-ari ng Philly Foods Corporation na pinagtatrabahuhan niya. Nahuli siya nitong nakatulala dahil iniisip niya si Keziah at kung ano ang maaari niyang ipasalubong dito.

“My special girl,” nakangiting sagot niya rito. Naitaas nito ang isang kilay sa kanya. Napailing na lang siya rito. Hindi lingid sa kaalaman niya ang pagkagusto nito sa kanya. Pero hindi niya ito pinapatulan bilang respeto sa boss niya.

“Pwede ko bang malaman kung ano ang pangalan ng special girl na ito?” pang-iintriga pa nito sa kanya.

“’Keziah’,” aniya rito.

“K-Keziah?” tila natigilang tanong nito sa kanya.

“Yes. May kilala ka bang kapangalan niya?” tanong niya rito na agad namang ikinailing nito. “Okay. Pwede mo ba akong tulungang bumili ng maaari kong ipasalubong sa kanya mamaya?” pagkuwa’y tanong niya rito.

“Sure!”

KUMAKAIN NG HAPUNAN SINA Keziah at Dette nang makarinig sila ng katok sa pinto ng unit niya. Mula nang malaman niyang ibinilin ni Drew dito na lutuan siya nito ng mga pagkain ay siya na ang gumawa niyon para dito. Minsan ay sa unit ng mga ito siya kumakain at minsan nama’y sa unit niya. Sa mga nakalipas na araw ay naging malapit na sila sa isa’t isa ni Dette at may ilang bagay siyang nalaman tungkol kay Drew lalo na ang bar at banda nito at ng mga kaibigan nito.

Nalaman na rin niya kung ano ang title ng kantang kinanta noon ni Drew. Kaya agad niyang d-in-ownload noon ang kanta at iyon na ang palaging pinapatugtog niya ngayon. Naalala pa niya ang naging pag-uusap nila noon.

“Dette, alam mo ba ang kantang ‘to? I wanna wrap you up, wanna kiss your lips, I wanna make you feel wanted. Hmmm...hmmm...hmmm...” aniya kay Dette. Kasalukuyan siyang nagluluto ng kanilang hapunan samantalang nag-aaral naman ito sa may sala ng unit niya.

“Ah, ‘Wanted’ ni Hunter Hayes. Bakit? Saan mo narinig ‘yon, ate?” tanong naman nito sa kanya.

“Uhh, narinig ko lang sa mall. Na-LSS ako eh,” katwiran niya rito.

Iniwan niyang nakasalampak ng upo si Dette sa carpeted na sahig sa may sala niya saka niya tinungo ang pintuan. Pagbukas niya ay nagulat siya ng makitang nakatayo roon si Drew. Bigla tuloy siyang na-conscious sa hitsura niya pagkakita niya rito. Naka-pajamas siya, malaki ang suot niyang t-shirt at simpleng nakapusod lang ang gulo-gulo niyang buhok kompara sa suot nitong black button-down polo at slacks. Hindi naman sinabi sa kanya ni Dette na ngayon pala ang dating ng kuya nito.

Bakit nahihiya ka ngayong humarap sa kanya gayong dati naman ay wala kang pakialam kung ano ang hitsura mo tuwing kaharap siya? kastigo sa kanya ng isang bahagi ng isipan niya.

Oo nga naman. Bakit nga ba? nagtatakang tanong din niya sa sarili.

“Hi. Nand’yan ba si Dette?” pormal na tanong sa kanya ni Drew na ikinakunot-noo niya.

“I’m here,” sigaw naman ni Dette mula sa sala.

“Come in,” yaya niya rito. Niluwangan niya ang bukas ng pintuan niya pero nanatili lang ito mula sa kinatatayuan nito.

“No, thanks. Tiningnan ko lang kung nand’yan si Dette,” anito saka ito tumalikod at nagsimulang maglakad patungo sa unit ng mga ito.

“Drew!” tawag niya rito. Nagulat rin siya sa ginawa niya. Nang lumingon ito sa kanya’y hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin niya rito. “Ahm, thank you nga pala do’n sa breakfast last week,” pagkuwa’y sabi niya rito.

“No big. Peace offering ko ‘yon sa’yo. I’m sorry for whatever trouble I’ve caused you. ‘Wag kang mag-alala, lulubayan na kita mula ngayon,” paliwanag nito sa kanya saka muli itong tumalikod at naglakad patungo sa unit ng mga ito.

Napamata siya rito. Totoo ba ang sinabi nito? Lulubayan na siya nito? That means, no more half-naked Drew, no more teasing and no more song? Every cell in her body screamed ‘no’. At natagpuan niya ang kanyang sariling humahakbang palapit dito. Ngunit napatigil siya ng tumunog ang cell phone nito at tumigil ito sa may pintuan ng unit ng mga ito.

“Hi, Koreene. Yeah, I’m home,” narinig niyang sagot nito sa cell phone nito. Pero nagpanting ang magkabilang tainga niya ng marinig ang pangalan ng kausap nito. Naalala niya ang half-sister niyang si Koreene dahil doon.

“I won’t forget. See you tomorrow,” sabi pa ni Drew sa kausap saka nito tinapos ang tawag. Pagkuwa’y pumihit ito paharap sa kanya. Napansin siguro nito ang presensiya niya sa likuran nito. “May sasabihin ka ba, Keziah?” tanong nito sa kanya. Nagulat siya sa itinawag nito sa kanya. Tila bago sa pandinig niya ang pangalan niya. Iyon kasi ang unang beses na narinig niyang tawagin siya nito sa tunay niyang pangalan.

What happened to ‘Peach’?

“Nothing,” umiiling na sabi niya rito saka siya bumalik sa loob ng unit niya. Nadatnan niya roon si Dette na tapos nang kumain. Umupo siya sa tabi nito at nangalumbaba sa center table niya.

“Ano’ng nangyari sa’yo, ate? May ginawa na naman ba sa’yong masama si kuya?” tanong ni Dette sa kanya.

“Wala. I don’t get it. Last week, hyper na hyper siya sa pagpapapansin sa’kin. ‘Tapos ngayon, parang wala na lang ako para sa kanya. Sabihin mo nga sa’kin, pinagti-trip-an lang talaga niya ako last week, ‘no?” tanong niya kay Dette.

“Hindi ah. I assure you, Ate Keziah. Seryoso sa’yo si kuya. ‘Di ba nga, binilinan pa niya akong lutuan ka ng pagkain habang wala siya dito? Ikaw rin ang unang babaeng niyaya niyang makipag-date at ikaw rin ang unang babaeng tumanggi sa kanya. He really likes you,” sagot naman ni Dette.

Napaisip siya sa sinabi nito. Her heart fluttered when Dette told her those things. Pero napu-frustrate siya sa ikinilos ni Drew kanina na para bang wala na lang siya para dito. She hated how he talked to her formally. She hated hearing him talk to another girl. She hated thinking he’ll see that girl tomorrow when she’s going to be stuck in her unit and she won’t be able to see him. Gumaganti ba si Drew sa kanya?

Iyon naman ang gusto mo, ‘di ba? Ang ‘wag ka niyang kausapin, ‘wag ka niyang lapitan, ‘wag ka niyang nginitian at ‘wag siyang maghubad sa harapan mo? Ano’ng inaarte mo ngayon? anang isang bahagi ng isipan niya.

“Baka nakahanap na siya ng mas interesanteng babae sa Singapore. Baka ‘yong kausap niyang babae sa phone,” aniya rito.

“Kung sinuman ang babaeng ‘yon, imposibleng gusto siya ni kuya kasi sigurado akong ikaw ang gusto niya. Teka, nagseselos ka ba?” kastigo ni Dette sa kanya.

“Hindi gano’n ang nararamdaman ko. At hindi ako nagseselos. Naiinis lang ako sa inaarte ng kapatid mo,” pag-amin niya rito.

“Dahil na-miss mo rin ang panunukso niya, ‘no? Gusto mo rin si kuya pero pinipigilan mo lang ang sarili mo,” nanunuksong sabi ni Dette.

“Hindi lang siguro ako sanay na pormal at mukhang matino ang kuya mo,” sabi lang niya kay Dette na ikinatawa nito.

Pero sa totoo lang, na-miss niya ang pagtawag nito sa kanya ng ‘Peach’—kahit na ano pa ang rason nito sa pagtawag nito sa kanya niyon. Na-miss niya ang mga panunukso nito, ang pagngiti nito at well, ang makita na rin ang hubad nitong katawan. Na-miss din niya ang over-inflated ego nito at ang pakikipagbangayan niya rito.

Hindi lang pala siya basta na-LSS sa kinanta nito sa kanya. Kung may LSS din ang pagka-miss, LSS na LSS na siya dito. Iyong tipong nakakaadik na LSS.

NAGHA-HUM NA NAMAN NG “Wanted” si Keziah ng marinig niyang may sumasabay sa kanya mula sa kabilang unit kaya tumigil siya. Maaga siyang nagising ng araw na iyon dahil laundry day niya kaya alas-sais pa lang ay nakapwesto na siya sa laundry area niya.

Tumayo siya mula sa maliit na bangkong kinauupuan niya at hinawi ang kurtina doon para makita niya si Drew—alam niyang ito ang nagha-hum sa kabila dahil ito lang naman ang kasama ni Dette doon. Paghawi niya ng kurtina ay nakita niya itong nag-iinat. Wala itong suot na pang-itaas. Pagkakita nito sa kanya’y agad itong kumuha ng tuwalya at itinabon iyon sa katawan nito.

Naitaas niya ang isang kilay niya dahil sa inakto nito. “Ngayon ka pa talaga nahiya, ha?” aniya rito.

“I respect what you want, Keziah. Nakatatak sa isipan ko ang mga sinabi mo noon,” pormal na sabi nito sa kanya. Nag-bow pa ito sa kanya bago pumasok sa loob ng unit ng mga ito. Napamata na lang siya rito.

Tama naman siya, Keziah. Ito naman talaga ang gusto mo, ‘di ba? Ang lubayan ka niya, anang isang bahagi ng isipan niya.

Oo na, oo na! Paulit-ulit na lang, naiinis na sabi niya sa sarili. Seriously, kailangan ko nang alisin sa isipan ko si Drew. Iyon ang tamang gawin, dugtong pa niya.

Eh, paano ang pagka-miss mo sa kanya? tanong pa ng isang bahagi ng isipan niya na may halong panunukso.

Lilipas din ‘yon, kumpiyansang sabi naman niya sa sarili.

Bumalik na siya sa paglalaba at doon ibinuhos ang buong atensyon. Pinigilan din niya ang kanyang sarili na i-hum ang “Wanted” at kumanta na lang siya ng ibang kanta. Pagkatapos niyang maglaba ay lumabas siya ng kanyang unit para umakyat sa rooftop. Doon niya isasampay ang kanyang mga nilabhan para madali iyong matuyo.

Ngunit pag-akyat niya sa rooftop na walang bubong ay naibalya niya pabukas ang pinto dahil sa gulat. Nakita niya kasing nagpu-push ups doon si Drew. At katulad kanina, wala na naman itong pang-itaas. Nang makita siya nito’y tumingin ito sa mga damit na nakasampay doon na tila naghahanap ng maaaring itabon sa katawan nito. Naiinis na talaga siya sa ikinikilos nito.

“Don’t bother covering yourself up. As if, ito naman ang unang beses na nakita kitang nakahubad,” malamig na sabi niya rito. Hindi niya alam kung guni-guni lang niya iyon pero nakita niyang may sumibol na ngiti sa mga labi nito. Iyon nga lang, nang tumayo ito at humarap sa kanya ng maayos ay nawala na iyon.

“So, you already grew accustomed to my body? Okay na sa’yong makita akong nakahubad palagi?” pagkuwa’y tanong nito sa kanya.

“It’s in your nature anyway,” sabi lang niya rito. Itinuloy niya ang dapat niyang gawin doon habang itinuloy naman ni Drew ang pagpu-push up nito. Panaka-naka’y napapasulyap siya rito.

Nakita niya kung gaano kalapat at kagwapo ang likod nito. Nakita niya ang paggalaw ng mga muscles nito sa katawan. Nakita rin niya kung paano ito pagpawisan. She felt that sudden urge to wipe those tiny sweats off—with her tongue, preferably.

Jeez, Keziah! Napo-pollute na ang utak mo.

At pagharap niya sa isang direksyon ay nakita niya ang dalawang babae sa kabilang building na nakadungaw sa bintana ng unit ng mga ito na tila enjoy na enjoy pa sa panonood sa pagpu-push up ni Drew. Tumalim ang tingin niya sa mga ito at hindi niya maintindihan kung bakit nadagdagan pa ang inis na nararamdaman niya ngayon.

“Tuwing umaga mo ba ‘tong ginagawa?” tanong niya kay Drew ng makalapit siya rito. Tumigil ito sa ginagawa saka tumayo para makaharap ng maayos sa kanya.

“Yes.”

Shit! At ngayon ko lang nalaman? pilyang saad nng isang bahagi ng isipan niya.

“At nag-e-enjoy ka sa nakukuha mong atensyon sa mga nanonood sa’yo ‘no?” tanong niya rito.

Napakunot-noo ito dahil sa mga sinabi niya. Inginuso niya rito ang direksyon kung nasaan ang dalawang babaeng nanonood dito na agad namang nawala sa bintana ng makita ng mga itong nakatingin si Drew.

“They’re just admiring me, I guess,” ani Drew.

“Right. Alam mo, opinyon ko lang ito ha. Pero alam naman na siguro ng lahat na maganda ang katawan mo. Hindi mo na kailangang ipangalandakan ‘yon—“

“Nag-e-exercise lang ako, Keziah. Masama na bang mag-exercise ngayon? Ayaw mo rin bang gawin ko ‘yon?” putol nito sa iba pang sasabihin niya.

Napalabi siya rito. Bakit nga ba niya nasabi ang mga iyon? Ano naman kung may mga nanonood dito tuwing nag-e-exercise ito? Ano’ng pakialam niya sa ginagawa nito?

Kapitbahay lang naman siya nito. Bakit ba lumapit pa siya rito at bakit ba niya ito kinausap pa?

“Kalimutan mo na ang lahat ng sinabi ko,” aniya rito. Tinalikuran niya ito ngunit hinawakan siya nito sa kanyang braso.

“Bakit ba ayaw mo sa lahat ng ginagawa ko? ‘Di ba sabi mo dati, layuan kita. ‘Tapos ngayon, umaarte ka na parang gusto mo namang maging malapit sa’kin,” anito sa kanya. Hindi niya ito sinagot dahil hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isagot dito. “Did you miss me?”

“Whoa! Hindi rin naman makapal ang—“

“I’ve missed you too, Peach,” sabi nito sa tapat ng tainga niya.

Pakiramdam niya’y lumukso ang puso niya ng marinig niya ang sinabi nito. Nagkaroon na naman ng riot sa loob niya. Her skin felt alive when she felt him that close to her. Their bodies almost touching and heat radiated both from them. But what matters most is what he just said. He missed her same as she missed him. At tinawag na ulit siya nitong “Peach”!

Nang maramdaman niya ang pag-akbay nito sa kanya’y hindi na siya nag-protesta pa. Nang hapitin siya nito palapit dito at nauwi sa yakap ang akbay nito’y hindi pa rin siya nag-protesta. Bakit pa gayong gusto niya rin naman ang ginagawa nito? She felt lightheaded right now. Having him this close to her felt like she was on a cloud nine.

“Hay, sabi ko na nga ba gusto mo rin ako eh. Effective naman pala ‘yong ginawa ko. Kahit mahirap para sa’kin. Worth it naman,” sabi nito na ikinataas ng isang kilay niya.

Kumalas siya sa pagkakayakap dito. “Sinadya mong magpa-miss sa’kin?” sita niya rito.

“See? You really missed me,” nakangising sabi nito sa kanya. Umigkas ang isang kamay niya para suntukin ito ngunit bago pa man iyon tumama sa mukha nito’y nasambot na ni Drew ang kamay niya. “Kagagaling lang no’ng dalawang pasa ko o. Next time na lang ulit,” pa-cute na sabi nito sa kanya.

Naiinis na binawi niya ang kanyang kamay rito. Kinuha niya ang laundry basket niya at padabog na bumaba siya sa rooftop. Nakasunod naman agad sa kanya si Drew.

“’Wag ka ng lalapit—“

“Here we go again. Ready ka na bang ma-miss ulit ako?” nanunuksong tanong nito sa kanya.

“’Wag kang mag-assume,” inis na sabi niya rito saka mabilis siyang pumasok sa unit niya at pinagbagsakan niya ito ng pintuan. Tawa lang ang narinig niyang sagot nito sa labas.

Talaga lang naman o. ‘Asar siya!

Well, you did miss him, sabi naman ng isang bahagi ng isipan niya na ikinainis pa niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.